You are on page 1of 8

ARALIN 5: PAGSULAT NG BIONOTE

Kasanayang Pampagkatuto
Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong :
 Makasunod sa estilo at teknikal na pangangailagan ng pagsulat ng bionote;
 Mabigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa pagsulat ng
bionote;
 Maisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng bionote nang organisado,
malikhain at kapani-paniwala.
 Maisaaalang-alang ang etika sa pagsulat ng bionote

ANO ANG BIONOTE?


 Impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano na ang
mga nagawa mo bilang isang propesyunal.
 Inilalahad din dito ang iba pang mga impormasyon tungkol sa iyo na may kaugnayan sa
paksang tinatalakay sa papel, trabahong ibig pasukan, o nilalaman ng iyong blog o
website.
 Ayon kay Duenas at Sanz (2012), ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na
naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa
mga journal, aklat, magasin, antolohiya, mga sulating papel, web sites, at iba pa.
TANDAAN:
 Iba ang bionote sa talambuhay o autobiography. Ang bionote ay maikli at siksik
samantalang mas detalyado at mas mahaba ang talambuhay
 Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae.
Hinihingi sa biodata ang personal na impormasyon tulad ng pangalan, kasarian, edad,
petsa at lugar ng kapanganakan, tangkad, timbang at iba pa.
Makikita naman sa CV- curriculum vitae ang mga detalye tungkol sa natamong
edukasyon, mga kasanayang may kaugnayan sa inaaplayang posisyon o trabaho, mga nilahukang
seminar o kumperensiya at iba pa.
Maaring may pagkapareho ang CV at Resume, ngunit sa resume mas nakasaad ang pakay
o objective sa pag-apply at kadalasang naibabahagi ang mga napasukan na nagdaang trabaho
bilang patunay na marami kang nagging experience sa trabaho. Sa CV naman mas nakatuon ang
impormasyon sa natamong edukasyon ng isang tao.
HALIMBAWA NG BIODATA:
HALIMBAWA NG RESUME:
HALIMBAWA NG CURICULUM VITAE:

BAKIT NAGSUSULAT NG BIONOTE?


 Upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi maging ang ating
kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Ito ay ang paraan upang ipakilala ang sarili sa
mga mambabasa. Halimbawa, hindi tatangkilikin ng mga paaralan ang isang batayang
aklat sa accountancy kung makikita sa author’s profile na wala naman talagang
background ang awtor sa larangang ito.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE
 Maikli ang nilalaman- Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote, lalo na kung
hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon. Ibig sabihin, mas
maikli ang bionote mas babasahin ito. Sikaping pa bionote, isulat lamang ang mahalang
impormasyon at iwasan ang pagyayabang.
 Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw- Tandaan na lagging gumagamit ng
pangatlong panauhan sa pagsulat ng bionote kahit pa ito’y tungkol sa sarili. Halimbawa: “ Si
Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP- Diliman. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Macroeconomics Theory sa parehong pamantasan.”
 Kinikilala ang mambabasa- Kung ang target na mambabasa ay mga administrator ng
paaralan, kailangan hulmahin ang bionote sa kung ano ang hinahanap nila. Halimbawa, ano
ang klasipikasyon at kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.
 Gumagamit ng baliktad na tatsulok- Unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Bakit?
Ito ay dahil ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya
naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalang impormasyon.
 Nakatuon lamang sa angkop na kasanayan o katangian- Iwasan ito: “ Si Mailan ay
guro/manunulat/negosyante/ environmentalist.” Mamili lamang ng mga kasanayan o
katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote. Kung ibig pumasok bilang guro sa
panitikan, hindi na kailangang banggitin ang pagiging negosyante o environmentalist sa
bionote na isusulat.
 Binabanggit ang degree kung kailangan- Kung natapos ka ng Masteral atDoctorate,
maaring ilagay sa bionote ang iyong M.A. o PhD
 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon- Walang masama sa pagbubuhat ng
sariling bangko kung totoo ang mga impormasyon na inilatag sa bionote na ginawa. Huwag
mag-imbento ng mga impormasyon para lamang bumango ang pangalan at makaungos sa
kompetisyon. Hindi ito etikal at pupwedeng mabahiran ang iyong reputasyon dahil dito.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE:


1. Sikaping maisulat ito ng maikli. Maaring maisulat sa 200-250 salita . Maaring isang talata
lamang na mang sampu’t mahigit na pangungusap.
2. Maaring maglagay ng mga detalye ng iyong mga interes . Itala ang iyong mga tagumpay na
nakamit, gayunpan kung ito ay marami, piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.
3. Isulat sa ikatlong panauhan. Gumamit ng panghalip na “Siya at Si”.
4. Gumamit ng payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin
nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang pamamaraan.
5. Basahing muli at muling isulat ang pinal a sipi ng iyong bionote
HALIMBAWA NG BIONOTE
#1
Bionote ni Bienvenido Lumbera
Isinulat ni Rommel Rodriguez

Kilalang manunulat at iskolar ng kultura at panitikan, si Bienvenido Lumbera ay ipinanganak


noong Abril 11, 1932 sa Lipa, Batangas. Nag-aral sa Unibersidad de Santo Tomas noong 1950 at
sa Indiana University noong 1967. Naging propesor din siya sa Osaka University at University of
Hawaii sa Manoa, gayundin din sa iba’t ibang unibersidad sa bansa. Hindi matatawaran ang
kontribusyon ni Bien sa larangan ng sining at panitikan. Nakapaglimbag na siya ng mga
panandang-bato na antolohiya, nakapagsulat ng iba’t ibang dula tulad ng Tales of the Manuvu,
Nasa Puso ang Amerika at Hibik at Himagsik nina Victoria Laktaw. Pinarangalan siya bilang
Pambansang Alagad ng Sining at nagkamit na rin ng gawad mula sa Ramon Magsaysay Awards
para sa Pamamahayag.
Sa kabila ng buhay sa sining, hindi nakaligtaan ni Bien ang halaga at ugnayan ng kanyang
pagiging iskolar, guro at artista sa lipunan at bayan. Kinikilala ang kanyang ambag sa larangan
ng pagtatayo ng mga organisasyong nagtataguyod ng pambansang demokrasya. Bukod sa
pagiging Professor Emeritus sa UP Diliman, siya rin ang Chairman Emeritus ng Concerned
Artists of the Philippines at Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy.
Siya rin ang naging tagapanguna sa pagkakatatag ng Alliance of Concerned Teachers,
Philippines na nangangalaga naman sa kagalingan ng mga guro sa Pilipinas. Maraming beses na
rin nakasama si Bien sa mga pambansang kilosprotesta. Patuloy siyang nakikibahagi sa
pagsulong ng makatuwirang sahod at karapatan ng mga manggagawa. Inilapat niya sa kanyang
mga akda ang buhay at himagsik ng mga magsasaka. Naging lunan ng kanyang mga karanasan
noong batas militar ang mga obrang tula at awitin. Sa lahat ng ito, isang dakilang patunay si Bien
na ang sining ay marapat lamang magsilbi sa mga uring inaapi at pinagsasamantalahan, habang
ito rin ay mabisang paraan upang humukin ang mamamayan na makiisa tungo sa paglaya ng
bayan.

#2 HALIMBAWA NG BIONOTE NG ISANG MAG-AARAL SA SENIOR HIGH


SCHOOL

ATHENA JANSSEN M. DELA TORRE Isinilang noong ika-anim ng Nobyembre noong taong


1999 sa bayan ng Baler, probinsiya ng Aurora. Siya ay nakapagtapos ng ika-labindalawang
baitang sa sekondarya ng Aurora National Science High School. At nakapag-aral ng primaryang
edukasyon sa Paaralang Sentral ng Dipaculao na kung saan siya ay nakatanggap ng Ikalawang
Karangalan bilang isang estudyante ng ikaanim na baitang. Isa rin siya sa mga napasali ng
patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at lumahok bilang represebtatibo sa rehiyonal na lebel ng
nasabing Math Contest noong siya ay nasa ikaanim na baitang. Kasapi rin siya sa mga lumahok
ng Aurora Historical Quiz Bee noong siya’y nasa ikaapat na baitang at nakakuha ng ikatlong
karangalan sa patimpalak. Siya ay isa ring contestant ng Science Quiz Bee noong siya ay nasa
ikaapat hanggang ikaanim na baitang na kung saan nakamit ang unang karangalan ng siya ay
nasa ikaapat at ikalimang baitang, at ikatlong karangalan naman nang siya ay nasa ikaanim na
baitang na lahat ay Division Level. Kasalukuyang nag-aaral ng ika-labindalawang baitang sa
Aurora National Science High School at naghahandang kumuha ng entrance exam  sa
Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the Philippines.

Halimbawa: https://filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/2017/10/12/isang-bionote

ACTIVITY:
Panuto: Subukang sumulat ng isang BIONOTE para sa hinaharap. Isulat ito batay sa gamit
ng mga kahingian sa ibaba. Maaring magbanggit nga mga ipormasyon na hindi pa nangyari.
Ibatay ang pagsulat ng bionote sa halimbawa na ibinigay.

Pangalan:
Antas ng Edukasyon: (Pangalan ng paaralan na gusto mong doon magtapos)
Tertiarya (Propesyong gusto mong matapos sa hinaharap)
MA/ Ph.D (kung nais mong makatapos ng MA/PhD, anong kukunin mo?)
Mga nakamit na karangalan (Maaring magbahagi ng mga karangalan na gusto mong makamit
sa hinaharap.)
Mga natatanging kasanayan ( Saang kasanayan ka kaya magiging bihasa?)
Mga kinahihiligang gawain/ Mga asignaturang kinawiwilihan
*Magulang: Ina at Ama
Lugar ng kapanganakan ( Hindi na dapat banggitin ang mismong address mo)
*Iba pang mga Seminar na nadadaluhan at yunit na natamo
ISULAT DITO ANG IYONG BIONOTE:

Si Mack Jigo Diaz ay nakapagtapos siya sa kursong Batsilyer sa Agham sa Medical Technology
sa Velez College-Cebu City at grumaduate bilang Magna Cum Laude. Nakamit niya ang
ikalimang puwesto sa 2025 Medical Technologist Licensure Exam. Pinagpatuloy niya ang
programa ng doktor sa Unibersidad ng Santo Tomas- College of Medicine at nagtamo sa
prospeyon bilang Doktor ng Medisina o Doctor of Medicine. Pumasa sa kanyang unang subok sa
2029 Physician’s Licensure Examination at nakamit ang pangatlong puwesto. Nagsanay siya sa
Columbia University Medical Center In New York sa kanyang residency training program at
naging espesyalista. At ngayon ay isa na siyang ekspertong doktor ng Family
Medicine/Physician at nagtratrabaho sa Chong Hua Hospital, Madaue City, Cebu.
Sa unang taon niya sa pagiging doktor ay nakapagkamit siya ng karangalan bisang isang “Family
Physician of the Year”; at Leadership in Community Development Outreach Program, Itinatag
rin niya ang isang sikat na organisasyon na Project HOPE na nagtawid ng libreng medical
assistance sa mga mahihirap na probinsya sa Pilipinas at nagkamit ng mga karangalan sa abroad
at dito sa Pilipinas ang kanyang Project Hope o ang kanyang libreng pagamotan sa mga
mahihirap; naging Outstanding Physician In Community Service at sumali din siya sa Philippine
Board of Surgery, Inc. noong 2030 at kabakas niya ang mga kompanyang seguridad ng
kalusugan tulad ng Generali Life Assurance Philippines, Inc., Health Plans Philippines, Inc.,
Philhealthcare, Inc. at marami pang iba. Nakatanggap rin ng parangal na Best Thesis Award and
kanyang disartasyon sa Universidad ng Pilipas-Diliman. Ang natatanging kasanayan niya ang
pagsaliksik ng mga bagong gamot na hindi pa natutugonan sa mga may malubhang sakit tulad ng
HIV/Aids, at sa kanyang kasanayan ay sa wakas natamo din niya ang gamot para HIV/Aids. Sa
kasalukuyan, siya ay kasama sa mga medical mission ng World Health Organization (WHO),
para sa mga batang dumaranas ng malnutrisyon sa Aftrica and Asia. Sa katunayan ay sa edad na
dalawampu’t-anim ay nakapagikot na siya sa buong mundo dahil sa kanyang kasanayan sa
medikal at pananaliksik sa larangan ng agham at nagbigay karangalan sa bansa. Ang kanyang
mga magulang ay sina Diego Diaz Jr. at Vilma Diaz. Siya ay ipinanganak sa Sogod District
Hospital, Sogod Sothern Leyte noon January 27, 2003

You might also like