You are on page 1of 47

Panukalang

Proyekto
A. KAHULUGAN, URI, AT
KATANGIAN NG
PANUKALANG PROYEKTO
NEBIU (2002)
- Detalyadong deskripsyon ng isang
serye ng mga aktibidad na
naglalayong maresolba ang isang
tiyak na problema.
- dahilan at pangangailangan
- panahon sa pagsasagawa
- kakailanganing resorses
- maaaring nakasulat, oral na
presentasyon o kaya naman ay
kombinasyon
- internal o eksternal
- solicited o unsolicited
- maikli o mahaba
INTERNAL
- inihahain sa loob ng
oraganisasyong kinabibilangan
EKSTERNAL
- panukala para sa organisasyong di-
kinabibilangan ng proponent.
SOLICITED
- may pabatid ang organisasyon sa
kanilang pangangailangan ng isang
proposal.
UNSOLICITED
- walang pabatid at kusa o nagbaka-
sakali lamang ang proponent.
MAIKLI
- mayroon lamang dalawa hanggang
10 pahina (liham).
MAHABA
- elaborated at sumusunod sa isang
structured format
B. TAGUBILIN SA PAGSULAT
NG PANUKALANG
PROYEKTO
(American Red Cross, 2006)
1. Magplano nang maagap
- higit na mahalaga kung may sapat
na oras sa pagpaplano ng proyekto.
2. Gawin ang pagpaplano nang
pangkatan
- bigyan ng tungkulin ang bawat isa.
3. Maging realistiko sa gagawing
panukala
- isaalang-alang kung ano lang ang
kakayanin sa loob ng panahong
nakatalaga.
4. Matuto bilang isang organisasyon
- Matuto sa sariling karanasan at sa
karanasan ng iba.
5. Maging makatotohanan at tiyak
- Huwag maging masaklaw sa mga
pahayag.
6. Limitahan ang paggamit ng
teknikal na jargon
- mas makabubuti kung maisusulat sa
isang wikang pangkaraniwan at
naiintindihan ng lahat.
7. Piliin ang pormat ng panukalang
malinawat madaling basahin
- makatutulong ng malaki sa
nagbibigay ebalwasyon sa panukala
8. Alalahanin ang prayoridad ng
hihingian ng suportang pinansyal
- tiyaking tugma ang layunin sa
prayoridad ng hihingian ng tulong
pinansyal
9. Gumamit ng mga salitang kilos sa
pagsulat ng panukalang proyekto.
- mas mabuting may dating maging
ang mga salitang gagamitin.
C. MGA DAPAT GAWIN BAGO
ANG PAGSULAT NG
PANUKALANG PROYEKTO
(Nebiu, 2002)
1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang
tatanggap ng benepisyo
- magkakaroon ng mas malinaw na
pagtingin sa aktuwal nilang
pangangailangan.
2. Pagbalik-tanaw sa mga naunang
panukalang proyekto
- mabibigyang-kamalayan sa mga
nagging pagkakamali sa nauna nang
panukala.
3. Pagbalik-tanaw sa mga naulat sa
ebalwasyon ng mga proyekto
- mabibigyan ng tamang datos kung
titignang muli ang ebalwasyon ng
mga nakalipas na proyekto.
4. Pag-organisa ng mga focus group
- makatutulong kung may pagnanais
na makisangkot at mag-ambag.
5. Pagtingin sa mga datos estadistika
- maging sigurado sa mga datos na
ibibigay.
6. Pagkonsulta sa mga eksperto
- mapapataas ang kredibilidad ng
panukala.
7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba
pa
- mangalap ng preliminaryong
impormasyon at datos para ipakita
ang dedikasyon sa proyekto.
8. Pagsasagawa ng mga pulong at
porum sa komunidad
- makakakuha ng kooperasyon ng
komunidad.
D. PAGSULAT NG
PANUKALANG PROYEKTO
AT ANG MGA ELEMENTO
NITO
(Nebiu, 2002)
I. Titulo ng Proyekto
- titulo ng proyekto
- pangalan ng nagpapanukalang
organisasyon
- lugar at petsa ng preparasyon
- ahensyang pinaglalaanan ng panukala
II. Nilalaman
- idagdag kung aabot ng 10 o higit pang
pahina
- titulo ng bawat seksyon
III. Abstrak
- huling ginagawa na bahagi
- pagtalakay sa suliranin, layunin,
organisasyon na responsible sa
implementasyon, pangunahing
aktibidad, at kabuuang badyet.
IV. Konteksto
- naglalaman ito ng kaugnay na datos
mula sa mga pananaliksik na naitala
mula sa pagpaplano sa proyekto o mga
datos na nakolekta sa iba’t ibang sors.
V. Katwiran ng Proyekto
1. Pagpapahayag ng suliranin
Binibigyaang emphasis kung papaanong
ang isyu o sitwasyonn ay nagiging
suliranin .
V. Katwiran ng Proyekto
2. Prayoridad ng Pangangailangan
Pagpapaliwanag sa pangangailangan ng
mga target na makikinabang dahil sa
pagkakaroon ng suliranin.
V. Katwiran ng Proyekto
3. Interbensyon
Inilalarawan ang estratehiyang napili
kung papaano sosolusyunan ang suliranin
at kung papaano ito magdadala ng
pagbabago.
V. Katwiran ng Proyekto
4. Mag-iimplementang Organisasyon
Inilalarawan ang kapabilidad ng
nagpapanukalang organisasyon upang
tugunan ang suliranin.
VI. Layunin
- inilalahad ang masaklaw na layunin at
tiyak na layuning nais makamit
VI. Layunin
Dapat tandaan:
- isa lamang ang masaklaw a layunin
- konektado ito sa bisyon ng
pagpapaunlad at pagpapabuti
VII. Target na Benepisyaryo
- Ipapakita dito kung sino ang
makikinabang sa proyekto at paano sila
makikinabang dito.
VIII. Implementasyon ng Proyekto
- Ipapakita dito ang iskedyul at alokasyon
ng resorses.
SITWASYON
Napansin ng kapitan ng Barangay
Masipag na dumarami ang bilang ng mga
walang trabaho sa kanilang barangay.
Dahil dito, nagpatawag siya ng dagliang
pulong at napagkasunduan ng barangay
na magsagawa ng mga livelihood
training program para matugunan
SITWASYON
ang suliraning ito. Dahil sa sitwasyong
ito, mangangailangan ang barangay ng
mga organisasyon o institusyon na
magbibigay ng naturang mga programa.

You might also like