Ang ating panauhing tagapagsalita para sa ating Graduation 2019 ay kilala sa kaniyang sipag at husay sa
kaniyang mga gawain na makikita sa kaniyang mga natamo mula sa buhay estudyante hanggang sa buhay
propesyunal. Pinanganak siya noong ika-23 ng Marso taong 1979 sa Daet Camarines Norte. Siya ay
nagtapos bilang Valedictorian noon 1992 sa Jose Rizal Elementary School. Noong 1996 nagtapos siya ng
edukasyong pangsekundarya sa Ateneo de Naga High School bilang Honorable Mention. Sa kolehiyo,
nagtapos siya bilang Magna Cum Laude sa kursong _____ sa Ateneo de Naga University noong 1999. Bilang
estudyante, nanalo siya ilang pambihirang patimpalak gaya ng Guhit Bulilit National Finalist noong 1992
at National Quiz Bee Finalist noong 1992. Bilang propesyunal, nagtatrabaho siya bilang guro sa Ateneo de
Naga High School. Dito, nagsilbi siya bilang Chairperson ng English Department sa taong 2005 hanggang
2007 at taong 2013 hanggang 2016. Sa kaniyang buhay propesyunal, nakakuha din siya ng ilang patimpalak
gaya ng Faculty Awardee sa taong 2001, 2005, 2006, at 2010. Bukod pa dito, siya rin ay naging National
Trainer ng Fund Assistance to Public Education. Sa kasalukuyan, nagsisilbi siya bilang Director ng Office of
Admission and Aid ng Ateneo de Naga High School. Siya ay naniniwala sa kasabihang: Age Quod Agis o
gawing mabuti ang ginagawa mo ngayon. Ilan sa kaniyang mga gawain at paninindigan ay ang pagiging
organisado, matulungin, masayahin at maagap sa gawain. Bigyan natin ng masigabong palakpakan si
Ginoong Meljohn Reyes Tatel.