You are on page 1of 1

“𝘓𝘢𝘬𝘣𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘯𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺”

𝘒𝘰𝘣𝘦 𝘎𝘦𝘭𝘰𝘳𝘥 𝘉𝘢𝘭𝘰𝘳𝘪𝘢


𝘉𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯𝘨𝘢𝘰 𝘚𝘶𝘯𝘳𝘪𝘴𝘦 𝘳𝘦𝘴𝘰𝘳𝘵
Ang paglalakbay ay isa sa pinakamasayang gawin lalo na kung kasama natin ang ating mga pamilya at
mga kaibigan. Sa aking paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan at kaklase ay isa sa pinakamasayang
nangyari sa akin noong Agosto 3, 2019. Hindi man gaanong kalayuan ang pinuntahan namin pero ito ay
nagdulot pa rin ng kasiyahan sa bawat isa sa amin.
Noong Agosto 1, 2019 ay kaarawan ko at nong sumunod na araw ay kaarawan ng kaklase ko sa Grade 11,
at dahit debut niya iyon napag isipan at napag desisyonan ng kanyang mga magulang ng magdiwang ng
kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga kaibigan at kaklase sa isang resort sa Baliangao.
Napakaganda ng Beach resort sa Baliangao na tinatawag nilang Sunrise dahil masasaksihan mo talaga ang
pagsikat ng araw sa tabing-dagat. At doon sa dalampasigan, doon kami nagdiwang at nagsalo salo ng
pagkain. Pagkatapos ay naligo kaming lahat sa dagat ng sabay sabay habang may taga kuha ng litrato ang
isa sa amin. Sa aming pagliligo sa dalampasigan ay dito kami nagkulitan, asaran at puro tawanan na puno
ng kasiyahan noon. Sinulit naming ang mga oras na magkakasama kaming buong magkakaibigan bago
kami umuwi.
Sana balang araw ay maulit ang mga ganoong pangyayari, hindi lamang mga kaibigan pati narin ang ating
mga pamilya upang kahit minsan man lang ay magkaroon ng bonding sa isang lugar upang madama natin
ang kasiyahan na meron sa isang relasyon ng pagkakaibigan o pamilya

You might also like