You are on page 1of 1

Ang aking Talambuhay

Ako si [pangalan] ipinanganak noong Pebrero 1967 sa lungsod ng Quezon City. Ang aking mga magulang ay sina [magulang]
Mayroon akong tatlong kapatid, si Ate, ang panganay, Ate, ang pangalawa at ang bunso naming si.

Noong ako’y nasa murang edad pa lamang, kinahiligan ko ng gumawa ng kakaibang bagay. Mahilig akong manahi na sa tingin ko ay
namana ko sa aking lola na si Lola S, mag drawing at mag- alaga ng mga hayop. Mayroon kaming 4 na iba’t-ibang uri ng hayop, Ito ay ang
mga Ibon, cute na cute na asong si at si Shy ang aming Rabbit at syempre ang aking pinakamamahal na alaga si Miming ang aking pusa.

Mahilig rin akong makinig ng K-pop song at aking iniidolo ay ang Korean girl group na “Twice”. Sumasayaw din ako ng mga kanta
nila at nagbibihis ng damit na tulad ng kanila. Ako ay nakasali na rin sa patimpalak at natanghal bilang 2 nd Runner sa San Lorenzo Ruiz
Parish.

Ako ay isang “Papa’s Girl”, mahilig akong makipagbiruan sa aking papa at halos magka-pareho kami ng mga gusto, at ito ay
kumanta, kumain, at manood ng telebisyon. Noong bakasyon 2018 ay labis ang aking naging kalungkutan dahil ang aking ama ay pumanaw na,
pero masaya na din dahil alam kong nasa mabuting kalagayan na siya at lagi niya kaming binabantayan.

Pangarap kong mahing isang Veterinarian upang makapagbigay serbisyo sa mga hayop na nangngailangan ng aking tulong. Kaya’t
gagawin ko ang lahat upang makamit ito at para makabawi ako sa mama ko na labis ang sakripisyong ibinibigay mabigyan lang kami ng
magandang buhay.

Sa buhay ko ngayon, marami pa akong dapat pang matutunan. Ito ang magbibigay sa akin upang makamit ko ang aking mga pangarap
para ako'y maging matagumpay, hindi lang sa aking sarili, kundi rin sa aking kapwa.

You might also like