You are on page 1of 2

ANG NIYOG

Mayroong isang magandang alamat


Na kung saan, niyog ay nagbuhat -
Ito raw ay bunga, kalinga sa anak
Ng isang inang sa hukay ay nalagak.

Ito raw ina ay nag-aalala


Sapagka't anak, paano kung wala siya
Kung kaya't ang isang mabait na ada
Ginawang punong niyog ang mabait na ina.

Nang ang punong niyog ay magbunga


Anak ay dagling pumitas ng isa
Pagdaka'y biniyak at doo'y nakita
Ilong at mata ng mahal niyang ina.

Ang laman ng niyog agad na kinain


At saka sinundan sabaw na inumin
Kaagad naparam kanyang pagod mandin
Tila nga ang ina ay kapiling pa rin.

At ang punong niyog, noo'y nakilala


Sa dulot nitong pagkaing kay ganda
Nguni't di alam, mabait na ada
Punong yaong pala dulot ay ligaya.

Ang kanyang dahon pala'y walis na panlinis


At saka ang buno't, pangkintab na panlinis
Huwag nang banggiting laman nito'y langis
Na kailangan din natin sa lahat ng saglit.

Nauso rin, paglalagay ng barya


Sa bao nitong kay gandang alkansiya
Na pag napuno at naging mabigat na
Pambili ng gamit at anumang makita.

Lilim nitong dulot kay sarap damhin


Lalo't magpapahinga sa gitna ng hardin
Gayon din naman gandang hatid sa atin
Ng pagkakaroon ng lamig sa paningin.

Kung ang lahat ay pawang ubos na


At ang punong niyog, ngayo'y matanda na
Huwag itapon maging ang balat niya
Pagka't ito'y gatong na maganda.

Anupa't itong niyog, kaban nga ng yaman


Huwag matahin, kaliit-liitang katawan
Ito'y ating mahali't pakaalagaan
At nang umunlad itong ating bayan.
BAYBAYIN

Ito ang lahat ng titik sa "alpabetong" baybayin. Maaaring may iba't ibang anyo ang bawat titik ayon sa
pagsulat ng bawat tao. Ang halimbawang ito ay aking sariling pagsasama ng iba't ibang lumang
istilo. Ang mga titik ay nakahanay ayon sa dating abakada.

Matrilinear- pamamahala ng kababaihan


Ozi- isa sa mga lupaing pinamumunuan ni Liongo.
Patrilinear- pamamahala ng kalalakihan
Faza- isang kampo na nasa tuktok ng baybayin sa Isla Pate
Gala- mga Wagala- ang kampo na kalaban ni Liongo ayon sa mitong Liongo

You might also like