You are on page 1of 1

Ang wika ay isang napakahalagang elemento at sangkap ng isang matatag na bansa.

Ang Buwan
ng Agosto ay ang Buwan ng Wika, ang napiling tema ngayong taon ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang
Bansang Filipino na ang ibig sabihin ay ang sarili nating wika ay mainam na gamitin sa
pakikipagtalastasan at pagsasaliksik. Ang buong bansa ay nagdiriwang ng Buwan ng Wika upang
iparating sa mga Pilipino ang kahalagahan ng ating sariling wika at naglalayon na ilaan ito bilang lunsaran
ng mga pagpupunyagi para sa katutubong wika. Ito rin ay nagsisilbing daan upang mas pahalagahan ang
wikang katutubo katumbas ng pagpapahalaga sa mga kapwa Pilipinong nagmula sa ibang tradisyon, mas
mapangalagaan para hindi ito maglaho ng tuluyan at mas mahalin pa ang ating wika na siyang
nagsisilbing instrumento para sa pambansang pagkakaunawaan at tulay sa magandang ugnayan, iba’t-
iba man ang lahi, mahirap man o mayaman at saan man dako sa ating bansa.

Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa sa kayamanang ating
natanggap mula sa ating mga ninuno. Ito ang siyang nagsisilbing pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino.
Ito rin ay kailangang linangin at pakahalagahan upang may magamit ang mga susunod pang henerasyon.
Hindi lamang pambansang pagkakaunawaan ang hatid ng wika kundi pagkakabuklod-buklod ng bawat
isa sa hangaring makamtan ang mapayapa at progresibong pamayanan.

You might also like