You are on page 1of 26

SINTAKS

Gawin Natin!
Ilabas ang dalang prutas.
Salatin ang balat nito sa labas.
Damhin ang kinis o gaspang, ang
mga uka o bukol, ang mga kurba,
at iba pa.
Balatan ang prutas. Damhin
naman ang tekstura ng balat nito
sa loob, gaya ng pagkamamasa-
masa o lagkit nito.
Samyuin ang amoy ng prutas.
Gawin Natin!
Ngayon, obserbahang mabuti ang
laman (flesh) ng prutas. Matigas
ba ito, malambot, buo, hiwa-
hiwalay?
Kagatin ang prutas. Pakalasapin
ito.
Obserbahan ang pagkakaayos ng
mga buto ng prutas.
Pagmasdan ang iba pang
katangian ng dalang prutas.
Gawin Natin!
Ihambing ang mga katangian ng
iyong prutas sa buhay ng tao.
Ano ang kinakatawan ng kinis o
gaspang?
Sa anong karanasan
nahahalintulad ang lasa o amoy?
Paano mo nakikita ang mga buto
sa iyong pamilya o kaibigan?

Gawin Natin!
Sa 1/4 na papel, gumawa ng tanaga
ukol sa dalang prutas. Ang tanaga
ay isang tulang may apat na linya at
pitong pantig sa bawat isa, gaya ng
sumusunod:

Palay siyang matino
Nang humangiy yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
Sintaks
Ang set ng mga tuntunin na
pumapatnubay kung paano
maaaring pagsama-samahin o
pag-ugnay-ugnayin ang mga
morpema / salita upang makabuo
ng mga parirala o pangungusap.
Sintaks
Mga Salitang
Pangnilalaman
(Content Words)
Mga Salitang
Pangkayarian
(Function Words)
pangngalan pangatnig
panghalip pang-angkop
pang-uri pang-ukol
pang-abay pantukoy
pangawing na ay
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Ayos:

1. Payak (Simple) kung binubuo
lamang ng isang sugnay na
nakapag-iisa.

Hal., Matayog ang lipad ng
eroplano.

Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Ayos:

2. Tambalan (Compound) kung
binubuo ng dalawang sugnay na
nakapag-iisa (at, ngunit, subalit,
datapwat)

Hal., Matayog ang lipad ng eroplano
at siya ay kasabay nitong lumilipad.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Ayos:

3. Hugnayan (Complex) kung
binubuo ng isang sugnay na nakapag-
iisa at isang hindi nakapag-iisa
(sapagkat, dahil, upang, nang, para).

Hal., Matayog ang lipad ng eroplano
upang hindi ito maabala ng mga ulap.

Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Ayos:

4. Langkapan (Compound Complex)
kung binubuo ng dalawang sugnay na
nakapag-iisa at isang hindi nakapag-iisa.

Hal., Matayog ang lipad ng eroplano at
siya ay kasabay nitong lumilipad ngunit
naiwan niya sa Pilipinas ang kanyang
kasintahan dahil abala naman ito sa
kanyang restawran.
Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:

1. Paturol (Declarative) kung
nagpapahayag ng payak na
impormasyon.

Hal., Dumarami na ang sangay ng
kanyang restawran.

Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:

2. Patanong (Interrogative) kung
nag-uusisa at humahanap ng
impormasyon.

Hal., Ilan na ba ang mga sangay ng
iyong restawran?

Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:

3. Pautos (Imperative) kung
nagbibigay ng kilos na dapat gawin ng
kausap.

Hal., Pakilinis na ang mga mesa para
sa susunod nating mga kustomer.

Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa
Nilalaman:

4. Padamdam (Exclamation) kung
nagbubulalas ng matinding
damdamin.

Hal., Yahoo! Ang ating restawran ang
ginawaran ng Consumers Choice
Award!

Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

1. Pangungusap na Eksistensyal
nagpapahayag ng pagkakaroon o
kawalan.

Hal., May pag-ibig ka pa ba para sa
akin?
Wala. (E, hindi naman kita
kilala.)

Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

2. Pangungusap na Pahanga
nagpapahayag ng damdamin ng
paghanga.

Hal., O, kayganda!
Ang galing!

Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

3. Maiikling sambitla isa o
dalawang pantig na katagang may
matinding damdamin.

Hal., Aray!
Syet!


Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

4. Pangungusap na Pamanahon
nagsasaad ng oras o panahon.

Hal., Sa makalawa pa.
Tag-ulan na naman.


Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

5. Pormulasyong Panlipunan
pagbati at iba pang kalugod-lugod na
salitang sinasabi upang
makapagtaguyod ng mabuting
ugnayan.

Hal., Magandang umaga! Opo.
Maligayang kaarawan!


Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

6. Modal nagpapahayag ng
kagustuhan.

Hal., Gusto kong kumain.


Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

7. Penomenal nagsasaad ng mga
pangyayari sa kalikasan.

Hal., Nagbaha sa UST.


Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

8. Pandiwang tugon sa pangungusap
o nag-uutos o nagyayaya

Hal., Dali!
Layas!
Tayo na!


Sintaks
Mga Uri ng Pangungusap na Walang
Paksa:

9. Panawag

Hal., Psst!
Hoy!



Sintaks
Takdang Aralin:
1. Anu-ano ang mga uri ng
pangungusap ayon sa
kayarian? Bigyang
katuturan ang bawat uri.
2. Mabigay ng tig-2 halimbawa.

You might also like