You are on page 1of 6

REVIEWER SA LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS

FILIPINO 3: MASINING NA PAGPAPAHAYAG


Reviewer: Florie Mae Jovero

Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng


maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat. Ito’y tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa,
maganda at kaakit-akit na pagpapahayag (Sebstian, 1967).
Idignagdag ni Rubin (1987), na hindi sapat ang kawastuang pambalarila lamang upang maging
mabisa at makatawag ng pansin at kawilihan ang ano mang uri ng pagpapahayag. Kailangang ito ay
masamahan pa ng isang sangkap na siyang magbibigay buhay at kulay.

Tatlong mahalgang kailangan sa pagbuo ng mabisang pangungusap:


1. kaisahan – kung ang bawat bahagi ay tumutulong sa isang pangunahin at natatanging diwa
2. kakipilan – kung ang pagkakasunud-sunod ng mga bahagi ng papapahayag ay nagpapalinaw sa
kanilang pagkakaugnay

Ang madalas na kawalan ng kaipilan sa isang pahayag ay bunga ng:


a. Maling gamit ng mga panuring – hindi dapat isunod sa panganalan/panghalip at pandiwang
hindi siyang tiyakang tinutukoy o tinuturingan.

Hal: Ang mga sasakyan ay bumubuga ng makakapal na usok na nakapagdaragdag ng


problema sa polusyon na matindi.

Tama: Ang mga sasakyan ay bumubuga ng makakapal na usok na nakapagdaragdag ng


matinding problema sa polusyon.

Paliwanag: Makikita na ang salitang matindi ay nagbibigay-turing sa pangngalang problema at hindi sa


polusyon.

3. Pagbibigay-diin – karaniwan sa isang pahayag ang mga kaisipang binibigyang-diin ay nasa dakong
unahan samatalang ang mga hindi gaanong mahalaga ay sa dakong gitna o sa hulihan ng pahayag.

Mga Uri ng Talata:


1. Paglalahad
2. Paglalarawan
3. Pagsasalaysay
4. Pangangatwiran

Iba’t ibang Pamamaraan ng Pagtatalata


1. Pagsusuri – naglalayong magpaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng isang bagay
kungdi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’ isa.
2. Pagtutulad – ang mga bagay na magkatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang
mga tiyak na katangian
3. Analohiya – layunin ay ang paghahambing sa dalawang magkaibnga kaisipang hindi lamang dahil sa
mga katangiang magkakatulad kungdi dahil sa sagisag at kahulugan ng mga bagay na
pinahahambing.
4. Pagpapahindi – ang negatibong pagpapaliwanag ng kahulugan ng isang bagay. Parang alegorya
ang dating – iba ang sinasabi sa ibig sabihin.

Ang Sawikain o Idyomatikong Pahayag


- isang uri ng pagpapahayag na ang kahulugang ibinibigay ay di-tuwiran o di-nauukol sa kahulugan ng
bawat salita sa pahayag. Ang kahulugan makukuha ay nasa ibabaw o nasa pagitan ng mga salitang
ginagamit. Hindi dapat kunin ang literal na kahulugan ng bawat salita kundi ang pangkalahatang
ipinahihiwatig ng kabuuan.
Halimbawa:
1. nanunungkit ng mga bituin – walang pag-asa o bigo
2. gagapang na parang ahas – magkahirap-hirap ang buhay
3. guhit ng palad – kapalaran
4. may tali ang bibig – walang kalayaang magsalita
5. may gatas pa sa labi – bata pa
6. haling ang bituka – hindi natatakot mamatay
7. nagmumurang kamatis – matandang nagpapabata

1
8. di-maliparang uwak – napakalawak
9. nahuhulog ang katawan – namamayat
10. naglulubid ng buhangin – nagsisinungaling
11. dillang-anghel – magkatotoo sana
12. balat-sibuyas – maramdamin
13. mhaba ang pisi – pasensyoso
14. malambot ang ilong – madaling lokohin o pasunurin
15. nagsauliang-kandila - nagkagalit

Tayutay o Patalinghagang Pagpapahayag


Ang tayutay ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang
labas sa patitik o tahas na kahulugan upang magmunyi ng isang pamamaraang tuwas sa karaniwang anyo
ng paglalahad upang makapagbunga ng isang tanging bisa.

Anupa’t ang tayutay ay isang anyo ng paglalarawandiwa na kaiba at malayo sa karaniwang paraan
ng pananalita at naglalayong magawang marikit, maharaya at makasining ang pagpapahayag upang
maging akma, mabisa , at kawili-wili ang pag-unawa at pagdama ng sinuman sa buod o damdaming
ipinahihiwatig.

Ayon kay Tumangan (1997) ang tayutay ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng
paggamit ng mga salita sa layuning gawing makulay, kaakit-akit at lalong mabisa ang pahayag. Sapagkat
ang magandang pagpapahayag ay siyang pangunahing layunin ng retorika, karaniwang iniuugnay dito ang
paggamit ng mga tayutay.

Katangian ng Tayutay
Ang mabuting tayutay ay nagtataglay ng apat ng katangian.

1. MAIGSI – kung masasabi ang tayutay sa iisang salita ang lalong mabuti
Hal. Nagbatis ang kanyang luha.

2. SARIWA / NAPAPANAHON – bago sa pananaw at panlasa, katutubo sa diwang


taglay; hindi nakasusuyang pakinggan at hindi pilit sa pagpapahayag
Hal. Isa kang celfon sa buhay ko kahit saan maaaring hingan ng tulong.

3. TAPAT – tapat sa kaisipang sanhi ng pagtatayutay at may malinaw na


kaugnayan sa ibig sabihin sa kabila ng pagsusuri

4. BAGAY – mahalagang katangian sa lahat, katumpakan, kaagpangan, kaisahan


sa bisa, himig at indayog ng pakahulugan
Hal. Pagkaraan ng bagyo, ang mga lansangan ay parang nilampaso ng
Diyos.

Gamit ng Tayutay
A. nakapagpaparagdag ng kahalagahan sa ipinahahayag
B. nagbibigay –kulay at ganda sa pananalita
C. nagpapakilala sa kakayahan ng nagsasalita o sumusulat sa pagpapahayag

Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad o Simili (Simile) – naghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at


iba pa. Gumagamit ng mga salitang: tulad ng, para ng, kawangis ng, kagaya ng at iba pa.
Hal: Parang bato ang puso mo hindi marunong makiramdam.
2. Pagwawangis o Metapora (Metaphor) – naghahambing din ngunit ito’y tiyakang paghahambing at
hindi gumagamit ng mga salitang, tulad, gaya, kawangis, para ng at iba pa.
Hal: Bato ang puso mo hindi marunong makiramdam.
3. Pagbibigay – katauhan o padiwantao (Personification) – pahayag na nagsasalin ng talino, gawi at
katangian ng tao sa mga karaniwang bagay o mga bagay. Naipakilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng
pandiwa at pangngalan.
Hal: Nakagigiliw tingnan ang mga along humahalik sa pisngi ng mga buhangin.
4. Pagtawag o panawag (Apostrophe) – ang karaniwang bagay ay kinakausap na parang tao o
kinakausap ang isang tao na parang naroroon at kaharap gayong wala naman.
Hal: Kaunlaran, nahan ka at ang bansa namin ay balikan.
2
5. Pagmamalabis o Iperbole (Hyperbole or Exaggeration) – lubhang pinalalabis o pinakukulang ang
kalagayan o katayuan ng tao, bagay o pangyayari.
Hal: Ang wagas na pag-ibig ay susuungin ang lahat pati ang kamatayan.
6. Pagtatanong / Tanong Retorikal (Rhetorical Question) - Ang pagpapahayag na ito ay ginagamit
upang tanggapin o di tanggapin ang isang bagay. Higit na mabisa at makapangyarihan ang paraang ito
kaysa karaniwang pagpapahayag.
Ang pagtatanong na ito na hindi naghihintay ng sagot at hindi rin nagpapahayag ng anumang pag-
aalinlangan. Ipinalalagay na ang ibig sabihin ay tiyak na tiyak at walang magagawa ang nakikinig o
bumabasa kundi umayon. Ito ay naglalayong magbunga ng isang bisa at hindi upang magtamo ng
kasagutan.
Hal. May dalawang tao bang magkasabay sa naglalakad hangga’t di sila nagkasundo?

7. Pagdaramdam o Pandamdam (Exclamation) - Ito ay nagsasaad ng di-pangkaraniwang damdamin.


Hal: Labis-labis na ang paghihirap na aking nadarama!

8. Pagtanggi (Litotes) - Karaniwang gumagamit ang pagpapahayag na ito ng pangging hindi upang
magpahiwatig ng lalong makahulugang pagsang-ayon.
Hal. a. Hindi pabaya ang ina na ipapariwara ang mga sariling anak.
b. Hindi bulag sa katotohanan ang taong-bayan na hahayaang mapasakamay
ng mapanlinlang na lider ang kinabukasan ng hinaharap.

9. Pag-uyam (Sarcasm) - Ang pagpapahayag na ito ay nangungutya ngunit ginagamitan ng pananalita


na tila kapuri-puri.
Hal. a. Salamat sa iyo. Ang laki mong tulong sa akin kaya, hanggang ngayon
nakaupo ka pa rin diyan.

10. Balintunay (Irony)


11. Pagpapalit-tawag o Metonomiya (Metonymy) - Ang panlaping meto ay nangangahulugan ng
paghahalili at pagpapalit. Sa pahayag na ito, nagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay o taong
tinutukoy. Ito ay pagpapalit ng dalawang bagay o kaisipan yamang sila’y may ugnayan gaya ng sanhi at
bunga, sagisag at sinasagisag, sisidlan at nakasilid, at lunan at naninirahan.
Hal. a. Sa langit lang ako nakatingala sapagkat ang buhay ay galing sa langit.
(Diyos)
b. Halos isang palanggana ang nakain ng babaing nakasabay ko sa mesa.
(Isang punong pagkain na nasa palanggana)

12. Pagpapalit- saklaw o Sinekdoke (Synecdoche) - Ang pagpapahayag na ito ay naisasagawa sa


pamamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan o ang pagbanggit sa nag-iisang
taong kumakatawan sa isang pangkat.
Hal. a. Siya ang haliging huwaran ng bawat tahanan.
b. Mahirap magpakain sa sampung bunganga lalo na’t walang trabaho.

13. Pagpapalit-wika / Pauring -tao (Transferred Epithet) - Sa pahayag na ito, inililipat sa mga bagay
ang ilang namumukod na pang-uring gamit lamang sa tao.

Hal. a. Hindi ko matatanggap ang mapanlinlang mong damdamin na halos unti-


unting pumapatay sa aking pagkatao.

b. Uhaw ang Tigang na Lupa (Isang maikling kuwento)

14. Pamansag o Taguri (Antonomasia) - Ang pagpapahayag na ito ay pagpapakilala ng isang tao sa
pamamagitan ng isang pamansag o taguri (hindi ng kanyang pangalan) at pagtukoy sa pamamagitan niyon
ng isang uri ng kaparang mga tao.
Hal. a. Sinong Tasyo na naman ang sisibol sa bagong henerasyon?
b. Magdalena, ikaw ay sawimpalad. Kailan ka nila maiintindihan?

15. Pahalintulad (Analogy) - Ito ay isang tambalang paghahambing na ngangahulugan ng


pagkakawangki ng mga pagkakaugnay. Balangkas: Ang ugnayang AB ay tulad ng ugnayang CD.
Kagaya rin ng Analogy sa Ingles, ang pahalintulad ay ginagamitan din ng karaniwang panulad ng mga
salitang gamit sa patulad.
Hal. “At siya’y namangha sa kanyang namalas,
naganap na tagpo’ mistulang pangarap;
3
saanman tumitig,
A B
siya;t tanging siya ang paparoong-gubat -
C D
mandi’y isang tinik sa lipon ng rosas.”
sa tulang “HIMALA” ni Dominador B. Silos

16. Pahambing (Comparison) - Ang pagpapahayag na ito ay isang anyong naghahambing ng isang tao
o bagay sa iba, o nagpapalagay na ang dalawa’y magkawangis hinggil sa isang katangian o kauring angkin
kapwa ng mga tao. Balangkas: Si A ay … ni B. SaFilipino, ang pagiging tayutay ng paghambing ay higit
na malinaw kaysa pagiging figure of speech ng comparison sa Ingles. Ang dahilan ay sapagkat ang
paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang gamitin natin ng mga tanging talapik sa sim-, sing-, kasin,
kasing-, magkasim-, magkasin-, magkasing-, magsim-, magsin-, magsing-, at mga pangrami ng mga tao,
gayundin ng ga at pangrami nitong gaga o nangga, bilang mga unlapi sa hambingan ng magkatulad o
magkakatulad. Anupa’t ang ating pahambing ay malayung-malayo maipagkamali sa patulad o simile sa
balangkas o kayarian.

Hal. “Mabangong bulaklak!… Simbango ng di pa nahahagkang pisngi ng isang


dalaga!…

“Maputing bulaklak!… Simputi ng puring ala-alaga pa ng napakahinhi’t mutyang dalagita!…”


sa tulang SAMPAGITA
ni Pedro Gatmaitan

17. Patambis o Oxymoron (Antithesis) - Ito ay ang pagtatabi ng mga salitang nagkakahidwaan sa
kahulugan upang lalong mapatingkad ang bisa ng salita.
Hal. a. Ang EDSA part II ay masasabing tagumpay dahill ang namayani ay

kapayapaan at hindi karahasan.

18. Patalinhaga (Allegory) - Ito ang nalalambungang paglalahad, lalo na sa isang kuwento o salaysay
ng isang kahulugang pawangis na ipinahihiwatig, ngunit hindi tahasang sinasabi. Ang isang patalinghaga
ay hind lamang sa mangisangisang saknong ng isang tula maaaring masumpungan.
Hal. “Nag-aalma ang lunggati, sa budhi ay sumisikad,
Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad.
Dumadambana, dumadambana kapag renda’y hinahaltak –
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak.”

Sa tulang EROTIQUE
Ni Federico L. Espino Jr.

19. Pahiraya (Prosopopeia) - Ang pagpapahayag ay paglalarawan ng isang hinihiraya o libang-tao sa


anyong nagsasalita o gumaganap.

Hal. “Mga matang tala ay hayo’t ipikit,


nang iyong mamasdan ang tagpong marikit…
hayan, magkaakbay
ako’t saka ikaw;
at nagtatampisaw
sa tubig na kristal…
puso mo’y puso ko’y iisa ang pintig;
ikaw’y aking lubos, ako’y iyong tikis!”
sa tulang ANG BUKAS AY ATIN
ni Florante

20. Asonansya (Assonance) - Ito’y gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o
higit na mga salitang magkakalapit sa isa’t isa.
Hal. a. Aandap-andap na ilawang nasa bintana.

21. Aliterasyon (Alliteration) Pag-uulit ng tunog ng isang katinig na ginagamit sa magkakalapit na salita
o pantig
4
21. Paghihimig (Onomatopoeia) - Ito’y ang paggamit ng mga salitang ang tunog ay nagmumungkahi
ng diwang para sa ipagkakaroon ng bisang pasayusay.

Hal. a. Anong sarap pakinggan ang langitngit ng kawayan, ang lagaslas ng tubig

sa ilog habang kumikiskis ang mga dahon sa pampang na iniihip ng hangin.

Dalawang Uri
1. Tuwirang onomatopeya
2. Pahiwatig na onomatopeya

22. Parabula (Parable) - Isang maikling salaysay ng isang pangyayaring maaaring maganap sa buhay o
katalagahan, na kakukunan ng isang aral na pangkaasalan o pangkaluluwa. Karaniwan ito’y buhat sa
banal na kasulatan iniuulat upang mailahad ang isang katotohanan.

23. Pabula (Fable) - Isang maigsing kasaysayan ang inilalarawang mga kilos o mga kangian ng mga
hayop o mga bagay na walang kaluluwa ay pinapangyayaring mapakilos, kalimita’y pauroy, ng mga
kaasalan o kahinaan ng tao. Ito ay sinasabing likha ni Esopo, at hanggang ngayon, ang pinakamabuting
pabula sa daigdig ay ang pabula pa rin niya.

24. Pangitain (Vision) Ito ay mga larawan, imahen o palatandaang nakikita sa isip.

25. Pag-uulit sa isang salita upangmagkabisa gaya ng alingawngaw


Hal. Matay ko man yatang pigili’t pigilin
Pigilin ang sintang sa puso,tumiim,
Tumiim na sinta’y kung aking pawiin
Pawiin ko’y tantaong kamatayan na rin.
- Jose de la Cruz

Mga Teoryang Pampanitikan


1. Imahismo – Ang isang manunulat ay malayang pumili ng anumang imaheng nais gamitin sa paksa.
Nagiging mag epektibo ang kakintalan sa paggamit nito sapagkat higit na nabibigyang-buhay ang
mga kaisipang nais ipahiwatig ng sumulat. Kinakailangan lamang ang maingat na pagpili sa
imaheng gagamitin sapagkat ito ay dapat na akma sa paksang tinatalakay upang hindi mabigyan ng
ibang konotasyon ng mga mambabasa.
2. Klasisismo – Ang akdang ito ay nagtataglay ng katangiang malinaw, marangal, payak,matimpi,
obhetibo, magkakasunud-sunod, at may hangganan. Dito nangingibabaw ang isipan laban sa
damdamin.
3. Realismo – Ipinapalitaw ang katotohanan sa buhay ng tao.
4. Romantisismo – Nangingibabaw ang katotohanan, kabutihan, at kagandahan ng pag-ibigi ipinalilitaw
ang damdamin ng tauhan kaysa kaisipan.
5. Humanismo – Nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao. Binibigyang-diin nito na ang tao ang
sentro ng daigdig, ang sukatan ng bagay, at panginoon ng kanyang sarili.
6. Moralistiko – Pinatutunayan ng maraming mga kritiko na ang bawat pananaw ay ginagamitan sa
pagsusuri sa alin mang akda ay may kakambal na pilosopiya sa buhay. Ito ay matatagpuan sa
pagpapahayag na ginagamitan ng kaisipang moral. Sapagkat ang isang akda ay katatagpuan ng
kasiningan at pagkamalikhain, naniniwala ang ilang kritiko na hindi sapat na patunayan kung bakit
at kung paano naging masining ang akda. Higit na kailangang ipakita ang mga pamantayang moral.
Sa panahon ni Plato, ginagamit ang uri ng moralidad sa pagbibigay ng kabuluhan sa nobela, dula,
maikling kwento o anumang akdang pampanitikan. Isinasaalang-alang sa mga akda ang pagsang-
ayon o di-pagsang-ayon sa namamayaning moralidad sa lupunan.
7. Formalismo – pinakapalasak na paraan sa pagsusuri ng anumang akda. Sa pananaw na ito ,hindi
ganap ang akda matapos na makawala ito sa kamalayan ng may-akda, dahil magkakaroon lamang
ito ng pagpapakahulugan batay na rin sa kaalaman, paniniwala, sitwasyon, o damdamin ng
bumabasa. Sa ganitong oryentasyon, ang pinahahalagahan ay mismo ang akda at hidi ang may-
akda at hindi rin ang lipunan at realidad.
8. Sikolohikal – Ang pokus ng pananaw ay ang pagtugon sa karakter ng isang istorya o ng persona ng
tula.
9. Sosyolohikal – May malaking pananagutan ang panitikan sa lipunan ng alinmang bansa. Si Scott
(1974), ang nagsabing ang pag-uugnayang panlipunan ay nakapagdaragdag ng lakas sa manunulat
5
upang ito ay gawing kasangkapan sa pag-aaral ng panitikan, sapagkat ayon sa kanya, ang mga
ugnayang panlipunan sa panitikan ay masusuri bilang salamin ng lipunan.
10. Eksistensyalismo – isang pilosopiya na nagbibigay-diin sa kalayaan ng bawat isang indibidwal –
kalayaan niyang pumili at magdesisyon na di nasasaklawan ng sinuman.
11. Marxismo – ito ay nakaugat sa historical at sosyolohikal na pananaw, nagsama-sama ang mga
konseptong halaw kina Karl Marx, Friedrich Engels, Lenin upang gamitin ang panitikan bilang
instrumento sa pagbabago ng lipunan sa paraang radikal. Saklaw nito ang pagsusuri sa kultura,
pulitika, ekonomiya, at pilosopiya.
12. Arketipal – Nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-
diin dito ay ang mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda.
13. Feminismo – Naglalayong mawala ang de kahong imaheng ibinibigay sa babae. Ito ay
makatotohanang naglalarawan ng mga karanasan ng kababaihan sa matapat na paraan.
Gumagamit ito ng Malaya at karaniwang pananalita at mga tauhan ay mga babae.
14. Dekonstruksyon – Ito ang pag-iisa-isa ng mga sinasabi ng may-akda sa teksto. Pagpapakahulugan
ito sa mga sinasabi ng teksto batay sa sariling pang-unawa sa lutang na mga kaalaman tungkol sa
relasyon ng tao sa kanyang lipunan, kasaysayan ng tao, at lipunan ng tao.

WAKAS

Sanggunian:
Baisa Ailene et al. 2007. Pluma III Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Phoenix Publishing
House, Inc.
Espina, Bibiana et al. 1999. Retorika. Seguiban Printers and Publishing House.

You might also like