You are on page 1of 4

I.

Elehiya - Isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na


nagpapakita ng pasidhing damdamin patungkol sa alala ng isang mahal sa buhay.
II. Elemento ng Elehiya :
Tema – ang kabuoang kaisipan ng elehiya.
Tauhan – mga taong sangkot sa tula.
Kaugalian o tradisyon – nakikita ang kaugalian o isang tradisyong masasalamin sa tula.
Wikang ginagamit – maaaring pormal o di- pormal
Pormal –ay standard na wika na naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa
makaagham o lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw sa pinakapiling
paksang tinalakay
Di-pormal – ay karaniang salita na ginagamit sa araw-araw na usapan.
III. Pang-uri - bahagi ng pananalita na naglalarawan ng tao, bagay, pook at pangyayari.
1. Pag-uulit ng Pang-uri

2. Paggamit ng Panlapi

3. Paggamit ng mga pang-abay na nagbibigay turing sa Pang-uri

IV. Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin
ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
1.Kautotang dila – Kakwentuhan
2.Krus sa balikat – pabigat o pasanin sa buhay
3.Itim na tupa – suwail na anak o kapatid
4.Balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin ng isang taong galit
5.Tubong lugaw – malaking pera mula sa maliit na puhunan
V. Pang-abay – ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-
abay. Ito ay may iba’t ibang uri.
Mga Uri ng Pang-abay
1.Pamanahon 7. Kawsatibo
2. Panlunan 8. Kondisyonal
3. Pamaraan 9. Panang-ayon
4. Pang-agam 10. Pananggi
5. Ingklitik 11. Panggaano

VI.Mga Patnubay sa Tamang Pagbigkas ng Tula


1. Hikayat
Masasabing malakas ang hikayat o dating sa mga manonood
kung nagagawa niyang patawanin o paiyakin ang mga tagapakinig o
manonood.
2. Tindig
Ito ay ang impresyong ibinibigay ng bumibigkas sa kanyang mga
tagapakinig. Bahagi pa rin nito ay ang tindigan ng bibigkas ng tula. Sa
tayo o tikas pa lamang ng katawan ay makikita na ang husay ng isang
manunula. Ang bigat ng katawan ay dapat nasa dalawang paa.
3. Tinig
Isa sa mahalagang elemento sa pagbigkas ng tula ay ang kalidad
ng boses. Dapat buo, swabe, at maganda ang dating sa nakikinig.
Nakabatay sa diwa ng tula ang maaaring maging tinig ng manunula.
Posibleng ito ay pabulong o pahiyaw, ang importante ay alam ng
manunula kung kailan dapat lakasan at hinaan ang kanyang tinig.
4. Tingin
Isa sa mga dapat tandaan sa tuwing bumibigkas ng tula ay ang
pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa mga manonood o tagapakinig.
Tinitingnan din ang pagkislap ng mata na nagpapakita ng katapatan
ng bumibigkas.
5. Himig
Sa pagbigkas ng tula, dapat iwasan ang mistulang ibong
umaawit. Kinakailangan na ang himig ng manunula ay kahali-halina
sa pandinig.
6. Pagbigkas
Ito ay pagpapahayag ng tula kung saan gumagamit ng wastong
diin sa pagbigkas. Malinaw ang pagsasalita at gumagamit ng wastong
pagputol.
7. Pagkumpas
Sa bawat kumpas ng kamay ay dapat may layunin at
kinakailangang damhin ang nais ipahayag ng tula. Ang paraan ng
pagkilos at paggalaw ng tumutula mula sa paghakbang pauna,
pakaliwa o pakanan man, pagkumpas ng kamay pataas, pababa,
pakaliwa o pakanan man. Kasama rin ang paggalaw ng ulo kung
sumasang-ayon; pag-iling kung ito ay may pagtutol.
Ang tunggalian ay ang labanan sa pagitan ng dalawang
magkasalungat na puwersa.

VII. Uri ng Tunggalian


1. Tao vs. Tao/Kapwa
Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng tao at ng
kaniyang kapwa na ang kalimitang resulta ay gulo at perwisyo.
Halimbawa:
Mahirap tanggihan ang barkada, mahirap matawag na iba
ka sa kanila at higit sa lahat mahirap ma-out sa grupo.
2. Tao vs. Sarili
Ito ang tunggaliang nagaganap sa isipan ng tao.
Halimbawa:
“Lalabas ba ako o hindi? Sobrang lakas ng ulan at nakita
ko sa balita kanina na may paparating na bagyo, baka
magkasakit ako.”

VIII. Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di Makatotohanang mga Pahayag

1. Makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayari


na may dahilan o basehan. Ito rin ay suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran. Ginagamitan ito ng mga salitang nagpapahayag ng batayan
o patunay gaya ng batay sa, mula sa, ang mga patunay, napatunayan,
ayon sa, at iba pa.
Halimbawa:
a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka.
b. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap na ang krimen
sa ating bansa.
c. Ang mga patunay na aking nakalap ay makapipinsala sa iyo.
d. Napatunayang mabisa ang panukala ni Pangulong Duterte.
e. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na ang mga gamot na
inaangkat ng bansa ay makatutulong sa kasalukuyang krisispangkalusugan.

2. ‘Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan


kung bakit nangyari. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang
nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan o di-katiyakan tulad ng baka, sa
aking palagay, palagay ko, sa tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba pa.
Halimbawa:
1. Baka mangyari ang mga sinabi sa pamahiin.
2. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi.
3. Palagay ko, mataas ang aking grado.
4. Sa tingin ko, mas masaya kung sama-sama tayo.
5. Marahil ang mga bagay na ito ay makasisira sa ating pagsasama.

Ang etimolohiya o pinagmulan ng salita ay ang pag-aaral ng


kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig
sabihin sa paglipas ng panahon.
Paraan ng Pinagmulan ng Salita
• Pagsasama ng mga salita - Salita na nabuo sa pamamagitan ng
pagsasama ng dalawa o higit pang mga salita.
Halimbawa: Pamangkin – Para namang akin
Pangungusap: Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na
mababait at masisipag.
• Hiram na salita - Banyaga ang mga salitang ito ngunit, inaangkop ang
salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng pag-uusap.
Halimbawa: Apir – Up here
Pangungusap: “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi
ni Lito sa kaniyang mga kapatid.

Morpolohikal na Pinagmulan - Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa


ugat ng salita. Posible na malayo na ang kahulugan nito sa orihinal na
ipinahihiwatig. Tumutukoy ito sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at
istruktura ng mga salita. Nag-ugat ang salita mula sa iba pang salita
na nagbago ang kahulugan.

Halimbawa: obrero o manggagawa – obra


Pangungusap: Nag-aklas ang mga obrero dahil hindi
ipinagkaloob ng pamahalaan ang dagdag
sahod nilang hinihingi.

• Onomatopoeia - Naglalarawan sa pinagmulan ng salita batay sa tunog.


Halimbawa: Tagaktak – tak-tak-tak
Pangungusap: Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa
kabubuhat ng balde-baldeng galon ng tubig.

You might also like