You are on page 1of 39

KAKAYAHANG

LINGGUWISTIKO
AT
KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO NG MGA
FILIPINO
Mga Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELCs)
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa
talakayan. (F11PT- IIe- 87)
2. Napipili ang angkop na salita at paraan ng paggamit
nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap,
pinag-uuusapan, lugar, panahon, layunin at grupong
kinabibilangan. (F11PS-IIe-90)
Subukin Natin:
Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik
ng tamang sagot na batay sa angkop na pinapakahulugan nito
sa bawat pahayag.

1. Makuha ka sa tingin.
a. panuto
b. paalala
c. babala
d. direksiyon
2. Papunta ka pa lang, pabalik na ako.
◦ a. panuto
◦ b. paalala
◦ c. babala
◦ d. direksiyon
3. Mauna na kayo, susunod na lang ako.
◦ a. pagtanggap sa paanyaya
◦ b. pagtanggi sa paanyaya
◦ c. pagpapasalamat
◦ d. pagbibigay
4. Ako ang nagtanim, ako ang nagbayo, ako ang
nagsaing, pero iba ang kumain.
◦ a. panghihinayang
◦ b. pagkadismaya
◦ c. pagkayamot
◦ d. pagkagalit
5. Pasensiya na, tao lang!
◦ a. pagpapasalamat
◦ b. pagmamalasakit
◦ c. pagpapakumbaba
◦ d. paghingi ng paumanhin
Tukuyin ang mga salita batay sa gamit at grupong kinabibilangan
nitó. Ihanay ang mga salita batay sa rehistro nito.

Facebook pataba pasukan


pagsusulit bigas COVID 19
mais like basher
mobile legends alcohol
social distancing bigas isda
guro brigada eskuwela
face mask tik-tok
distance-learning
Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal
Mga Gabay na Tanong:

1.Ano ang kakayahang lingguwistiko o


gramatikal?
2.Ano ang kakayahang
pangkomunikatibo ng mga Filipino?
Kakayahang Lingguwistiko

◦ Ang kakayahang lingguwistik/gramatikal ay tumutukoy sa


kaalamang leksikal at pagkaalam sa tuntunin ng ponolohiya,
morpolohiya, sintaks at semantiks, ayon kina Michael Merill
Canale at Swains. Gramatika ang mahalagang salik sa pag-
aaral ng kakayahang ito. Ang gramatika ay tungkol sa
tuntunin ng wastong paggamit ng bantas, salita, bahagi ng
pananalita, pagbuo ng mga parirala, sugnay, at
pangungusap.
1. Ponolohiya o Palatunugan – maagham na pag-aaral ng mga
makabuluhang tunog (ponema) na bumubuo ng isang wika.
◦Halimbawa:
malapatinig na w at y = bahay. Reyna, bahaw, agiw

A. Ponemang segmental – makabuluhang tunog sa Filipino.


◦Halimbawa: bata (child) banta (threat) batas(law) bantas (punctuation mark)
◦Ginagamit ang daw/din kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
(consonant), raw/rin kapag patinig (vowel) o malapatinig na w at y.
◦Halimbawa: bayad daw bababa raw malikot din pangit din maganda rin
magalaw rin

B. Ponemang suprasegmental – pantulong sa ponemang segmental upang


higit na maging mabisa ang paggamit ng 28 ponemang segmental sa
pakikipagtalastasan at upang higit na maging malinaw ang kahulugan.
2. Morpolohiya o Palabuoan – makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga
salita sa pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o morpema.

oHalimbawa:
pangdesal = pandesal
tawid+in = tawirin
Takip+an = takpan
hati+gabi = hatinggabi

3. Sintaks – estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning


nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng kawastuan ng isang pangungusap. Ang
anyo ng pangungusap ay karaniwang anyo: nauuna ang panaguri kasunod ang
paksa; at kabalikan: nauuna ang paksa na sinusundan ng ‘ay’ na sinusundan
ng panaguri

◦Halimbawa: Pinatawag ng nanay ang bata. (karaniwan)


Ang bata ay pinatawag ng nanay. (kabalikan)
4. Ang semantika ay tumatalakay sa interpretasyon ng mga kahulugan ng
mga morpema, salita, parirala, at pangungusap. Pagbibigay sa isipan ng tao ng
kahulugan batay sa: Denotasyon at Konotasyon

◦Halimbawa:
Ilaw
Denotasyon: Maliwanag ang ilaw sa bahay namin.
Konotasyon: Si inay ang ilaw ng tahanan.

Magbigay ng sariling mong pangungusap at denotasyon at konotasyon gamit


ang mga sumusunod na salita:
1. Susi
2. Ahas
3. Liwanag
Kakayahang Pangkomunikatibo
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang kakayahang
pangkomunikatibo?
2. Ano-ano ang anim na pamantayan sa
pagtataya ng kakayahang
pangkomunikatibo? Ipaliwanag
Kakayahang Komunikatibo ng mga Filipino
Narito ang paliwanang ukol sa pagpili ng angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nitó sa mga usapan o talakayan batay sa:

1. Kausap
Paliwanag: Nag-iiba ang gámit at paraan o estilo ng paggamit ng wika
depende sa kausap.
◦Halimbawa: Iba ang estilo o pananalita maging salitang ginagamit ng
isang guro kapag ang kausap ay punong-guro. Iba rin estilo sa
pagsasalita at gámit na salita kapag kapuwa n’ya guro ang kausap.
Lalong iba ang estilo at gamit na salita kapag estudyante ang kausap.
Kakayahang Komunikatibo ng mga Filipino

2. Batay sa pinag-uusapan
Sitwasyon: Nag-iiba ang kahulugan ng salita depende
sa pinaguusapan.
Halimbawa: Ang kahulugan ng “travel” ay lakbay o
paglalakbay kung ang pinag-uusapan n’yo ay
paglalakbay o bakasyon, subalit kapag ang pinag-
uusapan ninyo ay basketbol, ang “travel” ay tumutukoy
sa isang paglabag o violation.
3.Lugar
Sitwasyon: Ang salitang banas sa Quezon ay
nangangahulugan ng inis o iyamot, subalit sa mga karatig
lugar nito ang banas ay nagpapahayag ng mainit na panahon.

4. Panahon
Ang mga salitang ito ay sumibol at laging bukambibig noong
panahon na ginagamit ito.
◦ Sitwasyon: Noong 80’s hanggang 90’s laging ginagamit ang
luksongtinik, tumbang-preso at siyatong ng mga batang
naglalaro, samantalang ngayon bukambibig ang ML at online
games.
5. Layunin
Bawat grupong kinabibilangan ay may sariling paraan o estilo sa
paggamit ng wika.
◦Sitwasyon: Ang pagbibilang ng isang guro sa loob ng klase ang may
layuning pabilisin ang ginagawa o pagpása ng papel.
◦Ang layunin n’ya sa isa, dalawa, tatlo ay hindi para magbiláng o wala
naman talaga siyang binibílang, kundi ito ay panuto.
◦Sitwasyon: Ang mga doktor ay may sariling estilo o paraan sa
pagsasalita at paggamit ng salita. Ang mga mangingisda ay mga
salitang sila lang marahil ang nakauunawa. Maging ang mga bakla ay
iba ang paraan sa paggamit wika o kayâ naman ay may sarili silang
wika.
◦ Halimbawa:
1. Bibigyan kita ng reseta para sa sakít mo. Mahihinuhang
salita ito ng doktor para sa kanyang pasyente
2. Lagyan mo ng páin ang kawil para meron kang mahúli.
Mahihinuhang salita ito ng isang mangingisda para sa
kaniyang bágong kasama.
3. Ay Gardo Versoza ang umbre. Mahihinuhang sinasabi ng
isang bakla sa kanyang kausap na may poging lalaki.
◦ Ang estilo o pamamaraan sa paggamit ng salita ay tinatawag
na register.
Pangkatang Gawain:
Sa tulong ng mga miyembro ng pangkat, magbahagi ng
kaalaman sa inyong natutunan sa sumusunod na paraan:
◦ Pangkat 1 at 2 – Bumuo ng isang maikling awitin na ukol sa
Ponolohiya at Morpolohiya
◦ Pangkat 3 at 4 – Sumulat ng isang pag-uulat sa radyo
pamamagitan ng iskrip na batay sa Semantika at Sintaksis
◦ Pangkat 5 – Lumikha ng isang iskrip ng patalastas na hinggil
sa Kakayahang Komunikatibo ng mga Filipino
Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto upang
masagutan ang mga katanungan.
PAGLALAPAT
◦ 1. Itala ang mga salitang may salungguhit. Ibigay ang kahulugan
nito.
◦ 2. Ano ang paksa ng tekstong binasa? Tungkol saan ang nilalaman
nito?
◦ 3. Sino ang nagsasalita sa teksto? Para kanino ang nilalaman ng
teksto?
◦ 4. Saan nakarehistro ang mga salitang may salungguhit sa teksto?
◦ 5. Batay sa iyong kasagutan sa mga naunang katanungan, Ano
ang tinatawag na rehistro ng wika?
PAGTATAYA
Tukuyin ang gámit at paraan sa paggamit ng mga salita
batay sa kausap, pinag- uusapan, lugar, panahon,
layunin, at grupong kinabibilangan nito.

1. Si Rosa ang aming nag-iisang rosas ng aming pamilya na


humaling na humaling sa mga rosas ni Aling Rosana.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
2. Hindi nila ramdam ang init ng araw dahil sa suot
nilang vakul, samantalang táyo ay suot ang
sombrero kahit nása loob ng mall.
A.batay sa lugar
B. batay sa kausap
C.batay sa panahon
D.batay sa pinag-uusapan
3. “Bili, bili na po kayo d’yan, sariwa, malalaki, mataba at
bágong hango ang aming tilapya”, subalit habang
naririnig ang mga katagang iyan na isinisigaw ng aking
ina ay sariwa pa rin ang sugat sa aking damdamin at
hindi ko pa rin matanggap ang nagyari sa kaniya.
A. batay sa lugar
B. batay sa kausap
C. batay sa panahon
D. batay sa pinag-uusapan
4. “Ang haba naman ng bitin na iyan,” ang wika ni
Roger na isang Bikolano na ang tinutukoy ay ang ahas. “
Sa palagay ko’y bitin ang taling ito para mahúli natin
ang ahas na iyan,” ang sambit naman ni Alfred.
A.batay sa lugar
B. batay sa kausap
C.batay sa panahon
D.batay sa pinag-uusapan
5. “Bawal ang lumiban sa kabilang ibayo”
ang wika ni Batang na isang Batanguño.
Subalit sumagot si Anna sa kabilang linya at
sinabing “ hindi s’ya lumiban sa klase”.
A.batay sa lugar
B. batay sa kausap
C.batay sa panahon
D.atay sa pinag-uusapan
6. Alin sa sumusunod ang wastong salita na
tumutukoy sa panganib?
A. bata
B. batas
C. banta
D. bantas
7. Ano ang tawag sa pinakamaliit na
yunit ng salita na may sariling
kahulugan?
A. morpema
B. parirala
C. ponema
D. sintaks
8. Ang bata sa punò ay… Anong tamang
salita ang dapat idugtong sa pangungusap?
A. bumagsak
B. nadulas
C. nahulog
D. nadapa
9. Ano ang tamang kabuuan ng salita
kung ang ‘sara’ ay nilapian ng ‘an’?
A. saran
B. sarhan
C. sarahan
D. Saran
10. Saan sa lingguwistiko mahusay kung
nakapagsusuri ng kabuoan ng
pangungusap?
A. ponolohiya
B. morpolohiya
C. semantika
D. sintaksis
Takdang Aralin:
1. Bumuo ng isang diskurso o usapan na batay sa
kamalayan sa SARS COV 2.
2. Gamitin / ilapat ang mga natutunan sa ponolohiya,
morpolohiya, semantika at sintaktika sa nakapaloob na
usapan / dayalogo.
3. Umisip nang angkop na pamagat ng diskurso /
usapan ukol dito.
Indibidwal na Gawain:
1. Sagutan ang Karagdagang Gawain sa
Modyul 9, p. 12 at Suriin sa Modyul 10, pp.6-7.
Repleksyon:
◦ Naunawaan ko na
___________________________________________
◦ Nabatid ko na
___________________________________________
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like