You are on page 1of 10

ARALIN 1: Ugnayan ng Gramatika at Retorika

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:

1. nakakapagbigay ng kahulugan ng balarila at retorika,


2. nakakapaghayag ng kaugnayan ng retorika sa balarila,
3. nasisiyasat nang mabuti ang wastong salita sa isang pagpapahayag, at
4. nakakapagbigay nang tama o wastong salita sa pagpapahayag.

DEPINISYON NG MGA KAUGNAY NA SALITA

1. Balarila/ Gramatika
- Sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang pangwika na nagdudulot ng kawastuhan sa pahayag.
- Ang pag-uugnayan ng mga salita sa mga parirala, sugnay at pangungusap ng pahayag; ang tamang mga
panuring, mga pang-ugnay, mga pokus ng pandiwa at iba pa para sa kaisahan at kakipilan ng mga
pangungusap - Ayon kay Federico B. Sebastian:
o Isang agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang pagkakaugnayugnay.
- Ayon kay Lope K. Santos:
o Bala ng dila
2. Retorika
- Sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang pangwika na nagbibigay-linaw, bisa at kagandahan.
- Mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita
at pagsusulat.

KAUGNAYAN NG RETORIKA SA BALARILA


1. Pawang mahalagang sangkap para sa maayos, masining at magandang pagpapahayag.
2. Kapag inalis ang balarila, mawawalan ng kawastuhan sa anumang matinong panulat sa hinaharap.
3. Sa pamamagitan ng balarila, makakabuo ng isang mainam at mayamang pahayag.
4. Ang isang pahayag na may balarila lamang at walang retorika ay nagiging kabagut-bagot sa bumabasa o
nakikinig.
5. Nababawasan ang kalinawan at pagiging kaakit-akit ng isang pahayag
6. Makamit ang mabisang pagpapahayag.

Sa larangan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita, lubhang mahalaga ang tamang pagpili ng mga salita.
Maaaring maganda ang ibig ipahatid, maaari rin naming may mabuting layon sa pagpapahayag subalit hindi
nagbubunga nang mabuti kung mali ang pagkakapili ng mga salita.

ANG BALARILA SA PROSESO NG MABISANG PAGPAPAHAYAG

1. Wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa isang pagpapahayag


2. May kaugnayan sa pag-aaral at uri ng mga salita, tamang gamit ng mga salita, at tamang pagkakaugnay-
ugnay ng mga salita sa pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipang pang-gramatika.
3. Ito ay masasabi rin na isang agham sa paggamit ng salita at kanilang pagkakaugnay-ugnay.
4. Isinaalang-alang ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa pangungusap.
5. Ang pagpapahayag ay ang kakayahang maipabatid ang naiisip, nararamdaman at nalalaman.
6. Ito ay bahagi ng kabuuan ng isang likhang may buhay.
7. Sa bawat sandal ng buhay, ang tao ay nagpapahayag ng kanyang damdamin at iniisip.

PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
1. Pasalita
2. Pasulat
• Ang isang nagpapahayag ay kailangang may sapat na kaalaman sa diwang kanyang ipinapahayag
• Ang nilalaman ay napakahalaga upang maunawaan at mahikayat ang nakikinig o babasa.

3. ARALIN 2: Pagpili ng Wastong Salita

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang wastong salita na gagamitin sa mg pahayag,


2. nakapaghamhambing ang pagkakaiba ng mga salitang ginagamit sa mga pahayag, at
3. nakabubuo ng mga pahayag na may wastong pagpili ng mga salita.

4. Basahin

PAGPILI NG WASTONG SALITA

- Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin.


- Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag.
- May mga pagkakataon na ang salita na tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop gamitin.

1. Mali: Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bibig ng bulkan.


Wasto: Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bunganga ng bulkan.

2. Mali: Pasadahan mo ang iyong kapatid sa eskwela.


Wasto: Daanan mo ang iyong kapatid sa eskwela.

3. Mali: Ginanahan sa paglamon ang mga bisita.


Tama: Ginanahan sa pagkain ang mga bisita.

Maraming salita sawikang Filipino na maaaringg parehas ang kahulugan ngunit may kaniya-kaniyang tiyak
na gamit sa pahayag.
Halimbawa:
Bundok, tumpok, pumpon, salansan, tambak
Kawangis, kahawig, kamukha
Aalis, yayao, lilisan
Samahan, sabayan, saliwan, lahukan

May mga pagkakataon din na kailangang gumamit ng eupemismo o paglulumanay sa pagpapahayag kahit na may
tuwirang salita naman para rito.

Halimbawa:

Namayapa sa halip na namatay


Palikuran sa halip na kubeta
Pinagsamantalahan sa halip na ginahasa.

5. ARALIN 3: Wastong Gamit ng Salita

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:

1. naipapaliwanag ang mga pagkakataon kung kailan gumagamit ng mga wastong salita,
2. nakakapaghambing nang wasto ang mga magkaugnay o magkasintunog na mga salita, at
3. nakakagamit ng wastong salita sa pagbuo ng mga pahayag.

Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung
mali ang gamit na salita. Maraming salita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan
ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon tuloy ng
kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag.

Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:

1. Nang at Ng

Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung kailan kailangang gamitin ang nangang sa isang pangungusap:

1.1. Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb). - Pag-uulit ng pandiwa

- Halimbawa:

o Talon nang talon ang mga bata.


o Lipad nang lipad ang mga kalapati.

- Ibang halimbawa:

o Nasaktan si Gorrio nang iwanan siya ng kanyang kasintahan. o Biglang nagkagulo ang mga tao nang
lumabas sa pinto si Lovi Poe.
1.2. Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective).

- Halimbawa:

o Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.


o Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.

1.3. Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap.

- Halimbawa:

o Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita.

o Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente.

1.4. Ang nang ay ginagamit bilang pinagsamang na at na.

- Halimbawa:

o Aalis ka na na hindi nagpapaalam?


▪ Aalis ka nang hindi nagpapaalam? o Gawin mo na na hindi
nagrereklamo.
▪ Gawin mo nang hindi nagrereklamo.
o Ang uniporme ay itiniklop na na hindi pa pinaplantsa.

▪ Ang uniporme ay itiniklop nang hindi pa pinaplantsa.

Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin.

- Mga Halimbawa:

o Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng mga Hernandez. o Si Benedict ang kumuha ng halabas
kanina. o Binilisan ng bata ang paglalakad sapagkat siya ay natatakot.
o Si Marlon pinag-uusapan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa kabahuan niya.

2. Kung at Kong

2.1. KUNG - Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap - Halimbawa:


Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa paghawak ng pera.
2.2. KONG - Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng. - Halimbawa:
o Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan.

3. May at Mayroon

3.1. Wastong gamit ng MAY

3.1.1. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.


o May pera ka ba?
o Lahat sila ay may regalong matatatanggap.

3.1.2. Kapag sinusundan ng pandiwa o May sasabihin ko sa’yo.


o May pupuntahan ako sa Sabado.

3.1.3. Kapag sinusundan ng pang-uri o May mahalagang bagay kang dapat matuklasan.
o May magandang anak si Mang Jose.

3.1.4. Kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari o Bawat miyembro ay may kani-kanilang
hinaing. o Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
o Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.

3.2. Wastong gamit ng Mayroon

3.2.1. Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.


o Mayroon pa bang magsasalita ukol sa paksang ito? o Mayroon po kaming isusumbong sa
inyo.
o Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.

3.2.2. Ginagamit na panagot sa tanong.


o May bagyo ba?–Mayroon. o May takdang aralin ka ba ? -Mayroonpo.
o May maasahan ba akong tulong sa kanya? –Mayroon naman.

3.2.3. Ginagamit kung nangangahulugang ng pagka-may kaya sa buhay

Hindi magandang magpanggap na mayroon sapagkat matutuklasan din sa bandang huli ang totoong kinatatayuan sa buhay.
o Ang mga Morales ay mayroonsa bayan ng Dolores.

4. Subukin at Subukan

4.1. Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisi-yasat sa uri,lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.

- Halimbawa:
o Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo. o Subukin mong kumain ng gulay at
prutas upang sumigla ka.
o Susubukin ng mga mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod.

4.2. Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
- Halimbawa:

o Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.


o Ani Erap noon, “Wag n'yo akong subukan!” o Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating sya sa
kanyang paroroonan.

5. Pahiran at Pahirin

5.1. Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay,alisin ang bagay.

- Halimbawa:

o Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.


o Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.

5.2. Dalawaang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran.

5.2.1. Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na pinahid. Sa ganitong gamit ang
pahiran ay may layon.

5.2.2. Nagagamit din ang pahiran sa kahulugang paglalagay ng kaunting bagay at karaniwan ay sa bahaging
katawan.

- Halimbawa:
Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
o Pinapahiran ng langis ng dalaga ang kanyang buhok.
o Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong mga kamay.

6. Operahin at Operahan

6.1. Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.

- Halimbawa:

o Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas. o Kailan nakatakdang operahin ang iyong bukol
sa dibdib?
o Ooperahin na ang bukol sa tuhod ni Ernani.

6.2. Tinutukoy ng operahan nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.

- Halimbawa:
o Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na may sakit. o Inoperahan na si Emil kahapon.
o Si Vic ay kasalukuyang inooperahans a pagamutan ng St.Luke.

7. Rin, Raw, Daw at Din

7.1. RIN at RAW


- Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig
na w at y.

- Halimbawa:
o Tayo ay kasama rin sa mga inanyayahan.
o Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.
o Sasakay raw siya sa unang bus na daraan.

7.2. DIN at DAW


- Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.

- Halimbawa:
o Takot din siyang magsinungaling kagaya mo. o Masakit daw ang ulo ni Marlon kaya hindi siya
nakapasok sa klase.
o Malakas din ang patahian nila katulad ng patahian ninyo.

8. Kung ‘Di, Kung Di At Kundi

- Ang kung 'di (if not) ay pinaikling kung hindi.


- Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
- Ang kundi ay kolokyalismo ng kung'di.

- Halimbawa:
o Kung'di ka sana mapagmataas ay kaibigan mo pa rin si Louela.
o Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.

9. Kina At Kila

- Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina.


- Walang salitang kila sa Balarilang Filipino.
- Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.

- Halimbawa:
o Papunta na kami kina Ms. Katipunan. o Kina Malou gaganapin ang pagdiriwang.
o Malayo ba rito ang kina Riza at Ronie?

10. KITA At KATA


10.1. Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan.
- Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa.
- Tumutukoy sa kinakausap.

- Halimbawa:
o Nakita kita sa Baguio noong Linggo.
o Minamahal kita.

10.2. Ang kata naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan
- Tumutukoy sa magkasamang nagungusao at kinakausap.

- Halimbawa:
o Kata nang kumain sa kantina.
o Kata nang maligo sa ilog.

11. Pinto at Pintuan

11.1. Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.


- Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
- Halimbawa:
o Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.

11.2. Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto.


- Ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.

- Halimbawa:
o Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi niya maisara ang pinto.

12. Hagdan at Hagdanan

12.1. Ang hagdan (stairs) ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay/gusali.

o Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.

12.2. Ang hagdanan (stairway) ay bahaging bahay na kinalalagyan ng hagdan.

o Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.

13. Iwan at Iwanan

13.1. Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/dalhin.

o Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.


13.2. Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.

o Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.

14. Tunton, Tungtong at Tungtong

14.1. Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.

o Hindi Makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.

6. ARALIN 4: Pagbuo ng Pangungusap

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:

1. natutukoy ang mga pangungusap na wasto,


2. nakakabuo ng mga pangungusap nang may pagsasaalang-ala sa kaisahan upang maging epektibo, at
3. nakakagamit ng wastong salita sa pagbuo ng mga pangungusap.
Kailangan ang kaisahan sa pangungusap para maging epektibo ito. Kailangan ang bawat bahagi ng pangungusap ay
tumutulong upang magkaroon na iisang diwa.
Narito ang ilang paalala upang matiyak ang kaisahan sa pagbuo ng pangungusap.
1.Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:

Di-Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater.

Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang mga napaalis na iskwater.

Di-paralel: Ang pag-eehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa upang lumakas ang ating resitensya.

Paralel: Ang pag-eehersisyo at pagkain natin ng mga masustansyang pagkain ay mahalaga upang lumakas ang ating resistensya.

2.Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap.


Halimbawa:

Di- nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga mag-aaral.

Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi na ang mga mag-aaral.

3.Huwag pagsasamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan.


Halimbawa:
Di-magkakaugnay: Hindi uunlad ang ating bayan kung hindi tayo nagkakaisa at marami ang walang trabaho .
Wasto: Hindi uunlad ang ating bayan kung hindi tayo nagkakaisa.
4.Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.
Halimbawa:
Di- mabisa: Ang pagtatanim gaya rin ng paglalaro ng mga bata ng taguan kung gabing walang buwan at ng pagdadama ng mga lalaking walang
magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakakaaliw.
Mabisa: Ang pagtatanim, gaya ng paglalaro ng ng mga bata, ay tunay nakakalibang.

5.Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ng panulong na sugnay.
Halimbawa:
Hindi malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko pinili ang kulay na damit na iyon.
Malinaw: Dahil ayaw ko ang kulay ng damit, hindi ko pinili iyon.
6.Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang gumaganap ng kilos.
Halimbawa:
Mali: Si Brianah ay kinain ng Chippy.
Tama: Si Brianah ay kumain ng Chippy.

Mali: Tinanim sa paso si Mariah.


Tama; Nagtanim sa paso si Mariah.

7.Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita


Halimbawa:
Malayo: Masaya ang pelikulang pinanood ko talaga. Malapit: Masaya talaga ang pelikulang pinanood ko.

Malayo: Sinigawan ni Brianah ang kanyang kapatid nang malakas.


Malapit: Sinigawan nang malakas ni Brianah ang kanyang kapatid.

8.Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap.
Halimbawa:
Nagsimula na ang klase.
Kaysa Ang klase ay nagsimula na.
Maingay at magulo ang palagid sa lungsod.
Kaysa Ang paligid sa lungsod ay maingay at magulo.

You might also like