You are on page 1of 19

KABANATA III

ANG GRAMATIKA AT ANG RETORIKA


Panimula
Ayon kay Mark Twain “The difference between the right word and the almost
right word is the difference between lightening ang a lightning bug.”
Ang Retorika ay mahigpit na nauugnay sa gramatika. Gaano man ka sining ang
isang pahayag, kung mali naman ang gramatika nito, maaari itong maging hindi
katanggap-tanggap lalo na sa mga iskolar, edukado at kritiko.
Kung tutuusin, ang gramatika ay isa ring espesyalisadong disiplina. Ang
masusing pag-aaral nito ay komplikado at nangangailangan ng mahabang panahon.
Ang kawalan o kakulangan ng kaalaman at kasanayang pangramatika ay may
negatibong epekto sa ating pagpapahayag sa alin mang paraan.
Kailangan ang kaisahan sa pangungusap para maging epektibo ito. Kung ang
bawat bahagi ng pangungusap ay tumutulong para maihayag nang malinaw ang
pangunahing diwa nito. Masasabing may kaisahan ang pangungusap.
Tatalakayin sa modyul na ito ang ilang tuntuning panggramatika, ang
pagtutuunan ng pagtalakay ay ang mga salalayang tuntuning madalas na katisuran o
pagkakamalian ng maraming mag-aaral na Pilipino.

Pangkalahatang Layunin
 Matalakay ang mga angkop na impormasyon tungkol sa paksa
 Mabigyang-diin ang paggamit nang angkop na salita na madalas katisuran ng
marami
 Makapag-ambag ng mga salitang makatutulong sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino

Aralin 1: Pagpili at Paggamit ng Wastong Salita

Panimula
Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin.
Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag. May mga
pagkakataon na ang mga salitang tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop
na gamitin.

1
Sa bahaging ito ng aralin, kailangang taglayin ng mga pahayag ang
kawastohang panggramatika. May mga salita kasi tayong ginagamit na ang akala natin
ay maaaring malayang nagkakapalitan, ngunit hindi naman kung ibabatay natin sa
istriktong tuntuning panggramatika.

Layunin
 Nakapagbibigay ng atleast limang (5) pahayag na nararapat gamitan ng
eupemismo, angkop na salita at Ipaliwanag din kung paano mapapalumanay ang
bawat isa.
 Nakabubuo ng mga pangungusap na may angkop na gramatika at retorika

Pagtalakay
A. PAGPILI NG WASTONG SALITA
May mga pagkakataon na ang mga salitang tama naman ang kahulugan ay lihis
o hindi angkop gamitin. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa:

Ito ang mga mali:


a. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bibig ng bulkan.
b. Bagay kay Mando ang kanyang makipot na bunganga.
c. Ginanahan sa paglamon ang mga bagong dating na bisita.
d. Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.

Ito naman ang wasto:


a. Tanaw na tanaw na naming ang maluwang na bunganga ng bulkan.
b. Bagay kay Mando ang kanyang makipot na bibig.
c. Ginanahan sa pagkain ang mga bagong dating na bisita.
d. Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.

Isaisip at laging tandaan na sa ating wika ay maraming salita na maaaring pare-


pareho ang kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak na gamit sa pahayag.
Halimbawa: bundok, tumpok, pumpon, salansan, tambak
kawangis, kamukha, kahawig
samahan, sabayan, saliwan, lahukan
daanan, pasadahan
aalis, yayao, lilisan
2
May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit ng eupemismo o
paglumanay sa ating pagpapahayag kahit na may mga tuwirang salita naman para rito.
Batid kong may sapat na kayong kabatiran sa salitang eupemismo.
Halimbawa: namayapa sa halip na namatay
palikuran sa halip na kubeta
pinagsamantalahan sa halip na ginahasa.

B. WASTONG GAMIT NG SALITA


Inilalahad sa iba ang ilan sa mga wastong gamit ng salita na magbibigay sa atin
ng kawastohang panggramatika ito ay ang mga sumusunod:

1. NANG at NG
a. Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at
ito ang panimula ng katulong na sugnay. (nang + Bakit?; nang + Kailan?)
Halimbawa:
Mag-aral kang Mabuti nang makapasa ka sa pagsusulit.
Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga panauhin.
Magsikap tayo nang umunlad ang ating buhay.
b. Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa
at ng panuring nito. (nang + Paano)
Halimbawa:
Nagpasa si Binz ng proyekto nang maaga.
Nangaral nang mahinahon si G. Valdez.
Nagdasal nang taimtim ang mga pari.
c. Ginagamit ang nang sa gitna na dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o
newtral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit. (salita nang salita)
Halimbawa:
suklay nang suklay
mag-ipon nang mag-ipon
nagdasal nang nagdasal
d. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. (ng + Ano?)
Halimbawa: Nag-aaral siya ng liksyon.
Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak.
Nagtanim ng palay ang magsasaka.

3
e. Ang ng ay ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
(ng + Nino?)
Halimbawa: Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-aaral.
Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.
Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa liksyon.
f. Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o
katangian. (ng + Kanino?)

2. KUNG at KONG
a. Ang kung (if) ay pangatnig na panubali at ito’y ginagamit na hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung isasantabi na mga politico ang
kanilang pamumulitika.
Aatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga magulang.
Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong kaibigan.
b. Ang kong (I, my) ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkopan lamang ng
ng. Halimbawa:
Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili.
Maasahan sa mga gawain ang mga matalik kong kaibigan.
Ang tangi kong inaasahan sa iyo ay ang maging tapat sa ating pag-ibig.

3. MAY at MAYROON
a. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa: Ang ngiti ay may ligayang dulot ng pinagbibigyan nito.
May virus na USB na hiniram ni Verdan.
Habang may buhay ay may pag-asa.
b. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa: May pupuntahan ka ba mamaya?
May tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi.
May Nakita siyang nakapanghihilakbot na pangitain kagabi.
c. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pang-uri.
Halimbawa: May mahabang buhok si Marivic.
May bagong sapatos si JKevin John.
Ang magkakaibigan ay may mabuting pagsasamahan.
d. Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari.
4
Halimbawa: Ang bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
Ang mga anak ni Aling Anna ay may kani-kanila nang kabuhayan.
Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.

e. Ang mayroon ay ginagamit kapag may napapasingit na kataga (ingklitik) sa salitang


sinusundan nito.
Halimbawa: Mayroon pa bang natirang ulam?
Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Jose.
f. Ang mayroon ay ginagamit na panagot sa tanong.
Halimbawa: May pasok ba tayo? Mayroon.
May maaasahan ba akong tulong sa kanya? Mayroon naman.
May takdang-aralin ka ba? Mayroon po.
g. Ang mayroon ay ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay.
Halimbawa: Ang mga Moralea ay mayroon sa bayan ng Dolores.
Si Norberto ay nagpanggap na mayroon sa kanilang lalawigan.
Iniiwasan kong makipagbarkada sa mga mayroon sa aming
paaralan
dahil ako’y isang mahirap lamang.

4. SUBUKIN at SUBUKAN
a. Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa: Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
Susubukin ng mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod.
b. Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang
tao o mga tao.
Halimbawa: Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
Ani Erap noon, “Wag n’yo akong subukan!”
Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya sa
kanyang paroroonan.
5. PAHIRIN at PAHIRAN
a. Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi ng isang bagay.
Halimbawa: Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
5
Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
b. Ang pahiran ay nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay.
Halimbawa: Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.
Pahiran mo ng biton ang sapatos mo upang magmukha iyong
bago.

6. PUNASIN at PUNASAN
a. Ang punasin ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggol.
Halimbawa: Punasin mo ang alikabok sa mesa.
Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.
b. Ang punasan ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinagtatanggalan
ng kung ano man.
Halimbawa: Punasan mo ang mesa.
Punasan mo ang iyong noo.

7. OPERAHIN at OPERAHAN
a. Tinutukoy ngn operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Halimbawa: Ooperahin bukas ang mga mat ani Jovelyn.
Dok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan.
b. Tinutukoy ng operahan ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.
Halimbawa: Ooperahan na ng doctor ang naghihirap na bulag.
Inoperahan na si Emil kahapon.

8. DIN at RIN, DAW at RAW


a. Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa
patinig at sa malapatinig na w at y.
Halimbawa: Si Vanesa ay katulad mo ring masipag mag-aral.
Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating
Pamantasan.
May bahay rin sa Malabon sina Mr. Gatchalian.
b. Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa: Masakit daw ang ulo ni Amor kaya hindi siya nakapasok sa klase.
Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.
Nakapagsulat din ng aklat si Elma.

6
9. SILA at SINA, KINA at SILA
a. Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay panandang pangkayarian sa
pangangalan. Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na panandang
pangkayarian.
Halimbawa: Mali: Sila Aldren at Olga ay mabubuting anak.
Tama: Sina Aldren at Olga ay mabubuting anak.
Mali: Sila Ruth at Helen ay nanalo sa timpalak.
Tama: Sina Ruth at Helen ay nanalo sa timpalak.
Tama : Sila ay mabubuting anak.
: Nanalo sila sa timpalak.
b. Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina. Walang salitang
kila sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.
Halimbawa: Papunta na kami kina Ms. Katipunan.
Kina Malou gaganapi ang pagdiriwang.
Malayo ba rito ang kina Riza at Ronnie?

10. HAGDAN at HAGDANAN


a. Ang hagdan (Stairs) ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay o gusali
b. Ang hagdanan (Stairway) ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
1. Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
2. Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahy kaya hindi gumuho ang hagdan niyon
matapos ang lindol.

11. PINTO at PINTUAN


a. Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang
ilagay sa pintuan.
b. Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan
kapag bumukas na ang pinto.
Halimbawa:
1. Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
2. Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang
pinto.

7
12. IWAN at IWANAN
a. Ang iwan (to leave something) ang nangangahulugang huwag isama/dalhin.
b. Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng kung
ano ang isang tao.
Halimbawa:
Iwan mo na ang anak mo sa bahay n’yo.
Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.
Iwanan mo ‘ko ng perang pambili ng pananghalian.
Hindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang presong lasenggero.

13. SUNDIN at SUNDAN


a. Ang sundin (follow an advice) ay nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.
b. Ang sundan (follow where one is going; follow what one does) ay nangangahulugang
gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Halimbawa:
1. Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng
landas.
2. Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matuto ng
pagluluto ng paelya.
3. Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo.

C. PAGBUO NG PANGUNGUSAP
Inilalahad sa ibaba ang ilaw paalala upang matiyak ang kaisahan sa pagbuo ng
pangungusap.
1. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
Di-timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga
napaalis na iskwater.
Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang mga
napaalis na iskwater.
Di-paralel: Ang pag-eehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti ng ating kalusugan.
Paralel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga masustansyang pagkain ay
mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.
2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap.
8
Halimbawa:
Di-nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina.
Nagkakaisa: Nagsialis a nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina.
3. Huwag pagsasamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan.
Halimbawa:
Di-magkakaugnay: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginagamit at
nahilig tayo sa kalayawan.
Wasto: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit.
4. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.
Halimbawa:
Maraming kaisipan: Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga bata ng taguan
kung
gabing walang buwan at ang pagdadama ng mga lalaking walang
magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na
nakakaaliw.
May isang kaisipan: Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng taguan ng mga bata, ay
tunay na nakalilibang.
5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang pantulong
na sugnay. Halimbawa:
Hindi Malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang sombrero.
Malinaw: Dahil sa ayaw ko sa sombrero, hindi ko iyon binili.
6. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi
siyang gumaganap ng kilos.
Halimbawa:
Mali: Si Jubaile ay hindi ang relo para kay Bernie.
Tama: Ang relo ay binili ni Jubaile para kay Bernie.
Binili ni Jubaile ang relo para kay Bernie.
Mali: Si Emil ay kinuha ang hinog na papaya sap uno.
Tama: Ang hinog na papaya sap uno ay kinuha ni Emil.
Kinuha ni Emil ang hinog na papaya sa puno.
7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.
Halimbawa:
Malayo: Maganda ang kwentong binasa ko talaga.
Malapit: Maganda talaga ang kwentong binasa ko.
Malayo: Tinawag ni Casimiro ang aso nang malakas.
9
Malapit: Malakas na tinawag ni Casimiro ang aso.
8. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng
pangungusap.
Halimbawa: Minamahal at ginagamit niya ang sariling wika.
Mabait na bata si Aldren.
Kaysa: Ang sariling wika ay minamahal at ginagamit niya.
Si Aldren ay mabait na bata.

Buod
Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang
pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay. (nang + Bakit?; nang +
Kailan?). Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan
ng pandiwa at ng panuring nito. (nang + Paano). Ginagamit ang nang sa gitna na
dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o newtral na inuulit at dalawang
pandiwang inuulit.
Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. (ng
+ Ano?). Ito din ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o
katangian.
Ang kung (if) ay pangatnig na panubali at ito’y ginagamit na hugnayang
pangungusap. Samantalang, ang kong (I, my) ay nanggaling sa panghalip na
panaong ko at inaangkopan lamang ng ng. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng
pangngalan at panghalip na panao sa kaukulang paari.
Ang mayroon ay ginagamit kapag may napapasingit na kataga (ingklitik) sa
salitang sinusundan nito. Ginagamit din ito na panagot sa tanong at kung
nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay.
c. Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang tao o bagay. Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin
upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
c. Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi ng isang bagay. Ang
punasin ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggol. Ang punasan ay
ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano
man.
c. Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis. Tinutukoy ng operahan
ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.
c. Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay
10
nagtapos sa patinig at sa malapatinig na w at y. Ang din at daw ay ginagamit kung
ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig.
Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay panandang
pangkayarian sa pangangalan. Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na
panandang pangkayarian. Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan
katulad ng sina. Walang salitang kila sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila ay
karaniwang pagkakamali.
c. Ang hagdan (Stairs) ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay o
gusali. Ang hagdanan (Stairway) ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan.
Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito
upang ilagay sa pintuan. Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin
ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.
Ang iwan (to leave something) ang nangangahulugang huwag isama/dalhin.
c. Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng
kung ano ang isang tao.
c. Ang sundin (follow an advice) ay nangangahulugang sumunod sa payo o
pangaral. Ang sundan (follow where one is going; follow what one does) ay
nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba.
Ang ilang paalala upang matiyak ang kaisahan sa pagbuo ng pangungusap:
9. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap. Tiyaking
nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap. Huwag pagsasamahin sa
pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan. Iwasan ang pagsasama-sama
ng maraming kaisipan sa isang pangungusap. Gawing malinaw sa pangungusap
kung alin ang pangunahing sugnay at ang pantulong na sugnay. Gamitin ang tinig na
balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang
gumaganap ng kilos.
Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.
Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng
pangungusap.

Gawain
1. Magbigay ng iba atleast limang (5) pang pahayag na nararapat gamitan ng
eupemismo. Ipaliwanag din kung paano mapapalumanay ang bawat isa.
Eupemismo Sariling Paliwanag

11
2. Isulat ang letra ng salitang wasto ang baybay at gamit.
1. Sariwa pa sa aking (a. ala ala, b. alala, c. ala-ala) ang nasaksihan kong aksidente sa
EDSA.
2. Mayroon akong koleksyon ng (a. ibat-ibang, b. iba’t ibang, c. iba’t ibang) uri ng
maskara.
3. Dahil sa demokrasya, Malaya tayong nakapagpapalitan ng ating mga magkakaibang
(a. kuro-kuro, b. kurokuro, c. kurukuro).
4. (a. Sari-sari, b. Sarisari, c. Sari sari) ang tindang kakanin ni Aling Elay.
5. Tinaguyod nang (a. mag-isa, b. mag isa, c. magisa) ni aling Myrna ang kanyang
limang
anak.
6. Mayuming kumilos ang (a. dalagang-bukid, b. dalagangbukid, c. dalagambukid) na
nakilala ni Peter.
7. Ngayong nasa ikaapat na taon ka na sa kolehiyo, halos (a. abot tanaw, b. abot-
tanaw, c. abottanaw) mo na ang tagumpay.
8. Dapat nating kaawaan ang mga batang (a. hampas lupa, b. hampas-lupa, c.
hampaslupa) na nagkalat sa lansangan.
9. Ako ay (a. taga Makati, b. taga-Makati, c. tiga-Makati).
10. Lubos kong nagustuhan ang (a. ika-6, b. ika-anim, c. ika anim) na kabanata ng Mga
Ibong Mandaragit.

Aralin 2: Karaniwang Pagkakamali

Panimula
Ang mga usapin sa pagpapakahulugan mula sa isang wika patungo sa isa pang
wika ay napakahalaga para sa ating lahat. Sa ganitong punto may mga isyung
kinakaharap ang pagpapakahulugan kung ang orihinal na mga salita o ideya ba ang
bibigyang kahulugan? Sa araling mapag-aaralan mo ang tungkol satalamak na
pagkakamali sa social media batay sa pagmamamasid sa ilang post ng kabataan at
ang teknikal na paggamit ng gitling.

Layunin
12
 Nabibigyang puna ang ilang post mula sa social media
 Nainternalisa ang mga punto sa maling paggamit ng gitling sa social media

Pagtalakay
A. Talamak na Pagkakamali sa Social Media
Ating mapapansin sa mga post ng ilang kabataang tulad ninyo sa social media
lalong-lalo ma sa mga meme sa facebook, napansin ang mga sumusunod na talamak
na pagkakamali:
1. Paggamit ng NIYO sa halip na NINYO o N’YO
Halimbawa:
Barkada: Hindi mo man kadugo pero ang turingan NIYO sa isa’t isa ay pamilya.
Tandaan: Walang salitang NIYO. Ang tamang salita ay NINYO o kaya’y N’YO.
2. Paggamit ng SAYO sa halip na SA IYO o SA’YO
Halimbawa: Para SAYO ang laban na ‘to.
Tandaan: Walang salitang SAYO. Ang tamang salita ay SA IYO o kaya naman SA
‘YO.
3. Iba pang katulad na pagkakamali tulad ng SAKIN, SATIN, SAMIN, NAKO, KONA
Halimbawa: Ikaw na ang para SAKIN.
Ang batang ito ay para SATIN.
Doon tayo magkita SAMIN.
Nagising NAKO.
Alam KONA ang iyong lihim.
Tandaan: Walang salitang SAKIN, SATIN, SAMIN, NAKO, at KONA. Ang mga
tamag salita ay SA AKIN o SA ‘KIN, SA ATIN o SA ‘TIN. SA AMIN o SA ‘MIN, NA AKO
o NA ‘KO at KO NA.
4. Pagsasama ng dalawang magkasunod na ingklitik tulad ng NALANG, PARIN at
NANAMAN
Halimbawa: Sa panahon ngayon, sahod NALANG ang hinihintay buwan-buwan.
Natapos na ang lahat, nandito PARIN ako.
Hetp NANAMAN tayo.
Tandaan: ang magkasunod na ingklitik o salitang paningit ay dalawang salita kaya
huwag pag-iisahin. Ang tamang baybay, kung gayon ay NA LANG, PA RIN at NA
NAMAN. Gayon din ang PA RAW, NA RIN, NA RAW, NA LAMANG, NA LANG, PA
NAMAN, NA BA at PA BA.
5. Maling gamit ng salitang KANA, PALANG, KABA
13
Halimbawa: Saka KANA magyabang kapag hindi KANA umasa sa magulang mo.
Papunta ka PALANG, pabalik na ‘ko.
Sang-ayon KABA rito?
Tandaan: Ang KANA ay pagpapaikli ng salitang AMERIKANA. Ang KANA ay
panghalip na KA at ingklitik na NA. Ang PALANG ay ingklitik na PALA na kinabitan ng
pang-angkop na -NG. Ang PALANG ay dalawang ingklitik na PA at LANG na
pagpapaikli ng LAMANG. Ang KABA ay tumutukoy sa damdaming nangangamba. Ang
KA BA ay panghalip na KA at ingklitik na BA.

B. Maling Paggamit o ‘Di Paggamit ng Gitling


Talamak din sa social media lalong-lalo na sa mga meme sa facebook ang
maling paggamit ng malaki at maliit na titik, paggamit ng parirala sa halip na
pangungusap, at maling paggamit ng mga bantas. Kaugnay ng mga bantas, ang maling
paggamit o ‘di paggamit ng gitling na yata ang pinakatalamak.
Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
Bes, ikaw ang MAKIPAGUSAP, ako ang kakatok.
Baka kaya tayo INI-IWAN, kasi hindi tayo sumasama.
Tunay na lalaki lang ang MAKAKA GETS nito.
Bigla kang tinawag teacher mo para MAG RECITE.
Ang hirap ng groupings kapag wala kang KACLOSE.
KAWAY KAWAY sa mga ganito magsulat.

Kalian ba ginagamit ang gitling? Balik-aralan natin ang mga ito. Ito ang mga
sumusunod:
1. Panlaping Nagtatapos sa Katinig + Salitang Nagsisimula sa Patinig
Halimbawa: PAG-IBIG, NAG-ARAL, TIG-ANIM
Tandaan: Maaring mag-iba ang kahulugan ng mga ganitong salita kapag hindi
ginitlingan tulad ng MAG-ISA, MAG-ALIS, PANG-ULO.
2. Panlapi + Salitang Banyaga
Halimbawa: NAG-GYM, MAG-QUIZ, PA-SELFIE
Tandaan: Mahirap bigkasin ang salitang ganito kapag hindi ginitlingan tulad ng NI-
RAID, NI-RAPE. Kapag binago ang baybay ng salitag banyaga, hindi na ginigitlingan
tulad ng NAGBOKSING, NAGDROWING, NAGKOMPYUTER.
3. Salitang Inuulit
Halimbawa: ARAW-ARAW, GABI-GABI, PANA-PANAHON
14
Tandaan: Hindi salitang inuulit ang ALAALA (Walang salitang ALA). Gayon din ang
PARUPARU, GUNIGUNI, SULSOL, LASLAS at iba pa. Ang IBA-IBA ay may gitling,
ngunit ang IBA’T IBA ay hindi ginigitlingan.
4. Panlapi + Pangngalang Pantangi
Halimbawa: MAKA-RIZAL, TAGA-MAYNILA, NAG-COKE
Tandaan: Walang gitling ang MAKABAYAN (Hindi pangngalang pantangi ang BAYAN).
Gayon din ang TAGALALAWIGAN, TAGANAYON, MAKAKALIKASAN, MAKATAO at
iba pa.
5. Tambalang Salita
Halimbawa: SILID-AKLATAN, KAPIT-KAMAY, DALAGANG-BUKID (tao)
Tandaan: Kapag ang tambalang salita ay mayroon nang bagong kahulugan, hindi ito
ginigitlingan tulad ng BAHAGHARI, HAMPASLUPA, DALAGAMBUKID (isda).
6. Apelyedo ng Babae + Apelyedo ng Kanyang Asawa
Halimbawa: CORAZON COJUANGCO-AQUINO, MIRRIAM DEFENSOR-SANTIAGO
Tandaan: Hindi ito maaaring gamitin sa pangalan ng babaeng walang asawa at sa
pangalan ng mga lalaki.
7. Panlapi + Simbulo ng Bilang
Halimbawa: IKA-7, TIG-5
Tandaan: Hindi ginigitlingan kapag binabaybay ang bilang tulad ng IKAPITO. TIGLIMA.
8. Tambilang na Binabaybay
Halimbawa: SANG-KAPAT, SANGKATLO
Tandaan: Kahit sa Ingles ay may gitling ang fractions tulad ng ONE-FOURTH, ONE-
THIRD.

Buod
Ipinaliwanag nina Lustig at Koester (2006), ang proseso ng pagkatutong
panlipunan ng isang tao. Bahagi ng prosesong panlipunan ang pagkatuto mula sa
mga nakasalamuha at sa social media. Ang ano mang pagkakamali ay naaayon sa
kultural na identidad kung saan isinasabuhay ng mga tao ang paniniwala,
pagpapahalaga ng kanilang kultura at kinikilala ang ganitong kultura bilang bahagi ng
konsepto sa sarili (Lustig ang Koester, 2006).
Talamak din sa social media sa kasalukuyang henerasyon lalong-lalo na sa mga
meme sa Facebook ang maling paggamit ng malaki at maliit na titik, paggamit ng
parirala sa halip na pangungusap, at maling paggamit ng mga bantas. May mga

15
salitang mahirap bigkasin, maaaring mag-iba ang kahulugan.

Gawain
Sagutin sa hiwalay pa papel.
1. Magsaliksik sa social media ng mga post at suriin ito ayon sa kalakasan o
kahinaan nito.

EBALWASYON
Sagutin sa hiwalay na papel.
1. Piliin sa loob ng panaklong ang tamang sagot upang mabuo ang pahayag.
1.(Hinigop, Ininom) ni Bernie ang tubig sa baso.
2. Maganang (kumain, lumamon) ang mga bisita sa handaan.
3. Makipot ang (bibig, bunganga) ng dalagang nagwagi sa pagandahan.
4. (Nilahukan, Sinaliwan) ni Elma ng gulay ang niluluto niyang ulam.
5. (Namayapa, Namatay) na ang mahal na lola ni Thor.
6. (Hindi Kagandahan, Pangit) man ang iyong kasintahan, kahanga-hanga naman ang
kanyang kabaitan.
7. Tiglilimang piso ang bawat (salansan, tumpok) ng kalamansi.
8. (Dinaanan, Pinasadahan) ni Helen ng plantsa ang nalukot na tela.
9. Lakad (ng, nang) lakad ang pulubi sa daan.
10. Nag-aral si Mark (ng, nang) ballet sa Alemanya.
11. Ang Pilipinas ay isang bayan (ng, nang) magigiting.
12. Hindi ka mabibigo (kung, kong) magsisikap ka sa iyong pag-aaral.
13. Ang tipo (kung, kong) lalake ay maginoo pero medyo bastos.
14. (May, Mayroon) daw tayong pulong bukas, ayon kay Espacio.
15. (Subukin, Subukan) mong mag-eehersisyo tuwing umaga at baka hindi ka na
maging sakitin.
16. (Pahirin, Pahiran) mo ang luha sa iyong pisngi.
17. Buka, (ooperahin, ooperahan) na ang apendiks ni Liela.
18. Nabalitaan ko, aalis ka na (daw, raw) bukas.
19. (Sina, Sila) Verna at Shara ay mga masisipag na guro.
20. (Iwan, Iwanan) mo ng laruan ang mga bata nang hindi sila mainip.
16
I. Tukuyin ang letra ng salitang wasto ang baybay at gamit.
21. Sariwa pa sa aking (a. ala ala, b. alala, c. ala-ala) ang nasaksihan kong aksidente
sa
EDSA.
22. Mayroon akong koleksyon ng (a. ibat-ibang, b. iba’t ibang, c. iba’t ibang) uri ng
maskara.
23. Dahil sa demokrasya, Malaya tayong nakapagpapalitan ng ating mga
magkakaibang
(a. kuro-kuro, b. kurokuro, c. kurukuro).
24. (a. Sari-sari, b. Sarisari, c. Sari sari) ang tindang kakanin ni Aling Elay.
25. Tinaguyod nang (a. mag-isa, b. mag isa, c. magisa) ni aling Myrna ang kanyang
limang anak.
26. Mayuming kumilos ang (a. dalagang-bukid, b. dalagangbukid, c. dalagambukid) na
nakilala ni Peter.
27. Ngayong nasa ikaapat na taon ka na sa kolehiyo, halos (a. abot tanaw, b. abot-
tanaw,
c. abot tanaw) mo na ang tagumpay.
28. Dapat nating kaawaan ang mga batang (a. hampas lupa, b. hampas-lupa,
c. hampaslupa) na nagkalat sa lansangan.
29. Ako ay (a. taga Makati, b. taga-Makati, c. tiga-Makati).
30. Lubos kong nagustuhan ang (a. ika-6, b. ika-anim, c. ika anim) na kabanata ng Mga
Ibong Mandaragit.
31. Kailangang-kailangan natin sa kasalukuyan ng mga pinunong (a. Makabayan, b.
maka-Bayan, c. maka-bayan).
32. Eskoba ang ginamit kong (a. pang-alis, b. pangalis, c. pang alis) ng dumi sa banyo.
33. Lima (a. palang, b. palamang, c. pa lang) ang nagpapasa ng takdang-aralin.
34. Wala na (a. palang, b. palamang, c. pa lang) mag-aaral ang naiwan sa silid.
35. Sana, tayo (a. na lang, b. nalang, c. nalamang) dalawa ang nagkatuluyan.
36. Ang iyong tula ay para (a. sakin, b. sa’kin, c. sa akin)?
37. Hindi na mapigil ang paglaki ng aking (a. bilbil, b. bil-bil, c. bil bil).
38. Kung ayaw niyang sumama, tayo (a. nalang, b. na lang, c. na-la ng) dalawa ang
lumakad.
39. Tayo (a. naraw, b. na raw, c. na daw) ang magbabasa ng kwentong hindi inulat ng
pangkat.
17
40. (a.Paselfie, b. Pa selfie, c. Pa-selfie) naman sa cellphone mo.

II. Sumulat ng komposisyong nagpapamalas ng wastong gamit ng mga


salitang tinalakay sa kabanatang ito at ng wastong pagbuo ng mga
pangungusap. Pamagatam mo itong “AKO”.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

SANGGUNIAN
Amoncio, Ma. Perpetua E., et al. 2018. Diskurso sa Filipino. Malabon City: Mutya
Publishing House., Inc.
Austero, Cecilia S., et al. 2013.retorika at Masining na Pagpapahayag. Sta. Mesa,
Manila:
Rajah Publishing House.
Bernales, Rolando A., et al. 2007. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela
City: Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A., et al. 2018. Retorika at Diskurso sa Wikang Filipino. Malabon
City:
Mutya Publishing House., Inc.

www.//language links.org/onlinepapers/wika
www.bukidnon.gov.ph

18
\

19

You might also like