You are on page 1of 13

1

Aralin

Magandang araw sa iyo!

Sa modyul na ito, babasahin mo ang isang teksto at iyong masusuri na ang


isang pahayag ay katotohanan o opinyon. Makabubuo din ng mga bagong salita
gamit ang panlapi at salitang-ugat.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga
sumusunod na kasanayan:

1. Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat (F6PT-IIIj-15)


2. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan (F6PB-IIIj-19)

Ang lahat ng iyong sagot sa bawat gawain, pagsasanay at pagsusulit ay


isulat/ilagay sa nakalaang sagutang papel na matatagpuan sa hulihang bahagi ng
modyul.

Dagdagan ng pantig ang mga sumusunod upang makabuo ng bagong salita. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. bait -
2. ganda -
3. gubat -
4. gulo -
5. dagat -

Isulat ang K kung katotohanan at O kung opinyon ang mga pahayag.


6. Para sa akin, wala ng bulaklak na babango pa sa Sampaguita.
7. Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.
8. Si Tatay ang pinakamasipag sa lahat ng ama.
9. May mga programa sa telebisyon na para sa mga bata.
10. Kung ako ang tatanungin, mas mabuting alagaan ang aso kaysa sa pusa.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
2

Hanapin ang pangatnig na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.
1. Gusto kong kumain ng ice cream pero wala akong perang pambili.
2. Madali siyang nakakuha ng taksi ngunit natrapik naman siya sa daan.
3. Lalabas sana ako subalit biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Hanapin at piliin ang tamang pang-ugnay na nasa loob ng panaklong para mabuo
ang diwa ng pangungusap.
4. Ang kayamanan ( na , g , ng ) bigay ng Diyos ay dapat tipirin.
5. Dapat gayahin si Ana at iba pang taong may ugali ( ng , na , g ) mabuti.

A. Pagbubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang ugat.

Robin Garcia:
Bayani ng Nueva Ecija
Si Robin ay isinilang sa Barangay Bagong Sikat, Nueva Ecija. Mahirap lamang
sila kaya siya ay napatigil sa kaniyang pag-aaral sa gulang na labindalawang taon.
Mahusay at matalino siya, subalit walang kakayahang tustusan ng kaniyang mga
magulang ang kaniyang pag-aaral. Kaya naghanapbuhay siya bilang kargador para
matulungan ang kanyang pamilya.
Makaraan ang pitong taon, noong 1989, naisipan niyang ipagpatuloy ang
kaniyang pag-aaral. Dahil siya’y magaling na mag-aaral, na-promote siya mula sa unang
taon ng high school patungong ikaapat na taon.
Noong ika-16 ng Hulyo, 1990 nagkaroon ng isang malakas na lindol. Halos lahat
ng tao ay nagimbal at nasindak dahil sa lakas ng pagyanig ng lupa.
Dalawampung taong gulang noon si Robin nang mangyari ang lindol na kumitil
ng daan-daang buhay at sumira ng milyon-milyong ari-arian sa bansa.
Dahil sa lakas ng lindol, gumuho ang paaralang kaniyang pinapasukan. Papunta
na siya sa labas ng paaralan ngunit napansin niyang marami pang mag-aaral

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
3

ang nakulong sa gumuhong gusali, kaya’t naisipan niyang bumalik. Kaniyang nailigtas
ang limang mag-aaral na noo’y nanghihina na rin. Muli siyang nakarinig ng mga tinig na
humihingi ng saklolo kaya’t minabuti niyang bumalik sa loob ng gumuhong gusali. Sa
kasamaang palad, nadaganan siya ng malalaking tipak ng pader.
Si Robin ay buhay pa nang ilabas sa gumuhong paaralan ngunit hindi rin nagtagal
at binawian siya ng buhay dahil sa natamo niyang pinsala sa loob ng kaniyang katawan.
Isa sana siya sa mga nakaligtas kung inisip lamang niya ang kaniyang sarili subalit
ipinamalas niya ang kaniyang katapangan at kabayanihan sa pamamagitan ng pagtulong
sa kaniyang mga kasamahan sa paaralan.

Bago ka magsimula ng mga gawain, nais ko muna talakayin ang tungkol sa iyong
binasa. Pansinin ang mga ginamit na salitang: matalino, kumitil, gumuho, nadaganan
kabayanihan, katapangan, kasamahan at binawian. Ito ay mga salitang ginamitan ng
panlapi mula sa salitang-ugat upang makabuo ng mga bagong salita.

Salitang-ugat – ito ay tumutukoy sa simpleng salita na walang panlapi.


Tinatawag din itong payak na anyo ng salita.
Halimbawa : punta, luto, dasal, bilin, iwas

Panlapi – ito ay kataga o mga katagang ikinakabit sa unahan, gitna, o hulihan ng


mga salitang ugat upang makabuo ng panibagong salita.
Iba’t-ibang Uri ng Panlapi
1. Unlapi – ito ang tawag sa pantig na idinaragdag sa unahan ng
salitang-ugat tulad ng ma-, na-, pag-, at ka-.
2. Gitlapi - ito ang tawag sa pantig na idinaragdag sa gitna ng
salitang-ugat tulad ng um-, at in-.
3. Hulapi - ito ang tawag sa pantig na idinaragdag naman sa hulihan
ng salitang-ugat tulad ng an-, at han-.
Halimbawa:

Panlapi Uri ng Panlapi Salitang-ugat Nabuong Salita


um gitlapi punta pumunta
mag unlapi dasal magdasal
an hulapi hugas hugasan
nag unlapi tanim nagtanim
in gitlapi bawi binawi

A. Katotohanan at Opinyon
Katotohanan – ito ay nagpapahayag kung ano ang tunay na pangyayaring naganap.
Hindi ito sinasamahan ng paglalarawan o sariling palagay kaugnay sa mangyayari. Isa
rin itong pahayag/pangyayari na ibinatay sa mga nakatala at napatunayan. Ginagamitan
ito ng mga salita o parirala bilang pananda gaya ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan
ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na at mababasa na.
Halimbawa: Pinatutunayan ng sensiya, na ang mundo ang pangatlong planetang
malapit sa araw.
Batay sa nabasa ko, si Dr. Jose P. Rizal ang ating pambansang bayani.

Opinyon - ito ay pala-palagay, kuru-kuro o sariling haka-haka tungkol sa pangyayari.


Ito ay isang palagay lamang ng isa o ilang tao at walang maipakikitang katibayan.
Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang opinyon katulad ng: sa pakiwari
ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa aking palagay, sa ganang akin, at sa nakikita
ko.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
4
Halimbawa : Para sa akin, lechon ang pinakamasarap na pagkain.
Kung ako ang tatanungin, mas magandang mamasyal sa Baguio kaysa
sa Tagaytay

Gawain 1.1: Isulat sa patlang kung opinyon o katotohanan ang pahayag ng bawat
bilang ayon sa binasang kuwento.

1. Iniligtas ni Robin ang mga mag-aaral na nakulong sa gumuhong


gusali.
2. Ang mga kapos-palad ay may kakayahang tustusan ang kanilang
pag-aaral.
3. Si Robin ay naghanapbuhay bilang kargador para matulungan
ang lahat ng mahihirap.
4. Binawian ng buhay si Robin dahil sa natamo niyang malaking
pinsala sa loob ng kaniyang katawan.
5. Nagkaroon ng isang malakas na lindol noong ika-16 ng Hulyo,
1990.
Gawain 1.2: Basahin mo ang bawat pangungusap. Bumuo ka ng bagong salita batay sa
salitang-ugat na nasa panaklong upang mabago ang diwa ng pangungusap. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

( gabi ) 1. Matulog ka na at huwag ka nang maghintay dahil baka ako .


( kulay ) 2. Agad matatanaw ang na kasuotan ng mananayaw.
( kalat ) 3. Mabilis na ang sunog sa Barangay Dos.
( tanim ) 4. Puwede ring ng mga gulay sa paso at lata.
( ligaya ) 5. Labis ang ng binate nang makapasa sa board examination.

Gawain 1.3 : Punan ng tamang pananda o salita ang mga pangungusap upang
matukoykung ito ay katotohanan o opinyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. , pinakamasarap na almusal ang sinangag at daing na bangus.


2. , ang araw ay sumisikat sa silangan at lumulubog sa kanluran.
3. , ang Pilipinas ay napapaligiran ng tubig.
4. , mas tapat na kaibigan ang lalaki kaysa sa babae.
5. , pinakamagandang alagaan ang aso kaysa sa pusa.

Alam kong naunawaan mo na ang aralin sa modyul na ito. Narito ang ilang
mga mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan.

▪ Ang salitang-ugat ay ang punong salita na walang kahit anong dagdag natitik,
kataga o pantig.
▪ Ang panlapi naman ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, sagitna, o sa
hulihan ng salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
5

▪ Ang panlapi ay may iba’t-ibang uri ito ay ang unlapi, gitlapi at hulapi.
▪ Kapag pinagsama natin ang panlapi at salitang-ugat ay makakabuo tayo ng bagong
salita.
▪ Ang katotohanan ay tumutukoy sa mga totoong pangyayari, may mga basehan at
kalakip na mga impormasyon o katibayan na nangyari nga.
▪ Samantalang ang opinyon ay nakabase lamang sa mga nangyayari o totoong naganap
at nakabatay sa mga saloobin ng isang tao kung papaano o ano ang pagkakaintindi
niya sa nangyari o naganap sa kanyang paligid.

May ilang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo


ang iyong mga natutuhan.

A. Bumuo ng bagong salita mula sa mga sumusunod na salitang-ugat na nasa loob


ng panaklong at gamitin ito sa sarili mong pangungusap. Bilugan ang bagong salita
na iyong nabuo.
( ingay ) 1.
.
( patid ) 2.
.
( tukso ) 3.
.
( aral ) 4.
.
( sugod ) 5.
.

B. Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng


katotohanan at isulat ang O kung ito ay isang opinyon.

1. Karapatan ng bawat batang Pilipino ang mag-aral.


Dapat sa pribadong paaralan mag-aral ang mga bata.

2. Masaya ang may alagang hayop sa bahay.


Ang mga aso at pusa ay maaaring maging mga alagang hayop.

3. Ang elepante ay ang pinakamalaking hayop na nakatira sa lupa.


Nakakatawa ang itsura ng ilong ng elepante.

4. Ang Sahara ay isang malaking disyerto sa Africa.


Hindi mabubuhay ang mga tao sa isang disyerto tulad ng Sahara.

5. Higit na maganda ang Bulkang Mayon kaysa sa Bulkang Pinatubo


Ang Bulkang Mayon ay may halos may perpektong hugis kuno.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
6

A. Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba, sumulat ng tig-isang pangungusap


nanagpapahayag ng opinyon at katotohanan batay sa mga nakalarawan.

1. Opinyon

2. Katotohanan

3. Opinyon

____________________________________________________________________

4. ______________________________________________________________________________

5. Katotohanan

Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa mental health awareness.


Magbigay ng 3 katotohanan at 3 opinyong pahayag tungkol dito. Isulat ito sa
kanang kahon. Pagkatapos ay isulat naman sa kaliwang ulap ang mga salitang
nabuo sa pangungusap gamit ang salitang-ugat at panlapi.

3 Opinyon

3 Katotohanan

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
7

Markahan ang iyong ginawa ayon sa pamantayan na ito:

Panuto: Bilugan ang angkop na bilang sa bawat kategorya.

4 – Napakahusay 2 – Katamtaman
3 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng Pagsasanay

1. Organisado at may kaisahan ang mga pangungusap. 4 3 2 1

2. Nakatugon sa tema ang kabuuan ng pangungusap. 4 3 2 1

3. Magkakaugnay-ugnay ang mga salita. 4 3 2 1

4. May sapat na impormasyon o detalye ang kabuuan. 4 3 2 1

5. Malinis at maayos ang pagkakasulat. 4 3 2 1

Kabuuang Puntos

Binabati kita! Natapos mong pag-aralan ang buong modyul. Kung


mayroong bahagi na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa
iyong guro.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
8

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
9

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
10

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
11

Markahan ang iyong ginawa ayon sa pamantayan na ito:

Panuto: Bilugan ang angkop na bilang sa bawat kategorya.

4 – Napakahusay 2 – Katamtaman
3 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng Pagsasanay

1. Organisado at may kaisahan ang mga pangungusap. 4 3 2 1

2. Nakatugon sa tema ang kabuuan ng pangungusap. 4 3 2 1

3. Magkakaugnay-ugnay ang mga salita. 4 3 2 1

4. May sapat na impormasyon o detalye ang kabuuan. 4 3 2 1

5. Malinis at maayos ang pagkakasulat. 4 3 2 1

Kabuuang Puntos

Binabati kita! Natapos mong pag-aralan ang buong modyul. Kung


mayroong bahagi na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa
iyong guro.

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
12

FILIPINO 6
SAGUTANG PAPEL
Markahan: IKATLO Linggo: IKAAPAT
Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Iskor:

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 6 1
2 7 2
3 8 3
4 9 4
5 10 5

MGA GAWAIN
GAWAIN 1:
SALITANG- MGA KAHULUGAN
UGAT BAGONG
SALITA

1. Sakit a. a.

b. b.

2. Galak a. a.

b b.

3. Hanap a. a.

b. b.

4. Bilang a. a.

b. b.

5. Lipad a. a.

b. b.

Gawain 1.2 Gawain 1.3 Gawain 1.4

1 1 1
2 2 2
3 3 3
4 4 4
5 5 5

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
13

Pag-alam sa Natutuhan
A.
1.
2.
3.
4.
5.

B.
1. 2. 3. 4. 5.

Pangwakas na Pagsusulit
A.
1. Opinyon:
2. Katotohanan:
3. Opinyon:
4. Katotohanan:

B.

Pagninilay

Modyul sa Filipino 6
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo

You might also like