You are on page 1of 33

FILIPINO

5
PANALANGIN BAGO MAG-UMPISA ANG
KLASE
Mapagmahal na Ama, pinasasalamatan at
pinupuri Ka namin. Nagpapasalamat po kami sa mga
biyayang ipinagkakaloob Mo sa amin sa araw-araw.

Salamat Ama, sa panibagong araw ng aming pag-


aaral. Patuloy Niyo po sana kaming gabayan at nawa
ang lahat ng aming matututuhan ay maging kapaki-
pakinabang para sa pag-unlad ng aming bayang
Pilipinas.

Mabuting Ama, gawin Mo pong instrumento ng


kapayapaan ang bawat isa sa amin at mga kabataan sa
buong mundo. Ang lahat ng ito ay dinadalangin naming
sa mapagmahal na pangalan ni Hesus.
Paano mo maipagmamalaki ang pagiging
Pilipino?

PILIPINO AKO
ARALIN 10

TAYONG MGA
PILIPINO
POKUS NG
PANDIWA
PAKIKINIG
TULA
 Ito ay may ritmo at magkakatugmang salita.

 May aral at mensahe itong ipinapahatid sa


mambabasa.

 Binubuo ito ng mga linya at saknong.


Talasalitaan

taglay nang-abuso

tribu lipi
TAYONG MGA
PILIPINO
Ermie L. Banlaygas
Sagutin
1. Bakit ang pamagat ng tula ay “Tayong mga Pilipino”?

2. Bakit madaling makilala ang mga Pilipino?

3. Paano naiiba ang Pilipino sa mga tao sa ibang bansa?

4. Ano ang ugali ng mga Pilipino na nangangahulugan na handa silang


magtanggol sa ating bayan?

5. Paano maipapakita ng isang Pilipino ang pagiging Makabayan?


PANGUNAHI
NG DIWA
 Inilalahad nito ang paksa ng teksto/
binasa.
 Ibinibigay nito ang mga detalye at iba
pang kaalaman.
 Ang pangunahing diwa ang sagot sa
tanong na “Tungkol saan ang akda?”
PANGUNAHIN
G DIWA
Halimbawa:

Ang bawat tao ay may kani-kaniyang talento. Mayroong


magaling sa pag-awit, pag-sayaw, pagtutula at iba pa.
Mayroon rin namang talento na hindi kaagad makikita o
hindi madaling maipakita. Ang iba ay magaling sa
pagsusulat.
PANGUNAHIN
G DIWA
Halimbawa:

Mahirap ang magulang ni Andres Bonifacio. Hindi siya


nakapag-aral. Maaga siyang naulila. Siya ang
nagpalaki at nag-aruga sa kanyang mga kapatid.
Ngunit sa sariling pagsisikap natuto siyang bumasa at
sumulat. Tinuruan muna siyang bumasa ng kanyang
ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito. Nakabasa at
nakasulat siya gaya ng nakatapos sa paaralan.
PANGUNAHIN
G DIWA
Halimbawa:

Ang paru-paro ay maraming pinagdadaanang yugto sa


buhay. Nagsisimula ito sa itlog na kapag napisa ay
nagiging uod. Matagal itong natutulog at nagpapatubo
na pakpak. Paglabas ng uod ay isa nang paru-paro
PANGUNAHIN
G DIWA
Halimbawa:

Mayaman ang panitikang Pilipino. Marami tayong mga


bugtong, alamat, kwentong-bayan, tula at iba pang
sanaysay. Kapupulutan ng aral ang mga ito bukod pa sa
nag bibigay-aliw. Ugaliin nating magbasa ng mga
salaysay na sariling atin.
PANGUNAHIN
G DIWA
Halimbawa:

Isa pa ring maipagmamalaking katangian natin ang


pagiging matulungin. Isa ito sa ating pananagutang
panlipunan. Ang bayanihan ay isang kaugalian ng
pagtutulunangan sa nakikita sa magkakapit-bahay.
Bayanihan ang kusang loob na pagtulong sa paggawa ng
anumang bagay na hindi naghihintay ng kabayaran.
PANGUNAHIN
G DIWA
DAYAGRAM
- Isang paglalarawan sa isang paksa, pangyayari o plano.
Malaki ang tulong nito sa pagkatuto sa aralin o paksa.

Halimbawa

• Ideyang web, word wall, mapa ng kuwento


IDEYANG WEB

Mayaman ang panitikang


Pilipino. Marami tayong mga
bugtong, alamat, kwentong-
bayan, tula at iba pang sanaysay.
Kapupulutan ng aral ang mga ito
bukod pa sa nag bibigay-aliw.
Ugaliin nating magbasa ng mga
salaysay na sariling atin.
MAPA NG KUWENTO
FILIPINO
5
PANALANGIN BAGO MAG-UMPISA ANG
KLASE
Mapagmahal na Ama, pinasasalamatan at
pinupuri Ka namin. Nagpapasalamat po kami sa mga
biyayang ipinagkakaloob Mo sa amin sa araw-araw.

Salamat Ama, sa panibagong araw ng aming pag-


aaral. Patuloy Niyo po sana kaming gabayan at nawa
ang lahat ng aming matututuhan ay maging kapaki-
pakinabang para sa pag-unlad ng aming bayang
Pilipinas.

Mabuting Ama, gawin Mo pong instrumento ng


kapayapaan ang bawat isa sa amin at mga kabataan sa
buong mundo. Ang lahat ng ito ay dinadalangin naming
sa mapagmahal na pangalan ni Hesus.
ARALIN 10

TAYONG MGA
PILIPINO
POKUS NG
PANDIWA
Basahin at suriin ang mga
pangungusap

1. Nagtrabaho si Takako sa pabrika ng baterya.

2. Ginagamit nila ang cadmium sa paggawa ng baterya.

3. Pinangakuan ng Punong Ministro ang mga magulang


ni Takako ng tulong pinansiyal.
POKUS NG
PANDIWA
MGA POKUS NG
PANDIWA
1. Pokus sa Aktor o Tagaganap

2. Pokus sa Layon

3. Pokus sa Ganapan

4. Pokus sa Tagatanggap
POKUS SA AKTOR O
- AngTAGAGANAP
pandiwa ay nakapokus sa aktor kung ang paksa ng
pangungusap ang siyang gumaganap ng kilos na isinasaad
ng pandiwa.

Halimbawa

• Nagpulong ang mga pinuno ng bansa.

pandiwa Paksa: gumawa ng kilos


POKUS SA AKTOR O TAGAGANAP

Halimbawa

Paksa: gumawa
ng kilos pandiwa pandiwa

• Siya ay bumubulong at nanggagatong sa mga taong kunin at


kamkamin ang anumang bagay na gustuhin nila sa anumang
paraan.
POKUS SA LAYON
- Ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang paksa ng
pangungusap ang siyang layon o pinaglalaanan ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa
pandiwa Paksa-layon-pinaglalaanan ng kilos

• Pinag-usapan nila ang solusyon sa dumaraming suliranin


sa ating mga baybayin.
POKUS SA LAYON

Halimbawa
Paksa-layon
pandiwa ng pandiwa

• Itinuro niya ang pagpapatawad sa anak.

Paksa-layon
ng pandiwa pandiwa

• Ang adobong manok ay niluto ni Ate Flor.


POKUS SA GANAPAN
- Ang pandiwa ay nakapokus sa ganapan kung ang paksa
ng pandiwa ang siyang ganapan o lugar na pinangyayarihan
ng kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa

• Pinagdausan nila ng pulong ang Singapore.

pandiwa Paksa – lugar na ganapan ng kilos


POKUS SA GANAPAN

Halimbawa
Paksa – lugar na ganapan ng kilos
pandiwa

• Pinagkainan ng magkaibigan ang bahay ni Noning


Daga sa nayon.

Paksa – lugar na
ganapan ng kilos pandiwa

• Ang kawali ay pinaglutuan ni Ate Flor ng adobong manok.


POKUS SA
TAGATANGGAP
- Ang pandiwa ay nakapokus sa tagatanggap kung ang paksa
ng pangungusap ang siyang tumatanggap o pinaglalaanan ng
kilos ng pandiwa.

Halimbawa
pandiwa Paksa – tumatanggap ng kilos

• Ipinaglaban ng mga pinuno ang mga biktima ng


pagkalason sa cadmium.
POKUS SA TAGATANGGAP
Halimbawa
Paksa – tumatanggap ng kilos
pandiwa

• Ipinagluto ni Noni ng kamote si Baldo.

Paksa – tumatanggap ng kilos pandiwa

• Ang mga anak ay ipinagtatrabaho nang mabuti ng magulang.


SAGUTIN
NATIN
1. Nalungkot ang nanay sa inasal ng kanyang anak.
Tagaganap 1. Nalungkot ang nanay sa inasal ng kanyang anak.

2. Ang simbahan ay pinagdausan ng misa.


Ganapan 2. Ang simbahan ay pinagdausan ng misa.

3. Ipagtitira ko ng makakain ang aking kaibigan.


Tagatanggap 3. Ipagtitira ko ng makakain ang aking kaibigan.

4. Ang magmahal sa kapwa ay itinuturo naman ng kanyang nanay sa kanya.


Layon 4. Ang magmahal sa kapwa ay itinuturo naman ng kanyang nanay sa
kanya.

You might also like