You are on page 1of 65

SINTAKSIS

• Sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-


ugnay ng mga salita upang bumuo ng
pangungusap.

• Sa payak na payak na paraan ay tatalakayin


natin ang iba’t ibang balangkas ng mga
batayang pangungusap.
Ano nga ba ang pangungusap?

• Ito ay isang sambitlang may


patapos na himig sa dulo.
Mga halimbawa:
• Nanay!

• Aray!

• Halika!
Mga Pangungusap na May
Panaguri at Paksa
Bakit nga ba Paksa, at di simuno?
• Di tinataglay ng PAKSA ang tunay na bahagi ng
pangungusap na kinakatawan nito.

• Ito ang pinag-uusapan o tema sa pangungusap


maging maliit man o malakihang pag-uusap.
• I cut the wood.

• Sinibak ko ang kahoy.


-ang paksa ay kahoy, ang ko na siyang
tagaganap ng kilos ng pandiwa ay bahagi
lamang ng panaguri.
• Nagsibak ako ng kahoy ay hindi angkop na
salin ng pangungusap sa Ingles dahil di tiyak
ang kahulugan ng pariralang ng kahoy;
samantalang, ang saling sinibak ko ang kahoy
ay nagbibigay ng tiyak na kahulugan dahil
tinitiyak kung aling kahoy ang sinasabi.
Paksa
• Pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap

• Ang pangyayari na gumaganap ng kilos o


pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng
pandiwa.paksa ay maaring tao, hayop, bagay,
lugar o pandiwa.
Mga halimbawa:

• Nag-aalaga si Nene ng mga baboy at manok.

• Inaalagan ni Nene ang mga baboy at manok


na iyan.

• Pinagpaksiwan ni Nene ang bagong palayok.


PANAGURI
• Ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng
kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa
Mga Uri ng Panaguri

• Panaguring Pangngalan
• Panaguring Panghalip
• Panaguring Pang-uri
• Panaguring Pandiwa
• Panaguring Pang-abay
• Panaguring Pawatas
Panaguring Pangngalan

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pangngalan
Luntiang Rebolusyon ang paksa ng
pulong.
Panaguring Panghalip

Pangungusap

Panaguri Paksa

Panghalip
Siya ang puno ng barangay namin
Panaguring Pang-uri

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pang-uri
Mainam sa kalusugan ang klima ng
Pilipinas.
Panaguring Pandiwa

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pandiwa
Nagsasaka siya.
Panaguring Pang-abay

Pangungusap

Panaguri Paksa

Pang-abay
Bukas ang alis ng mga turista.
Panaguring Pawatas o batayan ng
pandiwa
Pangungusap

Panaguri Paksa

Pandiwa
Magbasa (ng komiks) ang
kinalilibangan ng lola.
MGA URI NG PAKSA
PAKSANG PANGGALAN
Pangungusap

Panaguri Paksa

Pangngalan
Sumusulat ng talambuhay ang mga
mag-aaral
PAKSANG PANGHALIP
Pangungusap

Panaguri Paksa

Panghalip
Kami ay delegasyon ng Pilipinas.
PAKSANG PANG-URI
Pangungusap

Panaguri Paksa

Pang-uri
Hinahangaan ang matatalino.
PAKSANG PANG-ABAY
Pangungusap

Panaguri Paksa

Pang-abay
Ang dito ay maghintay muna
PAKSANG PANDIWA
Pangungusap

Panaguri Paksa

Pandiwa
Huwag mong gambalain ang
nananalangin
PAKSANG PAWATAS o BATAYAN NG
PANDIWA
Pangungusap

Panaguri Paksa

Pawatas
Hilig niya ang magbasa.
Kayarian ng Panaguri
Ano nga ba ang Panaguri??

• Ito ay maaaring buuin ng isang salita, parirala


o isang sugnay.
Ang panaguring isang salita lamang ay
• Pangngalan
• Panghalip
• Pang-uri
• Pang-abay
• Pandiwa

Sa sinasabing isang salita hindi kasali ang pananda.


• Ang panaguring parirala ay maaaring pang-
ukol o pariralang pawatas na gumaganap ng
tungkulin ng pangngalan, pang-uri o pang-
abay.
Halimbawa ng pariralang pang-ukol

• Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang


kumperensya kahapon.
Halimbawa ng pariralang pawatas

• Mag-aral magmaneho ng awto ang


aasikasuhin niya ngayong bakasyon.
tambalan

• Ito ay may dalawa o higit pang salita, parirala


o sugnay na pinag-uugnay ng pangatnig
Hal. Ng panaguring tambalang
pangngalan

• Ang inuutusan ko ay si Bong at si Mike


Hal. Ng panaguring tambalang parirala

• Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong


pagkain ang bilalaman ng mga artikulo.
Hal. Ng panaguring tambalang sugnay

Ang iniutos niya ay samahan mo kami sa sine


at ipasyal mo kami sa Rizal Park.
KAYARIAN NG PAKSA

• Ito ay maaaring buuin ng isang salita, parirala


o isang sugnay.
Halimbawa ngsimunong tambalang
salita
• Si Balagtas at si Husing Sisiw ay mga makatang Pilipino.

• Halimbawa ngsimunong tambalang parirala


• Ang hinggil sa linggwistika at sa kasaysayan ay hindi pa
tinatalakay sa pulong.

Halimbawa ng simunong tambalang sugnay


Kung ikaw ay liliban o papasok ngayon sabado ay
pagpasyahan mo na.
Mga pangungusap na walang paksa
• Mga pangungusap na eksistensiyal
• Halimbawa: May mga turista ngayon sa nayon.

• Mga pangungusap na paghanga


• Hal. : Ang tapang mo pala!

• Mga pangungusap na sambitla.


• Aray!
Hal. Ng Paksang iisahing salita

• Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa


pagpaplano ng pamilya
• Maari ring buuin ang pariralang pang-ukol o
pariralang pawatas ang paksa

• Halimbawa ng paksang pariralang pang-ukol


• Ang para sa amin ay nasa inyo na.

• Halimbawa ng paksang pariralang pawatas


• Nakawiwili ang paghuni ng ibon sa parang

• Halimbawa ng paksang sugnay


• Na mayaman sa likas na yaman ang Pilipinas
ay hindi mapasusubalian.
• Mga pangungusap na pamanahon
• Hal.:
• Alas-dos na.
• Mainit ngayon.

• Mga pormulasyong panlipunan


• Tao po.
• Mano po.
• Salamat po.
Pagpapalawak ng Pangungusap

• Ang mga pampalawak ng pangungusap ay:

• Paningit
• Panuring (pang-uri at pang-abay)
• Pamuno
• kaganapan
Mga paningit bilang pampalawak
• Ba na
• Kasi naman
• Kaya nga
• Daw o raw pala
• Din o rin po
• Ho sana
• Lamang o lang pa
• Man tuloy
• Muna yata
Mga panaguring bilang pampalawak
Dalawang kategorya ng mga salita ang
magagamit na panuring.

• Ang pang uri na panuring sa pangngalan o


panghalip

• Pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri o


kapwa pang-abay.
Mga kaganapan ng pandiwa bilang
Pampalawak
• Mga iba’t ibang uri ng kaganapan ng pandiwa
ay mga :

• Kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa


• Kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa
• Kaganapang sanhi
• Kaganapang direksyunal
• Kaganapang tagaganap
• Kaganapang layon
Kaganapang ganapan ng kilos ng
pandiwa
• Nagpiknik ang mag-anak sa tabing-dagat.
Kaganapang kagamitan sa kilos ng
pandiwa
• Gumaling siya sa kanyang sakit sa
pamamagitan ng gamot na ito.
Kaganapang sanhi

• Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga


Kaganapang direksyunal

• Nagtanong si Baby Linda kay Ben.


Kaganapang tagaganap
• Pinagalitan ni aling Maria ang kanyang anak.
Kaganapang Layon
• Namili ng mga alahas si Josefina.
Ayos ng Pangungusap
• Sa INGLES, ang ayos ng pangungusap ay
simuno-panaguri.

• Sa FILIPINO, panaguri-paksa~paksa-panaguri

You might also like