You are on page 1of 11

Natatanging Diskurso Handouts

Pangkat Dalawa

I. Bangungut: Isang Usapin ng Eksogamya sa Linggwistika

Paano nga ba makipagtalik ang linggwistika ng isang bayan sa linggwistika ng


banyaga?
Maihahalintulad ba ito sa kasukdulan kasiyahan ng tao?
Maituturing ba itong bangungut?

Ano nga ba ang Eksogamya?


Ang unlaping "exo" na ang ibig sabihin sa labas.
Ito ay nangangahulugang pag-aasawa sa labas ng sariling pangkat.

Saan nakapokus ang sulatin?


Ito ay nakapokus pagtanggap ng pinakaubod ng mga katutubong nagsasalita ng
kapampangan sa mga banyagang wika sa Filipino at Ingles dahil obligadong gawin sa
pinagtiyap na ugnayang pagtutulungan. Ang kinalabasan ay eksogamyang
panlinggwistika at ang nagiging epekto ay pagpapahina tulad ng panghihina ng
katutubong henyo ng wikang kapampangan at ang nahihinatnan sa katutubong kultura.

Isa ang kapampangan sa mga dayalektong lubhang kuminang at umabot sa yugtong


nakalikha ng sariling daigdig ng semantiko at nagtala ng mga klasikong alaala at
kaaalaman na pinagkaisa ng etnikong identidad na gumagamit nito.Sa pinakamalapit na
gitna,sa lugar ng magkakalapit na angkan, ang wika ay pinayayabong sa taglay ng
kapangyarihan ng mga salita ,sintaks at ponolohiya.

II. KUNG PAANO ILARAWAN ANG FILIPINO : ISANG RIBYU SA GRAMAR NG FILIPINO
MARIA CHRISTINA A. PANGAN

❏ “Gramar ng Filipino” ni Jonathan C. Malicsi na inilathala noong 2013 ng Sentro ng


Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipina Diliman.
❏ Pinakahuling nalathalang pag-aaral hinggil sa Filipino.

ANG FILIPINO SA GRAMAR NG FILIPINO

❏ Ang Filipino sa Gramar ng Filipino ay walang kongkreto at direktang binanggit sa


aklat
❏ Malayang nagpapalitan ang wikang Tagalog at Filipino.
❏ Mahihinuhang pinag-aaralan dito Filipino na may dalawampu’t walong titik.
KATANGIAN SA ISANG KOMPREHENSIBONG GRAMAR
❏ Sa aspektong ito, naging kapuri-puri ang Gramar ng Filipino sapagkat naging
malawak ang pag-aaral nito sa sintaks at ilang pahapyaw na pagtatalakay sa
morpolohiya.

MATERYALES AT PARAAN NG PAGLALAHAD


❏ Ang pangunahing materyales na pinag-aralan at hinanguan ng mga halimbawa
ang diyaryo, radyo at telebisyon.

III. ANG GRAMMAR NG FILIPINO- ISANG PANGHAWAY

 Ang grammar ng Filipino ni Jonathan Malicsi ay inilimbag noong 2013


ng UP sentro ng Wikang Filipino bilang dagdag sa proyektong Aklatang-
Bayan

 Ito ay isang sangguniang gramatika ng Filipino na nakabatay sa Varayti


na ginagamit sa media, diyaryo, radyo, at telebisyon

 Ginagamit ding sanggunian ang mga nailathalang dyornal sa dating


Surian ng Wikang Pambansa

 Sakop nito ang pagbuo ng salita o morpolohiya at pagbuo ng


pangungusap o sintaks

 Layunin ng aklat na ito na magamit sa panturo ng wikang Filipino


Apat na pangunahing Bahagi:

*Nakatuon sa pagbuo ng batayang pangungusap.


*Tumatalakay sa mga baryasyon sa batayang pangungusap tulad ng pagbuo ng
negatibo at mga tanong
*Pagdurugtong ng mga batayang salita o pagbuo ng tambalang pangungusap gamit
ang mga pangatnig
*Pagbuo ng hugnayanv pangungusap sa isang batayang pangungusap ay iñinapaloob
sa isa pang batayang pangungusap st nagiging isang bahagi nito bilang pangngalan o
pang-uri
Sa Kabuuan,kapaki-pakinabang ang aklat na ito sapagkat maari itong maging lunsaran
st sanggunian sa pag-aaral ng gramatika ng mga wika ng pilipinas
VI. Ang Higanteng Maramot at iba pang kwento.

Sino si Oscar Wilde ?


 isang Irlandes na mandudula, makata, at may-akda ng mga kwentong “ Ang
Higanteng Maramot”
 kilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip at pang-unawa,
 naging isa siya sa pinakamatagumpay na mga manunulat ng mga dula ng huling
bahagi ng panahong Biktoryana sa Londres,
 The Importance of Being Earnest.
 nabilanggo dahil sa isyung HOMOSEKWAL
 inilarawan bilang "sukdulang kalaswaan" sa piling ng ibang mga lalaki.
 pagkaraang mapawalan mula sa kulungan, naglakbay siya papunta sa Dieppe sa
pamamagitan ng pagsakay sa pang-gabing barkong pangtawid.

V. Komiks bilang Salamin ng Buhay

- ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kwento.

Pag-usbong at Pamamayagpag ng Komiks

Taong 1920
- lumitaw ang kauna-unahang komiks ngunit bilang mga pamuno lamang sa
magasin na nasulat sa Tagalog.

Taong 1923
-ang Tagalog-magasin na Liwayway ay nailathala ngunit di naglalaman ng comic
serials.

Taong 1928
- Nagbago ang Liwayway at nalikha ang comic strip na mga Kabalbalan ni Kenkoy na
nilkha nina Tony Velasquez (Strip) at Romualdo Ramos (Script).

Enero 11, 1929


- Nailathala ng Liwayway ang Album ng mga Kabalbalan ni Kenkoy ngunit bilang
pamuno lamang sa Entertainment Section o panlibangang bahagi ng magasin.

Taong 1970 “Ginintuang Panahon ng Komiks”


- Sa panahong ito umabot sa 500 pamagat ng mga komiks ang nailathala.
Taong 1986 “Komiks bilang Pambansang Babasahin”
- Ayon sa isang sarbey na isinagawa, lumabas na tinangkilik ng mga Pilipino noon ang
Komiks dahil sa umano’y madali itong maunawaan.

VI. Natagpuan naming ang pag-ibig; rebyu nobelang sambahin ang katawan
ni Alvin B. Yapan

• Si Alvin B. Yapan ay kuwentista at filmmaker. Ang kanyang mga kuwento ay nagwagi na


sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ( 1997, 2002, 2003) at National
Commission for Culture and the Arts (2005).
• Bukod sa pagigingmanunulat, si Yapan ay isa rin direktor.
• Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Ateneode Manila University.
• Ang nobelang “Sambahin ang Katawan” ay isinulat ni Alvin B. Yapan bilang isang bahagi
ng isang koleksyon ng kwento na pinamamagatang Tapat: Journal ng Bagong Nobelang
Pilipino na inilimbag ng Publikasyong Tapat noong 2011.
• Ito ay kuwento ng pagtaliwas sa batas ng kasarian, pagbibigay diin sa bawat bahagi ng
ating lipunan, ang masalimuot na pagkakaugnay ng bawat isa sa sistema ang siyang
tinutuligsa sa makabagong nobelang gawa ni Yapan na makakapukaw sa mga isip
hinggil sa kasalukuyang lipunang ginagalawan.
• Maaaring ito ay ang pag-unawa at paghahanap ng kasagutan patungkol sa paligid, sa
mundong ginagalawan, o pagtutulungang pagtakas sa malagim atmapanghusgang
lipunan.
• Gumamit si Yapan ng iba’t ibang simbolismo at metapora nanghigit nating maunawaan
ang nais niyang iparating.

Ang mga pangunahing tauhan sa loob ng nobelang “Sambahin ang Katawan”

• Si Jaime ay isang mayamang lumaki sa lungsod. Siya ay nagmamay-ari ng isang


pagawaan ng muwebles na minana niya sa kanyang yumaong mga magulang.
• Si Jun ay isang probinsyanong may mataas na pangarap. Dahil sa kahirapan, nagging
malaki ang pangarap niyang makaalis sa kanilang probinsya.
• Si Ria ay nag-iisang anak ng dalawang mag-asawang namatay din sa isang
aksidente.Sinasabi niyang siya ang pagbabago at hatid niya ay pagbabago.
• Si Maya ay isang masipag na maybahay ni Jun kung saan palagi niyang inaalis ang
bawat dumi sa kanilang bahay.

Ang Nobela bilang Lipunan

Entablado
Ang mundo ay isang malaking entablado. Sa pagsasagawa ng isang dula sa isang
entablado ay may kaakibat na iba’t ibang gawain. Ang bawat bahagi ng dula, bawat
tauhan, bawat crew ay may mahalagang papel sa ikakatagumpay ng dula.

Damit
Simbolo ng ating identidad ang damit. Ito ang nagpapakita ng ating panlabas na anyo.
Nagsusuot tayo ng damit nang hindi nakabaliktad dahil gusto natin na ang makita ng
mga tao ay ang magandang bahagi ng damit.

Pag-aalsa
Ang kwento ng taong daga at taong kalapati ay isang napakagandang
manipestasyonng mga taong nalugmok sa kahirapan, mga taong nakulong sa kanilang
mga probinsya atnagnanais na makawala sa tinatawag na kahirapan.

Pula
Ayon kay Ria, ang pula ay pagbabago at ang pagbabago ay parating may kaakibat
nadugo. Hindi magiging matatag ang isang lipunan kung walang mga suliranin at
pagbabagongnagaganap, panloob man o panlabas.

Ritwal
Sa pagtatalik ni Jaime at Ria, Jun at Maya ay may mga nabuong mga supling
nanaghatid sa kanila ng pagbabago. Ang kanilang anak ang bunga ng kanilang
ugnayan.

Tubig
Hindi mabubuhay ang tao kung walang tubig. Ang tubig ay parang batas.
Hindimabubuhay ang isang lipunan kung walang batas. Lahat ay may batas. Kahit saan,
kahitkailan mayroon nito.

Sulsi
Ang damit ni Jun sa tuwing kakatapos lang nilang pagtatalik ni Jaime ay
biglanalamang nasusulsihan ang mga sira at punit nitong mga damit.

• Ang nobela sa batas ng kasarian


Ang nobela ay may itinuligsang sensitibong aspeto ng lipunan. Ito ay ang batas
ngkasarian.
• Ang nobela bilang isang makabagong kwento
Ang nobela ay isang napakagandang makabagong sining sapagakat naipahatid
niYapan ang nais niyang iparating. Ang bawat isyung tinuligsa ay napapanahon.

VII. KASAYSAYAN AT TUNGUHIN NG PELIKULANG PILIPINO


JOSE NEPUMOCCENO “Ama ngPelikulang Pilipino”,ang kanyang unang pelikula ay
DalagangBukid (1919).

1930s, taong pagtuklas na angpelikula ay maaaring bagong anyong sining.


1940s, digmaan ang nagdala sa pelikulang pilipino ng kamalayan sa realidad na kungsaan
hindi nailahad sa mga naunang pelikula.Nagbenepisyo ang industriya ng teatro.

1970s,early 1980s, ginamit ang mga pelikulabilang propaganda laban sa Martial Law. lalong
lumago ang industriya ng paggawa ng Pelikulang Pilipino. Ito ay nagsisilbing bintana o salamin
ng mga tao sa kung ano ang nangyayari sa kabubuan bilang lipunan.
Ang paggawa ng mga Amerikano ng isang maikling pelikula ukol sa pagkamatay ni
Rizal nakuha nito ang atensyon ng mga Pilipino. Dito nahikayat ang mga Pilipino na gumawa ng
kanilang sariling mga Peilkula. Ang pelikuka ay nagsilbing salamin lamang, hindi man ng mga
pangyayari sa paligid kundi maging sa kung ano ang saloobin ng mga Pilipino sa kanilang
pangaraw-araw ng buhay.
Ang pelikulang pilipino ayon sa awtor gamit ang mga pangyayari sa paglago ng
industriya ng pelikula, naipahayag ng may-akda na ang pelikulang Pilipino ay salamin sa ating
nakaraan ito rin ay bintana natin sa kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan at maaring
mabigyan tayo ng pasilip sa hinaharap. Sa papel na “si Kristo, Ronnie Poe jr., at iba pang
“IDOLO”:apat na pagpapahalaga sa Dula at pelikulang Pilipino” ni Isagani Cruz ay ibinahagi
niay ang apat na pagpapahalagang pinalalaganap ng palabas.

Ang mga pagpapahalagang nagmula pa sa tradisyunal na mula sa mga palabas. Ang


apat na pagpapahalagang ito ay
1) Maganda ang Maputi,
2) Masaya ang may Palabas,
3) Mabuti ang api, at
4) Maganda pa ang Daigdig.

Malaki ang naging impluwensiya ng mga pagpapahalagang ito lalong lalo na sa


pagtingin natin sa ating mga sarili.
Maganda ang maputi." ay pagpapahalaga sa pagtingin sa konsepto ng kagandahan.
Natanim sa ating kaisipan na ang batayan ng kagandahan ay ang puti ng kutis, tangkad, at
tangos ng ilong. Ipinagpalagay na para bang di kaaya-aya ang itsura ng natural na mga Pilipino
na maitim o kayumanggi, pango ang ilong at pandak. Ang pagpaphalagang ito ay nagpapababa
sa kasarinlan ng mga Pilipino bilang isang tao. Batayan rin ito ng pagiging masama at mabuti
ng isang tao. At dahil likas ang pagka-ambisyoso ay nahuhumaling sa mga produktong
pampaganda’t pampaputi na naging tulayn upang lumakas ang pag-angkat nito. Nagiging
batayan rin ito ng antas sa lipunan. Mas naiisip pa ang magpaganda kaysa solusyunan ang
mga problema sa lipunan.
Masaya ang may palabas." ito naman ay pagpapahalagang unti-unting bumubulag
sa mga Pilipino upang ituon ang pokus sa aliw ng palabas. Kaaliw-aliw naman sa mga tao ang
panonood ng mga palabas na ang mga karakter ay lumulipad o kaya ay makakapangyarihan na
kayang iligtas at solusyunan ang problema laban sa mga halimaw. Aagos ang mga luha sa mga
mata ng Pilipino dahil sa drama nina Bea Alonzo at John Lloyd. O mababaliw sa kakatawa sa
mga komedya ni Vice Ganda. Subalit ganoon na lamang matatapos ang mga kwento na wala
man lamang koneksyon sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan at mga pangyayari sa
reyalidad na ayon kay Cruz ay de-kalidad na mga pelikula na gaya ng sumikat na palabas
“Heneral Luna” o kaya’y ang mga indi movies na kung tutuusin ay makabuluhan at batay sa
reyalidad ng lipunang Pilipino.
Ayon nga kay Isagani Cruz, di masama ang aliw. Ang layon lamang ay ang paraan ito
upang mapukaw ang kaiisipan ng mga Pilipino sa aliw at maiwasang magising ang mga Pilipino
sa mga suliraning kinakaharap ng bansa.
Mabuti ang api." dahilan kung bakit halos lahat ng Pilipino ay natutuwang kawawain
sapagkat ang kaisipang itinanim sa utak ay ang pagiging mabuti at mapagkumbaba ay may
kapalit na biyaya mula sa langit. Ang pagpapahalagang ito ay batay sa buhay ni Kristo sa
kamay ng mga Hudyo. Siya ay nagpakasakit para sa kasalanan ng mga tao. Ganito hinubog ng
mga palabas at uring kapitalista ang kaiisipan ng tao sa pamamagitan ng pagkakasakit sa huli
ay makakamit ang tunay na gantimpala mula sa Panginoon.
Ayon kay Cruz “nakapipinsala sa kabuhayang Pilipino ang pasobismong ito, pagkat
nagsisislbi itong lagusan upang takasan niya ang pangit na realidad na dapat sana’y kanyang
buwagin”. Kung hindi haharapin ng mga Pilipino ang suliranin nito at hahayaan na lamang ay
walang pag-asang magbago at umunlad ang Pilipinas.
Maganda pa ang daigdig ay pananaw na batay sa pangalawa at pangatlong
pagpapahalaga na sa mga pelikula sumasalamin ang kaisipan ng mga Pilipino kung paano
kakaharapin ang mga suliranin at sa wakas ay makakamit ng bida ang magandang buhay at
namuhay ng mapayapa. Ang ganitong tema ng mga palabas na paulit-ulit ay patuloy na
bumubulag sa mga tao upang harapin ang totoong suliranin sa kanyang lipunang ginagalawan.
kung minsa’y mas pinoproblema pa ang mga suliranin sa mga pelikula. Hindi sinasabing itigil
ang panonood ng mga pelikulang aliw. Kailangan nating gumising sa realidad ng buhay na
punong-puno ng mga suliraning di kayang solusyunan ng mga bayani sa pelikula at tanging
tayong mga mamamayan ng bansang ito ang makakasagot sa gradwal na paraan

VIII. Pagsulat ng romance novel

MGA KATANGIANG KAKAILANGANIN


Walang eksaktong hakbang na dapat sundin sa pagsusulat ng anumang kuwento.
Walang batas na dapat tuparin. Walang requirements na dapat angkinin para maging
isang writer. In fact, hindi mo na kailangang maging isang epektibong manunulat,
although ang pagkakaroon ng degree ay maaaring makatulong nang malaki.
Marahil, kung mayroon mang qualifications na hinihingi ang pagiging isang writer, ito ay
ang mga sumusunod:
1. Interes sa propesyon, o iyong tinatawag na passion for writing.
2. Talento sa pagsusulat.
3. Kauhawang mailahad ang nilalaman ng puso't isipan.
4. Tiwala sa sarili.
5. Lakas ng loob at katatagan.
6. Disiplina.
Kung mayroon ka ng mga katangiang ito, kahit na iyong naunang tatlong qualifications
lang, maaari ka nang maging isang writer o manunulat! At hindi lang basta writer kundi
isang magaling na manunulat. After all, the mere fact na binabasa mo ang artikulong ito
ay isa nang pagpapatunay na may interes ka sa pagsusulat. At iyon ang
pinakamahalaga sa lahat dahil ito ang ugat na pagkukunan mo ng lakas, bago ka umani
ng tagumpay.

BAGO KA MAGSIMULANG SUMULAT


Magbasa ka - Bible, magazines, diyaryo, pocketbooks, songhits, billboards,
encyclopedias, love letters, pamphlets, komiks, posters at kahit death threat patulan
mo! Bakit? Dahil ang lahat ng ito ay makatutulong sa iyo para magkaroon ka ng ibayong
inspirasyon. Bukod dito, binubusog mo ang iyong isipan ng mga impormasyon na
maaaring gamitin pagdating ng tamang panahon sa iyong pagsusulat.

Manood ka ng mga palabas sa TV at sinehan - Tulad ng pagbabasa, inspirasyon at


karunungan ang maitutulong ng mga ito sa iyo. Ngunit tiyakin lamang na ang mga
panonooring mga palabas ay iyong may katuturan at kapupulutan ng aral.
Maging sensitive at observant sa paligid - Lahat ng kasaysayan, kahit gaano pa
kaimposible ay nag-uugat sa katotohanan. Sa realidad. Kaya bilang writer, huwag ka
lamang makuntento sa sarili mong pag-iisip at paniniwala. Tumingin ka rin sa iba at
makinig. Kumapit ka sa lupang iyong tinutungtungan upang maging malay ka sa mga
kasalukuyang nagaganap sa mundo.

Alamin mo ang iyong kwento ng buong puso – dapat, bago ka pa lang mag type ng
prologue alam mo na more or less kung ano ang gusto mong flow ng story mo ang
tendency kasi pabago-bago ang isip mo tungkol sa storya at mga karakter mo.

Magpasya kung anong genre ang gagamitin - dapat din alam ay alam mo kung
saang type ng story aka bebenta. Kadalasan, nalalaman naman ito byy assessing
yourself. What are your interest? How are you as a person? Kasi mas madaling
magsulat kapag nailalagay mo ang sarili mo sa diposisyon ng mga characters mo, at
siyempre, ng kwento mismo.

PAANO SUMULAT NG ROMANCE NOVEL?


Huwag mamroblema sa prologue, pag isipan ang ending – Gawin mo lang kung
ano ang unang pumasok sa utak mo. Pero paano mo tatapusin? May panahon kasi n
tatamarin kang tapusin ang kwento pero kung may goal ka, may ending na sa isip, at
alam ang patutunguhan ng ginagawa, tatapusin at tatapusin mo yan.

Huwag masyadong madaming karakter, sakit lang yan sa ulo – Huwag mong
lubusin lahat sa pagsulat ng isang novel, may iba ka pang kwento nakailangan ng
pangalan. Sa totoo lang, nakakawalang gana mag-basa kung madami ang karakter.

Focus on your plot, focus – Kung sakaling magbago ang isip mo sa plot, okay lang
basta ang importante hindi naapektuhan ang unang chapter
Panindigan ang karakters –kung lalaki ang bida or nagsasalita dapat lalaki ka rin
habang nagtatayp. Ang tunay na manunulat flexible. Kung babae dapat emosyonal din
kung ito emosyonal. Bago mo isulat isipin mo kung ano ang mararamdaman mo kung
nasa sitwasyon ka ng character.
IX. Pagsusuri sa Hiwaga ng mga Salita

Mga Salita

You might also like