You are on page 1of 51

PAGTUTURO AT

PAGKATUTO NG
WIKA

Formentera, Shaina Louise


Nanoy, Josierose
Taneo, Floran
Ang pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano matuto at kung paano
magkaroon ng malayang kaisipan ay pinakamahalagang papel ng isang guro.

MGA SALIK SA PAGTUTURO

MAG-AARAL

Laging saisip na ang mga mag-aaral ay may kani-kaniyang katangian. Lahat


ay may karapatang maturuan at matuto ng mga bagay na nararapat niyang
matutunan. Maaaring magkaiba ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang aspekto ng
kanilang katngian.

KAGAMITAN/MATERYAL

Mahalagang salik sa proseso ng pagtuturo pagkatuto ang anumang


kagamitan o sitwasyong nagagamit ng guro sa kanyang pagtuturo.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA MGA BATANG TUTURUAN?

 Sino sila?

 Saan sila galing?

 Ano ang alam nila?

 Anong motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?

 Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?

 Paano sila natuto ng wika?


ASPEKTO NG MGA MAG-AARAL

EDAD

May mga batang-batang mag-aaral, mayroon ding mga may edad na, may
mga dalaga/binata, at mayroon ding matandang mag-aaral. Bawat isa ay
nagtataglay ng iba’t ibang lebel ng dapat na matutunan.

KASARIAN

Ang interes ng lalaking mag-aaral ay iba sa mga interes ng mga babaeng


mag-aaral. Mararapat lamang na malaman ng guro ang kaibahan ito lalong-lalo
na sa pagbibigay halimbawa sa mga pagtatalakay.

UGALI

Nagmula sa iba’t ibang tahanan ang mga mag-aaral sa loob ng isang silid.
Bawat isa ay natuto ng magkakaibang paraan ng pakikisalamuha sa kapwa.
Mahalgang tungkulin ng guro ang pagiging pangawalwang magulang sa loob
ng silid-aralan.

TALINO

Walang itinuturing na bobong mag-aaral. Bawat isa ay may kani-kaniyang


talinong taglay. Kaiba man sa nakakarami ngunit may sariling kakayahan ang
bawat mag0aaral sa maraming bagay aspekto.

KULTURA

Kinakailan ang isang guro ang pagiging sensitibo at mula sa iba’t ibang
kulturang maaaring pinagmulan ng kanyang mga mag-aaral.
LIMANG KATEGORYA SA PAG-UNLAD SA PAGTUTURO NG WIKA

1. INTELEKTWAL NA PAG-UNLAD

Sa ganitong edad ay nasa yugto pa rin na tinatawag na Piaget na “Concrete


Operations”.

Ilang mga tuntunin para sa mabisang pagtuturo sa mga bata:

Halimbawa:

Iwasan ang paggamit ng teknikal na mga salita sa pagpapaliwanag ng ilang


kaalamang pambalarila.

Iwasan ang pagbibigay ng mg tuntunin na makakalito sa mga mag-aaral.

2. Tagal ng Pagkawili (Attention Span)

Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng panahon ng pagkawili


dahil kapag hindi niya nauunawaan ay nakasasawa at walang kabuhay-buhay ang
kanyang pagtuturo sa mga bata kaya tungkulin ng guro gawin itong kawili-wili,
buhay at masaya.

Paano mo ito gagawin bilang isang guro?

 Mag-isip ng mga agwaing may kagyat na kawilihan para sa mga bata.

 Maglahad ng mga makabago at iba’t-ibang gawain.

 Tulasin ang mga kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili
ng kanilang kawilihan.

3. Pakilusin ang iba’t ibang Pandamdam (Sensory Input)


 Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at
mga laro.

 Gumamit ng iba't ibang kagamitang panturo na makatutulong sa


pagpapatibay ng mga kaisipang natamo.

 Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language.

4 Mga Salik na Apektib(Affective Factors)

 Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila ng


pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa at pagsulat habang nag-aaral ng
isang wika.

 Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta upang


magkaroon ng tiwala sa sarili ang bawat mag-aaral.

 Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-


aaral lalo na sa mga matatahimik na mag-aaral upang mabigyan sila ng
maraming pagkakataon na subukin ang iba't ibang gawain sa pag-aaral
ng wika.

5 Awtentiko, Makabuluhang Wika

 Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi awtentiko at di makahulugan.

 Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang


nakapaloob sa isang konteksto. Gumamit ng mga kuwento, sitwasyon,
mga tauhan at mga usapang pamilyar sa karanasan ng mga mag-aaral
upang mapanatili ang kanilang atensyon at mapatatag ang kanilang
retensyon.

 Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong mga sangkap dahil


mahihirapan ang mga batang makita ang kabuuan nito. Bigyang-diin din
ang pag-uugnayan ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pagsulat at panonood.

 Hinding-hindi biro ang maging epektibong guro ng wika lalo't higit sa mga
baguhang guro sa paaralan.

ANG MGA MAY EDAD NA MGA MAG-AARAL

Mas higit ang kakayahang kognitibo ng mga may edad kaysa mga batang
mag-aaral kaya’t maaring mas magiging matagumpay sila sa ilang mga gawaing
pangwika sa loob ng klasrum. Mapapagalaw nila nang mabisa ang kanilang mga
pandamdam (“imahinasyon” sa pagsamo ng bulaklak vs. totoong pag-amoy ng
bulaklak) na hindi pa kaya ng mga bata.

MGA DAPAT ISALANG-ALANG KUNG MAY EDAD NA MAG-AARAL ANG


TUTURUAN

1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa pag-unawa ng mga konsepto at


mga tuntuning mahirap unawain. Pero kailangan pa rin ang pag-iingat.
Maaring kainisan ng mga ito ang masyadong madali na paglalahat at tuluyan
silang mawalan ng gana sa pag-aaral.

2. Maaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga


gawaing maikli at ayon sa kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan.

3. May taglay din silang kaunting tiwala sa sarili kaya’t hindi masyadong kritikal
ang kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapat iwaksi ang mga salik
emosyonal na kaugnay ng kanilang pag-aaral ng wika.
IMPLIKASYON SA PAGTUTURO NG PAG-ALAM NG PAGKAKAIBA NG
MGA BATA AT MGA MAY-EDAD NA MAG-AARAL NG WIKA

1. Igalang ang mga damdaming emosyonal ng mga mag-aaral lalo na iyon medyo
mahina sa pagkatuto.

Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral.

2.1 Huwag silang tawagin na “mga bata”.

2.2 Iwasan ang pagkausap sa kanila na parang bata.

Ang mga Tinedyer at ang Pagtuturo ng Wika

Katangian ng Tinedyer na Mag-aaral

 “Sakit ng ulo” tawag sa mga guro sa kanila.

 Nasa 12-19 na taong gulang

 Sila ay binibigyan ng tanging set na konsiderasyon.

Mga Pamantayan na ating pagtutuunan ng pansin sa pagtuturo ng wika

 Isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing intelekwal ay


nakasalalay sa antas ng kawilihan o atensyon na ibinibigay dito.

 Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span)

 Maglaan ng ibat-ibang input na padamdam (sensory input)

 Dapat na mapanatili ng guro na mataas ang pagpapahalagang pansarili


ng mag-aaral.
Mga paraang makapagpapanatili ng mataas ng pagpapahalagang pansarili
sa mag-aaral

 Bigyan sila ng pansariling ebalwasyon ukol sa kanilang sarili tulad ng


kanyang kinagigiliwang gawin, paboritong aralin, babasahin, TV program at iba
pa.

 Iwasang mapahiya sila sa klase.

 Maging maluwag sa pagkakamaling nagawa nila sa pagkaklase.

 Pag-iwas sa kompetisyong pangklase na nag-uuwi sa di pagkakaunawaan.


TEORYA SA
PAGKATUTO NG
WIKA

Flores, John Vincent


Tapi-on, Gemma
Suello, Geo Harven
Teoryang Behaviorism

Naniniwala ang mga tradisyunal na behaviorist na ang pagkatuto ng wika


ay bunga ng panggagagad o panggagaya (imitation), malimit na pagsasanay,
pagbibigay ng fidbak sa matagumpay na pagsasagawa at maging sa
pamamagitan ng paghubog ng kagawian (habit formation).

Teoryang Innative

Pinanghahawakan ni Noam Chomsky na ang lahat ng bata ay biologically


programmed para sa pagkatuto ng wika at ang wikng ito ay nalilinang katulad ng
kung paano nalilinang ng iba npang tunguhing biyolohikal ng tao.

Teoryang Kognitib

Ayon sa teoryang ito ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko


kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging nangangailangang mag-isip at
gawing may saysay ang bagong impormasyon.

Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay isang palatandaan ng


pagkatuto.

Dulog ng pagkatuto

 Dulog na pabuod

-ginagabayan ng guro ang pakakatuto sa pamamagitan ng


ilang tiyak na halimbawa at ipapasuri niya ang mga ito upang
matuKlasan ang pangkalahatan.

 Dulog na pasaklaw

-kabaliktaran ito ng dulog na pabuod.

- ito ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa


pagbibigay ng mga halimbawa.
Teoryang Makatao

Ito ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at


emosyunal. Nananalig din ito na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari
lamang kung angkop ang kapaligiran, may kawilihan ang mga mag-aaral at may
positibong saloobin sila sa bagong kaalaman at impormasyon.

Metodo sa pagtuturo

 Community Language Learning ni Charles A. Curran

-sa pamamaraang ito, ang pagkakabahala ay nababawasan dahil


sa ang klase ay isang komunidad ng mag-aaral na laging nag-aalalayan
sa bawat sandali ng pagkaklase.

 Ang Suggestopedia ni George Lozanov

-mahalaga sa pamamaraang ito ang musika na tinaguriang


Baroque na may 60 kumpas bawat minuto at may tanging indayog na
lumilikha ng isang “relaks na kapaligiran” at nagbubunga ng isang
pagkatuto na lagpas sa inaasahan.

 Ang Silent Way ni Gattegno

Mabisa ang pagkatuto kung ipauubaya sa mga mag-aaral ang


kanilang pagkatuto.
MGA SALIK SA
MATAGUMPAY
NA PAGTUTURO
NG WIKA

Inoc, Gwendolyn
Maglasang, Milky Mitch
Yosores, Jevelyn
Panlabas na Motibasyon (Extrinsic Motivation)

- Ito’y tumutukoy sa pag-uugali na hinihimok ng mga panlabas na


gantimpala tulad ng pera, katanyagan, marka, at papuri. Ang ganitong uri
ng pagganyak ay lumitaw mula sa labas ng indibidwal.

Integratibong Motibasyon

– Pagkagusto na makahalubilo sa isang kultura ng mga tao na Filipino ang


sinasalita

Motibasyong Instrumental

- Pag-asam na makatuntong sa isang pamantasan o trabaho ng mataas


ang pasahod dahil sa alam na wika.

Motibasyong Intrinsik (Intrinsic Motivation)

-Ito’y likas na kagustuhan sa pagkatuto ng wika.

Guro

-Malaking pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo


at pagkatuto ng wika ng mga mag-aaral

Mag-aaral

- Sa pamamagitan ng mag-aaral magiging matumpay ang isang guro sa


kanyang pagtuturo kung may kabatiran at nauunawaan niya ang mga
katangian ng kanyag ma mag-aaral
MGA ISTILO AT
YUGTO SA
PAGKATUTO

Bonganciso, Jay
Garcia, Renelyn
Tumulak, Angel
Ang mga istilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa mga kaparaanan na mas higit
na gusto ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Si Willing (1988 at binanggit kay Nunan, 1991) ay nagsabi na ang isang


guro na sensitibo at isinasaalang-alang ang mga gustong istilo sa pag-aaral ng
mga estudyante ay makakatulong sa pagkakaroon ng isang matagumpay at
mabisang pagkatuto.

Mga Uri ng Mag-aaral at ang mga Gustong Istratehiya sa Pag-aaral

1. Mag-aaral na “concrete”

Mga laro

Mga larawan

VCR tapes

Pair work

Pagsasanay ng wika sa labas ng klase

2. Mag-aaral na “analitikal”

Pag-aaral ng balarila

Pag-aaral ng maraming aklat sa wika

Pagbabasa ng mga pahayagan

Pag-aaral ng mag-isa

Pag-alam at pagsusuri ng mga kamalian sa wika

Pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning inilahad ng guro


3. Mag-aaral na “komunikatib”

Pagmamasid at pakikinig sa mga taal na tagapagsalita ng wika

Pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang pinag-aralan

Panonood ng programa sa TV sa wikang pinag-aralan

Pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikinig dito at paggamit


sa aktwal na pakikipag-usap

4. Mag-aaral na “authority oriented”

Mas gusto na ang guro ang magpapaliwanag nang lahat tungkol sa wika

May sariling batayang aklat

Isinusulat ang lahat ng impormasyon sa notbuk

Pinag-aralan ang balarila

Nagbabasa para matuto

Natutuhan ang mga bagong salita kung makikita ang mga ito

Multiple Intelligences

Mag-aaral na Linggwistik

Mag-aaral na Lohikal/Mathematikal

Mag-aaral na Biswal-Spatial

Mag-aaral na Musikal

Mag-aaral na Bodily-Kinesthetic

Mag-aaral na Interpersonal

Mag-aaral na Intrapersonal
Mag-aaral na Naturalist

MGA YUGTO SA PAGKATUTO NG WIKA

Ang mga bata ay active learners at hindi passive learners.

Ang intonasyon ng wika ang unang hulwarang natutuhan ng mga bata.

Sa simula ang mga bokabularyo nila ay binubuo ng mga pangngalan,


pandiwa, at pang-uri.

Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa huli na natutunan.

Ang modelong ilalahad ay isang paglalarawan sa proseso ng pagkatuto ng


wika na konsistent sa ilang pananaliksik (Brooks, Goodman,1976, Brown at
Bellugi,1962)

Kakikitaan ito ng pagsasanib na ang ibig sabihin ay mga mga bata na


pumapasok sa mas mataas na yugto bago pa man nila namamaster ang mas
mababang yugto ng pagkatuto.

Unang Yugto: PASAMULA (RANDOM)

Ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailanganin nila sa


pagsasalita sa mga darating na araw.

Vocalizing, cooing, gurgling at babbling.

Ang mga tunog na nililikha ng mga bata ay marami at iba-iba at ito’y


tinatanaw ng mga matatanda bilang ponema.

• Babbling- binubuo ng magkakalapit na tunog ng katinig-patinig gaya ng Ma Ma


Ma o Da Da Da

• Echoic Speech- ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita.


Ikalawang Yugto: UNITARY

Patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit na tunog ang mga bata na limitado


sa isang pantig.

Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naayon sa kalikasan ng pag-


unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo sa pagsasalita
sapagkat ang mga proseso ng paglinang ng wika at paggulang (maturation) ay
magkasabay na nagaganap.

• Holophrastic Speech- ang paggamit ng mga bata ng isang salita upang


magpahayag ng mga ideya.

Sa gulang na 12 buwan, ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod sa ilang


payak na pasalitang pautos tulad ng upo, tayo, atbp. at mapaghuhulo na maari na
silang magsimulang sumagot sa kabuuang ponemikong konspigurasyon ng mga
salita at mga parirala.

Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya, bokabularyo at balarila ay matagal


at mahirap kahit na ang pag-unlad nilang pisikal ay maoobserbahang mabilis.

Sa una, ang mga salitang binigkas niya ay masasabing katulad ng mga


salita ng nakatatanda na ipinalalagay na ginaya, pero ang katunayan, ito’y
pagpapatibay na maging sa panahong ito, taglay na ng mga bata ang kanilang
sariling phonemic system kahit na di pa maayos.

Ikatlong Yugto: EKSPANSYON AT DELIMITASYON

Ang pagsasalita ay umuunlad mula sa isahan o dalawang pagsasalita


hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita ng matanda. (18-20 buwan,
dalawahang salita)

Dalawang klasing salitang ginamit:

Pivot Class: kalimita’y maikli, at ito iyong malimit nilang bigkasin at


maaaring nasa una o ikalawang posisyon. Ang posisyon ay iyong kinalalagyan ng
salita sa isang pangungusap. Ang ikalawa ay iyong isa pang salita at tinatawag
itong open class.

Hal: “Kain Mommy,” “Kain baby,” Kain ato”

Pivot Word:

Hal: “Dede ko,” “Dede tata,” “Dede Mama,”

“Tuya alit,” “Mommy alit,” “Daddy alit, alit”

“Mommy raro”

Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang


kognitibong kalinangan ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawa
sa mga bagay, pangyayari at mga tiyak na pangalan ng mga ito.

Magiging palatanong na ang mga bata at malimit na maririnig ang mga


tanong na “Ano to?” “Ano yan?” at maraming “Bakit.”

Upang hindi “malunod” ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang


pagsasalita, iwasan ang pagbibigay na maraming impormasyon at unawaing
mabuti ang mensahe ng batang nagsasalita.

Kailangang gumanap bilang mga salbabida ang mga matatandang


nakapaligid sa mga bata.

Ikaapat na Yugto: KAMALAYANG ISTRUKTURAL

Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at


paparaming mga abstraktong ideya at mga damdamin, kailangang makarating sila
sa yugtong kamalayang instruktural.
Ito’y mahalaga upang makabuo sila ng mga paglalahat at matuklasan nila
ang hulwaran at kaayusan sa pagsasalita.

Habang patuloy na nagiging komplikado ang kanilang pagsasalita,


magagawa nilang magkamali dahil bumubuo sila ng sariling paglalahat na kung
minsan ay hindi pinapansin ang mga eksepsyon. Hal: “nikain” vs, “kinain”

Ikalimang Yugto: OTOMATIK

Sa yugtong ito, ang bata’y nakapagsasabi ng mga pangungusap na may


wastong pagbabalarila kayat magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya
at damdamin kagaya ng mga matatandang tagapagsalita ng wika.

Ang mga batang nasa yugtong ito’y may kahandaan na sa pagpasok sa


kindergarten.

Ikaanim na Yugto: MALIKHAIN

Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili


nilang wika. Bagamat ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig,
nagkakaroon sila ng lakas ng loob dahil nagagawa na nilang masalita ang
ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa paligid.

Sa mga natalakay na yugto, malalagom na ang mga bata ay natututo ng


wika sa pamamagitan ng:

1. Pag-ugnay (Pagtambal ng tunay na bagay sa tunog ng salita)

2. Pagpapatibay (Anumang positibong papuri na gaganyak sa isang bata upang


ulitin ang anumang tugon)

3. Panggagaya (Paggagad sa anumang tunog na narinig sa matatanda)


4. Elaborasyon (Pagpapalawak ng isang salita upang makabuo ng
pangungusap)

PAGTUTURO NG
PANITIKAN

Batausa, Jobelle
Betarmos, Ma. Floresa
Dela Rama, Adriana Dominique
Lozano, Cresiell Marie
Obligado, Kenneth Bryle
Ano ang Panitikan?

Panitikan
-ito ay isang masining na paraan ng pagpapahayag ng ating
mga damdaming maaaring positibo o negatibo man na maaaring
kapupulutan ng aral.

Ayon kay Hon. Azarias, ito’y pagpapahayag ng mga


damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig,
pamumuhay, sa lipunan, at sa pamahalaan at sa kaugnay ng
kaluluwa ng Bathalang Lumikha.

Ayon kay W.S Long, ito ang nasusulat na tala ng


pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.

Ayon kay Webster, ito’y anumang bagay raw na naisatitik


basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ngb tao, maging
ito’y totoo, kathang-isip, o bungang-tulog lamang.

Ayon kay Maria Ramos, ito’y kasaysayan ng kaluluwa ng


mga mamamayan, dito nasasalamin ng mga layunin,damdamin,
panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng mga mamamayang
nasusulat o nababanggit sa maganda, makulay, makahulugan,
matalinghaga at masining na mga pahayag.

Ayon na man kina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal, ang


tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong
nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon
sa kanyang pang-araw-araw na pagsisikap upang mabuhay at
lumigaya sa kanyang kapaligiran at gayon din sa kanyang
pagsisikap na makikita ng Poong Maykapal.
Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ang salitang
panitikan, ay binubuo ng pang-na unlapi, ng salitang ugat at ng -
an na hualpi. Nagiging Pan-ang Pang-kung inuunlapi sa salitang
nagsisimula sa mga titik na d,l,r,s at t. Karaniwang kinakaltas ang
titik na t kung saklaw ng tuntuning nabanggit. Kaya’t sa halip na
Pangtitikan ay nagiging Panitikan na katumbas sa Ingles ay
Literature at Literatura sa kastila.

Pagbasa ng Panitikan

Sa pagbasa ng panitikan ay hindi lamang nakapukos sa


Proseso ng Pagkuha ng Kahulugan ngunit kasangkot din dito
ang Pagbuo ng Kahulugan.

Proseso ng Pagkuha ng Kahulugan- Kung ano ang nakuhang


kahulugan sa mga tekstong binabasa ay iyon lang ang
pagpapakahulugan ng mga mambabasa.

Pagbuo ng Kahulugan- ang nakuhang pagpapakahulugan sa


teksto ng isang mambabasa ay katimbang ng dating alam na
nakalagak sa isipan at maayos na naiimbak ayon sa kategorya.

Karanasan
Tuwiran man o di- tuwiran ang karanasan ng mambabasa
ay siyang taglay upang makapagbibigay ng kaugnayan sa
kanyang mga binasang akda at maipapalabas ang kaisipan at
sensitibong pananaw sa mga pangyayari at mga sitwasyong
inilalahad.
Uri ng Panitikan

Panitikang Gamitin/Tuluyan o Prosa


Ito’y tinatawag nating panggawaing panitikan at may layunin
na magturo at magbigay ng kaalaman. Ang pagpapahayag ay
literal, tahasan, at hubad na larawang diwa na hindi nasasangkot
ang damdaming ngunit kapaki-pakinabang sa pang-araw-araw na
buhay ng tao.

Panitikang Malikhain/Patula
Ito’y napapaiba sa gamitin dahil ang layunin nito ay hindi
lamang pagbibigay ng kaalaman kundi upang tuminag, humimok,
at humikayat sa mga mambabasa. Ito’y kinapapalooban nang
katotohanang naisasagisag at gumigising sa ating guniguni, pag-
iisip, at damdamin. Ito’y ginagamitan ng karaniwang damdamin ng
tao gaya ng pagkapoot,pag-ibig, paghihiganti, pagpapatawad, at
iba pa. Ito’y nangangailangan ng malalim na pag-iisip.
Napapaloob dito ang tatlong bisa ng panulat; bisa s adamdamin,
bisa sa kaasalan, at bisa sa isip. Ipinapakita ng malikhaing
manunulat ang katuparan ng isang pangarap.

Bisang Pampanitikan

Bisa sa isip o kaisipan


 Ito’y Katangian ng akda na nagbubunsod sa bumabasa ng
mag-iisip nang may nilalayon upang yumaman at umunlad ang
kaisipan. Kalinawan at pagkamakatwiran ay nakakatulong ng
malaki para madaling makilala ang isang bisang pangkaisipan.
Ipinahayag dito ang larawang diwa. Ito’y di dapat nangingibabaw
sa Bisa Ng Damdamin sa halip ang dalawa’y magkatuwang.
Bisa sa Asal/kaasalan
 Ito’y katangian ng akda na may kaugnayan sa tamang
paghubog sa katauhan, sa pagkilala sa mabubuting katangian
ng tao. Napapaloob dito ang halagang pangkatauhan. Subalit
hindi ito dapat mangaral ng tuwiran o tahas. Dapat gawin ito ng
padaplis lamang.

Bisa sa Damdamin
 Ito ang siyang pinakamahalagang katangiang maaaring
taglayin ng panitikan. Ito ang kumakatok sa damdamin ng
mambabasa. Ang ating damdamin ay nagigising at
natitinag ng binabasa. Masaya tayo kapag masaya ang
tauhan, malungkot kung malungkot ang tauhan.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpukaw sa ating
mga pandamdam(senses), paggising sa mga
pangunahing iniingatan ng ating alaala o tahasang
pagpapahiwatig sa damdaming ibig gisingin.

Ang Panitikan sa Klaseng Pangwika

Ang panitikan bilang input sa isang klaseng pangwika ay


maaaring magdulot ng kakaibang kawilihan at interes sa mga
mag-aaral sa punto ng nilalaman tema , paksa at gamit ng wika.
Nagagawa rin ng panitikan na maitaguyod ang kabuuang
pag-unlad ng isang mag-aaral sa mga aspektong sosyal, moral,
intelektuwal, estetiko, pagpapahalaga at ang epektibong
paggamit ng wika.
Ito ay nagbabadya na kung gagamitin ang panitikan bilang
input sa klaseng pangwika, kailangan ng gurong gumamit ng
mga dulog na ang pinakasentro ng lahat ng pagpaplano ay mga
mag-aaral.

Makikita sa dayagram sa ibaba kung ano ang maaaring


magawa ng panitikan bilang input sa klaseng pangwika.

Ang Paglinang ng Wika


Ang mga akdang panitikan ay makakatulong nang malaki sa paglinang ng wika
bilang:
Modelo sa mabisang paggamit ng wika;
Mga istimulo para sa mga gawaing pangwika ; at
Mga konteksto para sa gawaing pangwika.
Bilang modelo sa mabisang paggamit ng wika, maipapakita ng mga akdang
panitikan kung paano ang talasalitaan , bararila at mga huwarang diskurso ay
mabisang magagamit sa iba’t ibang anyo ng pagsulat upang maipahatid ang isang
mensahe at kung paanong magagawa ng panitikang gisingin ang pandamdam
upang makapagsigla sa pagbibigay tugon.

Ang paggamit ng mga tayutay sa mga akdang pampanitikan halimbawa ay


magsisilbing paghimok samag-aaral sa pagbibigay ng masining na paghahambing
ng mga bagay o pangyayari.

Paglinang na Personal
Malaki ang naitutulong ng panitikan sa pag-unawa sa puso’t kaisipan ng
tao.
Inilahad nito ang mga mithiin, lunggati, pagkatakot, pangamba, pag-asa,
pagmamahal, at pakamuhi sa tao.
Katungkulan ng guro na akayin ang mga mag-aaral na matuklasan ang mga
damdamin at kaisipang ikinaiiba ng tao sa hayop upang mapabuti ang kanyang
pagkatao.
May mga manunulat na naniniwala, gaya ng Italyanong si Pirandello, o
Hapong si Mishima at ating kababayan ng si Edgardo Reyes na ang misyon ng
panitikan ay pawiin ang lambong ng pagkukunwaring tumatakip sa mukha ng tao.
Ayon kay Probst ( 1981), sinasabing ang Visceral Response o ang
malalimang pagtugon ang pinakamabisang paraan sa pagtuturo nito sapagkat
hihimay ang kaliit-liitang bahagi ng ating pagkatao.

Paglinang na Sosyal at Moral


Nagagawa ng panitikan na maranasan at maramdaman ng mambabasa
ang mga pag-iisip at pagdaramdam ng mga taong malayo sa kanyang
kinaroroonan.
Makakatulong sa mga mambabasa na maunawaan ang buhay
Ang mga gawaing pangwika na gumagamit ng mga akdang panitikan bilang
konteksto ay makatutulong sa mag-aaral upang malinang ang kanyang kamalayan
sa mga isyung pantao at kabuhayan pati na ang sistema ng pagpapahalagang
kaugnay ng mga ito.
Magagawa ng panitikan sa isang klaseng pangwika ang katotohanang ang
buhay ay hindi simpleng proseso ng mabuti laban sa masama at ang kalagayan
sa buhay ay hindi rin basta matatakdaan ng itim o puti.

Paglinang ng Estetiko
Ang salitang “estetiko” ay maikakapit natin sa kaisipang may kaugnayan sa
sining kasama ng rito ang panitikan, sa aspektong “pangkagandahan”, “panlasa”,
“imahinasyon”, at “pagpapasya”.
Kasama sa “estetikong karanasan” sa panitikan ang kahulugang natatamo
natin sa pagbabasa ng isang kwento o nobela; pakikinig sa masining na
pagbabasa ng tula o panonood ng isang dula.
Nagagawa nitong salingin ang ating diwa at emosyon.
Magagawa rin ng guro ng wika na mapayaman ang estetikong kamalayan
ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasama sa mga programang pangwika
ng mga malikhaing gawain gaya ng pagtatanghal ng dula o sabayang pagbasa.
Nasa kamay ng guro ang ikagaganda ng pag-aaral ng panitikan- yaong
pagsasamahin ang ugnayan ng sangkap ng isang sining sa diwa o temang ibig
palitawin ng mangangatha.

Proseso sa Pagbabasa o Pag-aaral ng Panitikan


Ayon kina Cooper at Purves (1973) may walong pamamaraan o prosesong
ginagamit sa pagbabasa at pag-aaral ng panitikan.

Paglalarawan
- nagagawang magpahayag sa sariling pangungusap, pasalita man o pasulat.
Pagtatangi
- napag-uuri ng mag-aaral ang mga seksyong binasa.

Pag-uugnay
-naiuugnay ng mag-aaral ang mga sangkap na ginamit sa nabasang akda.

Pagsusuri
- ipinapaliwanag kung ano ang nais ipabatid ng akda sa mga mambabasa.

Paglalahat
- paglalapat ng mga natutunan mula sa isang akda sa iba pang babasahing
akda.

Pagpapahalaga
- karaniwang ginagawa pagkatapos mabasa ang isang akda.

Pagtataya
- pagsukat ng mga natutunan mula sa binasang akda.

Paglikha
- ang pinakatampok sa proseso sa pagbabasa o pag-aaral ng panitikan.

Iba’t ibang dulog sa panitikan

MORALISTIKO
-sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit.

SIKOLOHIKAL
-makikita ang takbo ng isip ng may katha.

FORMALISMO
-pinagtutuunan ng pansin ang mga istraktura o pagkabuo.

IMAHISMO
-nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa.
HUMANISMO
-Ang tao ang sentro ng daigdig.

MARXISMO
-pinakikita ang pagtutunggali o paglalaban ng dalawang
magkasalungat na puwersa.

ARKETIPO
-gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang
element ng akda.

FEMINISMO
-maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon
at Gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din
ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda.

EKSISTENSIYALISMO
-ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang
sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon
ay hindi maikahon sa lipunan.

KLASISISMO
-pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri.

ROMANTISISMO
-binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon,
imahinasyon at likas.
REALISMO
-ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning
ilahad ang tunay na buhay.

Panimulang Pag-aaral ng Panitikan


Sila ang mga Sociolinguistica na nagbigay pakahulugan sa
panitikan;
Atienza, Ramos, Salazar at Nazal sa kanilang aklat
na ’’Panitikang Pilipino", Bro. Azarias, Webster, at
Maria Ramos.

Limang mahahalagang bagay na nakapangyayari sa


panitikan;
Ang Klima
Ang Hanapbuhay
Pook
Lipunan at Pulitikan
Edukasyon at Pananampalataya

Kasama sa mga epikong maaaring mabasa at mapag-aralan


ang mga sumusunod:
a. Bidasari- Epiko ng Moro
b. Biag ni Lam-ang- Epiko ng Ilokano
c. Maragtas- Epiko ng Bisaya
d. Haraya-Epiko ng Bisaya
e. Lagda-Epiko ng Bisaya
f. Hari sa Bukid- Epiko ng Bisaya
g.Kumintang- Epiko ng Tagalog
h. Parang Sabir-Epiko ng Moro
i.‘’Daguy’’ at ‘’Sudsud’’- Epiko ng Tagbanua
j. Tatuang- Epiko ng Bagobo
k. Indarapatra at Sulayman- Epiko ng Moro na bumubuo sa
‘’Daraganan’’
l. Dantugan- Epiko ng Moro na bumubuo sa ‘’Daraganan’’
m. Daramoke-A-Babay- E piko ng Moro na bumubuo sa
‘’Daraganan’’

Ang pinaka sikat na epiko ay ang Biag ni Lam-ang ng mga


Ilokano.

Mga Mungkahing Istratehiya sa Pagtuturo ng mga Akdang


Pampanitikan

Ang panitikan ay hindi tuwirang naituturo o natututuhan.

Ang Pagtuturo ng Maikling Katha


Nagbigay si Sage (1987) ng mga mungkahing gawain sa
pagtuturo o pag-aaral ng maikling katha.

1. Pre-reading activity - hanguin sa sariling mga karanasan.


2. Maging holistic o ganap ang pagtatalakay ng akda sa
pamamagitan ng pagmamasid ng mga ugnayan sa mga aspekto
ng kwento.
3. Isaalang-alang ang natural na daloy ng kwento bilang patnubay
sa pagtuturo nito.
4. Magbigay ng sapat na kaligirang talakay bago pag-aralan ang
kwento.
5. Patnubayan ang mga mag-aaral.
6. Ipaliwanag ang katuturan ng mga terminong pampanitikan
upang mapagaan ang diskusyon.
7. Ipakita o ipadama sa mag-aaral ang matulaing bahagi ng isang
akda.

Ang Pagtuturo ng Tula


Masalimoot at mahirap ang pagtuturo ng tula dahil sa may
iba itong istruktura o kayariang balangkas. Gaya ng sabi ni
Widdowson (1982), “Poetry uses a deviant language.”

Dapat mabatid ng guro ang mga sumusunod tungkol sa


tula:

 Ang bawat tula ay may angking iwing katangian at kabuuan.


Lumilikha ito ng sariling daigdig.
 Malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng
pangungusap. May lisensya syang gawin ito.
 Gumagamit ang tula ng sariling jargon o talasalitaan.
 Isipin at unawain ang tula sa iba’t ibang dimensyon; biswal,
pandinig, pandama, panlasa, at iba pa.
 Ang ganda ng tula ay napapayabong ng iba’t ibang
pagpapakahulugan. Depende ito sa karanasang, kasanayan,
katalinuhan, saloobin, pagkawili, at pamaraan o pagdulog ng
guro.
 Ang magandang pagbasa ng tula (ang tula ay tulad ng musika)
ay makapagpapagaan sa pagtuturo nito.
Kailangang madama ng isang guro sa pagtuturo ng tula ang lahat
ng binanggit upang magkaroon ng higit na kahulugan at
kabuluhan ang kanyang pagdulog.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga patnubay sa pagtuturo
ng tula:

1. Pagganyak at pagpukaw sa marangal na damdamin


Ang pagpukaw ng marangal na damdamin ay nag-aangat sa
pag-iisip tungo sa isang mataas ng layunin at pagpapahalaga sa
buhay.
Halimbawa: “Ang Bayan Ko’y Ito” ni Jose Villa Panganiban

2. Ang pagbibigay ng malikhaing guni-guni


Kailangan makita sa ating guni-guni ang mga larawang likha
ng makata upang mapukaw ang ating damdamin. Kailangan ang
lahat ng ating pandama, paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy,
at pakiramdam.
Halimbawa: “Florante at Laura”

3. Ang pagkakaroon ng marangal na diwa


Kailangang taglayin ng tula ang marangal at
makatotohanang paksa upang makapukaw ng magagandang
damdamin at makaguhit ng larawan sa guni-guni.
Halimbawa: “Pag-ibig” ni Jose Corazon de Jesus

4. Ang pagtataglay ng isang tula ng isang magandang


kaanyuan
Ito’y ay nauukol sa pamamaraan ng makata sa pagbuo ng
kanyang tula. Ito’y nauukol sa paggamit ng tugma, sukat, aliw-iw,
at mga piling-piling salita.
Halimbawa: “Tagpuan ng Araw at Gabi” ni C.M. Vega
5. Mahahalagang tayutay
Ito’y nauukol sa pananagisag (symbolism) ng makata, gaya
ng pangawis (metaphor), patulad (simile), panawagan
(aposthrophe), pabaligho (paradox), padiwang tao
(personification) at iba pa. Nagpapayabong sa larawang diwa ng
siyang pumupukaw ng mga mararangal na damdamin ng
mambabasa.
Halimbawa: “Isang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus

Ang Pagbasa ng Tula

A. Paraan:
1. Wastong Pahinga: Punuin ng hangin ang dibdib bago simulan
ang pagbasa.
2. Ang Tinig ay kailangan sa dayapram na nanggaling.
3. Wastong ‘pagpupukol’ nito sa nakikinig.
4. Katamtamang lakas ng tinig.

B. Uri at Sangkap ng tinig

1. Lakas (Volume).
Dapat na ito’y timplado. Hindi iyong nagpapalahaw.

2. Uri ng tinig.
a. Ang lakas ng bulong (whispering force)-nagpapahiwatig
ng malaking takot, pangamba.
-Palihim na pagsasalita: ‘’Ito ba aking mapapala?’’
-Kahinaan ng katawan: ‘’Kung sadyang wala akong pag-asa,
magtitiis ako!”
b. Ang inimpit na lakas (Suppressed force). Ito ay nasa
pagitan ng pabulong at katamtamang lakas.

Basahin natin ang sumusunod na ginagamitan ng inimpit na


lakas ng tinig.
Kay tagal ng gabi!
Ang guniguni ko’y tila napakahinahon
Sa hapong ang takbo’y napakahinahon
Kung may pakpak sana’y pilit sasalubong
Sa dilim na wari’y aayaw dumaong

Kay bagal na araw!


Kay tagl-tagal nang diwa ko’y nagising
Di pa rin masilip niyang makulay..maningning
At ako ay muling natulog..mahimbing

3. Ang taas ng tono ng tinig (pitch of voice)

a. Karaniwang tono- nagpapahiwatig ng malamig na


damdamin/malaking galit.

Pagkagalit:

Ikaw nga, Oh Inang pabaya’t sukaban


Kami’y di na sa iyo saan man humanggan
Ihanda mo Ina ang paglilibingan
Sa nawawakawak na maraming bangkay.

Gapusing mahigpit ang mga tagalog


Makinahi’t biting parang isang hayop
Hinain sa sikad, kulata at suntok
Ito baga Ina ang iyong pag-irog?

Panlamig:

Paalam na, Ina, Itong Pilipinas


Paalam na Ina, itong nasa hirap
Paalam, Paalam, Inang walang habag
Paalam na ngayon, katapusang tawag.

b. Pataas na padulas (Upward slide)- nagpapahayag ng


alinlangan o ng pagkagulat.

(1) Ano ka? Ano Kayo? Sino ako? Tayo?


Sabi nila’y Pilipino…
Ugat natin ay silangan
Galing doon sa malayo…

(2) –O mutyang bituin, ako’y nagtataka


Hinahanap na ako’y hahanapin ka pa;
Kung ang bayani ko ay ikaw ang pita
Ano’t nang mamatay, di nakita?

c. Pababang padulas (downward slide)-nagpapahayag ng


kapangyarihan at pagsusumikap

-----O mutyang Liwayway, nagkatagpo tayong


Sa aki ang lungkot, ligaya sa iyo;
Kung ang bayai ko’y bayani mo
Bunga ng ligaya’y pagsaluhan ninyo.
4. Ang Lundo (wave) ng tinig
May pataas-pababang lundo gaya ng;

Si Brutus
ay marangal na
tao.

6. Ang bilis ng pagbigay ay may kaugnayan sa damdamin


ng tula.
Binibigkas nang mabilis, may mataas na tono at malakas na
tinig ang bahagi ng tulang may mapusok na damdamin. Mabagal,
mahina at mababang tono naman sa bahagi ng tulang may
malungkot na damdamin.
Halimbawa:

A. Malungkot---------

Sa paa ng krus
ay pikit ang mata na nakayukyok;
may hawak na panyong pandampi
sa luhang sa pisngi’y nanagos,
ang mga bulaklak na nagbabanguhang
sa bato nagsabog
ay nananariwa sa dilig na lunang
Nagsisilbing hamog
sa lamig ng bato’y buong nanunuot
ang mga himuktok

B. Mapusok na damdamin---------
Ito ba? Ang lupang aking aangkinin
Na tiratirahan ng apoy at talim?
Ito ba ang manang aking bubungkalin
Na sambuntong buto at nagngangang libing?

Ito ba ang mindong hinila kung saan


Ng gulong ng inyong hiwang kaunlaran?
Ito ba ang bunga ng sining at agham?
Ito ba ang aking manang kalinangan?
HULAGWAY
NG FILIPINO

Aldoyesa, Ivy
Paga, Meliza
Tampus, Jeanivie
ANG FILIPINONG DALUMAT NG KATARUNGAN

Ano ang katarungan?

Sa iba’t ibang panahon, sinubukan nang sagutin ng mga palaisip


ang tanong na ito, na may nagsasalungatang resulta. Diumano,
katarungan ang nagtatakda ng limitasyon sa kung ano ang maaaring
ipataw ng malakas. Ang ilan ay nangatwirang katarungan ang mismong
ipinapataw ng malakas at buong-puso namang tinatanggap ng mahina;
ang iba sa kabilang banda ay nagsasabing ang mismong katarungan
ang naglilimita sa ipinapataw ng malakas; subalit, naninindigan ang iba
na wala namang debate sa dalawang posisyon, yamang inilalarawan ng
una ang tunay, samantálang ang ikalawa ay ang ideál, na dito, ang
kolektibong budhi ng sangkatauhan ang unti-unting bumabago sa tunay.

JOHN RAWLS:

“Katarungan ang pangunahin at natatanging kagalíngan ng mga


institusyong panlipunan, tulad ng katotohanan sa sistema ng pag-
iisip.”
Ang isang teorya, gaano man kaepisyente at kasinop ay
marapat na iwaksi o baguhin kung ito’y huwad; gayundin, ang mga
batas at mga institusyon, gaano man kabisà at kaayos ay
kailangang baguhin o lansagin kung ito’y di makatarungan.

EDGAR Z. FRIEDENBERG:

“Hindi karaniwan para sa batas na magparaya sa katarungan; kundi


sa halip, ang katarungan ang dapat magbibigay-daan sa batas ...”
Ang usaping “katarungan” ay lumalabas lamang ang diskurso
kapag nawawala ito o kapag umiiral ang inhustisya (kawalang-
katarungan). Sa maraming panahon na hindi ito nawawala ang
katarungan, ang ibig sabihin ay umiiral ang katarungan.

ANG KATARUNGAN AY UMIIKOT SA DALAWANG NIBEL:


Ang nibel ng pagkilala ng tao bilang tao; at
Ang nibel sa pagkilala ng tao sa karapatan ng tao.

TAO BILANG TAO

Ang tao bilang binubuo ng katawan, pagnanasa, kasaysayan,


mga layunin, at pangarap ay tinatawag ng sarili na ipunin ang mga
naghahatakang puwersang ito upang manatiling isa at buo.
Kung magpapabaya ang tao sa kaniyang sarili – halimbawa
ay hindi siya kakain nang husto at wasto – manghihina ang
kaniyang katawan at hindi na niya magagawa ang mga gusto
niyang gawin.
Kung puro prinsipyo lamang ang paninidigan ng tao, baka
makalimutan niya ng iba pang mahahalagang relasyon na kaniya
ring kinapapalooban.

ANG TAO SA KARAPATAN NG TAO

Batas upang maingatan ang mga indibidwal na karapatan ng


tao. Pamahalaan upang masiguro ang patas na pagbabahagi ng
yaman ng bansa. Pulis upang magbantay sa kalayaan ng mga tao.
Sa isang katwang balik-ikot ng ugnayang tao at komunidad,
kung wala ring katarungan sa lipunan, pati ang tao sa loob nito ay
hindi magagawang mabuo ang sarili.
HALIMBAWA:
Katarungan ang tumawid sa tamang tawiran.
Katarungang maging malinis sa tinitindang pagkain.
Katarungang sumunod sa batas trapiko.
Katarungang maging tapat sa pagsusulit.
Katarungang sabihin sa kaibigan ang totoo.
Katarungang aminin sa sarili ang totoo.

ISANG ISTORIKONG PAGDALUMAT SA FLIPTOP PARA SA


MGA GURO NG KULTURANG POPULAR

Sa Facebook page na Fliptop Observer, isang skeptic na


estudyante ang nagbitiw ng pahayag na hindi na uso ang FlipTop. Kung
magtitiwala sa hakàng ito, masasabing hindi na napapanahon ang
talakay kung maituturing nga bang Modernong Balagtasan ang FlipTop.
Gayunman, kung sisipátin ang asignaturang Pagsulat sa
Filipino sa Piling Larangan sa Senior High School (K-12 program),
malinaw na makikita ang “Fliptop” bílang isa sa mga halimbawa ng
Kulturang Popular sa ilalim ng paksang Sining at Disenyo. Kung
gayon, hindi lámang isang napapanahong paksa ang FlipTop at ang
sinasabing ninuno nitóng balagtasan, kundi isang mahigpit na
pangangailangan ang pagsusuri ng dalawang nabanggit upang
maigiya sa tamang konteksto ang mga mag-aaral ng Senior High
School, sa partikular ang mga nása Baitang 12, mula 2016.

MAY TATLONG NAMAMAYANING NOSYON SA KASALUKUYAN TUNGKOL


SA FLIPTOP:
1. Biglang sumulpot sa ating bansa ang anyong ito;
2. Dahil orihinal na yaring Pinas, “Fliptop” ang tawag sa anyong ito; at
3. Ito ay modernong balagtasan.
PAG-IMBULOG NG FLIPTOP

Umábot na sa mahigit isang milyon ang nag-like ng Facebook


page na Flip Top Battle League na karamihan ay nása age bracket na
18-24 taóng gulang. Bukod dito, mahigit 1.2 milyon na ang subscribers
ng Youtube account ng nasabing grupo. Masasabing malaganap na ang
popularidad ng FlipTop sa kabataan. Ang mabilis at steady na pagsíkat
ng FlipTop ay hindi lámang nagpapakita ng pagtangkilik ng kabataan sa
Hip-Hop at alternative rap. Patunay ito ng pagbababád ng kabataan sa
internet.
Ayon nga sa pagtatáya ng rapper na si Allen Enriquez AKA BLKD, sa lahat
ng dakò ng bansa na naaabót ng internet at may kultura ng pagko-computer shop,
kilalá na ang FlipTop.
“FlipTop” na ang tawag sa “battle rap” bagaman pangalan lang naman ito
ng isang liga (2014).

Alaric Riam Yuson AKA Anygma

“Tinatawag nilang ‘fliptopping’ o ‘fliptopan’ ang mga unang konsepto ng FlipTop.


Kakatuwa ito dahil hindi ka naman makakakita ng kabataang nagpupunta sa
parke, halimbawa, at nagsu-shoot ng bola, at nagsasabing, ‘Mag-NBA táyo!’
Basketbol ang tawag doon.”
Nilinaw ni Anygma na battle rap, at hindi “fliptopping” o “fliptopan”
ang tawag sa kaniláng ginagawa. Sabi pa niya, “Hindi ito ang simula o
katapusan ng Hip-Hop. Basically, isa lang ito sa mga umbrella ng Hip-
Hop.”

ANG LIGANG FLIPTOP


Nakasanayan ng kabataang Filipino na tawaging “Fliptop” ang
mga battle rap dahil bago ito sa kaniláng paningin kayâ ito ang
pangalang laging nananariwa sa kaniláng diwa.

Naganap sa penomenong FlipTop ang pagtawag natin ng Colgate


sa anumang brand ng toothpaste, Xerox sa photocopy, at kyutiks (o
Cutex) sa nail polish. Nangyari ito dahil hindi nabantayan ng liga ang
milyon-milyong tagasubaybay ng battle rap na walang background sa
eksenang Hip-Hop at ni hindi man lámang naglaan ng oras para
saliksikin ang nasabing mga genre/subgenre sa internet.
Ang FlipTop (FlipTop Kru Inc.) ay ang grupong nagsagawa ng kauna-
unahang Filipino Battle Rap League sa bansa. Naganap ito noong 6 Pebrero 2010
sa Quantum Café, Makati. Dito nag-battle ang mga MC na sina Fuego, Protégé,
Datu, at Cameltoe.
Sa freestyle rap, ang pagbabalik ng insulto sa kalaban ay
tinatawag na “flip.”
Ang FlipTop Battle League naman ay ang kauna-unahang Filipino Battle
Rap League sa bansa. May English at Filipino Conference ito at may ibá’t ibáng
dibisyon (Metro Manila Division, Mindanao Division, Calabarzon Division, at
Central Luzon Division).
Alaric Riam Yuson AKA Anygma, ang tumatayong CEO ng FlipTop Battle
League. Siya rin ang emcee ng independent collective na A.M.P.O.N. (Absolute
Messages Personified Over Noise) at ng grupong Talksic Ways. Emcee o MC
(“Master of Ceremonies”) ang tawag sa rapper o artistang may angking kakayahan
sa pagtatanghal (Edwards 2009).

PAGMAMAKATA
Sa isang battle rap, ang mga rapper ay nagpapalítan ng maaanghang na
salita para maláman kung sino ang mas magaling na “makata.”
Ang isang makata ay makikitahan ng kahusayan sa pagtula. Sa
unang tingin, saknúngan ang batúhan ng mga linya ng mga emcee. Isa
pa, inaasahang nagtutugma ang mga hulíng salitâ ng kaniláng mga
linya tulad ng ginagawa sa tradisyonal na panulaan (may tugma at
súkat).

Tinatawag na mga bar ang mga linya (ng berso) sa rap, tulad ng
tawag sa musical duration. Paliwanag ni BLKD, sa karaniwang beat ng
Hip-Hop (4/4 time signature), ang isang bar ay mula sa unang kick drum
hanggang sa pangalawang snare drum. “At usually, kapag nagsusulat
ang isang emcee, ang lines niya sa verse ay kasiya/sakto sa bars ng
beat. So usually, sa rap, 1 line (poetry) = 1 bar (music); dahil diyan,
halos synonyms na rin sa Hip-Hop ang ‘line’ at ‘bar’.”
Karaniwang may kasabay na instrumental beats ang pagra-rap. Ito ang
ikinaibá ng rapping sa spoken word poetry. Gayunman, dahil magkaharap ang
mga emcee na nagtatagisan sa battle rap at nagpapalítan ng mga bar, nakilála
itong “modernong balagtasan.”

SI BALAGTAS AT ANG BALAGTASAN

Francisco dela Cruz Baltazar AKA Francisco Balagtas ang kaniyang awit
na Florante at Laura. Napagkakamalan siyáng “Hari ng mga Makata”
Ang pasakit ni Balagtas sa pag-ibig ay naging alegorya ng pasakit ng
sambayanan sa kamay ng kolonyalismong Español.
Ipinagdiriwang na noon pa man ang kaarawan ni Balagtas (Abril 2). Batay
sa saliksik ni Virgilio S. Almario, noong hápon ng 28 Marso 1924, sa isang pulong
bílang paghahanda para sa Araw ni Balagtas, ipinanganak ang “balagtasan”
(2003). Itinanghal ang kauna-unahang balagtasan noong 2 Abril 1924.
BALAGTASAN AT BATTLE RAP

Bukod sa pagkakamaling FlipTop ang tawag sa battle rap, laganap na rin


ang pagkilála rito bílang “modernong balagtasan.”

May tatlong pamantayan diumano para masabing “modernong balagtasan”


ang battle rap:
1. May tugma at súkat ang mga binibitawan niláng salita;
2. May tema ang battle rap tulad ng balagtasan; at
3. Nagsasagutan ang magkakalabang emcee, kayâ ito ay isang uri ng verbal
joust.

Ang battle rap ay gumagámit ng internal rhyming at rhyme


bending.

Paliwanag nga ni BLKD, “Internal rhymes ‘yung last syllable ng


mga linya lang naman talaga ang ‘required’ na nagra-rhyme sa rap. So
everything else na nagra-rhyme pa sa loob ng linya, tinatawag na lang
naming ‘internal rhymes.’ Kayâ basically, ‘yan na rin yung assonance,
consonance, alliteration, at ibá pang hindi ko na alam ang tawag (kung
meron pa).”
Ang rhyme bending, pagpapatúloy pa ni BLKD, ang dahilan kung
bakit mas liberal sa rap ang patakaran ng tugmàan. Makikita ang
rhyme bending at/o offbeat rhyme sa mga modernong tula.

Kayâ kalabisan na sabihing “modernong balagtasan” ang battle rap


kung maging ang patakaran nitó sa tugmàan ay mas hawig sa
modernong panulaan. Dahil sa usapin ng panulaan sa bansa, ang
modernong panulaan ay hindi “modernong balagtasan.”
Ayon kay Almario, ang mga makata ng balagtasan ay
kinakailangang aliwin ang kaniláng tagapanood sa pamamagitan ng
ilang patawa, witticism, pang-uuyam, at theatrics tulad ng mga
gumaganap sa mga madulang pagtatanghal.

Ayon kay Anygma

“It is such a poor analogy of battle rap. It is unnecessary. It is misleading. It is


almost like insulting for the masses as if they are not capable of understanding it
in its actual definition. It is disrespectful to the culture that we’re trying to support
and we’re trying to empower.”

ANG MGA PATIBONG NG PAGKATAONG FILIPINO

Ang personalidad, mula sa salitâng-ugat na persona na nangangahulugang


maskara ay karaniwang nauunawaang tumutukoy sa kabuuang pagkatao at mga
katangian ng isang tao.
Sa mga social scientist, partikular ang mga sikolohista ang personalidad ay
“ang katangian ng mga kilos at paraan ng pag- iisip”
Ang mga tao ay tinatawag na Indios noong unang panahon. Nagsimula ito,
samakatwid, bílang isang elitistang termino na nagpapakilála sa isang grupo ng
mga táong higit na nakatataas sa “katutubo” subalit hindi kapantay ng mga
peninsulares, o ng mga opisyal at klerigong Español.
Kung dapat táyong magkaroon ng batayang sosyo-sikolohiko para sa ating
depinisyon, kailangang isaalang-alang natin ang libo-libong mga Pilipinong.
Ngayong nabuksan natin ang ilang mahahalagang pagsasaalang-alang sa
ibáng pagkakataon ay simpleng mga depinisyon ng “personalidad” at “Filipino,”
tanggapin na natin itong magkasáma.
Ang Pagkatáong Filipino (Filipino Personality) bílang kurso sa gradwadong
paaralan ay payak na tumutukoy sa pag-aaral ng personalidad sa konteksto ng
Filipinas.
Isang aklat, halimbawa, ang Toward the Restructuring of Filipino Values
(Túngo sa Pagsasaayos ng mga Halagahang Filipino) ay naghihinuha na “ang
pangunahing katangian ng Kasalukuyang Sistema sa Halagahang Filipino ay ang
indibidwalismo ng pamilya.”

PAGKAMAKABAYAN

Ito pangunahing batayan ng personalidad na Filipino. Marami pang ibáng


mga pangyayari sa mga batayang aklat ang ginagamitan ng ganitong uri ng
pangangatwiran. Kapuri-puring paggámit ng batayan ng personalidad kung
isasaalang-alang na ang paggámit ng mga kolonyalista ng ganitong
pangangatwiran, gaya ng pagtawag na mga indio ay sa katunayan ay rasista.

Sa kabuuan, kapag ang nasabing mga pagpapahalaga, pag- uugali, at


katangian ay ginagamit nang walang pagsusuri sa lahat ng istratum sa isang
antas-antas na lipunan, ang realidad ng paniniil o pagsasamantalá ng iilang
makapangyarihan sa walang-kapangyarihang masa ay lalong nababalewala.
Pangwakas, ang di-mapanuring makabayang paraang ito ay isang
paboritong taktika ng mga táong pinakainteresado na mapanatili ang lipunang
may umiiral na napakalaking disparidad o di-pagkakapantay-pantay sa
distribusyon ng yaman, sapagkat nagkataóng silá ay nása masaganang panig ng
di-makatarungang kaayusan.

ANG POLITIKA NG PAG-UNAWA SA KULTURANG FILIPINO

Halos lahat ng sumulat ukol sa Filipino ay may nasasabi hinggil sa kaniyang


tradisyon at kaugalian, sa kaniyang indolensiya, sa kaniyang karakter, o sa
kaniyang paraan ng pamumuhay.
SALIKSIK PANGKULTURA BÍLANG INSTRUMENTO NG PANANAKOP

Ang mga disenyo ng panlipunang pamumuhay ay maaaring imbentuhin at


ipataw sa mga tao. Sa kabilâng dakò, kahit ang mga angkop na disenyo ng
pamumuhay ng mga tao ay maaari pa ring mapanghimasukan.
Six Perspectives on the Philippines, halimbawa ay pinaunlad mula sa unang
pangkat ng mga boluntaryong Hukbong Pangkapayapaan na idinestino sa
Filipinas. Ang mga lektura ay inorganisa “para tulúngan ang mga sinasanay na tao
na maunawaan hangga’t maaari ang kultura ng bansa na patutunguhan nilá.” Ang
aklat ay inaasahang makapagtatampok ng kultural na pag-unawa at magbibigay
daan para sa maayos na ugnáyan sa panig ng mga Filipino at ng mga
boluntaryong Americanong Hukbong Pangkapayapaan
Gaya ng isinaad ni Paolo Freire, ang kultura ng mga lipunang hindi pa
gaanong maunlad ay nabuo at napanatili bílang sunod-sunurang “kultura ng
katahimikan.” Ang kultura na resulta ng labis na pamamahala “ay may
natatanging tatak ng pagiging preskribtibong karakter: ito ang padikta, paboleting
impormasyon—kumbaga’y naisaproseso at tinanggap agad na realidad.”
Ang di-maláy na pagtanggap ng superyoridad ng mga pamantayang
Kanluranin ay kumikiling sa pagpapalawig ng “mito ng likás na imperyoridad” ng
mga Filipino. Ang mitong ito ay hindi lámang naging angkop na katwiran para sa
intensibong kolonyal na panghihimasok at pagsakop ngunit humikayat din ng
kusang pagpapahirap sa sarili sa panig ng mga Filipino, at nagtulak sa diwang
Filipino na manatili sa kalagayan ng pagkagupiling.

ANG KULTURA BÍLANG MAYSALA

Ang labis na pagtutuon ng mga iskolar sa mga personal na kahinaan ng


mga Filipino at ang pauróng na pangkulturang katangian ng lipunang Filipino ay
humahadlang sa matalisik na pagtanaw sa panlipunang estruktura ng Filipinas.
Dahil sa malabo nitóng bisyon ng panlipunang realidad ng Filipinas,
karamihan sa mga pag-aaral ukol sa kulturang Filipino ay nakatiwalag mula sa
mga kritika ng mga pangunahing estruktura ng lipunan, at hinihikayat pa nitó, sa
halip, ang pamumuna sa sarili, at sa Filipinong personalidad. Sa ganitong diwaín,
ang naturang mga pag-aaral ay humihimok na magsumikap para pahusayin ang
bulag. Dahil hindi makita ang mga rehas ng bilangguan, ang mga Filipino ay
patúloy na naunsiyami sa pagiging bihag.
Gaya ng naisip ni Frank Lynch, ang pagtukoy sa “pangkulturang fulkrum
na magbibigay ng pinakamahusay na salalayan para sa mga katanggap- tanggap
na programa sa panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad”
Kung isasaalang-alang ang konteksto ng di-ganap na pag-unlad ng
Filipinas, ang mapagpalayàng potensiyal ng panlipunang pananaliksik ay
nakasalalay sa kakayahán nitóng tumulong sa pagbibigay ng batayan para sa
paglikha ng kontra-pakahulugan para sa pagbubuo ng kontra-kamalayan.
Renato Constantino, ay nagsisimula sa pagkilála sa mga batayang sosyo-
istoriko ng kamalayang kolonyal, at ang pagkatanto sa tungkulin ng kamalayang
kolonyal para suhayan ang nakapirming panlipunang estrukturang kolonyal.

You might also like