You are on page 1of 15

Pangalan: Jessica T.

Claustro
Pamagat ng Ulat: Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika
Assignatura: Filipino
Petsa ng Pag-uulat:Agosto 12, 2023
Propesor: Maria Cristilyn A. Martinez
Silid Aralan:
Pangkalahatang Tanaw sa Ulat:
Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika

1. Ano ang Wika?


Maraming depinisyon ang maikakapit sa wika. Bibigyang kahulugan natin ito
bilang sining ng komunikasyon. Sa malawak na pagtanaw rito, ang wika ay hindi
lamang nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat. Ayon kina Sampson et al.
(1995:4) ang wika ay isang obra maestra ni Picasso, isang komposisyon ni
Beethoven. o di kaya'y ang kahanga-hangang pagtatanghal ng mga dyimnast sa
Olimpyada. Totoong ang wika ay "makikita" sa mga produktong pagsulat ng mga
mag-aaral o maririnig sa kanilang pagsasalita, ngunit higit pa rito ang nasasaklawan
ng wika.
Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may sapat na
kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging
matatas sa paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirag ito.
Kaya sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang mga mag-aaral sa iba't
ibang makatotohanang gawain upang "iparanas"sa kanila ang tunay na gamit ng
wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahmg aklat at mga magasin,
palikhain ng tula na malalapatan ng himig. pasulatin ng isang maikling dula ,
paguhitin ng magagadang tanawin, pasalihin sa mga interaktibong talakayan lahat
ng mga karanasang ito'y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng
mag-aaral ng isang maunlad na wika.

2. Ang mga batang mag-aaral ang pagtuturo ng wika


Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika. maging Filipino o Ingles
man, palagi ng nakasentro ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila
nagtuturo. Mayroon nga ang banggit tungkol sa mga mag-aaral. subalit mga
palipad hangin lamang. Sa katunayan, mas mahalagang isipin muna natin ang
tungkol sa mga batang ating tinuturuan:
1. Sino Sila?
2. Saan sila galing?
3. Ano ang alam nila?
4. Anu-anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?
5. Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?
6. Paano sila natuto ng wika?
Samakatuwid, ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino
sa ating mga paaralan ay ang pag-unawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga
bata sa paaralan, pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-
unawa kung paano natutuhan ang wika , una o pangalawang wika man, at ang
mga proseso sa pagkatuto nito.
Napaniwala tayo ng popular na kaalaman na mas madaling matuto ng
pangalawang wika ang mga bata kaysa may edad nang mag-aaral. Sa mga
ganitong paniniwala, nararapat lamang ang ilang kwalipikasyon.
Una. hindi totoong mas madaling matutuo ng pangalawang wika ang
mga bata. May mga patunay na marami rin silang mga pagsisikap at ginagawa
upang matutuhan ang kanilang una at pangalwang wika (Brown, 1994). Ang
kaibhan sa pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at may edad na mag-aaral
ay nakabatay sa likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at
kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng wikang sasabihin.
Samantalang sa isang may edad na nag-aaral ng wika, tahasang binibigyan niya
ng pokus ang salitang bibigkasin at pinag-iisipang mabuti ang anyo ng wikang
kanyang sasalitain.
Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad ay may
higit na kakayahan sa pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang
makapagsaulo ng higit na maraming talasalitaan kaysa Inga bata. Maaari silang
gumamit ng mga prosesong deduktibo at abstraksyon sa pag-aaral ng balarila at
iba pang konseptong panlinggwistika kaya sa kabila ng otomatikong
pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sa pagtatamo ng wika. maaaring
magkaroon sila ng problema sa pag-aaral ng pangalawang wika.
Ikatlo, hindi maliwanag ang hangganan ng edad ng mga batang bago
pa lamang nag-aaral magsalita sa mga batang pre-pubescent. Lumilitaw sa
maraming pagkakataon na may mga batang totoong hirap sa pagtamo ng
pangalawang wika sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa Inga kadahilanan
ay may kinalaman sa mga salik na personal, sosyal, kultural. at politikal.
Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa
pamamagitan ng pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa loob ng
klasrum. Kailangan ng guro ng tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung
may edad na mga magaaral ang tuturuan niya.
Inilahad sa ibaba ang limang kategorya na may kinalaman sa paglaki at
pagunlad ng mga mag-aaral na maaaring makatulong sa guro sa pagpili ng mga
praktikal na teknik at istratehiya sa pagtuturo ng wika.
1. Intelektwdna pag-unlad- Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang
hanggang edad labinsiyam) sa ganitong edad ay nasa yugto pa rin ne
túnatawagg ni Piaget na conrete operations, dapat lamang na isaalang-alang
ang kanilang mga limitasvon. Ane mga tuntunin at mga paliwanag tungkol sa
wika ay kailangang gamitin nang mav ibayong pagiingat Hindi masvadong
pinahahalagahan ng rnga bata sa ganitong yugto ng paglaki ang nosyon ng
mga edad ng "kawastuhan at lalong higit na hindi nila mauunawaan ang mga
pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong panlinggwistika. Ilang mga
tuntunin para sa mabisang pagkaklase:
 lwasan ang paggamit ng mga teknikal na Salita sa pagpapaliwanag ng
isang kaalamane pambalarila. (e.g ponolohiya, morpema, at iba Pa).
 lwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga nag-aaral.
2. Tagal ne Pagkawili (Attention Span) - Isang kapansin-pansing kaibahan ng
mga may edad sa mga bata ai,' ang tagal ng panahon ng kanilang pagkawili..
Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng panahan ng
pagkawili: Paupuin mo ang mga bata sa harapan ng TV na ang palabas ay
ang paborito nilang cartoons at asahan walang tatayo ni isa man Sa kanila
hanggang hindi natatapos ang palabas. Kava't hindi ka maaaring magbigav
ng isang paglalahat na maikli lamang ang tagal ng panahon ng pagkawili ng
mga bata. Mangvayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung ang
pagkaklase av nakasasawa at walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap minsan
ang paksang pinag-aaralan sa wika. Tungkulin mong gawin itong kawili-wili,
buhay, at masaya. Paano mo ito gagawin?
 Mag-isip ng mga gawaing may kagvat na kawilihan para Sa mga bata
 Maglahad ng mga makabago at iba't ibang gawain.
 Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-oober-acting
dahil kailangan ito ng mga bata para sila'y maging gising at listo.
 Tuklasin ang kiliti mg mga bata at gawin itong puhunan sa pagpapanatili
ng kanilang kawilihan,
 lsaalang-alang ang pagiging palatanong 0 kurvusidad ng mga bata upang
mapanitili ang kanilang kawilihan.
3. Pakilusin ang iba't ibang Padamdam (Sensory Input)
 Maglaan ng mga gawaing magpapakilos Sa mga bata tulad ng roje Play
at mga laro
 Gumamit ng iba't ibang kagamitang panturo na makatutulong sa
pagpapatbay ng mga kaisipang natamo.
 Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language
4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors)
 Iparamdam Sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa Sila
ng pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa. at pagsulat habang nag-
aaral ng isang wika.
 Maging mapagpaumanhin at ibigay lahat ng suporta upang magkaroon
ng åwala sa sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging mattyak sa mga
inaasahang matatamo ng Wong mag-aaral,
 Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga mag-
aaral lalo't higit Wong mga tahimik sa klase upang mabigyan Sila ng
maraming pagkakataon na subukin ang iba•t ibang gawain sa pag-aaral
ng wika.
5. Awtentiko, Makabuluhang Wika
 Iwasan ang pag gamit ng mga salitang hindi awtenttko at di
makahulugan. Magaling ang mga bata sa paghalata ng wikang di
awtentko; dahil dito, iwasan hangga't maaari ang mga de kahon o di
natural na paggamit ng wika.
 Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang
nakapaloob sa isang konteksto, Gumamit ng mga kwento, sitwasyon,
mga tauhan, at mga ugpang pamilyar Sa karanasan ng mga mag-aaral
upang mapanaili ang kanilang atensyon at mapatatag ang kanilang
retensvon.
 Iwasan ang paghahati-hati ng Wika sa maliliit nitong mga sangkap
mga sangkap dahil mahihirapan ang mga batang makita angkabuuan
nito. Bigyang-diin din ang paguugnayan ng mga kasanayan sa
pakikinig , pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Hindi biro ang maging epektibong guro ng wika. Inaasahang sa
pagdaraan ng mga araw. makatutulong sa mga guro kahit bahagya ang mga
inilahad na patnubay lalo't higit samga baguhang guro sa paaralan.

3. Ang Mga May Edad na Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika


Bagama•t maraming tuntunin sa pagtuturo ng mga bata na maaaring ilapat kung
may edad na mag-aaral ang tuturuan. dapat pa ring alalahanin na maraming
pagkakaiba ang dalawang pangkat na ito ngmag-aaral na kailangang alam ng
isang guro . Mas higit ang kakayahang kognitibo ng mga may edad kaysa mga
batang mag-aaral kaya't maaaring mas magiging matagumpay Sila sa ilang mga
gawaing pangwika sa loob ng klasnrm. Mapapagalaw nila nang mabisa ang
kanilang Inga pandamdam ("imahinasyon" Sa pagsamyo ng bulaklak vs. totoong
pag-amoy ng bulaklak) na hindi pa kaya ng mga bata, Maaaring pareho ang
antas ng kanilang pagiging mahiyain pero higit na may tiwala sa sarili ang mga
may edad na mag-aaral. Kung may limang salik na isinasaalang-alang sa
pagtuturo ng Wika sa mga bata, mayroon ding mga mungkahing dapat isaalang-
alang kung may edad na mag-aaral ang tuturuan.
1. May kakavahan na ang mga may edad sa pag-unawa ng mga konæpto at
mga tuntuning mahirap unawain pero kailangan pa rin ang oag-iingat.
Maaaring kainisan ng mga ito ang masyadong mahirap at masyadong
madali na paglalahat at tuluvan Silang mawalan ng interes Sa pag•aaral
2. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit ang mga
gawaing maikli at ayon sa kanilang interes hindi kaligtaan
3. Hangga't maaari'v gisingin ang lahat nilang mga pandamdam upang ang
klase•y maging masigla at laging buhay.
4. May taglay rin silang kaunting tiwala sa sarili kaya•t hindi masvadong
kritikal ang kanilang pagiging maramdamin. Subalit hindi dapatiwaksi ang
mga Salik emosvunal na kaugnav ng kanilang pag-aaral ng wika.

Implikasyon sa Pagtuturo ng Pag-alam ng Pagkakaiba ng mga Bata at mga


May-Edad na Mag-aaral ng Wika
1. lgalang ang mga damdaming emosyunal ng mga mag-aaral la10 na iyong
medyo mahina sa pagkatuto.
2. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral
2-1 Huwag silang tawagin na "mga bata"
2-2 Iwasan ang pagkausap Sa kanila na parang bata.
3. Bigyan Sila ng maraming pagkakataon para makapamili at makapagbigay ng
sariling desisvon hinggil Sa kung ano ang maaari nilang gawin Sa 1000 at
labas ng klasrum.
4. Huwag disiplinahin ang mga may edad na parang mga bata. Kung may
lumabas Sa suliraning pandisiplina (di-paggalang, pagtawa, pag-aabala, sa
klase at, iba pal laging ipalagay na may edad ang iyong tinuturuan at mav
kakayahan silang umunawa at magpaliwanag sa bawat kilos at galaw na
ipinapakita nila sa loob at labas ng klasrum.

4. Ang Mga Tinedyer At Ang Pagtuturo ng Wika


Mahalaga ring isaalang-alang sa alinmang pagtuturo ang pangkat ng mga mag-
aaral na nagbibinata o nagdadalaga na. Mga tinedyer o "bagets" na may edad mula 12-
19 ang tawag sa pangkat na ito ng mga mag-aaral sa sekundarya

"Sakit ng ulo" ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa ganitong edad.
Ito ang yugto ng paglaki na sila'y lito, kimi, at kakikitaan ng maraming pagbabago sa
kanilang anyong pisikal at intelektwal. Ito ang edad tungo sa pagbibinata at
pagdadalaga. Samakatuwid, kailangan ang isang tanging set ng mga konsiderasyon
kung ang ganitong pangkat ng mag-aaral ang iyong tuturuan. Bagama't kakaunti kung
mayroon man tayong mababasa tungkol sa pagtuturo ng mga mag-aaral sa ganitong
edad, makabubuti siguro kung pagtutuunan natin ng pansin ang ilang paalala:

1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin ang mga
proseso sa abstraktong pag-iisip kaya't maaari na silang ilayo nang unt-unti mula
sa kongkretong paglalahad ng mga gawain tungo sa supostikadong
pagpoproseso ng mga kaisipan subalit mahalaga pa ring isaisip na ang
pagtatagumpay sa anumang gawaing intelektwal ay nakasalalay sa antas ng
kawillihan o atensyong ibinibigay rito; kava nga kung ang isang mag-aaral av
maraming pinagkakaabalahan tulad ng barkada, pagpapaganda sa sarili, disco,
parti, at iba Pa, maaaring ang gawaing pangklase at mga bagay hinggil sa
kanilang pag-aaral ay maaaring maisantabi.
2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal na rin
bunga ng kahustuhan ng kanilang pag-iisip suballit maaari itong maging
panandalian din dahil sa maraming pabagu-bagong nagaganap sa pag-iisip at
buhay ng isang tinedyer.
3. Maglaan din ng iba't ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga
pagkakataong kailangan ito ng mag-aaral.
4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa vugtong ito ng paglaki ay nasa
karurukan ng kanilang pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibo sa
kanilang mga naririnig na puna lalo't higit tungkol sa kanilang pagbabagong
pisikal, mga emosyon, at kanilang kakayahang pangkaisipan. Isa sa mga
mahalagang tungkulin ng guro sa paaralang sekundarya ang mapanattling
mataas ang pagpapahalagang pansarili ng kanyang mga tinuturuan sa
parnamagitan ng mga sumusunod:
 Pag iwas na ipahiya sila sa klase;
 Pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansariling talino at kalikasan;
 Pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagagawa sa pagkaklase;
 Pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di-
pagkakaunawaan; at
 Paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maaari
silang makipagsapalaran sa paglahok na hindi totoongmagiging kahiya-hiya
kung magkamali man sila sa gagsagot,
4. Paano natututuhan ang Wika?
 Prescriptive Grammar
Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga
pag-aaral-wika. Maging ang mga mambabalarilang Ingles ay totoong nanalig din
dito. Di nila binigyang pansin ang mga sintaktikong kaibahan sa pagitan ng
wikang Ingles at Latin at pilit na inilipat ang deskripsyong Latin sa Ingles.
Karagdagan pa, sa lubos na pangongopya mula sa balarilang Latin, nilimitahan
nila ang kanilang sarili sa paggamit ng klasikong balarila sa pag-aatas kung
paano dapat ginagamit ang wika. Hindi sila nagsikap na ilarawan ang
kalikasan ng wika o kung paano ito ginagamit sa aktual na
pakikipagtalastasan (Kitzhaber et al., 1970).
Halos ganito rin ang nangyari sa unang balarila ng wikang Filipino. Noong
unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang bayan, nakaangkla ito sa
balarila ng wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura ng Ingles ibinatay ang
anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya ang paniniwala
noong unas kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay ganoon din
sa Filipino.
Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto ng
wika ay naglundo sa metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa
metodong ito, ang mga mag-aaral ay nagmememorya ng mahabang talaan ng
mga talasalitaan. mga anyo ng pandiwa at mga pangngalan. Pangunahing
gawain sa klase ang pagsasalin ng mga nakasulat na teksto. Hindi inaasahang
nasasalita ng guro ang wikang itinuturo. Ang mahalaga ay may malawak
siyang kaalaman sa sa mga tuntuning pambalarila.
Ang terminong prescriptive grammar ay tumutukoy sa mga set ng gawi
o panuntunan hinggil sa tama at hindi tamang paggamit ng wika. Nagsisilbi itong
gabay sa kung paano ang nararapat na baybay. bantas at marami pang iba.
Alinsunod nito ay ang ipinalabas ng KWF na "Binagong Gabay sa Ortograpiya
ng Wikang Filipino" na naglalatag ng mga alituntunin hinggil sa tamang gamit ng
e at i, r at d, ng at nang, gitling at marami pang iba.
 DescriptiveLinguistics
Noong mga siglo labingwalo at labingsiyam, nagsimulang pagtuunan ng
pansin ng mga isklar ang pagkakatulad na masasalamin sa matandang wika. Sa
kanilang pag-aaral ng mga nakasulat na dokumento ng mga unang wika ,
nagawa nilang matunton ang pinagmulan ng mga tunog at salita at maroon na rin
ang pagtatangkang maipakita ang partikular na mga pagbabagong pinagdaanan
ng mga wika saloob ng mahabang panahon at ang ugnavang
pangkasaysayanng mga wikang ito. Sinuri ng mga naunang lingwist ang mga
yunit ng tunog ng isang wika, kung paano nabuo ang mga ito, at nailarawan din
nila ang istruktura ng mga pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo sa
pagtukoy ng mga tunog ng wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang
bumubuo ng isang salita, at ng pagsusuri ng mga anyo ng pangungusap.
Sumibol ng panahong ito ang pagbabalangkas 0 dayagraming bilang
gamiting paraang pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Ang pagsusuri ng mga
pangungusap ay nagsisimulasa paghahati ng mga pangungusap sa dalawang
bahagi at bawatisa nito ay hahatiin pang muli hanggang sa masuri ang maliliit na
komponent na bumubuo sa pangungusap. Ang ganitong sistema sa pag -aaral
ng wika ay pinaniniwalaang mailalapat din sa pag-aaral ng pangalawang wika.
Bukod pa rito, marami rin ang umaayon na ang ganap na pag-unawa sa mga
ponetikong komponent ng unang wika ay makatutulong sa paghahambing ng
palatunugan ng una at ng target na wikang pinag-aaralan. Isang mahalagang
tungkulin ng guro ng wika noon ang kaalaman sa istruktura ng una at ikalawang
wika upang maipaliwanag ang target na wika (W2) sa tulong ng kaalaman sa
kayarian ng unang wika
 Teoryang Behaviorist
Bagamat hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang
naging umpluwensiya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang
wika.
Ipinahahayag ng teowang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak
na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring
hubugin pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang
kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at mapauunlad sa
tulong ng mga angkop na pagpapatbay rito. Binigyang-diin ni Skinner (1968),
isang pangunahing behaviorist, na kailangan "alagaan" ang pag-unlad na
intelekwal sa pamamgitan ng pagganyak at pagbibigav-siglat at pagpapatibay
sa anumang mabuting kilos o gawi. Avon sa mga behaviorist, ang pagkatuto
ng wika ay bunga ng pangagava, paulit-ulit napagsasanay hanggang sa
mamaster ang tamang anyo nito, at positibong pidbak.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang
anumang gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon.
Halimbawa, posibleng pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga
magulang ang kanilang anak para maging isang doktor 0 isang abugado. Unti-
unting ihahanda ang bata sa mga bagay at gawaing kaugnay nito at palagi
nang may angkop na pagpapatibay. Ang mga gurong umaayon na sa
paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng mga papuring:
"Magaling." "Tama ang sagot moo. "Kahanga-hanga ka." "Sige ipagpatuloy
mo."
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbigay sa mga guro ng set
ng mga simulain at mga pamaraang madalign isagawa sa pagtuturo. Ang
Audio Lituua/Method (ACM) nanaing popular nooong mga taong 1950 at 1960
ay ibinatay sa teoryang behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM
ay inilahad sa ibaba:
 Binibigyang•diin ang mga kasanavang pakikinig at pagsasalita;
 Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril; Paggamit lamang ng target
na wika;
 Kagvat na gantimapal/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
 Kagvat na pagwawasto ng kamalian; at
 Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro
 Teoryang Innativist
Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng
bata ay ipinanganak na may "likas na talino" sa pagkatuto ng wika.
Ipinaliwanag ni Chomsky (1975) na ang kakayahan sa wika ay kasama na
pagkaanak at likas itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-
interaksyon sa kanyang kapaligiran. Ang pananaw na ito ang nagpapahayag
na ang wika ay nakapaloob at nabibigvang•hugis ng sosyo-kultural
nakapaligiran kung saan ito nabubuo. Ito'y mabibigyang-kahulugan lamang
kapag may interaksyong nagaganap sa kapaligiran.
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologicajly programmed para
sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano
malilinang ang iba pang tungkuling bayolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating
ng bata sa takdang gulang, nagagawa niva ang paglalakad lalo na kung
nabibigyan ng tamang nutrisyon bukod pa sa malaya siyang nakakikilos at
nakagagalaw. Hindi na siya dapat pang turuan sa paglalakad. Lahat ng bata
ay nag-uumpisang maglakad sa halos na magkakatulad na edad at ang
gawaing ito ay nararamdaman ng mga batang normal ang paglaki at pagedad.
Para kay Chomsky, ganitong-ganito rin ang pagtatamo ng wika.
Inilahad pa rin ni Chomsky na ang isipan ng mga bata ay hindi blangkong
papel na kailangan lamang punan sa pamamagitan ng panggagaya ng wika
na kanilang naririnig sa paligid. Sa halip, inihayag niya na ang mga bata ay
may espesyal na abilidad a tuklasin sa kanilang sarili ang nakapaloob na mga
tuntunin sa isang sistema ng wika.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language
Acquisition Device (LAO). Ang aparatong ita ay karaniwang inilalarawan bitang
isang likhang-isip na "black box" na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak.
Tinatayang naglalaman ang "black box" ng lahat at tanging iyon lamang mga
simulaing panlahat na taglay ng mga wika ng lahat ng tao, at ito ang
humahadlang sa isang bata na lumihis sa tamang daan sa kanyang pagtuklas
ng mga tuntunin ng wika. Upang gumana ang CAD, kailangan lamang ng bata
na may pagkakataon siyang mahantad sa mea halimbawa ng wikang kanyang
sasalitain o pag-aaralan.
Ang mga halimbawang ito ang mga nagbibigay-daan upang gumana ang
aparato. Sa oras na gumana na ito, magagawa na ng batang tuklasing 53
kanyang sarili ang istruktura ng wikang pag-aaraaaaalan sa pamamagitan ng
paglalapat ng kanyang taglav na kabatiran sa batayang gramatika ng isang
partikular na wika sa kanyang kapaligiran.
Sa kasalukuyan, inilaglag ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalíg ang
terminong LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa
aparatong pang•isipan na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky,
1981; Cook, 1988; White, 1989).
 Teoryang Cognitive
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ngwika ay palaging
nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang
bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin. at
mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang
isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan
ng mga tuntunin ang mga mag-aaral ng wika o di kaya nama'y nailalapat nang
mali ang mga ito. Dahil dito, malimit na nagaganap ang mga kamalian sa
paggamit ng wika. Ayan sa mga cognitivist, ang pagkakamali av isang
palatandaan ng pagkatuto at eksperimenatyson at hindi ita kagyat at tuwirang
iwinawasto. Tinatanaw ng mga cognitivist ang pagkakamali bilang isang
integral na bahaging pagkatuto
Nakatuon sa mga mag-aaral ang mga pangklaseng batay sa teoryang
cognitive Nakapukos ito sa patuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga
dulog na pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod , ginagabayan ng guro
ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niva
ang mga ito upang makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na
pasaklaw naman ay kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog na
pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat 0 pagbubuo
ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay nagsisimula sa patuntunin
patungo sa pagbibigay ng mga hallimbawa. Ang teoryang cognitive ay
palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang aktibong prosesong
pangkaisipan. Sa ganitong pananaw, tungkulin ng guro ang paglalahad ng
mga bagong impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito'y maiugnay
ng rnga mag-aara I sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan at sa
kanilang dating kaalaman. Sa pagkatuto ng wika, kailangang himukin ng guro
ang mag-aaral na mag-isip nang may kamalavan at pagusapan ang Wika
upang mapag-ibayo ang kanilang kakayahan sa paggamit nito.
Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming
aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao aV
ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang Wika
(Page at Pinnel, 1979). Ang tanging pagkakaiba ng dalawang teoryang ito•y
may kinalaman sa implikasyon sa pagtuturo. Pinaniniwalaan ng mga innativist
na hindi kailangang suportahan ang mga bata sa pagtatamo ng Wika dahil
likas niva itong matututuhan. Samantalang sa kampo ng mga cognittvist,
kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na magpapabilis sa
pagkatuto ng Wika
Bilang Isang guro, kailangang may sarili kang paniniwala tungkol sa
kalikasan ng rnga bata at kung paano sila natututo . Mahalaga ang kabatiran
sa mga teorya dahil ang mga ito ang magsasabi ng mga tamang gawain sa
pagtuturo. Ang paglilinaw ng iyogn posisyon hinggil sa mga teoryang ito'y hindi
ang isa-isang pagbabanggit ng ngalan ng teorya o pagsaulo ng mga
paliwanag hinggil dito. Ang mahalaga ay ang sarili mong paniniwala hinggil sa
kung paano natuto at kung nakapagtatamo ng Wika ang bata.
 Teoryang Makatao
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan
ng mga salik na pandamdamin at emosyunal. Ito'y nananalig na ang
pagtatagumpav sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop ang
kapaligiran, may kawiliha ang mga mag-aaral at may positibong saloobin sila
sa mga bagong kaataman at impormasyon. Kung ang mga kondisyong hindi
matutugunan, ang anumang paraan 0 kagamitang panturo aV maaaring hindi
magbunga ng pagkatuto,
Kaya nga, sa larangan ng øag-aaral ng wika, kailangang may magandang
saloobin ang mga mag-aaal sa wikang pinag•aaralan, sa mga gumagamit ng
Wika at sa mga guro ng wika. Tungkulin ng guro na magiaan at lumikha ng
isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang
pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at
malaya nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
Kailangan ding Iinangin ng guro ang pagpapahalaga sa sarili ng mega mag-
aaral.
Pangunahing binibigyang-pansin ng teoryang makatao ang mga mag-
aaral sa anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang
saloobin ng mga magaaral sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at
mga gawain sa pagkatuto.
Ilan sa mga metodo ng pagtuturo ng Wika na may kaugnayan sa
makataong tradisyon aV ang sumusunod: Community Language Learning ni
Curran; ang Silent Way ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov.

5. Pagkatuto vs Akwisisyon ng Wika

Nagbigay si Krashen ( 1981 ) ng magandang paliwanag hinggil sa


pagkakaiba ng pagkatuto at akwisisyon ng wika. Ang pagkatuto ay isang
binalak na proseso kung saan pinag-aaralan ang wika sa isang organisadong
paraan at may sinusunod na isang tiyak na programa o sila bus. Ang ganitong
pagkatuto ay humahantong sa pag-alam ng mga tuntunin sa paggamit ng wika at
pagsasalita nito ayon sa kung paano ito inilahad sa isang sistematiko at pormal
na
Sa kabilang dako, ang akwisisyon ay nagaganap nang hindi
namamalayan at katulad ito halos kung paano natutuhan ang ating unang wika.
Ito ay nagaganap sa isang sitwayon na ang mag-aaral ay nahaharap sa
maraming pagkakataon na natural na ginagamit ang wika. "Pinupulot" ng mag-
aaral ang wikang kanyang naririnig na sa palagay niya 'y kailangan sa pakikłpag-
usap sa mga tao sa kanyang paligid.
Mahalaga ang mga kaalamang ito sa pagtuturo ng wika Ialo't higit kung
pangalawang wika ang ituturo dahil sumusuporta at nagbubuo ang dalawang ito
sa isa't łsa.
Kung sisilipin natin ang nangyayari sa 100b ng klasrum at sa 100b ng
tahanan hinggil sa pagkatuto ng wika. makikita natin ang ganitong tanawin. Sa
100b ng klasrum, ipinalalagay na kailangang ituro sa mga bata ang mga tuntunin
para matutuhan angwika. Sa halip na ihantad ang bata sa mayamang kaligiran
ng wikang sinasalita, ang input ay may hangganan at inihahanay nang may
kontrol ayon sa paniniwala ng humuhubog ng kurikulum. Ang pag-aaral ay
nagsimula sa paglalahad ng mga titik at tunog patungo sa pagbuo ng salita. Ang
pokus ng pagaaral ay ang wika sa halip ng mga makabuluhang gawain o
konteksto na kinapapalooban nito. Sa pagsagot ng mga bata. isa ng mahigpit na
batas na ang sagot ay sa kompletong pangungusap.
Sa l00b ng tahanan, malaya ang bata sa kanyang pagkatuto. Walang mga
tuntunin na kailangan sundin. Walang kontrol ang dami ng wikang naririnig. Hindi
ang pagkatuto ng magkahiwalay na tunog at salita ang kanilang natutuhan kundi
mga natural na wika na kanilang naririnig at ginagamit araw-araw. Positibo palagi
ang pidbak at walang nagsasabi sa kanila na ••ulitin mo nga sa kompletong
pangungusap.” Ayon kay Krashen, ang ganitong kaligiran sa pag-aaral ng wika
ay may "low affective filter” kaya ang pagkatuto ay madali at mablis.
Ano ang implikasyon ng mga senaryong inilahad sa pagtuturo ng wika?
Sa epektibong pagtuturo ng wika. hindi sapat ang pag-alam lamang sa iba 't
ibang pamaraan sa pagtuturo. Dapat ay may sapat na pagkaunawa ang guro sa
mga teoryang linggwistika at sikolohiya na pinagbabatayan ng mga pamaraan sa
pagtuturo.

6. Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika


Ang matagumpay na pagkatuto ng Wika
Pagnilayan
Naggigitgitan ang mga magulang. nagsisiksikan. nagtutulakan. at kung
minsan ay nagkakapikunan mapabilang lang ang kanilang pitong taong gulang
na anak sa kalse sa unang baitang ni Mrs. Quirit. Nangyayari ang ganito dahil
maraming magaganda at kapana-panabik na sandali sa kanyang pagkaklase.
Alam din ng mga magulang na kung ang kanilang anak ay mapapailalim sa
pagtuturo ni Mrs. Quirit, magtataglay ito ng mga pangunahing kaalaman at
kasanayan na mahalaga sa pagtuklas ng mas lalong malawak na karunungan.
Batid din ng mga magulang na ang mga tinuturuan ni Mrs. Quirit ay mahihilig sa
pagbabasa ng libro at masisipag sa pag-aaral.
Masasalamin sa katauhan ni Mrs. Quirit ang likas niyang pagmamahal sa
mga bata, ang masaya niyang pagtuturo at pagkamahiligin sa pagbabasa. Kung
makapapasok ka sa loob ng kanyang klasrum, makikita mong masasayang
gumagawa ang mga bata. May mga batang nasa isang sulok ng klasrum na
tahimik na nagbabasa. Ang ilan ay abala sa pagpili ng mga aklat na kanilang
babasahin, samantalang may mga batang tahimik na nagsusulat sa kani-
kanilang desk. May mga bata ring gumagawa na kasama si Mrs. Quint. Sa isa
pang sulok ng klasrum ay makikita ang tatlong batang sumusulat ng isang
kwento na kanilang ibabahagi sa klase. At sa isa pang bahagi ng klasrum ay may
mga bata namang gumagawa ng puppet na kanilang gagamitin sa isang palabas
sa klase.
Magandang pagmasdan ang nagaganap sa klasrum ni Mrs. Quirit. Ang
mga bata ay malayang nakagagawa ng mga gawain na di alintana ang
pagkakamali. Hindi rin sila natatakot na sumubok ng mga gawaing bago sa
kanilang pananaw.
Subalit hindi dapat isipin na ang ganitong kaligiran ay basta na lamang
nagaganap. Si Mrs. Quirit ay isang master titser. Kilala niya ang kanyang mga
mag-aaral at iginagalang niya ang kanilang pagkakaiba-iba. Ginagamit din niya
ang kanyang napag-aralan sa paglaki at pag-unlad ng mga bata at
isinasaalangalang ang mga teorya sa pagkatuto upang makalinang ng isang
kaligiran na komportable ang mga bata at naroon ang sigasig sa pagtuklas ng
karunungan.
Isinasaalang-alang din ni Mrs. Quirit ang dignidad ng bawat bata at
naroon palagi ang respeto sa kanyang mga tinuturuan. May sapat din siyang
kamalayan sa mga mag-aaral hinggil sa kaibahan ng lalaki sa babae at tinitiyak
niyang magkapantay ang mga hamon at mga pagganyak na inilalaan sa mga ito.
Hindi rin makakaligtas sa kanya ang mga batang mapanukso o iyong mga nang-
aapi ng kapwa. Humihingi siya ng tulong sa mga magulang kung kailangan at
palagi niyang iniuulat sa kanila ang progreso sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Kataka-taka bang isipin kung maraming mga magulang ang nangangarap
na magkaroon sana ng clone si Mrs. Quirit para lahat ng batang papasok sa
unang baitangay magkaroon ng kawili-wiling karanasan sa pagkatuto?
Siguro ikaw nangangarap ka ring maging Mrs. Quirit sa darating na araw.
Kaya mo iyan! Lamang. bukod sa likas mong hilig sa pagtutuo Iagi mong
isasaisip ang mga mahahalagang bagay upang mapagtagumpayan ng mga bata
ang lahat ng kaalaman sa pagkatuto na iyong inihanda . Nasa ibaba ang ilang
kaisipang dapat mong balik-balikan lalo na't mapapansin mong nananamlay ang
mga bata sa kanilang pag-aaral.
 Motibasyon Hindi mapasusubalian na ang motibasyon ay napakahalagang
Salik sa matagumpay na pagkatuto. Sa isang klase na halos magkakapantay
ang antas ng karunungan ng mag -aaral, pakaasahan na may mas higit ang
pagtatagumpay sa pagaaral dahil mataas ang kanilang motibasyon.
Samantalang ang mga mag-aaral na mababa ang mohbasyon o hindi seryoso
sa pag-aaral ay mapapansing makapasa ma'y pilił o di kap ay pasang-awa.
May dalawang uri ng Motibasyon:
1. Panlabas na Motibasvon (Extrinsic motivation) ang motibasyong itoay
bunga ngmga panlabas na Salik tulad ng:
a. Integratibong Motibasyon (pagkagustong makahalubilo sa isang kultura
ng mga taong Filipino ang sinasalita)
b. Motibasyong Instrumental ( pag-asam na makatuntong sa isang
kolehiyo o pamantasan o kaya ay pagkakaroon ng isang trabaho na mataas
ang pasahod dahil kaalaman sa Wika)
c. pagkagusto na makatanggap ng mga papuri o pagkilala mula sa kapwa
mag-aaral o mga guro
2. Motibasyong Intrinsik ( Intrinsic Motivation). Iło ang likas na kagustuhan sa
pagkatuto ng isang Wika. Halimbawa. Ang isang mag-aaral na galing sa isang
pamilya na may positibong saloobin sa wikang Filipino ay maaasahang
magkakaroon ng ibayong interes sa Filipino at magkakaroon ng pagkagusto
upang masterin ang Wika.
Ang mga Guro -psychic earnings
Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo
at pagkatuto ng Wika. Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman,
at estilo sa pagtuturo ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala
ng interes o kawilihan ng mga bata sa pag-aaral ng Wika.
Maraming tungkulin o "papel” na ginagampanan ang guro sa loob ng
klasrum. llan sa mga iło ay ang mga sumusunod:
 pagbibigav impormasyon at paglalahad ng kaalaman;
 paglalaan ng patnubay at tulong sa mag-aaral upang pagsanayan ang
natamong kaalaman
 pagbibigay ng angkop na pagganyak sa pamamagitan ng paglalaanng
ibait iba at nakawiwiling gawain na magbibigay ng pagkakataon upang
magamit ang wikang natutuhan;
 pagbubuo ng makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa ng mga
mag-aaral ang gawain sa isang kaligiran na walang pangamba 0
pagkabahala;

You might also like