You are on page 1of 46

Mga Natatanging Diskurso

sa Wika at Panitikan
Fil 112
1. Ano ang inyong inaasahan sa
asignaturang ito?

2. Ano ang maari mo maiambag sa


bawat talakayan?
Mga Natatanging Diskurso
sa Wika at Panitikan
Ano ang diskurso?
Ayon sa diksyunaryong Ingles-Filipino (1984), ang diskurso ay
nangangahulugang magsulat o magsalita nang may kahabaan o
katagalan.

Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang


diskurso ay isang pormal na pagtatalakay sa isang paksa, pasulat
man o pasalita.

Sa madaling salita, ang diskurso ay pakikipagtalastasan,


pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya
tungkol sa isang paksa.
KAHULUGAN NG
WIKA
Constantino Whitehead San Buenaventura
ang wika ay maituturing na Ang Wika ay kabuuan ng “Ang wika ay isang
behikulo ng pagpapahayag kaisipan nglipunang lumikha
larawang binibigkas at
ng damdamin, isang nito; bawat wika ay
isinusulat.
insrumento rin sa naglalaman ng kinaugaliang
Isangkahulugan, taguan,
pagtatago at pagsisiwalat palagay ng lahing lumikha
nito. Ito raway salamin ng lahi imbakan o deposito ng
ng katotohanan.
at kanyang katauhan. kaalaman ng isang bansa"
Mga Akdang
Pampanitikan
Mga Anyo ng Panitikan

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:

1. Taluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang


na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang
takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Mga Akdang Tuluyan

1. Alamat
2. Nobela
3. Maikling kuwento
4. Pabula
5. Parabula
6. Anekdota
7. Dula
8. Sanaysay
9.Talumpati
10. Talambuhay
11. Kathambuhay
12. Editoryal
14. Epiko
15. Balita
16. Mitolohiya
2. Patula o panulaan (Ingles: poetry) -
pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan
ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na
pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng
mga salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga
taludtod sa isang saknong.
Mga Patulang Panitikan:

Tulang Pasalaysay
1. Epiko
2. Balad

Tulang Liriko
3. Awiting-bayan 5. Dalit
4. Soneto 6. Awit
5. Elehiya 7. Korido
6. Oda
Ang Pagtuturo at
Pagkatuto ng Wika
Ano ang wika?

Maraming depinisyon ang maikakapit sa wika. Bibigyang kahulugan


natin ito bilang sining ng komunikasyon.

Ayon kina Sampson et al. (1995:4) ang wika ay isang obra maestra
ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven, o di kaya'y ang
kahanga-hangang pagtatanghal ng mga dyimnast sa Olimpyada.
Sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang mga
mag-aaral sa iba't ibang makatotohanang gawain upang
"iparanas"sa kanila ang tunay na gamit ng wika.

Sa paanong paraan?
Bigyan sila ng babasahing aklat
at mga magasin
Palikhain ng mga tula na maaring
lapatan ng musika

Sumulat ng maikling script sa


dula-dulaan
Magpaguhit ng magagandang
tanawin
Pasalihin sa interaktibong
talakayan
Ang Pagtuturo at
Pagkatuto ng Wika
Mga batang mag-aaral, mga may-edad, mga tinedyer
Ang mga batang mag-aaral at ang pagtuturo ng
wika

Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika,


maging Filipino o Ingles man, palagi ng nakasentro ang usapan sa
mga guro ng wika at kung paano sila nagtuturo. Mayroon nga ang
bumabanggit tungkol sa mga mag-aaral, subalit mga palipad
hangin lamang.
Sa iyong palagay, bakit mahalagang
magkaroon tayo ng paunang kaalaman tungkol sa
ating mga tuturuan?
1. Sino sila?
2. Saan sila galing?
3. Ano ang alam nila?
4. Anu-anong mga motibasyon nila sa pag-aaral
ng wika?
5. Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?
6. Paano sila natuto ng wika?
Kwalipikasyon sa paniniwalang
mas madaling matuto ng
pangalawang wika ang mga bata
kaysa may edad nang mag-aaral
Una, hindi totoong mas madaling matuto ng pangalawang
wika ang mga bata.

May mga patunay na marami rin silang mga pagsisikap at


ginagawa upang matutuhan ang kanilang una at pangalwang
wika (Brown, 1994). Ang kaibahan sa pagkatuto ng wika sa
pagitan ng mga bata at may edad na mag-aaral ay nakabatay sa
likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at
kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng wikang
sasabihin. Samantalang sa isang may edad na nag-aaral ng wika,
tahasang binibigyan niya ng pokus ang salitang bibigkasin at
pinag-iisipang mabuti ang anyo ng wikang kanyang sasalitain.
Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad
ay may higit na kakayahan sa pagtatamo ng pangalawang
wika.

Magagawa nilang makapagsaulo ng higit na maraming


talasalitaan kaysa mga bata. Maaari silang gumamit ng mga
prosesong deduktibo at abstraksyon sa pag-aaral ng balarila at
iba pang konseptong panlinggwistika kaya sa kabila ng
otomatikong pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sa
pagtatamo ng wika, maaaring magkaroon sila ng problema sa
pag-aaral ng pangalawang wika.
Ikatlo, hindi maliwanag ang hangganan ng edad ng mga
batang bago pa lamang nag-aaral magsalita sa mga batang
pre-pubescent.

Lumilitaw sa maraming pagkakataon na may mga batang totoong


hirap sa pagtamo ng pangalawang wika sa maraming
kadahilanan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay may kinalaman
sa mga salik na personal, sosyal, kultural, at politikal.
Limang kategorya sa
pagpili ng praktikal na
teknik at istratehiya sa
pagtuturo ng wika
Intelektwal na Pag-unlad

Dahil sa ang mga bata sa ganitong edad ay nasa yugto pa


rin ng tinatawag ni Piaget na conrete operations, dapat lamang
na isaalang-alang ang kanilang mga limitasyon.
Ang mga tuntunin at mga paliwanag tungkol sa wika ay
kailangang gamitin nang may ibayong pag-iingat. Hindi
masyadong pinahahalagahan ng mga bata sa ganitong yugto ng
paglaki ang nosyon ng mga edad ng "kawastuhan " at lalong higit
na hindi nila mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng tungkol
sa mga konseptong panlinggwistika.
> Iwasan ang paggamit ng mga teknikal na salita sa
pagpapaliwanag ng isang kaalamang pambalarila. (e.g
ponolohiya, morpema, at iba pa).

> Iwasan ang pagbibigay ng mga tuntunin na makalilito sa mga


nag-aaral.
Tagal ng Pagkawili (Attention Span)

Isang kapansin-pansing kaibahan ng mga may


edad sa mga bata ay ang tagal ng panahon ng kanilang pagkawili..
Mahalagang
maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng panahan ng
pagkawili
> Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan para sa
mga bata
>Maglahad ng mga makabago at iba't ibang gawain.
>Gawing buhay ang pagkaklase at huwag mabahala na mag-
oober-acting dahil kailangan ito ng mga bata para sila'y maging
gising at listo.
>Tuklasin ang kiliti ng mga bata at gawin itong puhunan sa
pagpapanatili ng kanilang kawilihan.
>Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryusidad ng mga
bata upang mapanitili ang
kanilang kawilihan.
Pakilusin ang iba't ibang Pandamdam (Sensory
Input)

> Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng


role play at mga laro
> Gumamit ng iba't ibang kagamitang panturo na makatutulong
sa pagpapatibay ng mga kaisipang natamo
> Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal
language
Mga salik na Apektib (Affective Factors)

> Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa


sila ng pagkakamali sa pagsasalita, pagbabasa, at pagsulat habang
nag-aaral ng isang wika.
> Maging mapagpaumanhin at ibigay lahat ng suporta upang
magkaroon ng tiwala sa sarili ang bawat mag-aaral, ngunit maging
matiyak sa mga inaasahang matatamo ng iyong mag-aaral.
> Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula sa mga
mag-aaral lalo't higit iyong mga tahimik sa klase upang mabigyan
sila ng maraming pagkakataon na subukin ang iba't ibang gawain sa
pag-aaral ng wika
Awtentiko, Makabuluhang Wika
Iwasan ang pag gamit ng mga salitang hindi awtentiko at di
makahulugan.
Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay
kailangang nakapaloob sa isang konteksto.
 Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong mga
sangkap mga sangkap dahil mahihirapan ang mga batang makita
ang kabuuan nito.
Bigyang-diin din ang pag-uugnayan ng mga kasanayan sa
pakikinig , pagsasalita, pagbasa, at pagsula
Ang Mga May-Edad na Mag-aaral at ang
Pagtuturo ng Wika

Mas higit ang kakayahang kognitibo ng mga may edad kaysa mga
batang mag-aaral kaya't maaaring mas magiging matagumpay sila
sa ilang mga gawaing pangwika sa loob ng klasrum.

Mapapagalaw nila nang mabisa ang kanilang mga pandamdam at


"imahinasyon" na hindi pa kaya ng mga bata.
Mga Salik na dapat isa-alang-
alang sa pagtuturo ng wika sa
may-edad na mag-aaral
1. May kakayahan na ang mga may edad sa pag-unawa ng mga
konsepto at mga tuntuning mahirap unawain pero kailangan
pa rin ang pag-iingat. Maaaring kainisan ng mga ito ang
masyadong mahirap at masyadong madali na paglalahat at
tuluyan silang mawalan ng interes sa pag-aaral.

2. Maaaring mahaba ang kanilang panahon ng pagkawili subalit


ang mga gawaing maikli at
ayon sa kanilang interes ay hindi dapat kaligtaan.
3. Hangga't maaari'y gisingin ang lahat nilang mga pandamdam
upang ang klase'y maging masigla at laging buhay.

4. May taglay rin silang kaunting tiwala sa sarili kaya't hindi


masyadong kritikal ang kanilang pagiging maramdamin. Subalit
hindi dapat iwaksi ang mga salik emosyunal na kaugnay ng
kanilang pag-aaral ng wika.
Implikasyon sa Pagtuturo ng
Pag-alam ng Pagkakaiba ng
mga Bata at May-edad na
Mag-aaral ng Wika
1. Igalang ang mga damdaming emosyunal ng mga mag-aaral lalo na
iyong medyo mahina sa pagkatuto.
2. Huwag ituring na parang bata ang mga may edad na mag-aaral.
3. Bigyan sila ng maraming pagkakataon para makapamili at
makapagbigay ng sariling desisyon hinggil sa kung ano ang maaari
nilang gawin sa loob at labas ng klasrum.
4. Huwag disiplinahin ang mga may edad na parang mga bata. Kung
may lumabas sa suliraning pandisiplina laging ipalagay na may edad
ang iyong tinuturuan at may kakayahan silang umunawa at
magpaliwanag sa bawat kilos at galaw na ipinapakita nila sa loob at
labas ng klasrum.
Ang Mga Tinedyer at Ang Pagtuturo ng Wika

Mahalaga ring isaalang-alang sa alinmang pagtuturo ang pangkat


ng mga mag-aaral na nagbibinata o nagdadalaga na. Mga tinedyer
o "bagets" na may edad mula 12-19 ang tawag sa pangkat na ito
ng mga mag-aaral sa sekundarya.

"Sakit ng ulo" ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa


ganitong edad. Ito ang yugto ng paglaki na sila'y lito, kimi, at
kakikitaan ng maraming pagbabago sa kanilang anyong pisikal at
intelektwal. Ito ang edad tungo sapagbibinata at pagdadalaga.
1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin
ang mga proseso sa abstraktong pag-iisip kaya't maaari na silang
ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong paglalahad ng mga gawain
tungo sa supostikadong pagpoproseso ng mga kaisipan.
2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay
tumatagal na rin bunga ng kahustuhan ng kanilang pag-iisip suballit
maaari itong maging panandalian din dahil sa maraming pabagu-
bagong nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer.
3. Maglaan din ng iba't ibang input na pandamdam (sensory input)
sa mga pagkakataong kailangan ito ng mag-aaral.

4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki


ay nasa karurukan ng kanilang pagpapahalaga sa sarili. Masyado
silang sensitibo sa kanilang mga naririnig na puna lalo't higit
tungkol sa kanilang pagbabagong pisikal, mga emosyon, at
kanilang kakayahang pangkaisipan. Isa sa mga mahalagang
tungkulin ng guro sa paaralang sekundarya ang mapanatiling
mataas ang pagpapahalagang pansarili ng kanyang mga tinuturuan
sa pamamagitan ng mga sumusunod.
> Pag iwas na ipahiya sila sa klase;
> Pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansariling talino at
kalikasan;
>Pagiging maluwag sa mga pagkakamaling nagagawa sa
pagkaklase;
> Pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi
sa di-pagkakaunawaan;
> Paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung
saan maaari silang makipagsapalaran sa paglahok na hindi
totoong magiging kahiya-hiya kung magkamali man sila sa
pagsagot
5. Hangga't maaari ay maging maingat sa pagbibigay ng puna at
mahihirap na gawain lalo na roon sa may kahinaan sa pag-aaral.
Isang malaking dagok sa kanilang katauhan kung sila'y
maiinsulto lalo na’t sa harap ng klase.

You might also like