Professional Documents
Culture Documents
PROGRAM OUTCOMES
COURSE DESCRIPTION
Modyul 2
ANG WIKA
INTRODUCTION
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ay inihanda upang mapag-aralan mo ang tungkol sa
komunikasyon; ang kahulugan,Uri,Antas ng komunikasyon at iba pa. Taglay nito ang ilang aralin,
pagsasanay at pagsubok na sumasaklaw sa mga araling talakayin. Inayos ang mga Gawain upang
mabigyan ka ng sapat na kahandaan at kaalaman tungkol sa komunikasyon. Kailangang mapag-aralan mo
ito upang matuto,mahasa at magamit nang tama sa iyong pakikipag komunikasyon sa kapwa.
Less
on Learning Outco
3
Module 1 - TITLE Komunikasyon sa Akademikong Pagsulat
PRE-ASSESSMENT
Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay tama at letrang M kung ang pahayag ay mali.
MODULE MAP
ANG WIKA
CONTENT
Panuto: Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa iyo.Tingnan ang una bilang halimbawa.
Midyum ng
Komunikasyon
WIKA
isang wika lamang ang alam ng isang tao ay tinatawag itong MONOLINGGWAL .
Samantala kapag mahigit sa dalawa ang alam ng isang tao ay tinatawag itong POLIGHOT
Katangian ng Wika
1. Buhay at Dinamiko
Ang wikang Filipino ngayon ay hindi purong tagalog, may mga
lahok ito mula sa iba„t ibang wikain/dayalekto at katutubong wika ng
Pilipinas, kaya patuloy itong nadaragdagan.
Malaking impluwensiya rin ang iba„t ibang wika sa mundo na
naaasimala at naging bahagi na rin
ng ating wika.
3. Tunog na Binibigkas
Mahalagang banggitin na ang tunog sa bawt salita ng anumang wika ang kaunaunahang dapat
makilala ng isang batang nagsisismulang magsalita. Mahalaga ito upang mabigyan ang bata nga tamang
pagkilatis ng bawat tunog na napapakinggan at kung paanong ang isang tunog ay naiiba sa iba pang tunog.
4. Pinipili at Isisnasaayos
Kasiya-siyang pakinggan ang mga pangungusap o pahayag na maayos ang pagkakasabi o
paagkakasulat. Makinis, mabisa at wasto aang pagkakapili ng mga salita. Hindi lamang ang siyensya ng
Linggwistik, managing ang retiriks aay dapat na isaalang-alang ng isang nagsasalita o nagsususlat upang
maging katanggap-tanggap ang anumang sasabihin o susulatin. Wala ang lugar ang balbal na salita sa isang
formal na usapan o sulatin.
5. Arbitraryo
Lumitaw ang wika ayon sa napagkasunduang gamit ng tao sa loob ng kanilang pamayanan.
Maaaring iba ang kahulugan ng salita sa isang lugar kaysa ibang lugar. Dahil ibang-iban naman ang
pinagmula ng mga grupo ng tao, particular ang mga minoryang grupo, may nakagisnan na silang katawagan
tungkol sa mga bagay-bagay.
Hal. Itlog(egg) sa tagalog, ibon sa Kapampangan Daga(rat) sa tagalog, Lupa saBikolLanggam(ant)sa
tagalog, Kuton sa Ilokano, tanga sa Bikol
6. Kabuhol ng Kultura
Bayanihan ang tawag natin sa mga magkakanayon na tuwing na tulong-tulong na binubuhat ang
kubo ng isang kabayanan.Ang magandang ugali ito ay naaging kultura na ng mga Plipino.
6
Module 1 - TITLE Komunikasyon sa Akademikong Pagsulat
7. Patuloy na Ginagamit
Kailan man ay di huminto ang tao sa pagtatamo at pagdaragdag ng salitang kailangan niyang
matutunana o kaya„y di sinasadya ay kanyang natutunan. Bilang isang indibidwal sa lipunan, patuloy siyang
nangungusap, nakikipagpalitan ng ideya o damdamin.
Hal. Tunog ng kulog, ihip ng hangin, pagbagsak ng alon, kahol ng aso at ingay ng puso.
4. Teoryang yo-he-ho - ito naman ang teoryang nagsasabi na angtao ay bumabanggit ng mga
salita kapag siya gumagamit ng pisikalna lakas ng aksyon.
Hal. Ito ang ang ekspresyon na nasasambit ng tao kapagnagbubuhat siya ng mabigat
na bagay, o dili kaya ay babaingnagluluwal ng sanggol o sa atletang kalahok sa kompetisyon.
7. Teorya ng tore ng babel – ito naman ang teorya na noong una ayiisa lang ang wikang
ginagamit ng mga tao sa mundo.Napagpasyahan ng mga tao na magtayo ng isang tore na aabot
nglangit upang sila ay maging tanyag at di magkahiwa-hiwalay. Nagalitang diyos sa kanilang ginawa kaya
iniba-iba ang kanilang wika.
Tungkulin Ng Wika
Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan
1. BALBAL O PABALBAL
Ang wikang balbal ay ginagamit sa lansangan. Ito ang wikangsinasalita ng mga walang
pinag-aralan. Ito angpinakamababang antas ng wika.
2. KOLOKYAL
Ang wikang kolokyal ay mataas lamang nang kaunti angantas sa balbal. Ito ang
wikang sinasalita ng pangkaraniwangtao ngunit bahagya nang tinatanggao ng lipunan. Kasama
narin dito ang pagsasama-sama ng Ingles at Filipino sa isang pahayag.
MGA HALIMBAWA:-utol, atsay, tisay, tsokaran-"Umuwi na ang kanyang utol na kasama ang
tisay na asawa nito"
3. LALAWIGANIN
Ang wikang lalawiganin ay ginagamit sa isang rehiyon at mgatagaroon lamang ang
nakakauunawa nito kung ang pagbabatayan ayang wikang Pambansa.
MGA HALIMBAWA:-BATANGAS- KAUNIN (SUNDUIN)-GUYAM (langgam)-“Madalas niyang
kaunin ang kaniyang ina sa terminal ng bus dahillagi itong naliligaw pag lumuluwas ng Maynila”.
4. PAMBANSA O KARANIWAN
Ang wikang lalawiganin ay ginagamit sa isang rehiyon at ang mgatagaroon lamang ang
nakauunawa nito kung ang pagbabantayan ayang wikang Pambansa.
MGA HALIMBAWA:-pulis, bahay, baril and sayawan-“Hinihintay niya sa kanilang bahay
ang kapatid na nagtapos ngabogasya at kapapasa lamang sa BAR.”
5. PAMPANITIKAN
Ang pinakamataas na antas ng wika ay ang pampanitikan. Itoang ginagamit ng mga
makata at pantas sa kanilang mgapagsulat. Kabilang dito ang matatalinhagang salita at
mgasalitang nagbibigay pahiwatig.
MGA HALIMBAWA:-"Nagising ang natutulog na damdaming ng maramingPilipino
dahil sa baksik ng panulat na pluma ni Rizal."
10
Module 1 - TITLE Komunikasyon sa Akademikong Pagsulat
Barayti Ng Wika
Kahulugan Mga Halimbawa Mga Uri
Kahulugan: bilang ang wika ay bahagi ng bawat bansa at pamayanan, sinasaklaw din nito ang
kultura, pamumuhay, at kasaysayan ng mga taong naninirahan dito.
Dahil ang mga tao ay may pagkakaiba, maging sa pagbigkas at pagsasalita ng wika ay nagkakaroon
din ng Barayti o „variety‟ sa wikang Ingles. Sinasaklaw ng Barayti ng wika ang paraan kung paano binibigkas
o sinasalita ng mga tao ang nalalaman nilang wika.
Ang Barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay o trabaho,
henerasyon ng pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang kinabibilangan, at maging lokasyon o
heograpiya ng isang lugar. Ang Barayti ng wika ay bunga din ng pagkakaroon ng heterogeneous na wika na
nabubuo naman ayon sa pangangailangan ng paggamit nito na nagbubunga ng baryasyon ng wika.
Ang pagkakaiba-iba ng pagbigkas sa mga salita ay nahahati sa iba‟t ibang kategorya ayon sa
pagkakagamit nito, kabilang ang dayalek, idyolek, sosyolek, ekolek, etnolek, creole, pidgin, at register. Ang
walong uri ay mahalagang malaman upang matukoy kung paano naiiba ang pagtanggap at paggamit ng iba‟t
ibang uri ng tao sa mga wika at salita.
1. Dayalek
Ito ang pinakakaraniwang Barayti ng wikang alam at tanggap sa bansang tulad ng Pilipinas.
Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago, nahahati sa mga pulo ang kinaroroonan ng mga tao na
dahilan din upang makabuo ng kani-kanilang sistema ng pananalita. Ang dayalek o dialect ay uri ng
pagsasalita na nabubuo ayon sa heograpikong kinabibilangan ng mga mamamayan. Karaniwang ang
pagtanggap sa wikang dayalek ay ayon sa rehiyon, lalawigan, o bayan na kinaroroonan.
Halimbawa ng Dayalek
Ang pangungusap na “Anong pangalan mo” ay maaaring sabihin sa iba‟t ibang dayalek.
2. Idyolek
Kahit mayroong pamantayang itinuturo sa pagsasalita, nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba ang
bawat indibidwal ng kanilang paraan para bigkasin ang mga ito. Ganito ang konsepto ng idyolek.
Nakaayon ito sa istilo sa pagpapahayag at pananalita. Karaniwang naririnig ito sa mga sikat na
personalidad na nag-iiwan ng marka sa pagbitaw ng kanilang linya sa mga programa at pelikula nila.
Halimbawa ng Idyolek
o “Hindi kita tatantanan!” -Mike Enriquez
o “May tama ka!” -Kris Aquino
o “Walang himala!” -Nora Aunor
o “Lumipad ang aming team…” -Jessica Soho
o “Handa na ba kayo?” -Korina Sanchez
o “I am sorry.” -President Gloria Macapagal-Arroyo
o “Char-char lang mga momshie.” -Melai Cantiveros
o “Bawal ang sad dapat happy!” -Ryzza Mae Dizon
o “Ansabeeeehhh?” -Vice Ganda
o “May ganun?” -Mr. Fu
3. Sosyolek
Naipapangkat din ang mga tao ayon sa kanilang personalidad, kasarian, at katayuang socio-
ekonomiko. Ang pagkakapangkat na ito ay nagbubunga rin ng kanilang sariling paggamit at
pagbigkas ng mga salita na tinatawag na sosyolek o sosyalek. Ito ay tinatawag ding pansamantalang
Barayti lamang dahil ginagamit lamang ito ayon sa uri ng taong kausap at sisiguruhing kaya niyang
intindihin at unawain ang ginagamit na wika. Kadalasan ding umuusbong ang Barayting ito ayon sa
napapanahong uri ng pagsasalita tulad ng bekimon at jejemon.
Halimbawa ng Sosyolek
4. Ekolek
Ang pamilya ang pinakamaliit at pinakamahalagang yunit ng isang pamayanan. Ito rin ang
dahil kung bakit kahit sa loob ng tahanan ay nakagagawa ng kani-kanilang paraan para gamitin ang
banggitin ang mga salita. Ang Barayting ekolek ay tumutukoy sa mga salita at wikang ginagamit sa
loob ng tahanan at kadalasang tumatatak sa mga bata. Ito rin ay ang ginagamit sa pakikipag-usap
araw-araw.
Halimbawa ng Ekolek
5. Etnolek
Mayroon namang mga salitang likas at naging pagkakakilanlan na ng mga pangkat etniko sa
bansa. Ang tawag sa Barayting nabuo nila ay etnolek. Batay ito sa mga etnolonggwistong pangkat sa
Pilipinas. Ang mga salitang ito ay kadalasang likas sa kanila ngunit naging tanyag na rin para sa
ibang lahi o pangkat.
Halimbawa ng Etnolek
6. Creole
Kasama rin sa Barayti ng wika ang pagkakahalo ng wika o salita ng mga indibidwal mula sa
magkaibang lugar o bansa. Ang tawag dito ay creole. Nag-umpisa raw ang konsepto ng mga wikang
creole noong ika-17 hanggang ika-18 siglo kung saan laganap ang pagsakop sa iba‟t ibang bansa.
Sa Pilipinas, ang wikang Kastila ang pinakamaimpluwensiya sa lahat dahil 333 taon tayong nasakop
ng mga ito. Nagkaroon pa nga ng isang wikang lokal na halaw sa pinagsamang wikang Tagalog at
Kastila, ang Chavacano na sinasalita sa ilang bahagi ng Cavite at Zamboanga.
Halimbawa ng Creole:
Mga kataga at pangungusap sa wikang Chavacano
7. Pidgin
Mayroon namang Barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Tinatawag na pidgin ang
mga wikang ginagamit ng dalawang indibidwal mula sa magkaibang bansa upang magkaintindihan.
Kung sa salitang kolokyal, masasabing ang ganitong usapan ay „maitawid lamang,‟ Tinagurian din
ang pidgin bilang “nobody‟s native language ng mga dayuhan. Itinuturing din ito bilang „make-shift‟
language o wikang pansamantala lamang. Gayunman, kahit na kulang-kulang ang mga ginagamit na
salita at pandugtong, nananatiling mabisa ito sa pagtatalastasan ng dalawang tao mula sa
magkaibang lahi.
Maituturing na pinakatanyag na halimbawa ng pidgin ay ang English carabao ng mga Pilipino
o pagsasalita ng wikang English nang hindi tuwid o hindi wasto. Isa ring halimbawa ay ang barok na
Filipino ng mga Chinese na naninirahan sa bansa.
Halimbawa ng Pidgin
o “Ako wara masamang barak… / Ako walang masamang balak…” (Japanese na nagta-
Tagalog)
o “Ako punta kwarto wag na ikaw sama…”
o “Ako lugi na wag ka na tawad…”
o “Are you foreigner? Where?”
o “Don‟t me. Don‟t us…”
8. Register
May mga uri naman ng wikang ginagamit lamang sa isang partikular o espisylaisadong
domain. Ang Barayting ito ay tinatawag na register. May tiyak na pakahulugan ang mga salitang
ginagamit dito na tanging ang mga taong kabilang sa isang partikular na pangkat lamang ang
nakaiintindi o nakauunawa. May tatlong uri ng dimensyon ang Barayting register.
Halimbawa ng Register
Tandaan
Ang pagkakaiba o Barayti ng wika ay maaring maging daan ng pagkakaunawaan at pagkakasalungat ng
mga taong gumagamit ng wika. Ang mahalaga ay matutuhunan ng bawat isa na galangin ang pagkakaiba
dahil salamin ito na ang wika natin ay mayaman at dinamiko.
15
Module 1 - TITLE Komunikasyon sa Akademikong Pagsulat
1. Bakit mahalagang matutuhang tanggapin at igalang ng isang tao ang iba‟t ibang barayti ng wikang
ginagamit ng iba‟t ibang tao sa paligid?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________________.
2. Paghambingin ang mga Antas ng wika at barayti ng wika. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad nila?
Pagkakaiba Pagkakatulad
POST-ASSESSMENT
Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay tama at letrang M kung ang pahayag ay mali.
10. Mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa
Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang
ginagalawan.
REFERENCES