You are on page 1of 5

ANG WIKA: KAHULUGAN AT KAALAMAN

PAGSASANAY A
a.) Anu-ano ang mga ideya ng mga manunulat tungkol sa kahulugan ng wika?
b.) Isa-isahin ang mga katangian ng wika at ipaliwanag ang bawat isa.
c.) Ipaliwanag ang kaugnayan ng pagbabasa sa pagsulat pakikinig at pagsasalita.

SAGOT:
a.) Mga ideya ng mga manunulat tungkol sa kahulugan ng wika.
Ang salitang “Wika” ay hiram na salita mula sa lengguwaheng Sanskrit na
“jihvikaa”, na nangangahulugang “dila”. Ang wika ay mga simbolong salita ng mga
kaisipan at saloobin. Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa
tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat. Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-
iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang pagsasama-sama at sa pagkakaisa
ng layunin at damdamin. Ito ay paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
mga salitang binibigkas.
Ang wika ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may
angking kakayahang makaimpluwensya, magdikta, magturo, tumulong, kumontrol,
manakot, pumatay, magpaligaya at lumikha ng isang realidad sa kanyang ispesipikong
kakayahan.
Ang wika ay maaaring humubog ng ating pananaw pandaigdig. Kung titingnan
ang wika bilang isang ideolohiya, maaaring magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan,
pagtingin, pag-unawa at karanasan dahil may kani-kaniyang posisyon at papel ang
indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan at kinabibilangan.
Isang disiplinang maituturing ang pag- aaral sa wika sa loob ng lipunan at ito’y
kabilang sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at pananaliksik, upang mas
malinaw nating mailarawan ang mga kalagayan o katayuan nito para sa ating ikagagaling
bilang praktisyoner ng wika.
Ang Wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban ay isang masistemang gamit sa
pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at manuntunan. Ito’y paraan ng
pagpapahayag ng damdamin at opinion sa pamamagitan ng mga salita upang
magkaunawaan ang mga tao .
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1), ang wika ay tulay na ginagamit
para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
Ayon kay Webster (1974, p.536) ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa
pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.
Para naman kay Archibald Hill, isang Amerikanong dalubwika, ang wika ay ang
kaluluwa ng tao.
Ayon kay Henry Allan Gleason, isang dalubwika na propesor sa University of
Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Ayon kay Bayani Abadilla, isang Pilipinong manunulat at mamamahayag, malaki
ang nagagawa ng wika sa kamalayan ng kaisipan at karunungang Pilipino
Sa pananaw ni Noam Chomsky, ang dahilan kung bakit marunong magsalita o
nakabubuo na ng pangungusap ang mga bata kahit wala pang pormal na pag-aaral, iyon
ay dahil likas sa kanila na matuto ng wika. Iyon din ang kanilang magsisilbing gabay sa
pagbuo ng mga pangungusap sa kadahilang may nakabaong gramatika sa kanilang isipan.
Ayon kay David Abram natutunan ang wika hindi sa pamamagitan ng mental
kundi pisikal, may kahulugang gestural.
Si Benjamin Lee Whorf nagpakahuluagn naman na ang wika ay binubuo ng mga
payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng tao sa kaniyang kapaligiran. Ang
kalikasan ng sistemang panlinggwistika ng bawat wika ay ‘di lamang instrumento sa
pagpapahayag ng saloobin at kaisipan kundi tagahubog din ng mga ideya na nagsisilbing
gabay para sa mga gawaing pangkaisipan.'
Sina Ronald Wardhaugh at Allan Pace Nielsen ay nagsabing ang paggamit ng
wika ay nakasalalay sa kasarian ng taong gumagamit nito
Sa opinyon ni Liam Hudson, nakasalalay ang wika sa mga karanasang natatangi
sa ng isang nilalang.
Sa pananaw ni Basil Bernstein, ang lipunan ang nagsisilbing batayan ng wika sa
tulong ng mga kodang binuo ukol dito.

b.) Ang mga katangian ng wika.


1. Ang wika ay masistemang balangkas - ang wikang ginagamit ng bawat tao sa
daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog - makabuluhan ang wika sapagkat ito ay
nagtataglay ng tunog. Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog
ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao,
ang pinakamakabuluhang tunog na nilikha natin ay ang tunog na salita. Ito rin ang
kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon. Tanging sinasalitang
tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing na wika. Nilikha ito ng ating aparato
sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga ng nagdaraan sa
pumapalag na bagay na siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika ng
ilong at bibig (resonador).
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na
piliing mabuti at isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng
malinaw na mensahe sa kausap. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating
gagamitin.
4. Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog - sa katangiang ito, ang mga
salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob sa katawagang ito ang dualismo
na isang pananagaisag at isang kahulugan
5. Ang wika ay komunikasyon - ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa
o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa ganitong paraan, maipapahayag ang mga
damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin, at pangangailangan ng tao.
6. Ang wika ay ginagamit - ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad
ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang
hindi ginagamit ay nawawalan ng saysay.
7. Ang wika ay nakabatay sa kultura - kaya nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig
ay dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag
kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika.
Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang
anyo ng "ice formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino?
Maaring yelo at niyebe lamang, ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil
hindi naman bahagi sa ating kultura ang "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm" at iba
pa.
8. Ang wika ay dinamiko o nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring
tumangging magbago. Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong
bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng
mga bagong salita.
9. Ang wika ay pantao - ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao na
sila mismong lumikha at sila rin ang gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang
kasangkapan ng pakikipagtalastasan.
10. Ang wika ay malikhain - ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng
napakadaming pangungusap.
c.) Ang kaugnayan ng pagbabasa sa pagsulat pakikinig at pagsasalita.
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, mapasa-anyong pasalita man o sa anyong di-
berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa
kahusayan niya sa pagpapahayag naksalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng
pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapar na
paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging
tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais
niyang ipaabot.
Mayroong apat na makrong kasanayan sa pagsasalita ng isang wika, ito ay ang
mga sumusunod:
1. Pagbasa - pagkilala ng mga simbulo o sagisag na nakalimbag at
pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng
manunulat na mailipat sa kaisipan ng mambabasa. Ito ay nangangailangan
ng kakayahang pangkaisipan dahil alam ang tunog(ponema) ng naisulat na
letra. Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa
sitwasyon. Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at
pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng
pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng may-akda sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang
indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal
sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na
kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na
huhubog sa kanyang pagkatao.
2. Pagsulat - ito ay isang pisikal at mental na gawain, ginagawa para sa iba’t
ibang layunin. Pisikal na gawain sapagkat ginagamit dito ang kamay sa
pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga teklado ng tayprayter o tipaan ng
kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang mabantayan ang
anyo ng kalalabasanng isinulat, kahit pa ito ay sulat-kamay lamang o
rehistro na nasa monitor ng kompyuter o print -out na. Maituturing ding
mental na aktibiti ang pagsulat sapagkat ito ay isang ehersisyo ng
pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na pamamaraan, ayos ng
organisasyon at istilo ng balarila, na naayon sa mga tuntunin ng wikang
ginamit.
3. Pakikinig - ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng pandinig at pag-iisip. Ang pakikinig ay
kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating
kausap (Yagang 1993). Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa sa
diin at bigkas, balarila at talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais
iparating ng tagapagsalita (Howatt at Dakin 1974). Ayon kay Wilga Rivers
(1981), makalawang beses tayong nakikinig kaysa sa pagsasalita,
makaapat na beses kaysa sa pagbabasa at makalimang beses kaysa sa
pagsulat.
4. Pagsasalita – pagbibigay o pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa
pamamagitan ng berbal na pamamaraan na ginagamit ang wika na may
wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang
damdamin at kaisipan ng nagsasalita. Pangalawa sa pakikinig (pagtanggap
ng mensahe), ang pagsasalita (pagbibigay ng mensahe) ay ang aktibong
anyo ng komunikasyon ng tao. Pinaggugugulan ng tao ng kanyang
malaking panahon. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan at
kasanayan sa mabilis na pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
Ginagamit sa pakikipag-usap, pagbabalita, pag-uulat, pagtatalumpati,
pakikipanayam, pakikipagtalo, pangangatwiran, pakikipagtalakayan, atbp.
Mahalaga ang pakikipag-ugnayang pasalita sa mga hangaring pag-unlad
ng bansa, pamayanan at mamamayan. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay
nagkakaroon ng pagkakataon na makipagpalitang-kuro, makapagsalaysay
ng mga karanasan, makapagbigay reaksyon at iba pa. Ang karunungang
natatamo sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay higit na mabilis at mabisa
sa taong kinakausap. Ang pagtatagumpay ng tao sa kanyang mga hangarin
sa buhay ay nakasalalay sa kanyang magsalita sa paraang matapat, mabisa,
malinaw, at kapani-paniwala.

You might also like