You are on page 1of 3

PAGSASANAY K

Igawa ng sanaysay na pangkatuturan ang isa sa mga sumusunod na paksa:


1. Globalisasyon
Ang globalisasyon o globalisasyon ay ang proseso ng pakikipag-ugnayan at
pagsasama sa pagitan ng mga tao, mga kumpanya, at mga pamahalaan sa buong
mundo. Lumago ang globalisasyon dahil sa mga pagsulong sa teknolohiya sa
transportasyon at komunikasyon. Sa lumalaking pandaigdigang pakikipag-ugnayan ay
lumalaki ang paglago ng internasyunal na kalakalan, mga ideya, at kultura. Ang
globalisasyon ay pangunahin nang pang-ekonomiyang proseso ng pakikipag-ugnayan
at pagsasama na nauugnay sa mga aspeto ng lipunan at kultura. Gayunpaman, ang
mga salungatan at diplomasya ay malaking bahagi ng kasaysayan ng globalisasyon, at
modernong globalisasyon
2. NGO
Ang organisasyong di-pampamahalaan (Ingles: Non-Governmental Organization
o NGO) ay isang organisasyon na naayon sa batas, na nilikha ng mga pribadong tao at
mga organisasyon kung saan hindi nakikilahok o kumakatawan sa anumang uri ng
pamamahalang politikal. Sa ilang pagkakataon ang mga NGO ay napaglaanan din ng
salapi nang buo o bahagi lamang mula sa mga pamahalaan, ang NGO ay nanatiling
nasa katayuang di-pampamahalaan at kung sakali isinasantabi nito ang mga
kumakatawan mula sa pamahalaan sa pagkakasapi sa organisasyon.
3. APEC
Ang Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC ay isang porom ng mga 21
bansa na napaligiran ng Karagatang Pasipiko o mga rehiyon (pinamagatang
'kasaping-ekonomiya') upang talakayin ang ekonomiyang panrehiyon, kooperasyon,
kalakalan at pamumuhunan. Ipinahayag ng organisasyon na ang bahagdan ng
populasyon ng daigdig ay halos 60%, halos 56% ng pandaigdigang pangkalahatang
kitang pantahanan (GDP) at halos 49% ng pandaigdigang kalakalan. Ang mga
gawain, kasama ang mga taunang pagpupulong ng mga ministro ng mga kasapi, ay
isinasaayos ng Sekretarya ng APEC.
4. E-VAT
Expanded Value Added Tax ay isang uri ng buwis na ipinapataw sa mga produkto
at serbisyo. Natupad ito sa pamamagitan ng Executive Order (EO) blg. 273 ni dating
pangulong Corazon Aquino ito ay ipinatupad sa ating bansa noong Enero 1,1988.
5. PEACETALKS
Ang Peacetalk ay usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at
komunistang grupo o iba pang rebledeng pangkat dito sa Pilipinas

1
6. E-Education
Ang E-Education ay uri ng paghahatid kaalaman na kung saan ang edukasyon at
pagsasanay ay inihahatid sa pamamagitan ng mga electronikong aparato o
kaparaanan.
7. E-Commerce
E-commerce (electronic commerce) ay ang pamimili at pagbebenta ng mga
produkto at serbisyo, o pagpapasa ng mga datos at pondo, sa pamamagitan ng
electronic network, pangunahin na sa pamamagitan internet.
8. E-Mail
Electronic mail ay isang paraan ng pagpapalitan ng mga sulat o mensahe sa
pagitan ng mga tao na ginagamitan ng mga elektronikong kasangkapan o aparato.
9. Internet
Ang Internet ay isang pandaigdigang sistema ng mga magkakaugnay na network
ng kompyuter na ginagamitan ng Internet Protocol Suite para makapag-usap sa
pamamagitan ng mga network at electronikong aparato.

PAGSASANAY L
Bumasa ng isang talumpati ng kilalang pinuno ng pamahalaan at igawa ng "reaction
paper" batay sa promat.
Talumpati ni Nelson Mandela: Kahanga-hanga ang lakas ng loob ni Nelson Mandela. Siya ay
isang magandang inspirasyon para sa mga taong walang lakas ng loob upang ipaglaban ang
karapatan bilang tao. Kung ako ay isa sa mamamayan ng Africa, buong tapang kong ipaglalaban
ang aking karapatan sapagkat mapapakilos ako ng mga tinuran ni Nelson Mandela. Ngunit sana
ang kaniyang mga pangako ay hindi mapako at sana ay magkaisa ang mamamayan ng Africa sa
adhikaing pagpapaunlad at pagbabagong nais ni Nelson Mandela.

PAGSASANAY M
Bumasa ng isang dulaan at sumulat ng isang ulat batay sa pormat.
Ang Kabataang Pilipino At Ang Makabagong Teknolohiya
Ang tao ay hinuhubog ng kanyang mga mithiin. Ang kanyang puso at kaluluwa ay
hinugis ng bawa’t pagnanasa bilang isang makamundong nilalang. Mapaghanap, mapusok,
2
malikhain. Ang tao ay hindi tumitigil sa pagkamit ng bawa’t bagay na alam niyang kanya dapat
mapasakamay.
Lumipas ang maraming dekada at tuluyan nang binago ng panahon ang mundo pati na rin
ang saloobin ng kaluluwa ng tao. Sadyang tayo ay walang kapagurang galugarin ang bawa’t
posibilidad upang maabot ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya
ayon sa pagkahayok natin sa pagbabago. Bagong panahon, bagong pangangailangan. Bagong
lipunan, bagong pagnanasa. Walang humpay, walang pahinga sa paghahanap. Ni hindi natin
itinatanong kung saan talaga tayo patutungo. Sinasabi na binabaybay na natin ang landas
patungong bukas. Nguni’t kailan ang bukas? Ngayon na ba ang bukas o ito’y malayo pa?
Masusukat natin kung gaano na kalayo ang ating nilakbay kung halos limot na ang mga
bagay na kinagiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon. Tulad halimbawa ng
paglalalaro ng bahay-bahayan kung saan minsan ka nang gumanap bilang ama o ina o anak sa
larong ito. Madaling humulas ang mga alaalang ito sa ating isipan sapagka’t wala nang kabataan
ngayon ang naglalaro nito. Wala na ring naglalaro ng baril-barilan na mga gawa sa puno ng
saging, kotse-kotsehang may gulong na gamit ay bunga ng tabog-tabog o kaya naman ay
paglalaro ng siyato na gamit ay sanga ng yakan at kawayan. Parang kailan lang ang mga
ganitong tagpo. Maaaring nangingiti ka sa pagbalik-tanaw sa mga alaalang ito.

You might also like