You are on page 1of 26

Globalisasyon

Ms. Ma. Rosario C. De Castro


Layunin
Maipaliwanag ang konsepto ng globalisasyon

Maipaliwanag ang pangkasaysayan,


pampolitika, pang-ekonomiya, at sosyo-
kultural na pinagmulan ng globalisasyon

Masuri ang mga pangunahing


institusyon na may bahaging
ginagampanan sa globalisasyon
Ano ang Globalisayon?
Ugnayan, pagsasama-sama, at pagtutulungan ng iba’t
ibang indibidwal, sektor, at mga bansa sa mundo.

Tumutukoy sa pagpapaliit ng mundo sa


pamamagitan ng pinabuting ugnayan ng mga tao
gamit ang teknolohiya, makabagong
pamamaraan ng komunikasyon, at iba pang
sistema na naglalapit sa mga tao at estado.
Globalisasyon sa Pananaw na Pangkultura at
Panlipunan
Pangangailangan ng tao na makipag-
ugnayan at makipagkapwa.
Ang iba’t ibang kabihasnan sa mundo ay
naitatag at napagtibay dahil sa malayang
ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan, pagbabahagi ng
kaalaman, at pagpapalitang lahi.
Globalisasyon sa Perspektibang
Ekonomiko
Mula sa pagsisimula ng kasaysayan,
ang tao ay nakikipagkalakalan na sa
kaniyang kapuwa para tugunan ang
pangangailangan niyang mabuhay.
Globalisasyon sa Perspektibang
Pampolitika
Mauugat sa malalim na ugnayan ng
mga bansa.

Sa kasaysayan ng daigdig, malaki ang


impluwensiya ng Romano at Griyego
sa modernong estruktura ng
pamahalaan lalo na sa mga
demokratikong bansa.
Globalisasyon
Pakikipagkalakalan
Pandarayuhan ng mga tao
Ugnayan sa Pamamahala
Pagpapalitan gamit ang
makabagong teknolohiya

pagbabago sa gawain ng tao sa kaniyang


pang-araw-araw na pamumuhay.
Globalisasyon: Isang Hamon sa
Ekonomiya at Politika
Ang mga multinasyonal na korporasyon na nagtatayo ng
mga pagawaan sa ibang bansa ay karaniwang nagiging
kakompetensiya ng mga domestiko o lokal na kompanya
sa nasabing bansa.
Ang isang bansa na hindi kayang tustusan ang lahat
ng pangangailangan ng mga mamamayan nito ay
nakikipagkalakalan sa ibang mga bansa upang
makuha ang kinakailangan nitong produkto o
serbisyo.
ASEAN Economic Community
(AEC)
Itinatag sa pamamagitan ng 1. Brunei
isang kasunduan ng mga bansa
2. Cambodia
sa Timog-Silangang Asya na
magtutulungan sa pagpapalitan 3. Indonesia
ng mga produktong agrikultural 4. Laos
sa pamamagitan ng 5. Malaysia
pagbabawas ng buwis at 6. Myanmar
pagsasaalang-alang sa 7. Philippines
tinatawag na competitive
8. Singapore
advantage ng bawat miyembro.
9. Thailand
10. Vietnam
Globalisasyon: Isang Hamon sa
Ekonomiya at Politika
Ang paglago ng ekonomiya dahil sa globalisasyon ay
nagbibigay ng pagkakataon sa malalaking kompanya
at mga negosyo na subukan na magtayo ng negosyo
sa iba’t ibang teritoryo.

Nagagawa na makialam o maimpluwensiyahan


ng malalaki at pandaigdigang samahan ang mga
usapin at polisiya ng isang bansa.
Ang mga domestikong polisiya ng Pilipinas ay naiimpluwensiyahan
ng mga patakarang itinataguyod ng mga organisasyong
kinabibilangan nito, tulad ng United Nations, World Bank,
International Monetary Fund, World Health Organization, at World
Trade Organization.
World Health Organization- Polisiya sa pagkontrol
ng populasyon.

World Bank- Pagdagdag ng ilang taon sa


basic education.

World Trade Organization- Pagpapatupad


ng trade liberalization.
Positibong Epekto ng Globalisasyon

Pagtutulungan ng mga bansa na tugunan ang iba’t


ibang isyu at suliraning pagdaigdigan tulad ng
pagpapatatag ng ekonomiya, terorismo, pagbabago ng
klima, at iba pang mga suliranin na hinaharap ng
mundo.

Dahil sa globalisasyon, maraming mga tao ang


nabibigyan ng oportunidad na magkaroon ng
trabaho.
Katangian ng Globalisayon

1. Ang globalisasyon ay karaniwang iniuugnay sa mga


pandaigdigang usapin.

2. Ang globalisasyon ay nagbibigay-diin sa


usapin ng kalayaan ng mga bansa, lipunan,
at ng mga tao.

3. Ang globalisasyon ay naghahatid ng


modernisasyon sa iba’t ibang
pamayanan sa mundo.
Epekto ng Globalisayon

Ang globalisasyon ay isang malaking hamon sa bawat


estado dahil sa hatid nitong impluwensiya sa mga polisiya,
batas, at alituntunin ng mga ito.

Ang globalisasyon ay patuloy na


bumabago sa lipunan ng mga bansa.
Epekto ng Globalisayon

Ang globalisasyon ay maaaring magdulot ng paglago ng


ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalawig ng
pagkonsumo at paggawa.

Ang globalisasyon ay nakaaapekto sa


kapaligiran na nagdudulot ng pagkasira ng
kalikasan dahil sa labis na paggamit ng likas na
yaman.
Globalisasyon: Mga
Institusyon at
Organisasyon
United Nations (UN)

Nakatutok sa politikal na
ugnayan ng mga bansa.
Samahan ng mga bansa sa
mundo na nagtataguyod ng
kaayusan at matiwasay na
ugnayan ng mga bansa.
World Trade Organization

May layuning magtaguyod ng


kalakalan sa mga bansa sa mundo.
Pangunahing institusyon na
tumatalakay sa lahat ng usapin,
polisiya, at hidwaan ng mga bansa
pagdating sa kalakalan.
World Bank

Nagtataguyod ng polisiyang
pangkaunlaran sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tulong pinansiyal,
pagpapautang, at pagbabahagi ng
teknikal na kaalaman at polisiya sa
mga miyembrong bansa.
World Health Organization

 Institusyon na nangangalaga sa
kalusugan at usaping medikal ng
mga bansa sa mundo.
 Tungkulin nito magsagawa ng mga
pananaliksik upang matugunan ang
usaping pangkalusugan at medikal
sa mundo.
Mga
Karagdagang
Institusyon
Pamahalaan

Tungkulin na makibahagi sa mga


alituntunin at programa ng mga
pandaigdigang organisasyon kung saan
ito kasapi sa pamamagitan ng paggawa
ng mga batas.
Paaralan

 Institusyon na may direktang impluwensiya


sa kaisipan ng mga mag-aaral ukol sa usapin
ng globalisasyon.
 Sumusunod sa pandaigdigang pamantayan
ng kurikulum, nakikibahagi sa pananaliksik,
at nakikipagtulungan sa iba’t ibang
akademikong organisasyon sa ibang bansa.
Mga Multinasyonal na
Korporasyon

 Tumutukoy sa mga kompanyang may


mga estasyon at planta sa iba’t ibang
panig ng mundo.
 Nagsisilbi ang ma ito na tulay sa
ugnayang ekonomiko ng mga bansa.
Social/Mass Media

 Pinakamabilis na mekanismo o paraan


ng pagyakap ng impluwensiya at
pagkalap ng impormasyon at kaalaman
mula sa iba’t bang bansa.
 Napabibilis nito ang pagpapalitan ng
gawain, kultura, at uri ng pamumuhay
ng mga tao.
Samahang Sibiko
 Kilala sa tawag na nongovernment
organizations (NGOs).
 Nakatutulong sa pagpapalawig ng
globalisasyon sa pamamagitan ng
kanilang mga adhikain.

You might also like