You are on page 1of 38

Globalisasyon

Ano ang globalisasyon?


Nag-ugat sa pandaigdigang ugnayan ng mga
tao, bansa, organisasyon, at negosyo.
Ito ay proseso ng pag-uugnayan, pagpapakalat,
at pagpapalitan ng mga produkto, serbisyo,
teknolohiya, kaisipan, at tao.
Nanggaling ita sa salitang globalize na
tumutukoy sa paglago ng magkakasalawad na
mga sistemang pang-ekonomiya sa daigdig.
Ayon sa sosyologong si Anthony
Giddens(1991), ang globalisasyon
ay ang pagpapaigting ng
pandaigdigang ugnayang
panlipunan o sosyal. Sa ugnayang
ito, pinagkakabit-kabit ang
magkakalayong lugar sa isang paraan
naang nangyari sa isang dako ay
mayepekto sa mga pangyayari sa
malayong dako.
Halimbawa:
Ang bagyong Yolanda na naminsala sa Pilipinas ay nagbunsod ng pagkilos ng mga
tao at pamhalaan sa iba’t ibang panig ng mundo upang makatulong.
Gayundin naman, naapektuhan ang pangyayari sa isang
lokal na lugar ng mga nangyayari sa malayong parte ng
mundo.

Halimbawa:
Ang eleksiyon sa Estados Unidos ay may epekto sa maraming bansa
dahil maaaring mag-iba ang polisiya ng bansa nila sa mga usaping
pandaigdig tulad ng seguridad, diplomasya, kalikasan, negosyo,
migrasyon, at iba pa.
Panahon Katangian

Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at


Ika-4 hanggang ika-15 siglo (late 15th century)
Kristiyanismo)

Huling bahagi ika-15 siglo (late 15thcentury) Pananakop ng mga Europa

Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa
ika-19 na siglo (late 18th– early 19th century)

nanagbigay daan sa globalisasyon

Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 Rurok ng Imperyalismong Kaunlaranin

Post World War Ⅱ Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersa


ideolohikal partikular ang komunismo at kapitalismo

Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-


ekonomiya. Nagbigay daan sa mabilis na pagdaloyng
Post World War
mga produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya, at iba pa sa
pangunguna ng Estados Unidos
May mga pandaigdigang samahan tulad ng European
Union (EU) at World Trade Organization (WTO) na
gumagawa ng mga polisiya, institusyon, at iba pang
gawaing lumalaktaw sa hangganan (boundary) ng mga

bansa tungo sa ikakatibay at ikayayabong ng mga


kasunduang pandaigdig sa ngalan ng globalisasyon.
Ang EU o European Union ay
samahan ng mga bansa sa Europa na
sumasang-ayon sa ilang pangunahing

polisiya gaya ng malayang paggalaw


ng mga kalakal sa loob ng iisang
merkado, malayang paggalaw ng mga
manggagawa, malayang paggalaw ng

kapital, at pagsasaayos ng mga


nasyonal na batas upang makasunod
sa mas malawak na mga batas ng EU.

Ang WTO o World Trade


Organization ay isang
organisasyong pansabansaan

na nilikha upang
mapamanihalaan at magbigay
ng kalayaan sa kalakalang

pang-internasyonal.
Non-members:
Aruba, Eritrea, Kiribati, Kosovo, Marshall Islands,

Micronesia, Monaco, Nauru, North Korea, Palau,


the Palestinian Territories, San Marino, Sint
Maarten, and Tuvalu.
Observers:
Algeria, Andorra, Azerbaijan, Bahamas,Belarus,
Bhutan, Bosnia and Herzegovina, Comoros,

Curaçao, Equatorial Guinea, Ethiopia, Holy See,


Iran, Iraq, Lebanese Republic, Libya, Sao Tomé
and Principe, Serbia, Somalia, South Sudan,
Sudan, Syrian Arab Republic, Timor-Leste,
Turkmenistan, and Uzbekistan.

Ang IMF (International Monetary


Fund) ay nagsasagawa ng
pamantayan para sa pananalapi at

kaayusan ng mga nasirang


ekonomiya noong ikalawang
digmaang pandaigdig. Binabantayan
din ng IMF ang pandaigdigang

sistema ng pananalapi upang


matulungan ang mga pamahalaan sa
problemang pinansiyal nila.
Ang World Bank
(WB) ay naglalayong

magbigay ng tulong
pinansiyal sa mga
proyektong

pangkaunlaran ng
mga bansa.
Pangunahing
Institusyon sa
Globalisasyon
Dalawang uri ang mga "aktor" na gumaganap sa larangan ng
pandaigdigang ugnayan (international relations)—ang estado ang
kumakatawan sa pamahalaan, samantalang ang di-estado (nonstate actor
o NSA) ang bumubuo sa mga insitusyon , grupo, o asosasyon na bahagi ng
sistemang pandaigdig.

Dati, ang mga makapangyarihang bansa o estado lamang ang may


kakayahang magdikta o mag-impluwensya sa kalakalan at ugnayang
politikal. Ngayon, ang mga NSA tulad ng mga pandaigdigang samahan,
nongovernmental organization, sosyedad sibil, at mga pribadong
institusyon ay may impluwensya na rin sa mga paraan at polisiyang may
epekto sa globalisasyon.
Pamahalaan
Ang uri ng pamahalaan ay maaaring makapagpabilis o
makapagpaudlot ng globalisasyon sa isang bansa. Ang
demokratikong pamahalaan ay bukas sa proseso at epekto ng

globalisasyon sa ekonomiya, edukasyon, politika, lipunan, at iba


pang aspekto ng pamumuhay.
Ang mga estado o bansa, kung gayon, ay nakikipag-ugnayan sa
mga internasyonal na samahan sa pamamagitan ng kani-
kaniyang pamahalaan.
Ang pamahalaan ang nagpapasya kung sasama ang estado
nito sa pampulitika o pang-ekonomiyang integrasyon ng
mga bansa sa mundo.
Sa pamamagitan ng gobyerno, nakikisapi ang isang bansa
sa mga internasyunal na kasunduan laban, halimbawa, sa

money laundering, cybercrime, identity theft, copyright


infringement, private ownership of property, at mga
katulad nito.
Gampanin nito ang pagpapaunlad sa bansa sa sektor ng
transportrasyon, komunikasyon, at ekonomiya.
Nagproprotekta sa mga mamamayan mula sa
panghihimasok ng ibang mga bansa at nagtatayo ng
imprastraktura na susuporta sa publiko lalo na sa
aspektong globalisasyon.
Natural na nakatutok sa pagprotekta sa mga interes

ng mga mamamayan at pagpapalawak ng mga


aktibidad na pang-ekonomiya para sa lipunan.
Multinasyonal na Korporasyon
Ang mga Multinational Corporations (MNCs) ay mga
kumpanya na mayroong pasilidad at iba pang mga ari-
arian sa ibang bansa o mga bansa maliban sa sariling

bansang pinagmulan. Ang MNCs ay may mga


tanggapan at mga pabrika sa iba’t ibang mga bansa at
karaniwang may sentralisadong punong tanggapan
kung saan nila nagagawa ang global na pamamahala.
Nakatutulong ang mga multinational corporation
(MNC) sa globalisasyon dahil mayroong malakas na
impluwensiya ang mga ito sa lokal at pandaigdigang
ekonomiya. Nakatutulong ang mga ito sa

pagkakaroon ng ugnayan at pagpapalitan ng mga


kapital, produkto, serbisyo, at teknolohiya sa
pagitan ng mga pambansang ekonomiya sa buong
daigdig.
Gumaganap bilang kabalikat o mga katuwang ng NGOs at
habang umiigting ang globalisasyon, lumalawak ang papel
ng mga organisasyong ito.
Ang mga desisyon ng mga organisasyong ito ay hindi

lamang makakaapekto sa isang bansa, kundi sa lahat ng


mga bansang kasapi nito.
Nakakapagbigay ng proteksyon sa mga kasaping bansa sa
oras ng krisis, ngunit may mga pagkakataon na maaaring
maapektuhan ang lahat na kasaping bansa ng
organisasyong ito sakaling dumaan ang problema.
Elektroniko O Mass Media
Ang mass media ay may malaking bahaging
ginagampanan sa globalisasyon dahil

nararating nito ang maraming bansa at


naaapektuhan nito ang kultura at kaisipan ng
mga tao sa mga bansang iyon.

Gumaganap ang mass media ng mahalagang papel sa


pagpapaigting ng globalisasyon sapagkat tumutulong ito
nang malaki sa pagpapalitan ng kultura at saganang

pagdaloy ng mga impormasyon at mga larawan sa mga


bansa sa pamamagitan ng mga broadcast ng balita, mga
programa sa telebisyon, mga bagong teknolohiya,
pelikula, at musika.

Nagtatanim ito ng kamalayan ng komunal na pagsasama-sama


ng mga tao sa mundo. Sa pagbo-broadcast ng mass media ng
mga mahahalagang kaganapan, ang mga tao na nagsasalu-salo
sa mga opinyon at talakayan ay nagkakaroon ng pakiramdam na
para bagang konektado sa isa’t isa.

Ginagamit din ang social media upang ipalaganap ang


maraming ideolohiya gaya ng paglaban ng kapitalismo,
pagpapalakas ng demokrasya, panawagan sa pagkakapantay-
pantay at karapatang pantao, pangangalaga sa kapaligiran, at
marami pa.

Ngunit laganap din sa social media ang fake news na


pinaglalaganap ng mga grupong may politikal na
ingklinasyon. Pinaniniwalaang nakagagawa ito ng
impluwensya sa pagdedesisyon at paniniwala ng tao lalo na

sa gawaing pampolitika gaya ng pagboto. Marapat maging


maingat at mapagsuri ang mga tao sa anumang mababasa
o makikita sa social media.
Mga NGO
Ang Non-Governmental Organization (NGO) ay isang
institusyon na hindi bahagi ng isang gobyerno o isang
tradisyunal na negosyong nakatuon sa kita. Ayon sa UN,

ang anumang uri ng pribadong organisasyon na hindi


umaasa sa kontrol ng pamahalaan ay maaaring tawaging
isang NGO, sa kondisyon na ito ay hindi para sa kita,
hindi kriminal, at hindi isang partidong pampolitika ng
oposisyon.
Nakakaimpluwensya sa mga internasyonal na desisyon ukol
sa pag-unlad at lumikha ng mga kalakal na kailangan ng
taumbayan na di-karaniwang nakikita sa mga pamilihan na
profit-oriented.

Gumaganap bilang aktibista sa corporate, national at


international na antas, at ang kanilang mga pagkritisismo
ay nakakatulong sa pagrebisa ng mga patakaran.

Ang mga NGO ay nagsasagawa ng maraming mga serbisyo at


mga gawaing makatao, nagpaparating ng mga hinanaing ng
mga mamamayan sa gobyerno, nagtataguyod at
sumusubaybay sa mga polisiya, at nagtataguyod ng pulitikang
pakikilahok sa pamamagitan halimbawa ng pagkakaloob sa

gobyerno ng makabuluhang impormasyon.


Karaniwang nakatuon ang mga NGO sa pagtataguyod ng
karapatang pantao, nagsusulong ng interes ng mahihirap,
pinagiginhawa ang pagdurusa, nagbibigay ng mga serbisyong
panlipunan, inaasikaso ang pagpapaunlad sa komunidad, at
nangagalaga sa kapaligiran
Karaniwang itinatatag ng mga ordinaryong mamamayan, ang
mga NGO at ang mga internasyunal na NGO (INGO) ay
pinopondohan ng mga pundasyon, negosyo, o pribadong
pilantropo, bagaman ang ilan ay umiiwas sa pormal na
pagpopondo at sa halip ay mas pinipili na mapatakbo ng mga

boluntaryo. Ang ilang mga halimbawa ng INGO ay ang


Greenpeace, ang International Olympic Committee, at ang
International Committee ng Red Cross.

Sa pamamagitan ng mga kumperensiya, pagkilos, at


pagbibigay-serbisyo na pinasinayaan ng mga NGO,
nagkakaroon ng pagkakataon na magkaugnay at
matulungan ang mga sektor ng lipunan upang maisulong
ang kanilang mga adhikain. Ginagawa ang mga aktibidad

na ito sa iba't-ibang bansa at rehiyon kaya naikakalat at


naipapalaganap ang mga kaalaman at kamulatan ng mga
NGO.

Internasyonal na Organisasyon
Ang International Organization ay tumutukoy sa
samahang may mga kasapi na gumagana o may

operasyon tawid sa mga pambansang hangganan para


sa mga tiyak na layunin. Ang mga ito ay mga praktikal na
samahan na sa pamamagitan nila ay natutugunan ang
mga importanteng internasyonal na isyu.
Gumaganap bilang mga
kabalikat o mga katuwang ng
NGOs at habang umiigting ang globalisasyon,
lumalawak ang papel ng mga organisasyong ito.
Naglalatag ng mga alituntunin, patakaran, at direksiyon
para sa paggabay, pagpapatupad, at pagpapalaganap

ng panrehiyon at pandaigdigang kalakalan. Halimbawa


ang WTO, ASEAN, UN, at LAFTA.
Sila ay nagkakaroon din ng mga kasunduang politikal,
kultural, pang-ekonomiya, at pangkapayapaan na
nagpapayabong sa globalisasyon.
Batikos sa Globalisasyon
Hindi lahat ay sumusuporta sa Bukod pa rito, mas mataas ang
globalisasyon. May mga kalidad na hinahanap ng ng
samahang sumasalungat dito mayayamang kliyente.
dahil sa hindi patas na
benepisyong matatamo ng mga
bansa. Ang mga
makapangyarihan at mayamang
bansa ay may mas kakayahang
mamuhunan nang malaki at
magpalabas ng mas maraming
produkto sa merkado.
Ang mas malaking kita at Halimbawa ay ang
bentahan ay nasa pagkaroon ng income
mayayamang bansa rin at hindi inequality.
gaanong natatanggap ng Binibigyan din nila ang
mahihirap na bansa ang pagkakaroon ng mahalagang
pangako ng globalisasyon. Ang papel ng globalisasyon sa
paglaki o pagliit ng kita ay isang paglaganap ng
indikasyon ng epekto ng konsumerismo na
kalakalang dala ng nagpapalala sa suliraning
globalisasyon. pangkapaligiran.

Ang mga pandaigdigang


samahan naman tulad ng WTO
at International Criminal Court
(ICC) ay sinasabing
nakakabawas ng puwersa ng
mga estado't pamahalaan at
sumisira sa ilang
demokratikong estraktura dahil
sa kanilang pakikialam at
pagdikta umano ng ilang
pandaigdigang kasunduan at
patakaran.
THANK YOU FOR
LISTENING!
By: Sheminith and Raine

You might also like