You are on page 1of 13

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N

Ito ay proseso ng pagugnayan, pagpapakalat , at pagpapalitan, ng


mga produkto, serbisyo, teknolohiya, kaisipan at tao.

Globalize - sa paglago ng magkakasalawad na mga sistemang pang-


ekonomiya sa daigdig.

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
Ayon sa sosyologong si Anthony Giddens (1991),
ang globalisasyon ay ang pagpapaigting ng
pandaigdigang ugnayang panlipunan o sosyal. Sa
ugnayang ito, pinagkakabit-kabit ang magkgkalayong
lugar sa isang paraan na ang nangyari sa isang dako
ay may epekto sa mga pangyayari sa malayong
dako .

Halimbawa:
Ang bagyong Yolanda na naminsala sa Pilipinas ay nagbunsod ng pagkilos ng mga tao at pamhalaan sa iba’t ibang
panig ng mundo upang makatulong

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
PANAHON KATANGIAN
Ika-4 hanggang ika-15 siglo (late 15th century) Globalisasyon ng Relihiyon(Pagkalat ng Islamm at Kristiyanismo

Huling bahagi ika-15 siglo (late 15 th century) Pananakop ng mga Europa

Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19 Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay daan sa
na siglo (late 18th – early 19th century) globalisasyon

Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 Rurok ng Imperyalismong Kaunlaranin

Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersa ideolohikal


Post Word War II
partikular ang komunismo at kapitalismo
Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya.
Nagbigay daan sa mabilis na pagdaloy ng mga produkto,
Post World War
serbisyo, ideya, tknolohiya, at iba pa sa pangnguna ng Estados
Unidos
May mga pandaigdigang samahan tulad ng European Union (EU) at
World Trade Organization (WTO) na gumagawa ng mga polisiya,
institusyon at iba pang gawaing lumalaktaw sa hangganan (boundary)
ng mga bansa tungo sa ikatitibay at ikayayabong ng mga kasunduang
pandaigdig sa ngalan ng globalisasyon.

Ang EU ay samahan ng mga bansa sa Europa na sumasang-ayon sa


ilang pangunahing polisiya gaya ng malayang paggalaw ng mga
kalakal sa loob ng iisang merkado, malayang paggalaw ng mga
manggagawa, malayang paggalaw ng kapital, at pagsasaayos ng mga
nasyonal na batas upang makasunod sa mas malawak na mga batas ng
EU.

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
Ang isa pang institusyon na itinuturing na haligi ng globalisasyon sa modernong
panahon ay ang International Monetary Fund (IMF). Ang IMF ay nagsasagawa ng
pamantayan para sa pananalapi at kaayusan ng mga nasirang ekonomiya noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Binabantayan din ng IMF ang pandaigdigang
sistema ng pananalapi upang matulungan ang mga pamahalaan sa problemang
pinansiyal nila. Isa pang institusyon ang World Bank (WB) na naglalayong magbigay
ng tulong pinansiyal sa mga proyektong pangkaunlaran ng mga bansa.

Ang gawain ng IMF at WB ay tugon sa pangangailangan ng mga bansang nawalan ng


kakayahang bumangon at makipagkalakalan dahil sa epekto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Magkatuwang kapuwa ang dalawa, ang IMF sa pagpapautang sa mga
bansang may suliraning pang-ekonomiya at ang WB sa pagpapautang para sa
espesipikong mga proyekto at programang pangkaunlaran.

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
Dalawang uri ng mga "aktor" na gumaganap sa larangan ng pandaigdigang ugnayan
(international relations)- ang estado ang kumakatawan sa pamahalaan, samantalang
ang di-estado (nonstate actor o NSA) ang bumubuo sa mga institusyon, grupo, o
asosasyon na bahagi ng sistemang pandaigdig.

Dati, ang mga makapangyarihang bansa k estado lamang ang may kakayahang
magdikta o mag-impluwensiya sa kalakalan at ugnayang politikal. Ngayon, ang mga
NSA tulad ng mga pandaigdigang samahan, nongovernmental organization (NGO),
sosyedad sibil(civil society), at mga pribadong institusyon ay may impluwensiya na
rin sa mga paraan at polisiyang may epekto sa globalisasyon.

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
Ito ay maaaring makapagpabilis o makapagpaudlot ng
globalisasyon sa isang bansa. Ang demokratikong pamahalaan
ay bukas sa proseso at epekto ng globalisasyon sa ekonomiya,
edukasyon, politika, lipunan, at iba pang aspekto ng pamumuhay.
Mabilis at walang nakakahadlang sa paglaganap ng globalisasyon
sa mga bansang may demokratikong pamahalaan tulad ng
Pilipinas.

Ang pamahalaang diktadurya at militar tulad ng dating


pamahalaan ng Myanmar ay sarado sa proseso ng globalisasyon
maya ang bansa au naantiling makaluma ang teknolohiya at
pananaw, mabagal ang kalakalan, at mabuway ang kaunlarang
ekonomiko.

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
ay malalaking korporasyon na may pasilidad, planta, o asset sa dalawa at higit pang
bansa. Pangunahing produkto at serbisyo ng mga MNC ay petrolyo, pananamit,
pagkain, pananalapi, sasakyan, komunikasyon, kagamitan, gadyet, produktong
teknolohikal, at iba pa. Ang mga MNC ay ang mga pangunahing tagapagpalaganap ng
globalisasyon.

Dala ng MNC ang mga produkto at serbisyong maaaring makapagpalaganap nf


kultura, bukod pa sa trabahong inilalaan nito para sa mga mamamayan ng mga
bansang tumanggap sa kanila. Ngunit hindi sa lahat ng sangkap o materyales na
ginagamit sa produksiyon sa mga pasilidad ay galing sa ibang bansa. Marami sa kanila
g materyales ang inaangkat sa iba pang bansa saka pa lamang aayusin sa huling bansa.
Kaya nababawasan din ang pagkakataong kumita nang malaku ang isang bansa mula
sa mga MNC dahil hindi sa kanilang bansa kinukuba lahat ng materyales o ginagawa
ang buong produkto.

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
Malaki ang papel na ginagampanan ng mass media tulad ng
telebisyon, radyo, diyaryo at pelikula sa pagpapalaganap ng
globalisasyon. Nakapagpapalawak ng interes at kaalaman tungkol sa
ibang bansa ang mass media. Dahil dito, narating ng globalisasyon
ang malalayong lugar; nagpakilala ng mga ideolohiya sa mga
mamamayang sinisikil ng kanilang mga pamahalaan;
nakapagpasimula ng adyendang pandaigdig; nagpalakas sa
komersiyalisasyon; nakapagbahagi ng kultura at kaalaman sa
pamamagitan ng musika, pelikula, at palabas; at marami pang iba. Sa
pagdating ng social media naging posible dahil sa Internet, naging
mas mabilis ang pagkalat ng mga impormasyon at mensahe.

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
Ilan sa nalawakang panlipunang epekto ng social media ay ang
pagbuo ng mga kilusang nagtatawag bg pagbabago gaya ng "Occupy
Movement" na nagsimula sa New York. Lumaganap ang ganitong
kilusan at ginaya rin sa iba't-ibang panig ng daigdig. Ginagamit din
ang social media upang ipalaganap ang maraming ideolohiya gaya ng
paglaban sa kapitalismo, pagpapalakas ng demokrasya, panwagan sa
pagkakapantay-pantay at karapatang pantao, pangangalaga sa
kapaligiran, at marami pa. Ngunit laganap din sa social media ang
FAKE NEWS na pinalalaganap ng mga grupong may politikal ng
ingklinasyon.

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
ay naging aktibo rin sa pagbibigay ng impluwensiya sa mga polisiya sa loob
at labas ng kani-kanilang bansa. Abg mga grupong kababaihan, halimbawa,
ay nagsasagawa ng mga kumperensiya at pagkilos para sa pagpapatibay ng
pantay na karapatan ng mga babae. May mga pandaigdigang pundasyon na
aktibo sa pamimigay ng serbisyo sa mahihirap sa buong mundo anuman ang
lahi, teritoryo, at ideolohiya Sa pamamagitan ng mga kumpetensiya,
pagkilos, at pagbibigay-serbisyo na pinasinayaan ng mga NGO,
nagkakaroon ng pagkakataon na magkaugnay at magtulungan ang mga
sektor ng lipunan upang maisulong ang kanilang mga adhikain. Gianagawa
ang mga aktibidad na ito sa iba't-ibang bansa at rehiyon kaya naikakalata at
naipapalaganap ang mga kaalaman at kamulatan ng mga NGO.

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N
Kung ang mga MNC ang tagapaglaganap ng globalisasyon sa
pamamagitan ng pamumuhunan sa negosyo, at serbisyo, ang mga
internasyonal na organisasyon naman tulad ng WTO, ASEAN, UN, at
Latin American Free Trade Area (LAFTA) ay naglalatag ng mga
alituntunin, patakaran, at direksyon para sa paggabay, pagpapatupad,
at pagpapalaganap ng panrehiyon at oandaigdigang kalakalan. Sila ay
nagkakaroon din ng mga kasunduang politikal, kultural, pang-
ekonomiya, at pangkapayapaan na nagpapayabong sa globalisasyon

I S Y U N G P A N G K A P A L I G I R A N

You might also like