You are on page 1of 5

May Sariling

Wika ang
Bansang Malaya
Inihanda ni: Ferlyn Torrecampo
May Sariling Wika ang Bansang Malaya

I
Pag-aaklas! Himagsikan sa gulod ng Balintawak. Biak na
Bato! Katipunan, at digmaan sa Tirad Pass; Dagohoy at
Diego Silang, Bonofacio at del Pilar, Jose Rizal……lahat
sila’y Paglaya ang tanging hangad.

II
Sa talim ng mga tabak at sa tapang nila’t giting Ay
maagang pinagliyab ang silakbo ng damdamin; Sapagkat
ang tanging mithi’y, tanikala ay putulin, Tanikalang
nakalambat sa kamay at isip natin.
May Sariling Wika ang Bansang Malaya

III
At ang Marcha Filipina ay pinatugtog sa Kawit Nang doon
nga ay iladlad ang bandilang nilalangit; Ang watawat na
sagisag ng paglaya na nakamit Mula roon sa digmaang
sinuong nang buong bangis

IV
Nang ang bansa’y malaya na, isang wika ang sumilang Na
bibigkis sa damdamin at isip ng mamamayan; Si Quezon
ay naging Ama ng Pambansang Wikang iyan Na biyaya ng
paglayang Nagmula sa himagsikan.
May Sariling Wika ang Bansang Malaya

V
Bawat bansa na malaya ay may wikang kanyang
angkin, ‘Yon ang kanyang kaluluwa, dangal, buhay
niya’t giting; Kaya ang Wikang Pambansa’y dapat
lamang na mahalin, Pagkat pag ito’y nawala–
Kalayaa’y wala na rin!
Online Source

https://edisonrabena31.wordpress.com/2012/10/13
/may-sariling-wika-ang-bansang-malaya-2/

You might also like