You are on page 1of 19

LIPUNAN

ANO BA ANG LIPUNAN?


ANG ISTRUKTURANG PANLIPUNAN AT KULTURA

• Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may


dalawang mukha: ang isang mukha ay tumutukoy sa mga
istruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa kultura.
Bagama’t ang dalawang mukha ay magkaiba at may kani-kaniyang
katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring paghiwalayin
tulad na lamang kapag pinag-uusapan ang lipunan
MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG
PANLIPUNAN
• Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang
• institusyon,
• social groups,
• status (social status), at
• gampanin (roles).
INSTITUSYON
• Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.Ang institusyon ay
organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
• Pamilya
• Paaralan
• Ekonomiya
• Relihiyon
• Edukasyon
• Pamahalaan
SOCIAL GROUP

• May dalawang uri ng social group:


• ang primary group at
• secondary group.
PRIMARY GROUP
• Ang primary group ay tumutukoy
sa malapit at impormal na ugnayan
ng mga indibiduwal.
SECONDARY GROUP

•ang secondary group ay binubuo


ng mga indibiduwal na may
pormal na ugnayan sa isa’t isa.
STATUS
• Ang status ay tumutukoy sa
posisyong kinabibilangan ng isang
indibiduwal sa lipunan.
DALAWANG URI NG STATUS

• ascribed status at
• achieved status .
GAMPANIN (ROLES)
• Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon,
at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng
indibiduwal
• ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang
tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
• Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang
indibiduwal o isang grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu at
hamong panlipunan.
PAGSUSULIT 
I. TIMBANGIN MO !
• Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung
tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung
tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang
ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at
tama ang ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at
ikalawang pahayag.
___1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan
sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang
maunawaan ang bumubuo, ugnayan, at kultura ng isang lipunan.

___2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa
isang lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan
___3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa
matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa
kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang mga inaasahan
mula rito.
___4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group.
B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may malapit
at impormal na ugnayan sa isa’t isa.
___5. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group. Ang
posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang
social group ay nakapagdudulot ng isyu at hamon na makaaapekto sa
bawat isa sa nasabing grupo.
TAKDANG ARALIN:

PHOTO ESSAY
• Sa isang oslo paper ay gumawa ng Photo Essay na
nagpapakita ng iba’t ibang isyu at hamong panlipunan
na dulot ng mga elemento ng istrukturang panlipunan.
Maaaring gumupit ng mga larawan sa magazine o
kumuha ng mga ito sa internet.

You might also like