You are on page 1of 12

12

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


SELF - LEARNING MATERIAL 1
UNANG MARKAHAN: LINGGO 1-2

LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG


PANLAHAT
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

PANIMULA

Pagbati sa lahat!
Ang Filipino sa Piling Larang (Akademik) ay Self Learning Material (SLM) sa
iba’t-ibang uri ng Akademikong Sulatin. Ang SLM na ito ay pinagtulungang gawin ng
mga guro na nagsisipagturo sa ESP sa pribadong paaralan ng REH Montessori
College. Ito ay magsisilbing gabay ng mga mag - aaral sa ika-12 baitang. Naglalayon
ang SLM na ito na linangin ang kaalaman ng mga mag - aaral at maipatupad ang
pamantayan sa pagkatuto batay na rin sa K - 12 Kurikulum habang tayo ay
nakikisabay sa mga nangyayaring pang - ekonomiya, panlipunan at pangkalusugan.
Ang SLM na ito ay nagsisilbing batayan upang mahubog at makamit ng mga
mag - aaral ang mga gawain at kasanayan sa ika - 21 na siglo. Maunawaan rin ng
mga mag - aaral ang kasalukuyang nangyayari sa mga bansa hindi lang sa Pilipinas
kundi sa buong daigdig.
Bilang mga guro sa REH Montessori College na bumuo sa SLM na ito,
inaasahan namin na gagamitin ang ito upang mapaunlad ang kaalaman sa
pansariling pagkatuto at mapaunlad ang sariling kakayahan na magagamit sa pang-
araw –araw na pamumuhay.

SAKLAW
Sa self-learning material na ito matutuhan ang mga sumusunod:

Ang Papel ng Lipunan sa Tao Sesyon


Aralin 1 Kahulugan, Kalikasan, at katangian ng
Akademikong Pagsulat
Aralin 2
Abstrak at Sintesis

Aralin 3
Bionote

2
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

CONCEPT MAP NG ARALIN


Narito ag isang gabay sa pagtalakay ng ating mga aralin.

Abstrak at Sintesis
Kahulugan,
Kalikasan,
Katangian,

Akademikong Pagsulat

Layunin at
Gamit

Pagkatapos mong gawin ang aralin sa self - learning material na ito ay


inaasahang magagawa mo ang ika -21 siglong kasanayan:
1. Maipamamalas ang iyong pang-unawa tungkol kahulugan, kalikasan, at
katangian ng akademikong sulatin.
2. Nasusuri ang iba’t-ibang anyo ng akademikong sulatin.
3. Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik
ayon sa format at Teknik.

3
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

ARALIN 1: Kahulugan, Kalikasan, at Katangian ng Pagsulat


ng Sulating Akademik

Takdang Araw: 3 - 4 Araw

Pambukas na Paksa:

Ang pagsulat ay isa sa pangunahing kasanayan na natutunan at pinauunlad


sa loob ng paaralan. Hindi maihihiwalay ang bisa ng pagsulat bilang sandata sa
buhay ng isang indibidwal. Upang maging kasangkapan ang pagsulat sa buhay ng
tao, marapat itong lalong palakasin batay sa kahingian at pangangailangan ng
panahon.
Sa yunit na ito maipapamalas ang batayang konsepto kaugnay ng pagsulat.
Tutunghayan din dito ang batayang kaalaman kaugnay ng anyo ng akademikong
sulatin. Upang madaling makilala ang anyo ng akademikong sulatin, mainam na
tandaan ang kahulugan, katangian, at kalikasan natatanging anyo ng isang
akademikong sulatin.

MGA LAYUNIN AT PAKSA:

Akademikong Sulatin
- Kahulugan, Kalikasan, at Katangian ng Pagsulat ng Sulating Akademik
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat.
2. Nakikilala ang iba’t-ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangian, at anyo.
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kalikasan at
katangian.

PAGTALAKAY SA PAKSA:

Araw : 3 - 4

4
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

Kahulugan, Kalikasan, at Katangian ng Akademikong Pagsulat

Ayon kay Badayos (2000), ang pagsulat ay isang sistema para


komunikasyong interpersonal na gumagamit ng mga simbolong inuukit, sinusulat sa
isang makinis na bagay tulad ng papel, tela, o di kaya’y isang malapad at makapal
na tipak ng bato.

Ayon naman kay Bernales et al (2001), ang pagsulat ay pagsasalin sa papel


ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao.

Ang pagsulat ay sinasabing may dinaraanang proseso bago ito mabuo at


maipahatid ang mensahe sa kanyang mga mambabasa.

Ang pagsulat ay pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t-ibang


layunin. Kung kaya’t may iba’t-ibang dahilan ang tao kung bakit sila nagsusulat: (1)
libangan, (2) matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral, at (3) pagtugon sa
trabaho.

Tandaan na hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip


na pinagmumulan ng proseso ng kognisyon. Samakatuwid, magkatambal ang
pagsulat at pag-iisip sapagkat nakapaloob sa pag-iisip ang kalipunan ng mga
kaalaman buhat sa biyolohikal at kaalamang idinulot ng karanasan. Taglay rin ng
lawak ng pag-iisip ang imahinasyon na pangunahing sangkap sa pagpapalawak ng
isang uri ng sulatin.
Ang akademik o akademiko ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses:
academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ng ika-16 na
siglo. Ito ay tumutukoy o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o
larangan ng pag-aaral na nagbibigay tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral kaiba
sa praktikal o teknikal na gawain. Ang iba’t-ibang uri nito ay kritikal na sanaysay,
laboratory report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong
papel, tesis o disertasyon.

Akademikong Pagsulat

5
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

Ayon kay Mabilin (2012), ang akademikong pagsulat ay uri ng pagsulat na


higit na mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat, at itinuturing na pinakamataas
na antas ng intelektuwal na pagsulat.

Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng impormasyon sa halip na


manlibang. Kung ihahambing sa personal na pagsulat ang akademikong pagsulat ay
nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong
isang paksa na may magkakaugnay na mensahe.

Ginagamit ang akademya upang makapagpahayag ng impormasyon,


edukasyon at sa loob na ipinagtitibay ng mga katiwa-tiwalang sangguniang materyal
mula sa mga luma at bagong pananaliksik. Itinuturing din itong isang paghahanda na
magagamit sa trabahong papasukin ninyong mga mag-aaral sa hinaharap na
aangkop sa napiling larang.

Hakbang o Proseso sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin

Tulad ng iba pang uri ng pagsulat, ang akademikong sulatin ay nagtataglay


ng tiyak na hakbang o proseso. Sa paraan ng paggawa ng isang akademikong
sulatin, makikita ang taglay nitong mga katangian. Ito ang mga sumusunod:

1. Komprehensibong Paksa. Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang


pagsulat naman ay itinakdang ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa
isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay sa
aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, at iba pa. Mahalaga
ang gampanin ng paksa sa kabuuan ng akademikong sulatin. Sa pagksa
mag-uumpisa ang pagpaplano upang maisakatuparan ang makabuluhang
akademikong sulatin.
2. Angkop na Layunin. Ito ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais
makabuo ng akademikong sulatin. Nakapaloob dito ang mithiin ng manunulat
kung nais na magpahayag ng iba’t-ibang impormasyon kaugnay ng
katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad,
suportahan o pasubalian ang mga dati nang impormasyon, at iba pang
layuning nakaugat sa dahilan ng pagbuo ng akademikong sulatin.
3. Gabay na Balangkas. Magsisilbing gabay sa akademikong sulatin. Gabay ito
upang organisahin ang ideya ng sulatin. Sa tulong nito, napapadali ng

6
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

manunulat ang kaniyang pagsulat ng sulatin. Kadalasan ang balangkas din


ang nagiging burador ng anumang sulatin.

May tatlong uri ng balangkas: balangkas na paksa, balangkas na


pangungusap, at balangkas na talata.

(1) Balangkas na papaksa. Gumagamit ng mga salita o parirala na nagiging


pangunahing kaisipan.
(2) Balangkas na papangungusap. Gumagamit ng buong pangungusap na
kumakatawan sa mahalagang bahagi ng teksto.
(3) Balangkas na patalata. Gumagamit ng mga pariralang may maikling
buod upang ipaliwanag ang bawat paksa.
4. Halaga ng Datos. Dito nakasalalay ang tagumpay ng isang akademikong
sulatin. Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos sa
anumang akda. Kung walang datos, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin.
Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos:

PRIMARYANG SANGGUNIAN SEKONDARYANG SANGGUNIAN


Talaarawan Reaksyon sa isang:
Pakikipagpanayam Aklat
Liham Palabas
Orihinal na gawang sining Manuskrito
Orihinal na larawan Pahayag ng tao
Orihinal na pananaliksik Buod ng anumang akda
Mga isinulat na panitikan

5. Epektibong Pagsusuri. Bahagi rin ito ng isang komprehensibong


akademikong sulatin. Upang maging epektibo, lohikal dapat ang gawing
pagsusuri. Hindi makahihikayat ng mambabasa ang isang akademikong
sulatin kung ang nilalaman nito ay nakabatay lamang sa pansariling pananaw
ng sumusulat. Kailangang malagpasan ang opinyon at mapalutang ang
katotohanan. Ang pagsusuri ay nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at
nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay ng implikasyon nito sa iniikutang
paksa.

7
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

6. Tugon ng Kongklusyon. Taglay nito ang pangkalahatang paliwanag sa nais


na maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita rito ang kasagutan sa mga
itinampok na karunungan sa isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa anyong
pabuod ang kongklusyon na binuo batay sa natuklasang kaalaman. Mula sa
kongklusyon, huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa bago o
pagpapatuloy ng isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin.

Dahil sa pangkalahatang paliwanag na taglay ng kongklusyon, may mga ilang


paalala na dapat tandaan para sa susulat:

1. Huwag magpasok ng bagong material.


2. Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ng tawad sa isang
bagay na pinaliwanag mo na.
3. Huwag magtatapos sa “cliff hanger”, na iniiwang bitin ang mga
mambabasa.

Likas sa pagsusulat ang paggamit ng isip, damdamin, at kilos. Ang ugnayan


ng ideya, nararamdaman o saloobin, at tiyak na kilos ang batayan ng isang
komprehensibo at epektibong pagsulat.

PAGSULAT

 ideya  nararamdaman  tugon


 konsepto  saloobin  aksyon

ISIP DAMDAMIN KILOS

PAGSULAT

Mga Akademikong Disiplina kung saan maaaring umikot ang paksa at paraan
ng akademikong sulatin:

A. Humanidades B. Agham C. Agham Pisikal


Panlipunan

8
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

*Wika *Kasaysayan *Eksaktong


*Literatura *Sikolohiya Agham
*Pilosopiya at *Sosyolohiya *Matematika
Teolohiya *Ekonomiks *Pisika
*Mga Pinong *Antropolohiya *Kemistri
Sining *Heograpiya *Inhinyero
(Arkitektura, *Arkeolohiya *Astronomiya
Teatro, Sining, *Abogasya
*Agham
Sayaw at Musika) *Agham Politikal
Biyolohikal
*Administrasyong-
*Biyolohiya
pangangalakal
*Medisina
*Botanika
*Soolohiya
*Agrikultura
(Pagsasaka,
Pangingisda,
Paghahayupan,
Paggugubat,
Pagmimina)

Katangian ng Akademikong Sulatin


Eksplisit. Mahusay na pag-oorganisa ng mga impormasyon sa pagtukoy at
pagkakaugnay ugnay ng paghihinuha.
Kompleks. Ang akda ay paglalaan ng masususing pananaliksik at pagtuklas na mas
maging malawak ang kaalaman at mga bokabularyo.
May Malinaw na Layunin. Ipinapakita ang mahusay at maayos na paglalahad ng
kaiispan upang mas maging malinaw ang mga teksto sa mga mambabasa.
May Malinaw na Pananaw. Naisasakatuparan ang mensaheng nais maunawaan ng
mga mambabasa.
Pokus. Iwasan ang pagbibigay ng mga paksa na taliwas sa pangunahing paksa at
pagbibigay ng mga impormasyon na walang kinalaman sa paksa.
Obhetibo. Dumadaan sa pagsusuri batay sa nakalap na datos at pananaliksik.

9
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

Pormal. Gumagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng sulatin na naaayon sa


larang at disiplinang tinatalakay.
Responsable Ang mga akda ng sulatin dumadaan sa tamang proseso ng pagsulat
upang mas mabigyan pansin ang nilalaman at pagbibigay pagkilala sa mga
sanggunian na pinagkunan ng facts at mahahalagang detalye.
Tumpak. Ang mga impormasyon na nakalap ay nakataya sa mga katiwa-tiwalang
sanggunian.
Wasto. Maingat na pagpuna ng mga manunulat sa wastong gamit ng pagsasalita,
gramatika at mga bantas na nasa sulatin.

Kalikasan ng Akademikong Sulatin

Likas o taglay ng akademikong sulatin ang maglaman ng samu’t saring


kaalaman. Marapat na ang makilalang kaalaman sa akademikong sulatin ay bago at
mahalaga. Bago ang kaalaman kung ang nilalaman ng pangungusap at ideya ay
impormasyong magbibigay ng malawak nakabatiran at mahalaga sapagkat ang
impormasyong ipinababatid ay mapakikinabangan para sa pansarili, pampamilya,
panlipunan, at pambansang kapakinabangan. Bagama’t may posibilidad na ang mga
impormasyon ay dati nang alam ng makababasa ng akademikong sulatin,
mahalagang may dagdag itong paliwanag upang ikonteksto sa target na babasa at
panahon upang tuwirang maging makabuluhan ito.

Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin ang paraan upang ito ay


maisulat. Ang paraan ng pagsulat ay umiikot sa batayang diskurso na maaaring
magsalaysay, maglarawan, maglahad, at mangatuwiran. Ang mga ito ay
kadalasang pinagbabagayang disiplina o larangan ng akademikong sulatin. Ngunit
dapat tandaan na nasa kakayanan pa rin ng manunulat na gamitin ang anumang
paraan upang ipahayag ang kaugnay ng kaalaman. Ang paraan ng pagsulat ang
magiging matibay na gabay upang ipahayag ang kaalamang nais iparating ng
akademikong sulatin.

Narito ang ilang gabay bilang hulwaran kung paano ang angkop na paraan ng
akademikong sulatin:

 Pagpapaliwanag o Depinisyon
 Pagtatala o Enumerasyon
10
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

 Pagsusunod-sunod
 Paghahambing at Pagkokontrast
 Sanhi at Bunga
 Suliranin at Solusyon
 Pag-uuri-uri o Kategorasyon
 Pagpapahayag ng Saloobin, Opinyon, at Suhestiyon
 Paghihinuha
 Pagbuo ng Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon.

Anyo ng Akademikong Sulatin

Abstrak Posisyong Papel


Sintesis/Buod Replektibong sanaysay
Bionote Agenda
Panukalang Proyekto Sanaysay na Piktoryal
Talumpati Lakbay Sanaysay
Katitikan ng pulong

SANGGUNIAN:

Angeles, Cristina I., Fabrigas, Nenita P., Tuazon, Ma. Norma Q., Villanueva, Joey
M., Angeles, Judith R., Tangonan, Jomer A., at Vera Cruz, Baby Jean M. Pagbasa
at Pagsulat: Tungo sa Pananaliksik. 105 Engineering Road, Araneta University
Village, Potrero, Malabon City: Mutya Publishing House Inc. 2011

Villanueva, Voltaire M. at Bandril, Lolita T. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan


(Akademik at Sining).1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines:
VIBAL Group, Inc. 2016

Mga clip arts at larawan mula sa Google photos

11
Akademikong Pagsulat Unang Markahan: Linggo 1-2

12

You might also like