You are on page 1of 42

12

FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIKS

SELF- LEARNING MODULE


FILIPINO 12
QUARTER 2
Development Team of the Module

Authors: Reymundo T. Redublo Jr.and Maynard M. Redublo

Editors: Fragilyn B. Rafael and Crisaldo A. Belas

Reviewer: Lina M. Munar

Management Team:
Gemma G. Cortez, Ed.D., CID - Chief
Leylanie V. Adao, EPS - LR
Fragilyn B. Rafael, EPS - Filipino
SDO Dasmarinas City

Schools Division Superintendent: Celedonio B. Balderas Jr.


Asst. Schools Division Superintendent: Bernadette T. Luna

Gabay sa Paggamit ng Learner’s Module

Para sa Tagapagpadaloy

Layunin ng modyul na ito na tulungan kayo bilang tagapamatnubay ng mga


mag- aaral sa pag-aaral ng inyong mga anak sa tahanan. Hinihiling ang
inyong paggabay at pagtulong sa ating mga mag-aaral. Inaasahan din ang
inyong kooperasyon upang lubos nilang maunawaan at malinang ang
kanilang kakayahan at tiwala sa sarili sa pagtugon sa mga aralin.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa upang gabayan ka sa iyong pagkatuto gamit


ang iyong sariling kakayahan. Layunin din nito na tulungan ka na matapos
ang mga kompetensiyang itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon sa loob ng
iyong tahanan.

Inaasahan na iyong matatapos ang mga itinakdang gawain sa tamang


oras. Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong mga kasagutan at ipasa
sa iyong guro.

2
LINGGO ARALIN PINAKAMAHALAGANG GAWAING
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
PAMPAGKATUTO
Ikasiyam na Aralin 9: Nabibigyang-kahulugan Paggawa ng
Linggo Batayang ang mga terminong Panukalang
Kaalaman sa akademiko na may Proyekto
Panukalang kaugnayan sa piniling
Proyekto sulatin CS_FA11/12PT-
0m-o-90
Ikasampung Aralin 10: Natitiyak ang mga Pagdebuho ng
Linggo Batayang elemento ngpaglalahad ng Replektibong
Kaalaman sa pinanood na episodyo ng Sanaysay
Replektibong isang programang
Sanaysay pampaglalakbay
CS_FA11/12PD-0m-o-89
Ikalabing- Aralin 11: Nakasusulat ng Paglikha ng
isang Linggo Batayang organisado, malikhain, Pictorial Essay o
Kaalaman sa wasto, at angkop na Lakbay-
Lakbay- paggamit ng wika Sanaysay
Sanaysay CS_FA11/12WG-0p-r-93
Ikalabing- Aralin 12: Nakasusulat ng suliraning Pagdebuho ng
dalawang Batayang batay sa maingat, wasto, isang sulatin sa
Linggo Kaalaman sa at angkop na paggamit ng napapanahong
Posisyong Papel wika CS_FA11/12WG-0p- Isyu.
r-93
Ikalabing- Aralin 14: Etika Naisasaalang-alang ang Paggawa ng
tatlong Linggo at etika sa binubuong bibliograpiya o
Responsibilidad akademikong sulatin Sanggunian
sa Pagsulat CS_FA11/12EP-0p-r-40

Week 9 Pagsulat ng Panukalang Proyekto


Alamin Natin
Ang pagsulat ay isa sa pangunahing kasanayan na natutuhan at pinauunlad sa
loob ng paaralan. Upang maging kasangkapan ang pagsulat sa buhay ng tao,
marapat itong lalong palakasin batay sa kahingian at pangangailangan ng panahon.
Sa nakaraang modyul, nalaman mo ang wastong pagtatala sa isang pulong
natukoy mo rin mula rito ang pagsasagawa sa pagkuha ng impormasyon bago ang
pulong, habang nasa pulong at pagtapos ng pulong. Nagamit mo rin ang kaalaman
na natutuhan mo sa nakaraang modyul na sadyang nagpahanga sa akin bilang iyong
guro dahil diyan binabati kita!

3
Ang modyul na ito ay may kaugnayan pa rin sa isang pagtatala at bahagi pa
rin ng pagsulat sa akademikong sulatin. Dito rin ay bubuo ka ng sarili mong
panukalang proyekto para sa inyong paaralan o komunidad na kinabibilangan.

Tuklasin Natin
Ano ang Panukalang Proyekto?
Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga
inihaing gawain na naglalayong lumutas ng suliranin. Ipinapapasa o iminumungkahi
pa lamang na proyekto. Isang aplikasyon tungkol sa pag aapruba ng isang proyekto.

Bahagi ng Panukalang Proyekto


1. Panimula - dito inilalahad ang mga rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o
motibasyon.
2. Katawan - dito inilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang
iminumungkahing badyet para sa mga ito
3. Kongklusyon - dito inilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto

Ano-ano naman ang mga Espesipikong Laman ng Panukalang


Proyekto?
1. Pamagat • Dapat na malinaw at maikli Halimbawa: “Panukala para sa TULAAN
2016 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”.
2. Proponent ng Proyekto • Tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi
ng proyekto isinusulat dito ang address, e-mail, cellphone o telepono, at lagda
ng tao o organisasyon.
3. Kategorya ng Proyekto • Ang proyekto ba ay seminar, o kumprensiya, palihan,
pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
4. Petsa • Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon
upang maisakatuparan ang proyekto?
5. Rasyonal • ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng
proyekto at kung ano ang kahalagahan nito.
6. Deskripsyon ng Proyekto • - Isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin,
nakadetalye dito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto
at ang inaasahang haba ng panahon
7. Badyet • Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto
ng proyekto
8. Pakinabang • Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan
nito-sa ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto?

Mga Dapat Tandaan Pagsulat ng Panukalang Proyekto


1. Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o
ahensiya sa pag-aapruba ng panukalang proyekto.
2. Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto.

4
Mahihirapang tumanggi ang nilalapitang opisina o ahensiya kung nakita nilang
malaki ang maitutulong nito sa mga indibidwal o grupong target ng proyekto.
3. Tiyaking malinaw, makatotohanan, at makatuwiran ang badyet sa gagawing
panukalang proyekto
4. Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi sa
panukalang proyekto. Gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap. Iwasan
ang maging maligoy. Hindi makatutulong kung hihigit sa 10 pahina ang
panukalang proyekto.

Suriin Natin
Panuto: Batay sa binasang teksto sa itaas, sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng salitang panukala? Ano ang kaugnayan nito sa paggawa
ng isang proyekto?
2. Batay sa kahulugan ng panukalang proyekto; ano pang ibang kahulugan ang
iyong maibibigay?
3. Ano ang pagkakaiba sa pagsulat ng panukalang proyekto sa lahat ng uri ng
sanaysay?
4. Bakit kailangang sumulat o gumawa ng isang panukalang proyekto bago
isagawa o ipatupad ang nasabing proyekto?
5. Sa iyong palagay, lahat kaya ng proyektong ipinatupad sa inyong paaralan o
pamayanan ay nagawan muna ng pagsulat ng panukala bago ito ipinatupad?
6. Bakit mahalagang maging makatotohanan ang ihahaing
panukalang proyekto?
7. Paano nalilinang ang mahahalagang kasanayan sa pag-iisip ng mag-aaral sa
pagsulat ng panukalang proyekto?
8. Sa iyong palagay, mahirap ba o madali ang gumawa ng panukalang proyekto?
Bakit?

Pagyamanin Natin
Gawain #1
Panuto: Balikan natin ang iyong binasang teksto. Sagutin ang mga katanungan sa
ibaba upang makita natin ang kaisipang nakapaloob sa teksto gamit ang iyong
natutuhan ukol sa yugto ng akademikong pagsulat.
Pansinin ang iba’t ibang salita mula sa tinalakay at bigyan ng kahulugan.
1. Panukala:
2. Panukalang Proyekto:
3. Badyet:
4. Lokasyon:
5. Proponent:

5
Gawain #2
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang pahayag ay mas mainam kapag ikaw ay
gagawa ng proyekto.
Sa pagsulat ng panukalang proyekto, kailangang bigyang-pansin ang
sumusunod na mga tanong:
Tanong na kailangang bigyang-pansin Mas
mainam
1. Ano ang nais mong maging proyekto?
2. Kahit ba walang layunin ay maaari sa panukalang proyekto?
3. Kailan at saan mo ito dapat isagawa?
4. Paano mo ito isasagawa?
5. Gaano katagal mo itong gagawin?
6. Aasa ba ako sa magulang ko sa gagamiting puhunan o
kapital para sa proyekto?

Isaisip Natin
Panuto: Gumawa ng isang panukalang proyekto sa sitwasyon sa ibaba. Sundin ang
rubriks.
Sitwasyon: Nabigyan ka ng pagkakataong manguna sa paggawa ng isang
proyektong sa tingin mo ay kailangang-kailangan na maisakatuparan. Pumili ng isang
proyektong nais mong magawa maaaring sa inyong pamayanan o paaralan. Bilang
unang hakbang ay kailangang sumulat ka muna ng isang panukala upang mahikayat
mo ang kinauukulang suportahan kang maipatupad ito. Tandaan ang mga natalakay
sa araling ito para sa gagawing sulatin partikular ang pagiging matapat lalo na sa
pagbibigay ng badyet para sa proyekto.
Pamantayan 25 18 7 Kabuoan
Nilalaman Nakasusulat Hindi sapat Hindi
nang ang pagsulat nakapaglatag ____ / 25 =
mataman at nang ng wastong
organisadong mataman at pagsulat
sulatin organisadong
sulatin
Daloy ng Nakasusulat Bahagyang Hindi
pagpapahayag ng batay sa nakasusulat nakasusulat ____ / 25 =
maingat, ng batay sa ng batay sa
wasto at maingat, maingat,
angkop na wasto at wasto at
paggamit ng angkop na angkop na
6
wika paggamit ng paggamit ng
wika wika.
/ 50 puntos

Week 10 Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


Alamin Natin

Sa nakaraang modyul ay nalaman mo ang hakbangin sa pagbuo ng isang


panukalang proyekto bago isagawa ito na alam kong nagamit mo rito ang iyong
napag-aralan sa nakaraang modyul lalo na ang mga hakbang sa pagsulat ng
akademikong sulatin. Alam kong naging hamon sa iyo lalo na at bago ang mga nakita
mong terminolohiya na sa huli ay iyo namang napagtagumpayan. Pagbati sa iyo!
Ito ay may kaugnayan sa gamit ang iyong damdamin magaan ang akademikong
sulating ito kumpara sa ibang sulatin. Sa bahaging ito nais kong ipaliwanag sa iyo ang
hakbangin sa pagsulat habang ginagamit ang iyong pagiging mabuting tao.

Tuklasin Natin
Kahulugan
“Repleksyon" (reflection) - Ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw
- Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa
- Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa.
- Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at
damdamin sa isang partikular na pangyayari.
- Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik
- Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at
mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay
ang mga batayan o talasanggunian
Bahagi ng Replektibong Sanaysay
INTRODUKSYON
Maaaring ang nilalaman ng simula ay sumasagot sa mga
katanungan:
• Ano ang aking nararamdaman tungkol sa paksa?
• Paano ito makakaapekto sa aking buhay?
• Bakit hindi ito makakaapekto sa aking pagkatao?
Dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa ang introduksyon
maaring gumamit ng quotation, tanong, anekdota, o karanasan.
KATAWAN
• Dito inilalahad ang pantulong na kasipan tungkol sa paksa na inilahad sa
panimula.
• Maglagay ng mga obhetibong datos batay sa iyong

7
naobsebahan o naranasan sa pagpapatibay ng itong kaisipan.
• Dito rin makikita ang napagnilayan at natutunan.
WAKAS o KONGKLUSYON
• Muling banggitin ang pangunahing paksa ng sanaysay.
• Lagumin ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo
magagamit ang iyong mga natutunan sa buhay sa hinaharap.
• Maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa.
Konsiderasyon sa Pagsulat
1. Naglalahad ng interpretasyon
2. Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na
kailangang gamitin.
3, Pagandahin ang panimulang bahagi
4. Nagtatalakay ng ibat-ibang aspeto ng karanasan
5. Ang konklusyon ay dapat magkaroon ng repleksyon sa lahat ng
tinalakay.
6. Kinakailangan na malinaw na nailahad ang kanyang punto upang maintindihan
ng mga mambabasa.
7. Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
1.) Dapat may tiyak na paksa/tesis
2.) Isulat gamit ang unang panauhang Panghalip (ako, ko, akin)
3.) Magtaglay ng katotohanan
4.) Gumamit ng pormal na salita (akademikong sulatin ito)
5.) Gawing malinaw & madaling maunawaan ang pagpapaliwanag ng ideya
6.) Sundin: tamang structure (intro, body, conc)
7.) Lohikal & organisado ang mga talata
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
1) Gumawa ng balangas ukol sa mahalagang punto.
2) Tukuyin ang mga konsepto o teyorya na kaugnay sa paksa.
3) Ipaliwanag kung paano ang iyong pansariling karanasan at pilosopiya ay
nakaapekto sa pag-unawa sa ng paksa.
4) Talakayin ang konklusyon at kahihinatnan ng repleksyon.
“Sining ng Paglalahad”
Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at
damdamin sa isang partikular na pangyayari.
• Isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o
ideya.
1. Sapat na kaalaman on impormasiyon sa pakasang tinatalakay.
2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan.
3. Malinaw at maayos na pagpapahayag.
4. Paggamit ng mga pantulong upang madali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag.
5. Walang pagkiling sa anomang bagay na nasasaklaw ng tao. (Jose
Arrogante,2010)

8
Bago natin pag-usapan ang replektibong sanaysay, alamin muna ang pakahulugan
sa uri ng sanaysay.
Dalawang Uri ng Sanaysay
• PORMAL - Nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at
bunga ng isang maingat na pagtitimbang ng mga pangayayari at mga kaisapin.
Tinatawag din itong impersonal o siyentipiko.
• IMPORMAL - Nagbibigay diin sa isang istilong nagpapamalas ng katauhan ng
may-akda, karaniwan itong may himig na parang nakikipag-usap ng isang
panuntunan sa buhay. Tinatawag ding pamilyar o personal
• Pagsasalaysay
• Paglalarawan
• Mapag-isip o di-praktikal
• Kritikal o mapanuri
• Didaktiko o nangangaral
• Nagpapaalal
• Editoryal
• Maka-siyentipiko
• Socio-political
• Sanaysay na pangkalikasan
• Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan
• Magpagdili-dili o replektibo

Suriin Natin
Gawain #1
Panuto: Muli mong balikan ang iyong binasang teksto. Sagutin ang mga
katanungan sa ibaba upang makita natin ang kaisipang nakapaloob rito.
1. Ano ang paglalahad bilang isang sining? Paano ito naiiba sa ibang sulatin?
2. Isa-isahin ang katangian, bahagi ng paglalahad.
3. Ibigay ang kahulugan at pagkakaunawa sa sanaysay bilang isang
akademikong sulatin.
4. Ano ang replektibong sanaysay? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng sulatin?
5. Isa-isahin ang mga paksang maaaring gawin ng replektibong sanaysay. Alin
sa mga ito ang sa palagay mo’y madali mong magagawan ng sariling
replektibong sanaysay?
6. Bakit kailangang gumamit ng pormal na salita sa pagsulat ng replektibong
sanaysay?
7. Isa-isahin ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng replektibong
sanaysay.
8. Bakit kailangang walang kinikilingan kapag sumusulat ng isang sanaysay?

Gawain #2
Panuto: Araw-araw ay nakakikita tayo ng mga sitwasyong minsan ay ikinagugulat
natin. Nagtataka man ay mapag-iisip ka na lang kung bakit kaya nangyari o
nangyayari ang ganito.

9
Magbalik-tanaw sa ilang pangyayaring iyong pinagtakhan o ikinagulat sa

Mga Pangyayaring Dahilan ng Pangyayari Naging Realisasyon sa


Ikinagulat/Pinagtakhan Sarili
(Itala ang mga ito)

1.

2.

3.

pamamagitan ng pagpuno sa sumusunod na talahanayan:

Pagyamanin Natin

Panuto: Naaalala mo pa ba ang mga pangyayari sa iyong buhay nang ikaw ay


10 taong gulang? Itala ang tatlong mahahalagang karanasan na hindi mo
malilimutan. Ipaliwanag kung bakit hindi mo rnalilimutan ang mga ito at ano ang
nagawa ng mga ito sa iyong sarili?

Isaisip Natin

Panuto: Gumawa ng isang replektibong sanaysay batay sa sitwasyon sa ibaba.


Sundin ang rubriks.
Sitwasyon: Gamitin ang iyong natutuhan sa araling ito. Sumulat ng replektibong
sanaysay batay sa viral video blog ni “Buknoy Glamur” tungkol sa “Tricycle driver
ka lang Isyu”. Isaalang-alang ang pamantayan sa ibaba sa pagsulat.

Ikaw ay mamarkahan gamit ang rubriks na ito:


Pamantayan 25 18 7 Kabuoan
Nilalaman Nakasusulat Hindi sapat Hindi
nang ang pagsulat nakapaglatag ____ / 25 =
mataman at nang ng wastong
organisadong mataman at pagsulat
sulatin ayon organisadong
sa nillaman sulatin
ng paksa
10
Daloy ng Nakasusulat Bahagyang Hindi
pagpapahayag ng batay sa nakasusulat nakasusulat ____ / 25 =
maingat, ng batay sa ng batay sa
wasto at maingat, maingat,
angkop na wasto at wasto at
paggamit ng angkop na angkop na
wika paggamit ng paggamit ng
wika wika.
/ 50 puntos

Week 11 Pagsulat ng Lakbay Sanaysay


Alamin Natin
Naging maayos ba ang iyong pagsagot sa nakaraang modyul? Ang bahaging
ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang madali mong
maunawaan ang araling iyong matutunghayan. Ang nakaraang modyul ay higit na
makatutulong sa iyo dahil halos konektado ang dalawang sulatin.
Inaasahan kong makalilikha ka ng isang akademikong sulatin mula sa iyong
sariling karanasan mo sa iyong nakaraang paglalakbay.

Tuklasin Natin
Mahilig ka bang maklakbay o mamasyal sa iba’t ibang lugar? Ano-ano sa mga
lugar na napuntahan mo ang iyong labis na naibigan?
Likas sa mga Pilipino o sa bawat tao ang pumunta sa iba’t ibang lugar upang
maglibang o magliwaliw. Sa kasalukuyan, ang paglalakbay o pagsasagawa ng
‘tour’ ay itinuturing nang isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami.
Kaya naman, bagama’t minsan ito ay magastos, ito ay pinag-iipunan at kasama
na sa plano ng maraming tao taon-taon. ‘ika nga, maraming bagay ang natutuhan
sa paglalakbay. Mga karanasang di mababayaran.
“Kahulugan at Katuturan ng Lakbay Sanaysay”
Ang paglalakbay ay laging kinapapalooban ng mayayamang karanasan. Ito ay
kadalasang punumpuno ng masasayang pangyayari,pagkamangha, o paghanga
sa magagandang lugar na unang napuntahan at mga alaalang magiging bahagi ng
buhay ng tao. Ang mga lugar na sa aklat mo lang makikita ay nagkakatotoo at
buhay na buhay sa iyong paningin at pandama.Ngunit ang alaalang ito ay agad
ding naglalaho kasabay ng pagpanaw ng karanasang ito.
Lakbay-Sanaysay tinatawag ding travel essay o travelogue.Isang uri ng
lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa
paglalakbay. Ayon kay Nonon Carandang, tinatawag niyang sanaylakbay kung
saan ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya, binubuo ng tatlong konsepto:
1. Sanaysay

11
2. Sanay
3. Lakbay.
Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin
upang maitala ang mga naranasan sa paglakbay.

Mga Dahilan sa Pagsulat ng Lakbay- Sanaysay


Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay
(2013), may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay.
1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.
Halimbawa nito ay ang paggawa ng travel blog kung saan ito maituturing na
isang libangan at ito naman ay pwedeng pagkakitaan.
2. Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay.
3. Sa lakbay-sanaysay, maari ding itala ang pansariling kasaysayan sa
paglalakbay tulad ng espiritwalidad,pagpapahilom o kaya'y pagtuklas sa sarili.
4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan.
Anoman ang dahilan ng paglalakbay, ang lakbay-sanaysay ay kadalasang
naglalaman ng tala ng karanasan ng awtor o sumulat ng paglalakbay.
Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karansan at
kasiyahan sa paglalakbay.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-sanaysay,
dapat na isaisip ng manlalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang
isang turista kundi manlalakbay. Mahalaga din nmalinaw sa kaniyang isip ang
kanyang pakay at layunin.
Kadalasan kasi ang isang turista ay pumupunta sa isang lugar para
maglibang,magliwaliw at makita ang magandang tanawin. Karaniwan nito ay may
nakatakda nang itinerary o talaan ng magagandang lugar na pupuntahan.
Samantala, para sa isang manlalakbay ay pangalawa nalamang ito dahil
kasabay ng kanyang paglalakbay ay sinisikap niyang maunawaan ang kultura ng
lugar, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain at mga araw-araw na
pamumuhay ng tao. Mahalaga ito para sa kanyang pagsulat ng lakbay-sanaysay
dahil hindi lamang ito nakabatay sa larawan ang mga impormasyon kundi para
sa malalim na pagpapaliwanag at paglalarawan ng bagay o lugar na kanyang
nakita o namalas.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista
Ginagamit ang punto de-bista sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Karamihan sa
nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig, naunawaan, at naranasan
ng manunulat. Kadalasan napakapersonal ng tinig ng lakbay-sanaysay.
Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon
o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman sa pagkatuto sa isang paglalakbay.
12
Tumutukoy rin ito sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at sa mga pagmumuni
ng karanasan sa proseso ng paglalakbay.
Bukod sa matamang obserbasyon hinggil sa paligid o panyayari, mahalagang
maranasan ng manlalakbay ang mga bagay-bagay upang lubos na maunawaan
at mabigyang kahulugan ang pangyayari.
Subukan na maisali ang sarili sa mga gawain bilang bahagi na rin ng imersiyon
sa mga pangyayari.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay
Mahalaga ring matukoy kung ano ang magiging pokus ng susulating lakbay-
sanaysay batay sa human interact. Tandaan na iba-iba ang kinahihiligan o
kinawiwilihang paksa na maaring itampok sa paglalakbay at maging sa pagsulat
ng lakbay-sanaysay.
• Ito ay maaring ibatay kung anu ang dahilan o layunin ng paglalakbay
• Maaaring tungkol sa espiritawal na paglalakbay
• Maaaring pagtatampok naman ng magagandang pook, kilalang landmark at
iba pang establisimiyento
• Maaaring gawing paksa ang hayop o halaman, kakaibang bagay, mga
pagkain, libangan, kultura at marami pang iba
Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makakatulong upang matiyak ang sakop
ng nilalaman ng lakbay-sanaysay. Tinatawag itong "delimitasyon" sa pagsulat ng
isang akda.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa
dokumentasyon habang naglalakbay.
Mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay
ay ang (Panulat, kuwaderno o dyornal, at kamera.
Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar,kalye ,restroom,
gusali atbp. Ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang lugar na
nakita o napuntahan ay magbibigay kredibilidad sa sanaysay.
Halimbawa ng isang mahusay na lakbay-sanaysay na ginawa nina Gng. Teresita
Buensuceso at G. Ariel Marasigan. Basahin at suriin kung paano nila ito binuo
batay sa balangkas na makikita .
• Uri ng kaisipan ng sumulat
• Panauhang ginamit sa pagsulat
• Pokus ng lakbay-sanaysay
• Mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
• Teknikal na pagkakasulat ng sanaysay
(kaisahan,kalinawan,kawastuhan,kasangkupan)
Mahalaga ang pagkuha ng larawan dahil makakatulong ito para sa wastong
dokumentasyon ng sanaysay. Maaaring ilagay ang eksaktong lokasyon kung
saan ito matatagpuan, maikling deskripsyon nito o kaya naman ay maikling
sanaysay nito.
5. Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsiyon upang ito ay kawilihan
ng mambabasa.

13
Suriin Natin
Gawain #1
Panuto: Balikan natin ang tekstong “Pagsulat ng Lakbay Sanaysay”. Sagutan mo
ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ibigay ang kahulugan at pagkaunawa sa lakbay-sanaysay bilang isang


akademikong sulatin.
2. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng lakbay-sanaysay sa pictorial
essay?
3. Paano ito naiiba sa replektibong sanaysay?
4. Isa-isahin ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
5. Sa iyong palagay, bakit sinasabing kailangang magkaroon ng kaisipang
manlalakbay ang isang manunulat sa halip na isang turista?
6. Anong panauhan ang dapat gamitin sa pagbuo ng lakbay-sanaysay? Bakit
tamang sundin ang panauhang ito?
7. Bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng
pictorial essay?
8. Paano mo mabubuo nang maganda at kahika-hikayat ang isang pictorial
essay?

Pagyamanin Natin

Gawain #2
Panuto: Basahin ang isang lakbay-sanaysay na naranasan ng isang manialakbay.
Sagutan ang katanungan sa ibaba sa iyong kuwaderno.
Tara na, Biyahe na Tayo!
Noong Agosto 20, 2016, nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang
karanasan sa paglalakbay sa Romblon kasama ang aking mga kaibigan. Ito ang
unang karanasan ko na sumakay sa malaking barko. Maganda at maayos ang barko
na aming sinakyan. Tamang-tama sa presyo—medyo mahal kompara sa ibang barko
na mura nga subalit hindi gaanong maayos ang loob.
Ang barkong aming nasakyan ay may tatlong uri ng higaan para sa mga
pasahero. Ang unang uri ay nasa itaas na bahagi at may mga higaang parang nasa
pampublikong pagamutan. Pangalawang uri ay ang tinatawag na tourist, higit na
maayos kaysa sa una. Pangatlong uri ay ang tinatawag na cabin na may sariling
kuwarto ang mga pasahero. Naalala ko tuloy ang isang bahagi ng Noli Me Tangere,
tungkol sa barko kung saan inilalarawan ang uri ng mga mamamayan sa lipunan, may
mayaman, katamtamang buhay, at mahirap.
Nagsimula nang maglakbay ang barko sa amjng destinasyon. Matapos
naming mailagay ang mga gamit sa aming lugar ay nagyaya ang mga kasama ko na
umakyat sa itaas dahil maganda raw pagmasdan ang paglubog ng araw. Nang mga
sandaling iyon ay malapit nang mag-agaw ang dilim at liwanag.

14
Medyo malakas ang alon kaya mararamdaman mo ang kaunting paghampas ng mga
ito sa barko. Magkagayunman, napakasarap damhin at langhapin ang sariwang
hangin habang minamasdan mo ang pagkulimlim ng araw sa paglubog nito. Hindi
maalis sa isip ko na maihambing sa buhay ng tao ang paglubog ng araw. Isang
pamamaalam o isang kamatayan ngunit may bukas na naghihintay. Sumasagi tuloy
sa aking alaala ang mapait na kuwento ng aking kaibigang marinero.
Mahirap daw ang buhay ng isang marinero. Palaging nasa barko at lagi mong
natatanaw ang paglubog at pagsikat ng araw. Ang pinakamahirap na kanyang
naranasan ay ang pakikidaop sa kalikasan na parang nakikipagpatintero kay
Kamatayan. Ang sigwa ng bagyo sa gitna ng laot ay hindi basta-basta kinakalaban.
Tunay na matatawag mo ang lahat ng santo dahil bukod sa matatalim na kidlat ay
masasagupa rin ninyo ang malahiganteng alon na sa sandaling magkamali sa pagpihit
ng manibela ng barko ay mauutas ang buhay nang ganoon na lamang.
Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang nagsigawan ang mga
tao. Tuwang-tuwa sila sa mga dugong na sumisisid pagkatapos ay pumapailanlang
sa itaas. Grabe! Pati ako ay natuwa kung kaya’t kinuha ko ang aking cell phone at
inabangan ang pag-ibabaw nilang muli upang mag-selfie kasama ng mga dugong.
Wow! Ayos. Ang galing. Nakuhanan ko sila kasama ang aking sarili. Nice selfie.
Ilang oras pa ang lumipas at wala na ang mga dugong sapagkat ganap na ang
dilim. Wala ka nang mamamalas sa gitna ng dagat kundi ang kadiliman. Kadilimang
simbolo ng hungkag na buhay at baIt ng kalungkutan na larawan ng kawalang pag-
asa.
Ayaw ko nang patagalin pa ang pagtitig ko sa kadiliman dahil naIulungkot ako.
Ayoko ng malungkot na buhay. Ayaw ko sapagkat nananariwa ang mga alaala ng
mapapait na kahapon ng aking buhay na minsan nang nasadlak sa gitna ng dilim.
Minabuti ko na lamang na ayain ang aking mga kasama upang magpahinga sa aming
higaan sa gitnang bahagi ng barko.
Pagbaba namin, marami na ngang mga natutulog na pasahero at may iba
namang nagkukuwentuhan. Ilan sa mga kasama ko ay nagkukuwentuhan habang
nakahiga at paminsan-minsan ay nakikisall ako hanggang sa ako ay makatulog na.
Nagising na lamang ako dahil sa isang announcement na dadaong na ang
aming sasakyan sa Romblon sa loob ng sampung minuto.
Sa wakas, bababa na rin kami at maluwalhating makararating sa aming
destinasyon.

Sagutin ang mga katanungan. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.


1.Paano tinukoy at inilarawan ng may-akda ang barko? Isulat ang mga pahayag dito.
2.Ano-anong bagay sa kapaligiran ang binigyang-pansin ng may-akda? Paano niya
ito binigyan ng paglalarawan? Itala ang mga pahayag dito.
3.Ano ang mahalagang impormasyong natutuhan mo sa binasang lakbay-sanaysay?

Gawain #3
Panuto: Gumawa ng isang lakbay sanaysay batay sa sitwasyon sa ibaba. Sundin ang
rubriks.
Manood ng isang episodya ng Biyahe ni Drew gawin itong inspirasyon sa paglikha
mo ng sariling lakbay-sanaysay.

15
Gumawa at sumulat ng lakbay-sanaysay tungkol sa isang maganda at
makasaysayang lugar na napuntahan mo sa Pilipinas. Gawin ang makakaya upang
mabuo ito nang maganda at kahika-hikayat.
Ikaw ay mamarkahan gamit ang rubriks na ito:
Pamantayan 25 18 7 Kabuoan
Nilalaman Nakasusulat Hindi sapat Hindi
nang ang pagsulat nakapaglatag ____ / 25 =
mataman at nang ng wastong
organisadong mataman at pagsulat
sulatin ayon organisadong
sa nillaman sulatin
ng paksa
Daloy ng Nakasusulat Bahagyang Hindi
pagpapahayag ng batay sa nakasusulat nakasusulat ____ / 25 =
maingat, ng batay sa ng batay sa
wasto at maingat, maingat,
angkop na wasto at wasto at
paggamit ng angkop na angkop na
wika paggamit ng paggamit ng
wika wika.
/ 50 puntos

Isaisip Natin
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang pahayag kung ito’y tumutukoy sa mga bagay na
dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay. At ekis ( X ) naman kung ito ay
mali. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang pagsulat nito ay dapat nasa ikalawang panauhan.
2. Hindi mahalagang itala ang petsa at lugar kung saan isinasagawa ang
paglalakbay kung
gagamitin ang pictorial essay.
3. Mahalagang mailahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa pagsulat.
4. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin,
talasan
ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy,
sensitibong
lasahan ang pagkain.
5.Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na
ideya.
Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit
ang mga
malikhaing elemento

16
Week 12 Pagsulat ng Posisyong Papel
Alamin Natin
Sa nakaraang modyul, pinag-aralan mo ang pagsulat ng lakbay sanaysay
aminin mo ikaw ay naging interesado dahil binalikan mo ang magagandang tanawin
na iyong napuntahan. Binabati kita! dahil nagkaroon ka ng isang mahusay na pagsulat
ukol dito.
Marahil ikaw ay marami-rami ka na ring natutuhan mula sa nakaraang aralin.
Sinisigurado ko na magagamit mo ito sa bagong yugto.
Dito’y mararanasan mong manindigan ipagtanggol ang iyong ideya batay sa
tiyak na datos. Nais kong matutuhan mo rito na manindigan ka subali’t dapat na ikaw
ay may pinanghahawakan maging ito man ay mula sa sanggunian o maging opinyong
sa prominenteng personalidad upang maging ganap ang iyong pinaglalaban.

Tuklasin Natin

Kahulugan at Katuturan ng Posisyong Papel


Kahulugan
• Isang paraan upang ipahayag ang paninindigan.
• Sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o
usapin. Dito, kailangang pumosisyon sa isang panig.
• Anuman ang posisyon, kailangang magbigay ng malinaw at matatag na
argumento at mga makatuwirang ebidensiyang susuporta sa mga ito sa kabuuan
ng papel.
Katangian
• Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang
basehan sa likod nito.
• Nakabatay sa facts (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng
matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento.
• Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig.
• Gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad.
• Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon
maging ang sa kabilang panig.
• Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at nagmumungkahi
ng mga maaaring gawin upang matamo ang layunin.
• Gumagamit ng akademikong lengguwahe.
Layunin
• Mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may
katotohanan.
• Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong pinaglalaban gamit ang

17
mga ebidensyang magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan.
• Kumbinsihin ang mga mambabasa na may saysay at bisa ang mga argumentong
inihain sa kanila.
Hakbang sa Pagsulat
• Bago magsulat ng posisyong papel, kailangan munang tukuyin ang isyu o
paksang magiging tuon ng papel.
• Kapag malinaw na ang paksa, magpasiya kung ano ang magiging posisyon.
• Sa introduksiyon, talakayin ang kaligiran at kahalagahan ng paksa at ilahad ang
iyong posisyon o ang tesis ng sanaysay. Isulat ito sa paraang nakapupukaw ng
atensiyon.
• Simulan ang katawan ng posisyong papel sa pamamagitan ng pagbubuod ng
mga argumento ng kabilang panig at pagbibigay ng mga impormasyong
sumusuporta sa mga pahayag na ito.
• Pagkatapos, pahinain ang mga argumentong ito sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga ebidensiyang sumasalungat sa mga ito.
• Isa-isahin ang mga argumento, opinyon, at suportang detalye.
• Isaalang-alang ang mga magbabasa ng posisyong papel. Sila ba ay mga guro,
kapuwa estudyante, o iba pa?
• Ang pagbuo ng argumento ay nakasalalay sa pagkilala kung sino ang
mambabasa.
• Sa konklusyon, muling ilahad ang mga pangunahing argumento at patatagin ang
introduksiyon at katawan ng papel.
• Sa bahagi ring ito, magmumungkahi ka ng mga solusyon sa nakikitang problema.
• Kailangan ding isaalang-alang ang etika sa bubuuing posisyong papel.
• Iwasan ang pag-atake sa katauhan ng sinumang may salungat na opinyon.
• Ang ganitong pag-atake ay tanda ng kawalan ng respeto at pagkakaroon ng
mahinang argumento.
• Maging lohikal at magtuon lamang sa isyu.
• Maghain ng mga argumentong sinusuportahan ng mga ebidensiya at iwasang
baluktutin ang mga impormasyon.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat


• Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.
• Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
• Sapat na katwiran at katibayang makapagtunay.
• Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang
makapanghikayat
• Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa
pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
• Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran.

Suriin Natin
18
Gawain #1
Panuto: Balikan natin ang teksto. Sagutan mo ang sumusunod na
tanong at isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.
1. Ano ang layunin ng pagsulat ng posisyong papel?
2. Ano ang kaugnayan ng pagsulat ng posisyong papel sa pangangatwiran?
3. Ano-ano ang dapat na isaalang-alang para sa isang mabisang pangangatwiran?
4. Bakit nasabing bukod sa paglalahad ng argumentasyon at
pangangatwiran ay isang agham na kinapapalooban ng mga
katibayang kinalap sa pamamagitan ng pananaliksik ang isang
posisyong papel?
5. Ilahad ang dalawang uri ng ebidensiyang magagamit sa pangangatwiran.

Pagyamanin Natin
Gawain #2
Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng posisyong papel. Sagutin ang
katanungan sa ibaba.

18 ng Mayo, 2014
Dr. Patricia Licuanan
Chairperson Commission on Higher Education (CHED)
HEDC Building, C.P. Garcia Avenue
UP Diliman, Quezon City

Mahal na Dr. Licuanan,

Magalang at taos po sa aming puso na idinudulog sa inyong butihing tanggapan


ang posisyong papel na ito ng Kagawaran ng Filipino ng Adamson University,
hinggil sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo, at
pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa
kolehiyo. Naniniwala ang aming kagawaran na dapat gamitin ang wikang Filipino
bilang mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education
Curriculum (GEC), sapagkat ang wikang Filipino ay hindi lamang epektibong
instrumento sa pakikipagtalastasan kundi mabisang elemento sa pagpapayaman
at pagpapaunlad ng mga kaalaman at kasanayan sa mga asignaturang gumagamit
ng Filipino bilang wikang panturo. Kaugnay nito, nagsisilbing buhay ng bawat
Pilipino upang lubusang makilala ang sariling pagkakakilanlan ng lahi na
mapagbuklod tungo sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba at
mapahahalagahan ang minanang kultura ng ating bansa.

Bilang karagdagan, naniniwala pa rin kami na mabisang gamit ang Filipino sa


mabilis at mabuting pagkatuto ng mga mag-aaral na may pagpapahalaga na
mapaunlad sa kanilang sarili ang nasyonalismo kung gagamitin ang Filipino sa mga

19
asignatura tulad ng Agham Panlipunan, Edukasyong Pagpapakatao, Panitikan,
Humanidades, at iba pa. Ang pag-aalis ng Filipino sa akademikong konteksto ay
magbubunga ng pagkakawatak-watak sa kaisipan na lalong maging kolonyalismo
ang mentalidad ng mga mamamayang Pilipino at sisira sa mga kulturang
panrehiyon at paglabag sa itinadhana ng Konstitusyon na binigyang-halaga ni
dating Pangulo Manuel L. Quezon.
Ang wikang pambansang Filipino ay mahalagang elemento ng kasaysayan sa
daan-daang taong naging bahagi ng himagsikan noon at ngayon bago makamit
ang kasarinlan nang paglaya. Hindi dapat mawala ang asignaturang Filipino sa
kolehiyo. Bagkus, dapat gamitin ito bilang susi sa pambansang pagkakaisa at
pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagpapanatili bilang kurso. Ang pag-aalis ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo ay siyang magwawasak sa inihahandang
intelektuwalisasyon ng Filipino tungo sa pagpapauniad at pagpapataas- nito sa
antas ng edukasyon. Naninindigan ang kagawaran na ipatupad ang isinasaad sa
1987 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6 na nagsasabing ang Filipino ang dapat
maging midyum ng opisyal na komunikasyon at ng sistemang pang-edukasyon,
hindi maipatutupad ang atas na ito kung walang wikang Filipino bilang asignatura
sa kolehiyo. Dahil dito, naniniwala ang kagawaran na gamitin ang wikang Filipino
sa lahat ng antas ng edukasyon dahil hindi sapat ang pagkatuto sa Filipino ng mga
mag-aaral na nasa elementarya hanggang senior high school, kaya marapat
lamang na maipagpatuloy ang pagkatuto sa Filipino sa antas kolehiyo. Hinggil
naman sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa
kolehiyo, sumusuporta kami sa pagkakaroon ng 12 yunit ng asignaturang Filipino
na may multi/interdisiplinaryong disenyo, dahil ito ang magiging batayan na
magiging ganap ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral kung
madaragdagan ang mga asignatura na Filipino sa lahat ng antas ng pagkatuto sa
kolehiyo. Katulad ng iba pang mga institusyon, naniniwala kaming tungkulin ng
bawat isa na matutuhan ang wikang Filipino hindi lamang sa kolehiyong
nasasakupan nito kundi sa buong rehiyong nasasakupan ng Pilipinas. Tulad ng iba
pang mga institusyon, ang aming pamantasan ay katuwang sa paghubog ng mga
mag-aaral na rnapaunlad ang kanilang kaalaman at kahusayan na magsisilbing
puhunan upang maging mabuting tagapaglingkod sa bansa. Naniniwala kami sa
isang makatarungan at malayang edukasyon.
https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-posisyong-papel/
Sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
2. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong
papel?
3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito
mahalaga?
4. Ano-ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
5. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?

Gawain #3
Panuto: Gumawa ng isang posisyong papel batay sa sitwasyon sa ibaba. Sundin
ang rubriks.
Proseso: Tanungin/kapanayamin ang tatlong miyembro ng iyong pamilya.
Pakinggan ang kanilang sasabihin ukol sa pagsang-ayon o pagsalungat sa iba’t
ibang isyu.
20
Isyu: Pagsang-ayon o Pagsalungat sa Pagpapauwi sa Kaniya-kaniyang probinsiya
ng OFW sa kabila ng kinakaharap na pandemya (COVID 19) sa bansa.

Batay sa nakalap na sagot ng mga kamag-aral, gawan ito ng konklusyon at


rekomendasyon.
Konklusyon
• Tumutukoy ito sa posibilidad na kahantungan ng pagsusuri o pagbibigay ng
desisyon batay sa nakuhang datos o impormasyon.
• Nagmumula ito sa mga detalye na nakuha natin sa dating alam o iskema
upang bumuo ng bagong kaisipan na salamin sa pagdedesisyon sa natuklasan
o napatunayan.

Rekomendasyon
• Tumutukoy ito sa bahagi ng pagbibigay ng mungkahi upang palawikin o
ipagpatuloy ang nilalamang pagsusuri. Nakatuon ang mungkahi sa mga programa,
polisiya, kaugnay na paksa, at iba pang hakbangin sa pagpapayaman ng isang
sulatin o gawain.
.
Ikaw ay mamarkahan gamit ang rubriks na ito:

Pamantayan 25 18 7 Kabuoan
Nilalaman Nakasusulat Hindi sapat Hindi
nang ang pagsulat nakapaglatag ____ / 25 =
mataman at nang ng wastong
organisadong mataman at pagsulat
sulatin ayon organisadong
sa nillaman sulatin
ng paksa
Daloy ng Nakasusulat Bahagyang Hindi
pagpapahayag ng batay sa nakasusulat nakasusulat ____ / 25 =
maingat, ng batay sa ng batay sa
wasto at maingat, maingat,
angkop na wasto at wasto at
paggamit ng angkop na angkop na
wika paggamit ng paggamit ng
wika wika.
/ 50 puntos

Isaisip Natin

Panuto: Pagsunod-sunurin ang hakbang sa pagsulat ng posisyong


21
papel. Lagyan ng ang bawat bilang, 1 ang una at 6 ang huli sa
hakbang :

1. Pagbuo ng balangkas ng posisyong papel.


2. Pagbuo ng thesis statement o pahayag na tesis.
3. Pagpapatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya
4. Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
5. Pagsubok ng katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
6. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.

Week 13 Etika at Responsibilidad sa Pagsulat


Alamin Natin

Sa nakaraang modyul, nalaman mo ang tungkulin ng akademikong sulatin


para sa iyong kurso, mula rito natukoy mo ang gamit nito sa iyo at kung paano mo
ito pauunlarin sa sarili mong larangan. Nagamit mo rin ang kaalaman na natutuhan
mo sa mga nakaraang modyul na sadyang nagpahanga sa akin bilang iyong guro
dahil diyan binabati kita!
Dito ay may kaugnayan sa mga dapat isaalang-alang ng tulad mong
manunulat. Magsisilbi itong gabay upang ikaw ay gumawa ng wasto at manatiling
matuwid. Dito inaasahan kong mapagbulay-bulayan mo na ang pangongopya ay
hindi kailanman tama, Makikita mo rin na ang pag-aari ng iba ay masamang kunin.

Tuklasin Natin

MGA GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK, PLAGIARISM AT MGA


RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

Naitala ang pinakaunang paggamit ng salitang etika noong ika-14 siglo ayon sa
diksyonaryong Merriam Webster (2014).
Nagmula ang salita sa Middle English na ethik, mula sa griyegong ethike, na galing
naman sa katagang ethiko. - Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang
pamamaraan ng pamumuhay at pakikipag-kapuwa. - Ayon sa Free Dictionary
(2014), ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at paguugali batay
sa mga katanggap tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali.

Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at


mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao. Kung ilalapat ito sa pagsasagawa ng
pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang ito ay pagsunod sa
mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan, at pagpapanguna
22
sa kapakanan ng

MGA GABAY SA ETIKAL NA PANANALIKSIK


1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik  Gaya ng nabanggit sa
unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang
pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami
nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong unawain at
pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at
iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan
ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may
malasakit at iisang layunin.
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok  Kinakailangang hindi pinilit ang
sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang
partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey,
pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga
tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang
partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang
bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang
paglahok sa kabila nito.
3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok 
Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon na
magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.
Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan
ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa
mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya’y
ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingin ang
permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.
4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik  Mahalagang ipaalam sa
mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng
pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa
komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at
pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa
mangilanngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga
kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo
ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik,
makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa
kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

GABAY PARA SA MGA ETIKA SA PANANALIKSIK (2014)


Mahalaga ang papel ng pananaliksik sa mga araling Filipino at Humanidades
kaya may matinding diin ang pamantasan sa mga karapatan at mga pananagutan
ng mananaliksik.

23
Ang gabay na ito sa mga etika sa pananaliksik ay naglalaman ng mga batayan
at istandard sa iba’t ibang proseso ng pananaliksik, kasama na ang ugnayan ng
mga mananaliksik/guro (para sa mga pangkatang proyekto), ugnayan ng
guro/tagapayo sa mga mag-aaral/mananaliksik, ugnayan ng mananaliksik at
kalahok/mga kalahok sa pananaliksik, ugnayan ng mananaliksik sa mga kasangkot
sa pag-aaral, at mga tungkulin at pananagutan sa paggamit, distribusyon, at
pagpapalaganap ng pag- aaral.
Nahahati sa tatlong bahagi ang gabay na ito, una ay may kinalaman sa
pangangasiwa at superbisyon ng guro/tagapayo sa pananaliksik ng mga mag-
aaral; ikalawa ay may kinalaman sa indibidwal na pananaliksik ng
guro/mananaliksik (kasama rito ang fellowships/grants); ikatlo, ay patungkol sa
mga saliksik na nais isagawa ng Kagawaran (kasama rito ang pangkatang saliksik
na lalahukan ng ilang guro ng Kagawaran).
1. Hinggil sa karapatang-ari sa pananaliksik
Maliban na lamang kung may ibang kasunduan sa pagitan ng mananaliksik at
tagasuporta ng pag-aaral, may karapatang-ari ang mananaliksik sa kaniyang pag-
aaral (datos, papel na isinulat), at hindi ito maaaring gamitin ninuman (para sa iba
pang pag-aaral at publikasyon) nang walang pahintulot mula sa mananaliksik.
2. Hinggil sa pananaliksik-artsibo
Bahagi ng etika sa pananaliksik ay ang pagtiyak na magsagawa muna ng
saliksik- artsibo ang mananaliksik/mag-aaral bago ito dumulog sa iba pang metodo
ng saliksik tulad ng mga panayam at sarbey. Kailangang magpakita ang
mananaliksik/mag-aaral ng kasanayan sa wastong pagtatala, pagsipi, at paggamit
ng mga sangguniang bunga ng pananaliksik sa artsibo, upang maiwasan ang
plahiyo (plagiarism).

Ilang gabay sa pangangasiwa ng pananaliksik ng mga mag-aaral at iba pang


gawain sa labas ng unibersidad:
Para sa mga gawain sa labas ng klase, gaya ng fieldtrip na nangangailangan
ng pagpasa ng papel bilang kahingian sa klase:
1) Ipaalam sa tagapangulo at mga kalihim ng Kagawaran ng Filipino kung may
gawain ang klase sa labas ng unibersidad, kung saan ito, kung kailan ang petsa
ng gawain, at kung ilan sa mga mag-aaral ang kalahok sa gawain.
2) Kailangang magpasa ng liham/waiver na napirmahan ng magulang/guardian ng
mga mag-aaral, para sa mga gawain sa labas ng unibersidad na may kinalaman
sa klase (fieldtrip, paggawa ng fieldwork at ethnographic research, pagsagawa ng
mga panayam at survey).
3) Sa paggawa ng mga mag-aaral ng kanilang pananaliksik na nangangailangan
ng partisipasyon ng mga indibidwal:
a) Tiyaking nagabayan ang mga mag-aaral sa proseso ng paggawa ng fieldwork,
lalo na kung sangkot ang/ang mga sensitibong paksa sa pag-aaral.
b) Ipaalala sa mga mag-aaral na humingi muna ng permiso sa/sa mga
kakapanayaming indibidwal, sa pamamagitan ng liham na naglalaman ng
paghingi ng pahintulot, na binigyang-pansin at may lagda rin ng
guro/tagapayo.

24
c) Mahalagang tiyakin muna ng guro na nabasa at naaprubahan niya ang
listahan ng mga tanong para sa sarbey/talatanungan, at mga tanong sa
panayam, bago makapagsagawa ng pananaliksik ang mag-aaral. Kailangang
napag-aralan na nang mabuti ng mag-aaral ang kaniyang paksa ng saliksik
bago magsagawa ng panayam, upang matiyak ang obhektibitad, pag-iingat,
at paggalang, sa kapapanayamin at sa proseso ng panayam at pangangalap
ng datos.
d) Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang humingi muna ng pahintulot sa
mga indibidwal na kalahok sa pananaliksik para sa mga hakbang na gagawin
sa pag-aaral, gaya ng pagkuha ng mga larawan, audio recording, pagkuha ng
video footage.

Para sa mga saliksik na nangangailangan ng partisipasyon ng mga menor de


edad at kalahok na may natatanging pangangailangan (special needs) gaya
ng mentally at physically challenged, miyembro ng indigenous community,
at iba pa.
Tiyaking mapangangalagaan ang karapatan, pangangailangan at kapakanan
ng mga kalahok na menor de edad at may natatanging pangangailangan,
Karapatan nilang makatanggap ng proteksiyong angkop sa kanilang edad at
natatanging kondisyon. Mahalagang may sapat na kaalaman at kasanayan ang
mananaliksik na iangkop ang metodo at wika ng kanyang pagsasaliksik sa edad at
wika ng kalahok. Kailangan ng pahintulot ng mga magulang o tagapangalaga ng
menor de edad. Maliban pa sa pahintulot ng mga magulang o tagapangalaga,
kailangan ding matiyak ang pahintulot ng mismong kalahok sa pagkakataong may
kapasidad na itong bumubo /magpahayag ng sariling opinion.
Upang matiyak ang informed consent sa kaso ng mga menor de edad at may
natatanging kondisyon na kalahok, mga magulang o tagapangalaga nila ang
hihingan ng pahintulot at kung gayo’y pipirma sa naturang form para sa mga ito.
Mga kahingian sa paglalagak ng impormasyong makapagbibigay kilanlan sa
indibidwal Mahalagang mailagak nang maingat ang anumang datos na
makapagbibigay kilanlan sa indibidwal. Hindi dapat malagak ang naturang mga
datos nang lampas sa inaasahang panahon na kakailanganin upang matamo ang
layunin ng pananaliksik.
Preserbasyon ng mga monumentong kultural, koleksiyong rare
Inaasahan ang maingat na pagsasaliksik sa mga monumentong kultural at
paggamit ng mga datos, lalo’t higi’t ang mga nasa rare at special collection, at na
ang mananaliksik ay makatuwang ng mga tagapag-ingat (tauhan ng silid aklatan,
artsibo, at iba pa) nito sa pananatili ng pisikal na kalidad ng mga nabanggit.
Ugnayan sa pagitan ng mag-aaral/mananaliksik at tagapayo
Pangunahing tungkulin ng tagapayo ang pangalagaan at protektahan ang
kapakanan (best interest) ng mag-aaral. Hindi niya kailanman maaaring abusuhin,
sa anumang paraan at dahilan, ang kanyang awtoridad sa magaaral. Hindi niya
maaaring gamitin ang kanilang propesyunal na ugnayan upang isulong ang sariling
pananaliksik o interes, o gamitin ang datos sa sariling pananaliksik.
25
Paggamit sa resulta ng pananaliksik
Katungkulan ng mga mananaliksik, prinsipat at mga katuwang na matiyak ang
katapatan ng presentasyon ng resulta ng pananaliksik. Hindi mapangangatwiranan
ang anumang paglihis sa alinmang bahagi ng pananaliksik upang maidirehe ang
resulta nito. Pagbabahagi ng resulta ng pananaliksik Tungkulin ng mananaliksik na
maipabatid nang malinaw at may pananagutan sa mga sangkot ng pananaliksik
ang resulta nito.
Hinggil sa Panggagalingan ng Pondo ng Pananaliksik
Inaasahan ang transparency hinggil sa pondong panggagalingan ng
pananaliksik. Malinaw na may pangangailangan, kung gayon, ng pagdeklara sa
pagmumulan ng pondo at pagpapakilala sa kalikasan ng ahensiyang pagmumulan
ng pondo nang sa gayon, tuwirang makikita ang posisyon ng mananaliksik at
pananaliksik mula sa interes ng nabanggit. Sa kaso ng nakontratang pananaliksik,
inaasahan ang malinaw na paglalatag sa papel (saklaw at hangganan) ng bawat
sangkot (stakeholders). Gayon pa man, sa kaso ng disenyo at aktuwal na proseso
ng pananaliksik, ang mananaliksik ang may higit na karapatang magdirehe nito.
Maliban sa mananaliksik (prinsipal at mga katuwang), inaasahan ang malinaw na
paglalatag ng mga ahensiyang sangkot sa pananaliksik gaya ng ahensiyang
pinagmumulan ng pondo, makikinabang o patutunguhan, indibidwal man o
pangkat/organisasyon/ahensiya o institusyon, lalo’t higit kung ito’y ebalwasyon at
tungo sa pagpapaunlad ng huli. Inaasahan din ang pagbibigay ng impormasyon
hinggil sa kalikasan ng mga naturang ahensiya at antas ng kanilang pakikisangkot
sa pananaliksik. Mahalaga rin ang pagkilala sa ahensiyang naglaan ng pondo para
sa pananaliksik sa bawat presentasyong gagawin at paglimbag ng resulta ng
pananaliksik.
Sinasabing ang etika ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano
ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at
halaga. Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang
pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala.
.Upang higit mong maunawaan ang aralin at matukoy ang anyo ng plaigiarism.

PLAGIARISM AT ANG MGA RESPONSIBILIDAD NG


MANANALIKSIK
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang
tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang
pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
IBA PANG ANYO NG PLAGIARISM:  pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng
iba;  hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag; 
pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag; 
pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit
pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala;  ang pangongopya ng
napakaraming ideya at pananalita sa
SUPER PLAGIARISM  Isa pang kaso ng plagiarism ang pagsusumite ng papel o

26
anumang produkto na gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite papel sa
iisang kurso (Council of Writing Administrator 2003). Itinuturing na rin na
paglabag ang redundant publication kung saan nagpapasa ang isang mananaliksik
ng iisang pagaaral sa dalawang magkaibang referred journal para sa publikasyon.
Kasama rin dito ang self-plagiarism kung saan ang bahagi ng pananaliksik ay
inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na pagbanggi kahit pa sarili ring
ideya ang pinagmulan nito
https://www.slideshare.net/MuelClamor/etikal-na-pananaliksik-at-
mga-responsibilidad-ng-mananaliksik

Suriin Natin

Panuto: Balikan natin ang teksto. Sagutan mo ang sumusunod na


tanong. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

1. Ano ang iligal na pangongopya (plagiarism)?


2. Ano ang mga karaniwang pamamaraan ng iligal na pangongopya ng mga mag-
aaral?
3. Paano maiiwasan ng mag-aaral ang iligal na pangongopya?
4. Magbahagi ng gabay sa mga etika ng pananaliksik at talakayin ayon sa
pagkaunawa

Pagyamanin Natin
Gawain #1
Panuto: Pumili sa paksa sa ibaba at ibigay ang gabay/etika at responsibilidad sa:

• Pagsusulit
• Pakikitungo sa iba

Etika at Responsibilidad

Paksa: _______________________________________

1. ______________________________________________________
2. ______________________________________________________
3. ______________________________________________________
4. ______________________________________________________
5. ______________________________________________________

27
Gawain #2
Panuto: Magbigay ng komento sa bawat sitwasyon, gawing malinaw ang
paglalahad.
1. Isa kang pinagkakatiwalaang empleyado sa inyong kompanya, nalaman mo ang
maruming pagpoproseso ng inyong produkto ilalabas mo ba sa publiko ang
isang balitang may kaugnayan sa “pagkasira” ng iyong ‘boss’ na nagtiwala sa
iyo at buong kompanya?
2. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigang nagbubukas ng kwaderno sa oras ng
inyong pagsusulit, anong aksyon ang iyong gagawin na hindi masisira ang
inyong pagkakaibigan?
3. Isa kang maaaring magiging ‘with high honors’ sa inyong paaralan. Paano mo
sasabihin sa inyong guro na ang inyong grupo ay sangkot sa ‘plagiarism’ sa
isinagawa ninyong pananaliksik na pinalakpakan pa naman ng buong klase?

Isaisip Natin

Gawain #3
Panuto: Isa sa mahalagang kasanayan ang paggawa ng bibliograpiya o
sanggunian para sa mga pinagkunan ng datos o impormasyon.

Magsaliksik ng limang (5) journal o artikulo sa internet, itala ang sumusunod na


datos.
1. Buong pangalan ng awtor
2. Taon kung kalian ito naisulat
3. Pamagat ng teksto/artikulo
4. Pamagat ng pinagkunang libro o sanggunian
5. Adres at pangalan ng palimbagan
.
Ikaw ay mamarkahan gamit ang rubriks na ito:

Pamantayan 25 18 7 Kabuoan
Nilalaman Nakasusulat Hindi sapat Hindi
nang ang pagsulat nakapaglatag ____ / 25 =
mataman at nang ng wastong
organisadong mataman at pagsulat/mar
sulatin ayon sa organisadong aming kulang
nillaman ng sulatin/may
paksa/komplet isa-dalawang
o kakulangan
Daloy ng Nakasusulat Bahagyang Hindi
pagpapahaya ng batay sa nakasusulat nakasusulat ____ / 25 =
28
g maingat, ng batay sa ng batay sa
wasto at maingat, maingat,
angkop na wasto at wasto at
paggamit ng angkop na angkop na
wika paggamit ng paggamit ng
wika wika
/ 50 puntos

Sanggunian

Bandril, Lolit T. AT Villanueva, Voltaire M. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan


(Akademik at Sining). Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. Vibal Group Inc.

Beruar, H. (2019, July 24) Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysayl [video].


Youtube. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=Ks6melgO7yk

BTS. (2019, January 10 Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel [video]. Youtube.


Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=SNjshUsJJHE

Dela Cruz, P. (2018, October 22) Kahulugan at Katuturan ng Posisyong Papel [video].
Youtube. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=RaLVymSIxrE

Dela Cruz, P. (2018, June 2) Kanlungan ni Joel Cabangon [video]. Youtube. Retrieved
from https://www.youtube.com/watch?v=DS1FNypJgfs

Gray, C. (2020, Febraury 20) Isang Natatanging Karanasan ng Mag-aaral [video].


Youtube. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=0jNXoavc3uo

Lanticse, G. (2017, August 22) Kahulugan at Katuturan ng Lakbay Sanaysay


Papel [video]. Youtube. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=FCs30WSMkbI

Luna, B. (2017, January 17) Halimbawa ng Lakbay Sanaysayl [video]. Youtube.


Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=akpwy60PAL8

Marundan, R. (2019, Febraury 6) Etika ng Mananaliksik [video]. Youtube. Retrieved


from https://www.youtube.com/watch?v=GcjZEnOoi3g

Placer, P. (2016, October 26) Sining ng Paglalahad ng Replektibong Sanaysay


[video]. Youtube. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=HNwpDdcV0oE

Santos, Corazon L., PhD et al. (2016). Filipino sa Piling Larang – Akademik: Patnubay

29
ng Guro. Meralaco Avenue. Pasig, City

Tavares, M. (2017, October 16) Anyo ng Plagiarism [video]. Youtube. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=LBt0kj-9HYk

30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42

You might also like