You are on page 1of 6

TALUMPATI

■ Ang Talumpati ay nag papakita ng katatasan at kahusayan ng


tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang
paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na
paksang pag-uusapan.
PAGTATALUMPATI
■ Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa
paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa.
■ Isinusulat ito upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
APAT NA URI NG TALUMPATI BATAY SA KUNG PAANO ITO
BINIBIGKAS
1. Biglaang Tamlumpati (IMPROMPTU)
- ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
2. Maluwag (EXTEMPORANEOUS)
- nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan
batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.
3. Manuskrito
- ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik
kaya pinag-aaralan ito ng mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati
- hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng
tagapagsalita.
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin
1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
- Ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o
pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang pag lalahad
ng datos kaya mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga
dokumentong mapagkatiwalaan.
2. Talumpating Panlibang
- Magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya naman sa pagsulat nito,
kailangang lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa
paksang tinatalakay. Ginagawa ito tuwing salusalo, pagtitipong sosyal, at
mga pulong ng mga samahan.
3. Talumpating Panghikayat
- Hikayatin ang mga tagapakinig na tangapin ang paniniwala ng
mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibgay-katwiran at mga patunay.
4.Talumpating Pampasigla
- Magbigay inspirasyon sa mga nakikinig. tiyaking makapupukaw at
makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao. Karaniwang
isinasagawa ang ganitong talumpati sa araw ng pagtatapos sa mg
paaralan at pamantasan, pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan o
organisasyon, kumbensiyon.
5. Talumpati ng Papuri
- Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kabilang
sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, atbp.
6. Talumpati ng Pagbibigay- galang
-Tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. ginagawa rin
ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang
tungkulin.
5. Talumpati ng Papuri
- Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kabilang
sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, atbp.
6. Talumpati ng Pagbibigay- galang
-Tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. ginagawa rin
ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang
tungkulin.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati
A. Uri ng mga Tagapakinig
- Mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa
kaalaman, pangangailangan, at interes ng kanyang magiging tagapakinig.
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig
- Mahalagang alamin ang edad o gulang ng mga tagapakinig. Iakma ang
nilalaman ng paksa at maging wikang gagamitin sa edad ng mga
makikinig.
2. Ang bilang ng mga makikinig
- Kung marami ang makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang
dapat na isaalang-alang ng mananalumpati.
3.Kasarian
- Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng
kalalakihan sa kababaihan. Magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa
isang partikular na paksa.
4. Edukasyon o antas ng lipunan
- Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig
na umunawa sa paksa. kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang
pangkat, mahalagang gumamit ng mga salita o halimbawa na akma para
sa kanila. Kung ang karamihan naman sa mga makikinig ay mga edukado
at kabilang sa mataas na antas ng lipunan,iba ring pamamaraan ng
pagtalakay ang dapat gamitin sa kanila.
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
- Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol sa paksa, sikaping
sangkapan ito ng mga bago at karagdagang impormasyon upang hindi sila
mabagot o mawalan ng interes
B. Tema o Paksang Tatalakayin
1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin
- Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at
pangangalap ng impormasyon sa ensayklopedya, aklat, pahayagan,
magasin, at dyornal. Maaari ding magsagawa ng interbyu sa isang taong
eksperto sa paksang tatalakayin.Maging mahina ang talumpati kung ito ay
salat sa mga datos, walang laman, at may maling impormasyon.Sa
kasalukuyan, ang Internet ang isa sa pangunahing ginagamit ng marami sa
pangangalap ng mga datos mula sa mapagkatiwalaang mga sanggunian,
artikulo, aklat, atbp.
2. PAGBUO NG TESIS
- Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang pangunahing
mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig. Magsisilbing pangunahing
argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghikayat, at
nagsisilbi naman itong pokus ng pagpapahayg ng damdamin kung ang
layunin ng talumpati ay magtaguyod ng pagkakaisa ng damdamin ng mga
makikinig.
3. PAGTUKOY SA MGA PANGUNAHING KAISIPAN O PUNTO
- Kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati, maaari nang alamin ng
mananalumpati ang mga pangunahing punto na magsisilbing batayan ng
talumpati. Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahalagang detalyeng
bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at
bibigkasing talumpati
C. HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI
- Ayon kina Casanova at Rubin (2001), may tatlong hulwarang maaaring
gamitin sa pagbuo ng talumpati.
1. KRONOLOHIKAL NA HULWARAN
- Ang mg detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring isagawa ang
paghahanay ng detalye mula sa unang pangyayari, sumunod na mga
panyayari, at panghuling pangyayari.
2. TOPIKAL NA HULWARAN
- Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa
pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na
paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito.
3. HULWARANG PROBLEMA-SOLUSYON
- Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati
gamit ang hulwarang ito- ang paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa
solusyon na maaring isagawa.
D. KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI
- Ang paghahabi o pagsusulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa
hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit
na maging mahusay, komprehensibo, at organisado ang bibigkasing
talumpati.
1. INTRODUKSIYON
- Naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya
naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati
a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.
b. makuha ang kanilang interes at atensiyon
c. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa
d. maipaliwanag ang paksa
e. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe
2. DISKUSYON O KATAWAN
- Dito tinatalakay ang mahahalagang puntong nais ibahagi sa mga
nakikinig. Mga katangiang kailangang taglayin ng katawan ng talumpati
a. KAWASTUHAN
b. KALINAWAN
c. KAAKIT-AKIT
3. KATAPUSAN O KONGKLUSYON
- Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa
katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman.
Maaaring ilagay rito ang pinakamatibay na paliwanag at katwiran upang
mapakilos ang mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
4.HABA NG TALUMPATI
- Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o
presentasyon nito. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang
pagtiyak sa nilaang oras.

You might also like