Professional Documents
Culture Documents
UNANG LINGGO
LAYUNIN:
ARALIN 1.Wika
Layunin:
Hindi maaaring kulungin sa iisang kahulugan lamang ang wika, ngunit sinumang bihasasa
pag-aaral nito ay sasang-ayon kung sabihing isa itong kakayahan ng tao nagagamit sapagkalap
at pagbabahagi ng kaisipan, damdamin, at anumang naisin niya. Gamit ang mgasimbolo at
kaparaanang napagkasunduan ng isang partikular na grupo, nagagawa ng mgapartisipant na
makipag-unayan sa isa’t isa upang makamit ang isang layunin. Bukod pa rito,nagbigay rin ng
kanilang pakahulugan ang mga sumusunod na eksperto hinggil sa wika.
‘’Ang wika ay proseso ng malayang paglikha; ang mga batas at tuntunin nito ay hindi
natitinag,ngunit ang paraan ng paggamit sa mga tuntunin ng paglikha ay malaya at nagkakaiba-
iba.Maging ang interpretasyon at gamit ng mga salita ay kinasasangkutan ng proseso ng
malayangpaglikha.”– Noam Chomsky
‘’Ang wika ay kasintanda ng kamalayan, ang wika ay praktikal na kamalayan na umiiral din
parasa ibang tao...ang wika, gaya ng kamalayan, ay lumilitaw lamang dahil kailangan, dahilan
sapangangailangan sa pakikisalamuha sa ibang tao.” – Karl Marx
‘’Kapag kinausap mo ang tao sa wikang kanyang nauunawaan, ito’y patungo sa kanyang
isip.Kapag kinausap mo siya sa kanyang wika, ito’y patungo sa kanyang puso.”–Nelson
Mandela
Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ito ay isa sa mga mahahalagang bagay na
ibinigay ng Diyos sa tao upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit niya ang kanyang
mga pangarap at mithiin sa buhay.
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay
sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
Halimbawa:
4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi
matututong magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay
nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.
5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay
nawawalan ng saysay.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang
sagot ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang
paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika.
Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo ng
"ice formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaring yelo at
niyebe lamang, ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman bahagi sa
ating kultura ang "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa.
8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat
ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang
pangungusap kung walang salita.
9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay
na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong
pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang
"Uncle Tom's Cabin" na isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito, nagkaroon ng lakas ang mga
aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao laban sa mga Amerikano. Ang
salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay nagpapatino o
nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.
10. Ang wika ay kagila-gilalas.Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming
salita pa rin ang kay hirap ipaliwanag.
may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi ham)
Ayon kay Garcia (2008), mahahati sa tatlong pangkalahatang uri ang mga kahalagahan ng
wika, dito uusbong ang mga detalyadong kahalagahan nito.
natutuhan ang tao! Ang bunga nito ay kalunos-lunos! Alisin ang wika sa isang individwal at
waring inalis na rin ang pagkatao.
Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinulat: isang hulugan, taguan, imbakan, o deposito
ng kaalaman ng isang bansa, isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito. Sa
madaling salita, ang wika ang kaisipan ng isang bansa kaya't kailanman, ito'y tapat sa
pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang mga haka-haka at katiyakan ng
isang bansa". Bawat salitang ipinahahayag sa isang lipunan ay katumbas ng kanilang mga
tanging pakahulugan sa buhay.
GAWAIN 1.Sa pamamagitan ng ‘radial circle’ sa ibaba lagyan ng mga salita na magbibigay ng
maliwanag na kahulugan sa wika.
Pagbibigay ng Reaksyon
wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito
ibang tao hindi padin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika.
Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t
ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na
may mga batayan subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo
ng koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin
taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na
niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at
Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog
ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang
tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan
kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto.
Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa
panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa
ay miyaw.
Ding- dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na
likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao
na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max
Pooh-poohUnang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin
ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin
wika.
Ta-taAyon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang
Hey you!
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din
Coo Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya
Babble LuckyAyon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang
Hocus PocusAyon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad
ninuno.
Eureka!Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga
ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga
tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba
La-laMga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.
Ta-ra-ra-boom-de- ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng
Mama
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi
ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga
Gawain1 :Panuto: Pagtambalin ang una at ikala!ang hanay ayon sa tunog na hatid ng kalikasan at
kasangkapan ng ginagamit ng tao.Isulat sa patlang ang sagot.
1. 1. 1. 1. 1.
2 2 2 2 2
3 3 3 3 3
4 4 4 4 4
5 5 5 5 5
bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani
R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng
Filipinas." Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng
wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel
Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng
Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng
wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na
nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."
Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa.
Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan,
hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa." Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang
Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang
Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang
Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran
ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal
na tawag sa wikang pambansa. Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si
Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang
Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit
ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong
Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong
1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa
pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong
galing sa Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at zDahil dito, ang dapat na maging baybay ng
Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na
wika ng Pilipinas.
Saligang Batas ng 1935. Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting
mga wikang opisyal.
Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang
tungo sa paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na
tatawaging Filipino.
SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng
SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili
sa Filipino at iba pang mga wika.
Disyembre 30, 1937 – iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang
Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.
Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang
Asambleya noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging
Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
1959 – ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
7 nanagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang
mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa
Tagalog”.
1. Sa iyong palagay, taos ba sa puso ng mga Pilipino ang pagtanggap sa mga pambansang
wikang iniugat sa Tagalog? Patibayan.
4. Sinu-sino ang mga bumubuo ng kasalukuyang Komisyon sa Wikang Filipino at anu-ano ang
mga tungkulin at gawain at kapangyarihan nito?
2. Magsaliksik ng mga batas na ginawa ng Komisyon ng Wika sa taong 1991 hanggang 1995.
2. Isa-isahin ang mga argumento ng mga eksperto kung bakit natukoy na ito ang
nakatutugon sa pangangailangan ng isang wikang pambansa.
Ikalawang Linggo
LAYUNIN:
Layunin:
GAWAIN 1:Gumawa ng sariling komposisyon ng spoken word poetry gamit ang opisyal na wika
ng Pilipinas. Maging malikhain sa pagsusulat.
GAWAIN 2: Magsaliksik ng iba pang sitwasyong pangwika sa lipunang Pilipino. Magtala ngmga
tiyak na salitang madalas gamitin sa napiling sitwasyon, at bigyang-pansin ang pormalidad(o
kawalan nito) sa paggamit ng wika.
2. Simbahan
Layunin:
GAWAIN 2: Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba ng inyong nabuong konsepto o pananaw
gamit ang mga ekspresyon ng pagpapahayag.
Aktibiti: Gamit ang Venn Diagram isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng konseptong
bilnggwal at multilinggwal.
Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng wikang Kapampangan ng mga taga
Pampanga, Tarlac at Bataan, Ilocano naman sa mga rehiyon ng Ilocos at ilang bayan ng
Pangasinan at Nueva Ecija.
Nabibilang din sa multilinggwalismo ang mga banyagang salita na natutunan natin mula
sa mga dayuhang mananakop at mga kaibigan. Andiyan ang Niponggo ng mga Hapon at
Mandarin naman sa mga kapatid na Tsino.
Sa sektor ng edukasyon, ay nagkaroon din ng patakaran ng paggamit ng
multilinggwilismo. Sa katunayan ay kasalukuyang ipinatutupad ng kagawaran ang pagdagdag
sa paggamit ng “Mother Tongue” o Inang Wika sa sistema ng asignatura ng mga elementarya
sa mga pampublikong paaralan.
Sinabatas ang paggamit ng katutubong dayalekto maliban pa sa paggamit ng Pilipino at
Ingles sa loob ng paaralan ng mga elementarya. Sinang-ayunan ang paggamit ng
multilinggwalismo lalo ng inang wika para mapreserba at di mawala sa sirkulasyon ang ating
katutubong wika.
Pangalawa ay para mas maayos nating maiparating ang ating mensahe sa pamamagitan ng
paggamit ng sariling wika. Bukod dito ay may mga aklat na rin na nilimbag gamit ang
multilinggwalismo. Saan ka man dumako ngayon sa ating lipunan multilinggwalismo ang gamit
ng maraming indibidwal, sa sangay man ng edukasyon, komersyo at iba pa.
GAWAIN 1: Tangungan-Sagutan.
Ikatlong Linggo
Layunin:
AKTIBITI.Iklasipika ang mga gamit ayon sa gamit o larangang pinaggamitan ng mga ito. Piliin
ang mga salita sa loob ng kahon na nasa ibaba.
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo
tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay nailalabas o
napapahayag natin an gating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa
natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.
Bawat propesyon ay may register o espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang register
ng wika ng guro sa abogado. Iba rin sa inhinyero at negosyante. Hindi lamang ginagamit ang
register sa isang particular o tiyak na larangan kundi sa iba’t-ibang disiplina rin. Espesyal na
katangian ng mga register ang pagababagong kahulugan atglay kapag ginamit na a iba’t ibang
disiplina o larangan.
Ang ating wika ay may iba’t – ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan
na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng
pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng iba’t- ibang baryasyon nito,
ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
Dinamiko ang wika kaya nagkaroon ito ng iba-ibang rehostro sa konteksto ng paggamit nito
at kung sino ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita
o gumagamit ng wika ayon sa:
a. Tono – naaayon ang wika kung sino ang nag-uusap. (para kanino)
Barayti ng Wika
e. Sosyolek – ito ay nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na
barayti ng wikadahil nakabatay ito sa mga pangkat-etniko. Ang sosyolek ay maaari ding
may legal na rehistro na tinatawag na jargon. Ang jargon ang mga tanging bokabularyo
ng isang particular na pangkat ng Gawain.
h. Creole – isang wika na una naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika.
Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin ng
wikang ito.
GAWAIN 1. Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa ibang larangang nakatala sa ibaba.
1. Bituin
-pelikula
-edukasyon
2. Beat
-sayaw at awit
-pagluto
SIYENSYA
EDUKASYON MEDISINA
INDUSTRIYA
PAGLULUTO POLITIKA
Layunin:
AKTIBITI: Mag-isip at magtala ka ng limang (5) salita sa iyong lugar at sabihin kung anong
klaseng salita iyon.
Ang unang wika na kadalasan ay tinatawag ding katutubong wika o sinusog wika
(mother tongue) ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak
hanggang sa panahon kung kailan lubos nang naunawaan at nagagamit ng tao ang nasabing
wika. Halimbawa, kung ang isang bata ay Iloko at mula sa angkan ng mga taal na Iloko, ngunit
simula pagkapanganak ay tinuruan ng wikang Ingles, mananatiiling Iloko ang kanyang
katutubong wika o mother tongue.
Samantala, ayon kay Lee (2013) sa kanyang artikulo na THE NATIVE SPEAKER: An
Achievable Model na nailathala sa Asian EFL Journal, narito ang mga gabay upang matukoy
kung isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika.
GAWAIN 1.Tanungan-Sagutan.
Layunin:
Ang wika at isang mahalagang instrumento sa komunikasyon. Ang wika ay ang grupo ng
mga salita na ginagamit natin upang ipahayag ang ating saloobin sa ating kapwa. Naipararating
natin ang nais natin sabihin sa pamamagitan ng wika. Sa Pilipinas, ang pambansang wika na
itinalaga sa atin ay Filipino.
Halimbawa:
Tuwing darating ang eleksyon, gamitin at huwag balewalain ang isang mahalagang pamana sa
atin ng demokrasya – ang pagboto. Piliin natin ang mga kandidatong maglingkod sa atin. Nasa
matalino nating pagpapasiya nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan.
Sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao, nagbibigay ng mga datos at
kaalaman at nakababahagi sa iba ng mga imposmasyong nakuha o narinig natin.
Halimbawa:
Narrative report
balita
Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o
bagay.
halimbawa:
"Noypi"
"Manong Guard"
GAWAIN 3.Panuto: Magsaliksik kung sino ang tinutukoy ng mga sumusunod na label o bansag.
1. Ama ng Wikang Pambansa
2. Huseng Sisiw
3. Ina ng katutubong sayaw na Pilipino
4. Makata ng manggagawa
5. Lola Basyang
6. Impeng Negro
7. Gurong Mabuti
8. Pilosopo Tasyo
9. Sisang Baliw
Ika-apat na Linggo
Layunin:
AKTIBITI: Matutukoy mo ba kung ano ang phatic, emotive at expressive na gamit ng wika?
phatic expressive
emotive
PHATIC
Nagpapakita ng pakikipagkapwa-tao o pakikipag-ugnayan
Karaniwang maikli ang usapang phatic. Sa Ingles, tinatawag itong social talk o small talk.
EMOTIVE
Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon o pagpapalutang ng karakter ng nagsasalita
EXPRESSIVE
Ang expressive gamit ng wika ay nakakatulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo
ng ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapwa.
Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay tungkol sa ating
sariling paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan at marami pang iba.
2._________________________________________________
3._________________________________________________
GAWAIN 2: Gamit ang mga piling saknong ng mga awit, tukuyin kung alin sa mga linya ng awit
ang phatic, emotive at expressive.
Kamusta ka?
Ano ba’ng dapat sabihin pa?
Dibdib koy malakas na naming kumakaba
Kapag kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon sinta, mahal pa rin kita
Layunin:
a. Nakapagbibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa
instrumental, regulatori, at heuristiko.
Instrumental
Naipapahayag ng isang tao ang kanyang mga pangangailangan at gusto sabihin.
• Ginagamit na wika ng tagapagsalita para mangyari/maganap ang mga bagay-bagay.
Pinababayaan ng wikang pagalawin ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran.
Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng paggawa at
pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.
Halimbawa:
Pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigay-panuto, pag-uutos
Regulatori
May kakayahang makaimpluwensya at magkontrol sa pag-uugali ng iba.
Gamit ng wika para aalalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalayo maintenance of
control).Maaaring kasangkot ang sarili o iba.Inialalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga
tao. Itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para
sumang-ayon, di-sumang ayon at pag-alalay sa gawa/kilos ng iba. Ito ang wika na nagbibigay
sa mga para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.
Halimbawa:
Pagtutol, pag-ayon, pag-alalay sa kilos/gawa, pagtatakda ng mga tuntunin at alituntunin sa
paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.
Heuristiko
Kapag ginamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa
kapaligiran.Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa.
Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot
ang mga tanong, konklusyon, ang pangangatwiran, mga bagong tuklas, na pagsubok.
Ang gamit na ito ay batayan ng kaalaman sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng wika ang tao
ng pagkakataong pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng sagot. Isang paraan para
ipakilala ang kabataan sa gamit na ito ng wika ang pormal na edukasyon. Karaniwan ng isang
sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang bagay ang kinalalabasan nito. Kaya isang
resultang kailangan sa wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng mga
katawagan tulad ng tunog, pantig, pagbabago, pangungusap at iba pa.
Naging institusyon na ang paggamit na ito ng wika sa mga kalagayang pang-edukasyon at
sa mga gawaing pangkaalaman ngunit patuloy pang makapupukaw ng iba-ibang pananaliksik
ang mga posibleng paraan ng pagkaalam sa pamamagitan ng wika at hindi paggamit ng wika.
Isa ring suliranin ay kung paano nabubuo, inaayos at nalilinang ang kaalaman. Mahalaga ang
papel ng wika sa mga pagbabagong nangyayari sa retorika ng iba-ibang disiplina.
Layunin:
Interaksyonal
Ang wikang interaksyonal ay kung may interaksyon sa isat-isa o ang pagkaroon ng kontak sa
iba at bumuo ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng pakikipag talakayan ng tao sa kanyang
kapwa.
Mga halimbawa:
Pagpapaalam
Pagbibigay galang o Pagbati
Paggawa ng Liham ng ibang tao at iba pa.
Impormatibo
Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at insight tungkol sa
mundo.Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon/datos sa paraang pasulat at
pasalita.
Halimbawa nito ay pag-uulat, panayam, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo at
pagsusulat ng pamanahunang papel o tesis.
Imahinatibo
Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na bagay.
Madalas itong kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita na produkto.
Personal
Ang wika ay sinasabing personal kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin tulad ng
pag[ahayag ng sariling opinion o nararamdaman. Ang wikang ito ay impormal at walang tiyak na
balangkas.
Halimbawa:
Paglalait o pagmumura
Pagsisigaw
Pagsulat ng editorial
Pagsusulat ng dyaryo at iba pa.
Gawain 1: Tukuyin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang mga sumusunod na Gamit ng
wika.
Gawaion 2: Tingnan at basahin ang mga post ng iyong mga kaibigan sa newsfeed ng inyong
Facebook account. Pansinin kung anong gamit ng wika ang iyong nakikita sa iba’t ibang post.
Base sa iyong obserbasyon, paano ginagamit ng iyong mga kaibigan ang social media?
Magbigay ng limang halimbawa (post ng inyong mga kaibigan) bilang suporta sa iyong sagot.