You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office VIII (Eastern Visayas)
DIVISION OF LEYTE
PALOMPON NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Central II, Palompon, Leyte
SY: 2020-2021

I.
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
LEARNING LEARNING LEARNING MODE OF
AREA TASK COMPETENCY/IES DELIVERY
• Nagagamit ang • Nagagamit ang
angkop na mga angkop na mga
salita at salita at
pangungusap pangungusap upang
upang mapag- mapag-ugnay-ugnay
ugnay-ugnay ang mga ideya sa
Komunikasyon
ang mga ideya isang sulatin
at Pananaliksik
sa isang sulatin F11WG – IIh – 89 Modular
sa Wika at
Learning
Kulturang
• Nasusuri ang • Nasusuri ang ilang
Pilipino
ilang pananaliksik na
pananaliksik na pumapaksa sa wika
na gawa ng at kulturang Pilipino
mga mag-aaral F11PB – IIg – 97
sa Palompon,
Leyte

LERANER’S ACTIVITY SHEETS

II. Paunang Impormasyon para sa mga Mag-aaral (Background


Information for Learners):

Aralin3: Kakayahang Pragmatik, Istratejik, at Diskorsal

1
Modelo ng Komunikasyon
Pinakaunang modelo ng komunikasyon ay mula kay Aristotle.

tagapagsalita mensahe tagapakinig

Modelo ng Komunikasyon ni Wilbur Schramm


 Nagpapakita ng dalawang patutunguhan. Pinapahalagan ang feedback o
reaksiyon dahil sa pamamagitan nito malalaman ang interpretasyon ng
tumatanggap ng mensahe.

Pinagmulan Tagahatid
Pinagdaraanan Tumatanggap Umuunawa
ng mensahe ng Mensahe ng Mensahe
ng mensahe

Ingay

Feedback o
reaksiyon

Uri ng Komunikasyon
Komunikasyon
➢ Akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o
pasulat na paraan.
➢ Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa
pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring berbal o di berbal.

Dalawang uri ng komunikasyon:


 Berbal= ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa
kahulugan ng mga mensahe.

 Di berbal= kapag hindi ginagamitan ng salita bagkus ginagamitan ito ng


mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap.
2
Sa pag-aaral ni Albert Mehrabian
 7% ng komunikasyon ay mga salitang ating binibigkas,
 38% ang tuno ng ating pagsasalita,
 at 55 % ay nanggaling sa galaw ng ating katawan.
 Samakatuwid, kung anuman ang mensaheng nais nating ipahatid ay hindi
masasabi lahat ng salita. Kaya ang ilang maseselang bagay na maaaring
magkaroon ng ibang interpretasyon ay mas mabuting sabihin nang
personal.

Iba’t Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di Berbal na Komunikasyon


 1. Kinesika (Kinesics)= pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.
Halimbawa: Kapag ang isang tao ay inilagay nang patayo ang kanyang
hintuturong daliri sa kanyang labi, ibig sabihin ay kailangang tumahimik.
Ginagamit din ang kumpas.

 2. Espresyon ng mukha (Pictics)= pag-aaral sa ekspresyon ng mukha


upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. Nagpapakita ito ng emosyon
(masaya, malungkot, galit, natatakot) kahit hindi sinasabi.

 3. Galaw ng mata (Oculesics)= pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita


sa galaw ng mata ang nararamdaman.
Halimbawa: panlilisik ng mata= galit, panlalaki ng mata= minsa’y pagkagulat,
pamumungay ng mata= mansa’y nagpapahiwatig ng pang-aakit. Sa galaw ng
mata makikita ang pagnanais na makipag-usap.

 4. Vocalics= pag-aaral ng mga di linggwistikong tunog na may


kaugnayan sa pagsasalita.
Halimbawa= pagsutsot, buntonghininga, tono, lakas, bilis, o bagal ng pananalita
na nagbibgay linaw sa berbal na komunikasyon, at iba pa.

 5. Pandama o Paghawak (Haptics)= pag-aaral sa mga paghawak o


pandama na naghahatid ng mensahe.
Halimbawa: pagtapik sa balikat, paghablot, pagkamay, o pagpisil.

3
 6. Proksemika (Proxemics)= pag-aaral ng komunikatibong gamit ng
espasyo, katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963).
Tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap. Ang mga proxemic distance o
distansya ay maaaring magpahiwatig kung anong uri ng komunikasyon ang
namamagitan sa kausap.
Mga Proxemic Distance
 Intimate= pag-uusap na may distansyang 0 hanggang 1.5 feet.
 Personal= kapag 1.5-4 ft. ang pagitan.
 Social distance= 4-12 ft ang pagitan, at
 Public= 12 ft. ang pagitan, karaniwang makikiata sa nagtatalumpati.

7. Chronemics= pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay


nakaaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras ay maaaring may
mensaheng nais iparating.
 Halimbawa: pagdating nang maaga sa job interview ay nangangahulugang
may disiplina ang nag-aaplay at interesado siya sa inaaplyan. Ang pagtawag sa
telepono sa dis-oras ng gabi ay maaaring mangahulugan ng pang-iistorbo o
maaaring emergency ito.

Kakayahang Pragmatik
 Natutukoy ang kahulugan ng mensahe na sinasabi at di sinasabi, batay sa
ikinikilos ng taong kausap.
 Natutukoy rin ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay
sa paggamit at sa konteksto.
 Nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o
nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
 Mga salik na dapat isaalang-alang sa pag-unawa: intelektwal na kalagayan
ng decoder, kalinawan ng encoder, at ang pagtatagpo ng kani-kanilang
interpretasyon.

Kakayahang Istratejik
 kakayahang magamit ang berbal at di berbal na mga hudyat upang
maipabatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos
ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon.

Tatlong Antas ng Komunikasyon


 a. Komunikasyong Intrapersonal= nagaganap ang komunikasyon sa
isipan ng isang tao.
4
 b. Komunikasyong Interpersonal= pakikipagtalastasan sa ibang tao,
maaaring sa pagitan ng dalawang tao o sa maliit ng grupo.
 c. Komunikasyong Pampubliko= tungkol sa pagtatalumpati o
pagsasalita sa harap ng maraming tao, komunikasyong pampolitika,
panlipunang pamimili at pagtitinda, pagpapatatag ng samahan at
estratehikong pananaliksik.
Itinuturing ding antas ng komunikasyon ang sumusnod:
Media at mga bagong teknolohiyang pangkomunikasyon
Komunikasyong organisasyonal
Komunikasyong intercultural

Kakayahang Diskorsal
 Pagtiyak sa kahulugang ipinahahayag ng mga teksto/sitwasyon ayon sa
konteksto. Kakayahang makapagpigay ng wastong interpretasyon ng
napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang makabuo ng
isang makabuluhang kahulugan.
 Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o
pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.
 Dalawang bagay na dapat isaalang-alang upang malinang ang kakayahang
diskorsal: cohesion o pagkakaisa at coherence o pagkaka-ugnay-ugnay.

Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Komunikatibo


Ni Canary at Cody (2000)
1. Pakikibagay (Adaptability)= mabago ang pag-uugali at layunin upang
maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
Makikita sa sumusunod:
 pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
 pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
 kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
 kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha
2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement) = gamitin ang
kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ng komunikeytor ang sumusunod:
 kakayahang tumugon
 kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
 kakayahang making at mag-pokus sa kausap

5
3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management) =
kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol ang daloy
ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
=pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang
tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa
kalagayan ng isang tao o samahan.
5. Bisa (Effectiveness)= pagtiyak kung epektibo at nauunawaan ang
pakikipag-usap.
6. Kaangkupan (Appropriateness)= kaangkupan ng paggamit ng wika.
Naiaangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan ng pag-uusap,
o sa taong kausap.
------------------------------------------------------------------------------------------------
III. Mga Pagsasanay/Gawain (Exercises/Activities)
A. Formative (Ipasa)
Gawain (Activity): Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang
Pilipino F11PB – IIg – 97
Research Detective
Panuto: Suriing mabuti ang dalawang halimbawa maikling sipi ng Introduksyon sa
isang akademikong pananaliksik. Magtala ng 2 pagkakatulad at 3 pagkakaiba. Isulat
ang tamang mga sagot sa Yellow Paper. Bawal ang may parehong mga sagot/exact
same words sa kaklase.
.
Pananaliksik Bilang 1
Kabanata 1
INTRODUKSIYON
Kaligirang Kaalaman
Ang teknikal-bokasyonal ay tumutukoy sa isang hanay ng karanasan sa
pag-aaral, na may kaugnayan sa mundo ng trabaho. Maaaring maganap ang
karanasan sa pag-aaral, sa iba't ibang karanasan sa pag-aaral kabilang ang
institusyong pang-edukasyon at lugar ng trabaho. Kaya, ang pang-edukasyon at
pagsasanay na ito ay nagbibigay ng kaalaman at kasanayan para sa
Pagtatrabaho (Norton, 2010).
Ang layunin ng teknikal-bokasyonal ay upang mapahusay ang mga
trainees na nakumpleto ang pinakamataas na antas ng sekondarya, upang
bumuo ng mga propesyonal na kaalaman at kasanayan na kinakailangan para
6
sa pagsasanay ng edukasyon, upang magbigay ng espesyal na pagsasanay sa
pauna o nagpapatuloy (Efstratoglou at Nikolopoulou, 2007).
Sangguninan: Lubiano, R., Saludaga, J.P., Samson, K., Santos, F. 2019
Pananaliksik Bilang 2 Kabanata 1

INTRODUKSYON

Kaligirang Kaalaman

Ice cream ay ang isa sa mga paboritong panghimagas ng mga tao lalo
na ng mga bata. Walang nakaka-alam kung sino ang unang nakaimbento nito,
ayon sa mga pananaliksik nagsimula ang paggawa nito noong ikalawang siglo.

Ayon sa mga historian, ang dala ni Marco Polo sa Italya na recipe na


nahahango sa sherbet ay ang siyang ice cream. Ayon sa IDFA, 2017 ang mga
Ingles ay nakadiskubre rin ng ice cream na halos kasabay o posible ring mas
nauna pa sa mga Italyano. Ang tawag nila dito ay ice cream.

Sangguninan: Nolla, J., Olorvida, F., Oringot, K., Verso, C.J., Zaragoza, M.F. 2019

Pagkakatulad
1.______________________________________________________________
2.______________________________________________________________
Pagkakaiba
3.______________________________________________________________
4.______________________________________________________________
5.______________________________________________________________

Puntos sa Deskripsiyon
bawat bilang
5 Kompleto at higit sa inaasahan ang sagot
4 Sapat at tugma ang sagot sa tanong
3 Nakapaglahad ng mga ideya subalit hindi sapat
2 Hindi gaanong nasagot ang tanong at kailangan pang paunlarin
1 Hindi tugma ang sagot pero may taglay na ideya

7
B. Evaluative
Pagtataya sa Aralin 3 (Ipasa)
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-
ugnay ang mga ideya sa isang sulatin F11WG – IIh – 89

INAASAHANG PAGGANAP BILANG 3 (PERFORMANCE TASK NO. 3)

Mga Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo, Gagamitin Ko!


Bawal ang may parehong mga sagot/exact same words sa kaklase.

Panuto: Matapos matutunan ang limang komponent ng Kakayahang


Pangkomunikatibo tulad ng: Kakayahang Linggwistika/gramatikal,
Sosyolinggwistika, pragmatic, istratejik, at diskorsal. Pumili ng isa sa
sumusunod para maipakita kung taglay mo na ang mga komponent:

1. Pagsulat ng sariling talumpati (short bond paper)

2. Pagbigkas sa isinulat na talumpati (upload video on YouTube or


Facebook)

3. Paggawa ng isang blog/vlog (post blog on Facebook / upload video


on YouTube or Facebook)

1. Pagsulat ng Sariling Talumpati


Ngayon batid mo na ang lahat ng salik ng kakayahang komunikatibo ay
mas malilinang mo na ang mga ito upang maging isa kang epektibong
komunikeytor. Dapat tandaan na upang makamit ang mithiing ito, kailangang
gamitin nang wasto ang wikang Filipino sa iba’t ibang konteskto. Ngunit hindi
rito nagtatapos ang lahat, bilang isang Pilipino ay tungkulin mo ring hikayatin
ang kapwa mo Pilipino upang lumago sa paggamit ng wikang Filipino ikaw
ngayon ay sumulat ng talumpating hihikayat sa iyong kapwa Pilipino na linangin
ang kanilang kakayahang komunikatibo upang maging mas epektibong
komunikeytor pasalita man o pagsulat. Ang isinulat mong talumpati ay tatayahin
gamit ang rubric sa ibaba.

8
Pamantayan 4 3 2 1
Lohikal at Magkakaugnay Di gaanong Magulo at di
magkakaugnay ang nilalaman lohikal at magkakaugnay
Lohika ang nilalaman ng talumpati magkakaugnay ang nilalaman.
ng talumpati. ang nilalaman
ng talumpati.
Epektibong May kalinawan Di gaanong Malabo ang
naipaliwanang ang mensahe malinaw ang mensahe ng
Mensahe
ang mensahe ng talumpati. mensahe ng talumpati.
ng talumpati. talumpati.
Pinag-isipan at Pinag-isipan at May ilang Halatang hindi
pinaghandaang pinaghandaan impormasyon na pinag-isipan at
mabuti ang ang isinulat ng hindi pinag-isipan hindi
isinulat na talumpati kaya sa talumpati. pinaghandaan
Enganyo talumpati kaya nakakukumbinse Kulang ang ang talumpati
talagang ito. paghahanda sa kaya hindi ito
nakakukumbinse talumpati kaya nakakukumbinse.
ito. hindi ito gaanong
nakakukumbinse.

2. Pagbigkas sa Isinulat na Talumpati

Ang isang mahusay na talumpati ay hindi malalamang nakapangungumbinsi


kung hindi ito binibigkas sa harap ng madala. Ito na ang pagkakataong
maenganyo ang iyong kapawa Pilipino na panahon upang umunlad sa paggamit
ng wikang Filipino at linangin ang kanilang kakayahang komunikatibo upang
maging mas epektibong komunikeytor pasalita man o pagsulat. Ang pagbigkas
ng talumpati ay tatayahin gamit ang rubric sa ibaba.

Pamantayan 4 3 2 1
Ang Ang Ang
Ang
interpretasyon interepretasyon interepretasyon
interepretasyon
ay higit na ay may ay walang
ay may
may kaugnayan sa kaugnayan sa
kaugnayan sa
Interpretasyon kaugnayan sa paksa ngunit paksa at hindi
paksa at
paksa at hindi gaanong gaanong
nagbibigay ng
nagbibigay ng nagbibigay ng nagbibigay ng
diin sa
diin sa diin sa diin sa
damdamin.
damdamin. damdamin. damdamin.

9
Angkop na Hindi gaanong
Kailangan pang
angkop ang Angkop ang angkop ang
paunlarin ang
kilos, galaw, kilos, galaw, kilos, galaw,
kilos, galaw,
kumpas at kumpas at kumpas at
Enganyo eskpresyon eskpresyon ng eskpresyon ng
kumpas at
eskpresyon ng
ng mukha. mukha. May mukha subalit
mukha. May
May dating sa dating sa madla. may dating sa
dating sa madla.
madla. madla.
Wasto ang
Hindi gaanong
damdaming Wasto ang Hindi wasto ang
wasto ang
ipinapahayag, damdaming damdaming
Tinig lakas ng tinig ipinapahayag, at
damdaming
ipinapahayag, at
ipinapahayag, at
at higit sa lakas ng tinig lakas ng tinig
lakas ng tinig
inaasahan
Matatas at
Matatas at Hindi gaanong
pulido sa
maliwanag ang maliwanag ang
pagbigkas. Kailangan pang
pagbigkas. pagbigkas at
Wasto ang paunlarin ang
Bigkas pagbubuklod
Wasto ang ang
kakayahan sa
pagbubuklod ng pagbubuklod ng
ng mga salita pagbigkas
mga salita at mga salita at
at diin o
diin o indayog diin o indayog
indayog

3. Paggawa ng Isang Blog/Vlog

Bilang isang kabataang namulat sa modernong panahon. Ipakita ang iyong


galing sa mga kakayahang pangkomunikatibo sa pamamagitan ng isang
blog/vlog. Magsulat o gumawa ng video kung saan maeenganyo ang iyong
kapwa Pilipino na umunlad sa paggamit ng wikang Filipino at linangin ang
kanilang kakayahang komunikatibo upang maging mas epektibong
komunikeytor pasalita man o pagsulat matapos matutunan ang mga komponent
nito tulad Kakayahang Linggwistika/gramatikal, Sosyolinggwistika, Pragmatic,
Istratejik, at Diskorsal sa iba’t ibang sitwasyon. Sa blog ay magsulat ka ng
personal na opinyon kung paano magagamit sa aktwal na usapan ang ang mga
komponent ng kakayahang pangkomunikatibo. Kung vlog, maaaring kasama
ang mga meyrmbro ng iyong pamilya o ikaw lamang mag-isa basta kaya mong
gampanan ang mga taong nag-uusap. Gumawa ng diyalogo na angkop sa bawat
kalahok. Ang blog/vlog ay tatayahin gamit ang rubric sa ibaba.

10
Pamantayan 4 3 2 1
Lohikal at Magkakaugnay Di gaanong lohikal Magulo at di
magkakaugnay ang nilalaman at magkakaugnay magkakaugnay
Lohikal ang nilalaman ng blog/vlog. ang nilalaman ng ang nilalaman.
ng blog/vlog. blog/vlog.
Epektibong May kalinawan Di gaanong Malabo ang
naipaliwanang ang mensahe ng malinaw ang mensahe ng
Mensahe ang mensahe ng blog/vlog. mensahe ng blog/vlog.
blog/vlog. blog/vlog.
Pinag-isipan at Pinag-isipan at May ilang Halatang hindi
pinaghandaang pinaghandaan impormasyon na pinag-isipan at
mabuti ang ang ginawang hindi pinag-isipan hindi
ginawang blog/vlog kaya sa blog/vlog. pinaghandaan
Enganyo blog/vlog kaya nakakukumbinse Kulang ang ang blog/vlog
talagang ito. paghahanda sa kaya hindi ito
nakakukumbinse talumpati kaya nakakukumbinse.
ito. hindi ito gaanong
nakakukumbinse.
Sobrang Malikahain ang Hindi gaanong Kailangan pang
malikhain ang pagkagawa at malikhain ang paularin ang
Malikhain pagkagawa at may pagkagawa at pagkamalikhan
may orihinalidad. may kaunting sa paggawa ng
orihinalidad. orihinalidad. blog/vlog.

IV. Pangwakas (Reflection): Isulat ang tamang sagot sa Yellow


Paper.
Bakit kailangang taglayin ng isang tao ang lahat ng salik/komponent ng
kakayahang komunikatibo?
V. Sanggunian (References):
Dayag, A.M. at del Rosario,M.G. 2016. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.
VI. Mga Tamang Sagot (Answer Key):
Gawain (Activity). Research Detective. Maaaring magkaroon ng iba’t ibang
tamang sagot.

Evaluative. Pagtataya sa Aralin 3: Maaaring magkaroon ng iba’t ibang


tamang sagot.

11
Republic of the Philippines
Department of Education
Regional Office VIII (Eastern Visayas)
DIVISION OF LEYTE
PALOMPON NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Central II, Palompon, Leyte
SY: 2020-2021

I.
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
LEARNING MODE OF
LEARNING AREA LEARNING TASK
COMPETENCY/IES DELIVERY
Naiisa-isa ang mga Naiisa-isa ang mga
hakbang sa pagbuo hakbang sa pagbuo ng
ng isang isang makabuluhang
makabuluhang pananaliksik
pananaliksik F11PU – IIg – 88

Nakagagawa ng Nakagagawa ng pag-


pag-aaral gamit ang aaral gamit ang social
social media sa media sa pagsusuri at
Komunikasyon at pagsusuri at pagsulat ng mga
Pananaliksik sa pagsulat ng mga tekstong nagpapakita
Modular
Wika at tekstong ng iba’t ibang
nagpapakita ng iba’t sitwasyon ng
Learning
Kulturang
Pilipino ibang sitwasyon ng paggamit sa wika
paggamit sa wika F11EP – IId – 33

Nakasusulat ng Nakasusulat ng isang


isang panimulang panimulang
pananaliksik sa mga pananaliksik sa mga
penomenang penomenang kultural
kultural at at panlipunan sa
panlipunan sa bansa bansa
F11EP – IIij – 35

12
LEARNER’S ACTIVITY SHEETS
II. Paunang Impormasyon para sa mga Mag-aaral (Background
Information for Learners):
ARALIN 4. INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK
Ngayoý nasa Grade 11 ka na at malapit nang tumuntong sa kolehiyo. Kaya
naman, mahalagang mahasa pang lalo ang kakayahan mo sa pananaliksik at
pagsulat ng sulating pananaliksik na inaasahan sa iyo sa pagtatapos ng Yunit
na ito. Hindi lang habang nag-aaral ka mahalaga ang kakayahang ito sapagkat
maraming trabaho at lahat halos ng negosyo ay nangangailangan ng
pananaliksik.
Kailangan mo ng pag-ibayong sipag, pagsasanay, at kagustuhang matuto at
ang pinakamahalaga ay ang pagiging matiyaga upang maging matagumpay sa
pagbuo ng sulating pananaliksik.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik
1. Pagpili ng Mabuting Paksa
Narito ang ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang
magpasya sa paksang susulatin:
a. Interesado ba ako sa paksang ito?
b. Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito?
c. Masadong bang malawak o limitado ang paksa?
d. Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa
akin?
e. Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng
impormasyon ng paksang napili ko?
Matapos makapili ng paksa ay makagagawa ka na ng temporaryong pamagat.
Halimabaw:
TEMPLATE SA PAMAGAT
Konsepto Impormasyon
a) Paksa a) Ang Pananaw sa pagtuturo ng Pananaliksik
b) Kapaligiran ng Pananaliksik b) Mga State University sa Region 8
c) Mga kalahok c) Mga Propesor at mag-aaral sa Pananaliksik
d) Kailan nagsimula at matatapos
d) 2014-2015
ang pananaliksik
e) Ang Pananaw sa Pagtuturo ng Pananaliksik sa mga
e) Kompletong pamagat State University sa Region 8 ng mga Propesor at
mag-aaral sa Pananaliksik mula taong 2014-2015
f) Ang Pagtuturo ng Pananaliksik sa mga State
f) Pinaikling pamagat
University sa Region 8
13
2. Paglalahad ng Layunin
Mayroon ka nang plano kung paano mo bubuoin at palalawakin ang iyong
sulating pananaliksik, kailangang ilahad na ang paunag layunin.
Narito ang ilang tanong na maaaring gumabay o magbigay direksiyon sa
pagbuo mo ng layunin:
a. Ano ang layunin ng proyektong ito?
b. Sino ang aking mga mambabasa?
c. Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko?

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibiliyograpiya


Kailangan mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga
sanggunian (references). Maaari ring makakuha ng mga impormasyon mulas
a internet. Maging maingat lang at suriing mabuti ang mga talang makukuha
sapagkat maraming impormasyon mula rito ang kaduda-duda o minsan ay
walang katotohanan.

Bibliyograpi/ Bibliyorapiya= talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng


mga aklat, artikulo, ulat, peryodiko, magasin, web site, at iba pang nalathala
o di nalathalang material na ginamit.
Makakatulong ang paghahanda ng 3”x5” na index card na kakikitaan ng
sumusunod na mga impormasyon:
• Pangalan ng awtor
• Pamagat ng kanyang isinulat
• Impormasyon ukol sa pagkakalathala
- mga nalimbag (publisher)
- lugar at taon ng pagkakalimbag (date published)
- pamagat ng aklat/artikulo/ulat/peryodiko/magasin
• Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman nito

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas


Ito ang magbibigay direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at
pagtukoy kung ano-anong material pa ang kailangang hanapin. Gamitin
ang card ng bibliyograpi.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking


Maaari kang gumamit ng tatlong uri ng tala:
• Tuwirang sinipi (direct quotation) = ang tala ay direktang sinipi
mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi (quotation mark) sa simula
14
at dulo ng sinipi (copied). Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin
ang pahina kung saan ito mababasa.
• Buod (summary) = pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto.
Ito’y maikli subalit nagtataglay ng lahat ng mahahalagang kaisipan ng
orihinal na teksto. Ito ang pinakamadalas gamitin sa pagkalap ng tala.
• Hawig (paraphrase) = binago lamang ang mga pananalita subalit
nananatili ang pagkahawig sa orihinal.

6. Paghahanda ng Iwinastong Balagkas o Final Outline


Dito sinusuring mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang
matiyak kung may mga bagay bang kailangang baguhin o ayusin.

7. Pasulat ng Burador o Rough Draft


Mula sa iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maaari ka nang
magsimulang sumulat ng iyong burador.
Ang gagawing pananaliksik ay dapat magtaglay ng sumusunod na bahagi:
Kabanata 1. INTRODUKSIYON
Sanligan ng Pananaliksik
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pananaliksik
Saklaw at Delimitasyon
Katuturan ng Katawagan
Kabanata 2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Mga Kaugnay na Literatura
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Kabanata 3. METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik
Kapaligiran ng Pananaliksik
Mga Kalahok ng Pananaliksik
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Kabanata 4. RESULTA NG PAG-AARAL
Resulta
Kabanata 5. KONGKLUSIYON AT REKOMENDASYON
Kongklusyon
Rekomendayson
BIBLIYOGRAPIYA
MGA APENDIKS

15
8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Burador
I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang
iwasto sa iyong burador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkabuo ng mga
pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit, at pamamaraan ng
pagsulat. Maaari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda
na rin ang iyong paunang salita, nilalaman, at bibliyograpiya.

Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat ng tandaan ang sumusunod:


• Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian.
• Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit
ang apelyido bilang basehan.
• Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t ibang estilo ng
pagsulat nito. Karaniwang ginagamit ang estilong APA.
Maaaring sundin ang mga pattern:
Para sa mga aklat
Apleyido ng Awrot, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglimbag) Pamagat.
Lungsod ng Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.
Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
Apleyido ng Awrot, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglimbag) Pamagat ng
Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o Magasin, Paglimbag #. (Isyu #), pahina #.
Para sa mga Kagamitang Mula s Internet
Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumento.”
Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung kalian sinipi o ginamit mula sa buong
web address simula sa http://

9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik


Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong
hakbang ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating
pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na:
Font Type: Arial
Font Size: 12
Line and Paragraph Spacing: 2.0
Justified
Short bond paper

16
------------------------------------------------------------------------------------------------
III. Mga Pagsasanay/Gawain (Exercises/Activities)

Gawain (Activity). Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang


makabuluhang pananaliksik
F11PU – IIg – 88

Buoin Natin
Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
sulating pananalliksik na tinalakay sa araling ito. Kopyahin ang kahon at isulat
dito ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang. Isulat ang tamang
sagot sa Yellow Paper.

17
Inaasahang Pagganap bilang 4 (Performance Task no. 4)
Deadline: Last week of Modules and Answer Sheet retrieval.
Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong
nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika F11EP – IId – 33
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan
sa bansa F11EP – IIij – 35
Panuto: I-type ito gamit ang pormat na:
Font Type: Arial
Font Size: 12
Line and Paragraph Spacing: 2.0
Justified
Short bond paper – printed, kung hindi available ay isulat ito.
Bawal ang may parehong mga sagot/exact same words sa iba.

Ikaw ay isang mananaliksik mula sa National Commission for Culture and the
Arts (NCCA). Naatasan ka ng inyong pinuno na magsaliksik at bumuo ng sulating
pananaliksik tungkol sa paksang may kaugnayan sa penomenang kultural at
panlipunan sa ating bansa. Ang iyong gagawin ay isasama sa iba pang mga sulating
nakaltahala sa web site ng NCCA. Makatutulong ang mga sulating ito upang higit na
mapahalagahan ng mga Filipino ang ating kultura at iba pang pagkakakilanlang
panlipunan at pambansa. Gumamit ka ng mga angkop na salita at pangungusap
upang mapag-ugnay-ugnay mo ang mga ideya sa iyong susulatin.
Maaari kang pumili ng isa sa mga paksang nakalahad sa ibaba subalit maaari
din namang ikaw ay mag-isip ng kaugnay na paksang ihihingi mo muna ng
pahintulot o pag-apruba ng iyong pinuno bago mo simulang gawin:
• Mga natatanging kultura sa inyong sariling bayan, lalawigan, o rehiyon na
hinsi makikita saanmang bahagi ng bansa
• Mga instrmentong pangmusikang natatangi sa inyong lugar
• Mga pagkaing natatangi sa inyong lugar na may potensyal na maipagbili sa
ibang lugar upang mapagkakitaan
• Magagandang lugar sa inyong pamayanan o lalawigan na hindi pa
naipakikilala sa mga turista subait may potensyal na maging “tourist spot.”
• Iba pang paksang nais.

Maaari mo ring gawin ang sumusunod:


Panuto: Magsagawa ng isang pananaliksik sa Pagsusuri at pagsulat ng iba’t
ibang sitwasyong sa paggamit ng wika.
1. Maghanap ng kasagutan para sa tanong na: “Ano na ba ang kalagayan o
sitwasyon wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon?”

18
2. Pag-isipan ang tanong at suliranin na nabanggit at kung ano ang mga
maaaring gawin upang maihanap ito ng angkop na kasagutan.
3. Sundin ang Mga Hakbang sa Paggawa ng Isang Makabuluhang
Pananaliksik na tinalkay sa itaas.
4. Gamit ang talatanungan o survey form. Ikaw ay magpapasagot sa mga
kalahok ng iyong pag-aaral sa isang survey para malaman ang kalagayan
o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang
panahon.
5. Ang survey form ay maaaring ipadala sa Facebook Messenger o kaya’y i-
post nang naka-custom para lang sa mga respondent. Ang mga sasagot o
respondents ay hindi bababa sa dalawampung (20) kabataang may edad
13 hanggang 19.
6. Ang mga kalahok ay dapat naninirahan sa Palompon, Leyte lamang o kung
saang lungsod kayo nakatira.
7. Kapag nakompleto na ang sagot ng survey form ay i-tally ang lahat upang
magkaroon ng datos na pagbabasehan sa gagawing ulat.
8. Mula rito’y buoin ang Sulating Pananaliksik. Sundin ang balang kas sa
ibaba para sa mga bahagi:

Kabanata 1. INTRODUKSIYON
Sanligan ng Pananaliksik
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pananaliksik
Saklaw at Delimitasyon
Katuturan ng Katawagan
Kabanata 2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Mga Kaugnay na Literatura
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Kabanata 3. METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik
Kapaligiran ng Pananaliksik
Mga Kalahok ng Pananaliksik
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Kabanata 4. RESULTA NG PAG-AARAL
Resulta
Kabanata 5. KONGKLUSIYON AT REKOMENDASYON
Kongklusyon
Rekomendayson
19
BIBLIYOGRAPIYA
MGA APENDIKS

I-type na ito gamit ang pormat na:


Font Type: Arial
Font Size: 12
Line and Paragraph Spacing: 2.0
Justified
Short bond paper

Pamantayan 4 3 2 1
Ang paksa ng Ang paksa ng Ang paksa ng Ang paksa ng
sulating sulating sulating sulating
pananaliksik sa pananaliksik sa pananaliksik pananaliksik
mga mga sa mga ay walang
penomenang penomenang penomenang kinalaman sa
kultural at kultural at kultural at penomenang
panlipunan ay panlipunan ay panlipunan ay kultural at
sadyang makikita sa hindi panlipunan sa
Paksa
natatangi sa sariling matatagpuan sarili
sariling pamayanan, sa sariling pamayanan at
pamayanan, lalawigan, o pamayanan, maging
lalawigan, o rehiyon subalit lalawigan, o saanmang
rehiyon. makikita rin sa rehiyon kundi panig ng
iba pang bahagi sa ibang bansa.
ng bansa. bahagi ng
bansa.
Nakagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng Walang
ankop na ankop na mga ibang angkop kaangkupan
angkop na mga salita at na mga salita ang
salita at pangungusap sa at pagkakagamit
pangungusap pag-ugnay- pangungusap ng mga salita
kaya’t hindi lang ugnay ng mga sa pag- at
Paggamit
napag-ugnay- ideya sa binuong ugnay-ugnay pangungusap
ng Angkop
ugnay nang sulatin. ng mga ideya sa pag-ugnay-
na Salita
maayos ang sa binuong ugnay ng mga
mga ideya kundi sulatin. ideya sa
naging kapana- binuoung
panabik din ang sulatin.
pagbasa sa
bawat pahina.
20
Nakasunod sa Nakasunod sa Nakasunod sa Magulo ang
mga tamang mga tamang ilang hakbang naging
hakbang sa hakbang sa sa pagbuo ng proseso sa
pagbuo ng pagbuo ng sulating pagbuo ng
sulating sulating pananaliksik. sulating
Pagkakabuo
pananaliksik na pananaliksik. pananaliksik
ng Sulatin
nagbunga ng at ito’y
sulating lumabis makikita sa
pa sa inaasahan. produktong
wala ring
kaayusan.
------------------------------------------------------------------------------------------------
IV. Pangwakas (Reflection): Isulat ang tamang sagot sa Yellow
Paper.
1. Sa iyong palagay, alin sa mga hakbang o bahagi ng pagsulat ng sulating
pananaliksik ang pinakamahirap isagaw?
2. Paano Kaya ito mapadadali? Maglahad ng dalawang paraan.

V. Sanggunian (References):
Dayag, A.M. at del Rosario, M.G. 2016. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

VI. Mga Tamang Sagot (Answer Key):


Gawain (Activity): Maaaring magkaroon ng iba’t ibang tamang sagot.
Inaasahang Pagganap (Performance Task): Maaaring magkaroon ng
iba’t ibang tamang sagot.

Guro: Seksyon
Christy Jean I. Ruiz Grade 11- MOROCCO Grade 11- MAURITIUS
Cellphone #: 09562443155 Grade 11- RWANDA Grade 11- SEYCHELLES
E-mail add.: ruizchristyjean@gmail.com Grade 11- SENEGAL Grade 11- TUNISIA
Donna M. Carno
Cellphone #: 09058256950 Grade 11- LIBYA
E-mail add.: donna.megabon@deped.gov.ph
Wilcris J. Sanico
Cellphone #: 09057604033 Grade 11- ALGERIA
E-mail add.: wilcris.sanico@deped.gov.ph
Vernalyn C. Mainit
Cellphone #: 09568340235 Grade 11- ANGOLA
E-mail add.: vernalyn.mainit@deped.gov.ph

21

You might also like