You are on page 1of 3

Iba-ibat tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.

1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.


halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.


halimbawa:
pasalita: pag-uutos
pasulat: liham pang-aplay

3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.


halimbawa:
pasalita: pagbibigay ng direksyon
pasulat: panuto

4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.


halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
pasulat: liham sa patnugot

5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.


halimbawa:
pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
pasulat: mga akdang pampanitikan

6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.


halimbawa:
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey

7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon.


halimbawa:
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan

3. TUNGKULIN NG WIKA
a.INSTRUMENTAL
-nagagawa ng wika na magsilbing instrument sa mga tao upang
maisagawa o maisakatuparan ang anumang naisin.
Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.
Jenifer: Ganun ba?Sige,walang problema.
b.REGULATORI
-nangyayari naman ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga
pangyayari sa kanyang paligid.
Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito.Multa: Php.500.
George: Naku,saan kaya ako maaaring umihi?Bawal pala dito.
c. REPRESENTASYONAL
-ang wika ay ginagamit upang makipagkomyunikeyt,makapagbahagi ng
mga pangyayari,makapagpahayag ng detalye,gayundin,makapagpadala at
makatanggap ng mensahe sa iba.
Hal: Dominic: Alam mo ba na ang salitang goodbye ay nagmula sa
pahayag na God be with ye?
Jaja: A,talaga?
d. INTERAKSYONAL
-ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag
ang relasyon ng tao sa kanyang kapwa.Kabilang ditto ang pang-araw-araw
na pagbati at pagbibiruan.
Hal: Sandy: Aba,ang hitad kong sister ,wis na ang pagka chaka doll.
Aubrey: Siyempre,salamat po Doe yata ang drama ko.
e. PERSONAL
-nagagamit din ang wika upang maipahayag ang personalidad ng isang
indibidwal ayon sa sarili niyang kaparaanan.
Hal: Geser: Talaga?Nanalo ako ng limang milyon sa lotto?Yahoooo
Nelo: Balato naman diyan.
f. HEURISTIC
-ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao ng ibat
ibang kaalaman.Ilan sa mga ito ang pagsagot sa mga tanong,pagtanaw sa
mga argumentasyon at konklusyon bilang kongkretong kaalaman at
pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid.
Hal: Gicko:Ngayon ko lang nalaman na ang Dalmatian ay isang wika,at
hindi basta wika,ito ay isang halimbawa ng patay na wika o frozen
language.
Nixan: A,oo.Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa
pagbabago.Bawat wika sa mundo ay kinakailangang makaangkop sa
pagbabago ng panahon,upang patuloy itong mabuhay at umunlad.Ang
wikang Latin ay isa rin sa halimbawa ng patay na wika.
g. IMAHINATIBO
-isa sa mga kagandahang dulot ng wika ay nagagawa nitong hayaan
ang isang tao na mapalawak ang kanyang imahinasyon na tumutulong sa
knya upang siya ay maging artistic.
Hal: Shimy: Rex,kung sakaling may makilala kang genie,ano ang hihilingin
mu sa kanya?
Rex: Siympre,ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay
ako sa paraang gusto ko at Makita ang buong mundo.At higit sa lahat,ang
kalayaang magawa ang gusto ko tulad ng isang ibon.

You might also like