You are on page 1of 5

Tagapagulat: KEIRON RAY H.

GELIN
Taon at Seksyon: ICT 11 - MAAASAHAN
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Guro: G. KEIRON RAY H. GELIN, LPT.
Paksa: Tekstong Deskriptibo

Tekstong Deskriptibo

“Kahit hindi ka pintor ay makabubuo ka ng isang larawan


Gamit ang mga salitang titimo sa damdamin at isipan.”

Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipipinta o iginuhit


kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng
larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat
upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo. Mga
pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang
bawat tauhan, tagppuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-
buhay sa imahinasyon ng mambabasa. Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita,
maaamoy, maririnig, malalasahan o mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na
inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito.

Bagama’t mga pang-uri at mga pang-abay ang karaniwang ginagamit na mga salita
sa pagbuo ng tekstong deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan sa
paglalarawan tulad ng paggamit ng mga pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito
gayundin ng mga tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao, at iba pa.

Karaniwang Bahagi lang Ibang Teksto ang Tekstong Deskriptibo

Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon


nito sa iba pang uri ng teksto. Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo
ay lagging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo kung saan
kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng
pagsasalaysay, at iba pa. Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at
ipinaglalaban para sa tekstong argumentibo, gayundin din sa mas epektibong
pangungumbinsi para sa tekstong persweysib, o paglalahad kung paano mas magagawa o
mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa tekstong prosidyural. Bibihirang magamit
ang rekstong deskriptibo ng hindi kabahagi ng iba pang uri ng teksto.

Gamit ng Cohesive devises o Kohekosyong Grammatical sa Pagsulat ng mga Tekstong


Deskriptibo

Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng teksyong deskriptibo bilang


bahagi ng iba pang teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong
susulatin, kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kehisyong gramatikal. Ang
mga ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at mas maayos na daloy ng kaisipan sa
isang teksto. Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng magkakaugnay na mga
kaisipan kaya’t kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na
luminaw ang kabuluhan at kahulugan ang bawat bahagi nito.
Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod:
reperensiya (reference), substitusyon (substitution), ellipsis,pang ugnay, at leksikal.

1. Reperensiya (Reference) – ito ang paggamit ng mga salitang tumukoy o maging


reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging
anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang
tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman kung sino o
ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa ng teksto).
Halimbawa:
 Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalwang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang
pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman
ang tinutukoy ng panghalip na ito.)
 Katapora
Siya ay nagbibigay sa akin ng insipirasyong bumangon sa umaga at
masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis na ngiti at mainit na yakap sa aking
pagdating ay sapat na para makapawi sa kapaguran hindi lang sa aking
katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong
kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong
kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya at niya kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa.)
2. Substitusyon ( Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na
muling ulitin ang salita.
Halimbawa:
 Nawala ko ang aklat mo. Ibibili nalang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa
ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa
iisang bagay, ang aklat.)
3. Ellipsis – May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang
salita.
Halimbawa:
 Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni
Rina subalit naiintindihan parin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y
bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)
4. Pang-unay- Nagagmit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa
sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito
ay higit na nauunawanng mambabasa o tagapakinig na ang relasyon sa pagitan sa
pagitan ng mga pinag-ugnay.
Halimbawa:
 Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga
anak naman ay dapat na magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga
magulang.
5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon
ito ng kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.
a. Reiterasyon – kung ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. Maaari itong
mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa , at pagbibigay kahulugan.
(1)Pag-uulit o repetisyon – maraming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan.
Ang mga batang ito ay nagtratrabaho na sa murang gulang palang,
(2)Pag-iisa-isa- Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulayn na
ito ay talong, sitaw, kalabasa at ampalaya.
(3)Pagbibigay-kahulugan- Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa
mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi
kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
b. Kolokasyon- mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may
kaugnayan sa isa’t isa kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring
magkapareha o maaari ding magkasalungat.
Halimbawa:
 Nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilaga-timog, doctor-pasyente,
 Puti-itim, maliit-malaki, mayaman-mahirap

Ilang Tekstong Deskriotibong Bahagi ng Iba Pang Teksto

Paglalarawan sa tauhan

Sa paglalarawan sa tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga


detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang
pagkakalarawan ditto. Hindi sapat na sabihing ”Ang aking kaibigan ay maliit, maiki at unat
ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maong at putting kamiseta.”

Ang ganitong paglalarawan, bagama’t tama ang mga detalye ay hindi magmamarka
sa isipan at pandama ng mambabasa. Katunayan, kung sakali’t isang suspek na
pinaghahanap ng mga pulis ang inilalarawan ay mahihirapan silang maghanap siya gamit
lang ang naunang paglalarawan. Kulang na kulang ito sa mga tiyak at magmamarkang
katangian. Ang mga halimbawang salitang maliit, matangkd, bata, at iba pa ay
pangkalahatang paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala ng mabisang imahen sa
isipan ng mambabasa. Samakatwid, mahalagang maging mabisa ang pagkakalarawan sa
tauhan. Iyon bang halos nabubuo sa isipan ng mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay at
iba pang katangian ng tauhan gamit ang pinakaangkop na mga pang-uri. Mahalaga ring
pakilusin ang mga tauhan para mas magmarka ang mga katangiang taglay niya tulad ng
halimbawa ng kung paano siya ngumiti, maglakad, humalakhak, magsalita at iba pa.

Sinasabing ang pinakamahusay na tauhan yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng


akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit sila’y produkto lang ng
mayamang imahinasyon ng manunulat, hindi sila basta nakalilimutan.

Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon

Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi parin ng paglalarawan sa tauhan subalit


sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin
dito’y ang kanyang damdamin o emosyong taglay. Napakahalagang mailarawan nang
mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat ito ay nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa
ng tauhan ang kanyang ginawa. Makatutulong makakonekta ang mambabasa sa tauhan
kung sa halip na ilarawan lang ng manunulat ang damdamin ng tauhan mula sa malayo ay
mismong ang tauhan ang magsaad ng emosyong nararamdaman niya. Mababasa sa ibaba
ang ilang paraan ng paglalarawan sa damdamin o emosyon ng hindi na malayo at
konektado parin sa tauhan:

 Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan. Maaaninag ng mambabasa


mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong tagklay nito.
Halimbawa: matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang
kanyang paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na
nadarama. Dalawang araw na pala nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo
niyang mga labi.
 Paggamit ng diyalogo o iniisip. Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang
emosyon o damdaming taglay niya.
Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit sa pila ng babae
siya sa ginawang pagsingit sa pila ng babae ay maaari itong gamitan ng sumusunod
na diyalogo: “Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat
lang na sa huliham kayo pumila!”
 Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng
tauhan, minsa’y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong
naghahari sa kanyang puso at isipan.
Halimbawa: “Umalis kana!” ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim-
bagang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit
bumalong mula sa kanyang mga mata.
 Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita. Ang mga tayutay at
matatalinghagang pananalita ay hindi lang nagagamit sa pagbibigay ng rikit at
indayog sa tula kundi gayundin sa prosa.
Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa kanyang buhay.
Maging ang langit ay lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal
niyang si Berta.

Paglalarawan sa Tagpuan

Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o


panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga
mambabasa. Sa pamamagitang ng mahusay na pagkakalarawan sa madarama ng
mambabasa ang diwa ng may akda.

Maaaring ilarawan ang tagpuan sa pamamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa


kapaligirang ito. Kung ang tagpuan halimbawa ay isang munting barong-barong sa
tambakan maaaring itanong ang sumusunod para sa isang mabisang paglalarawan:

 Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito? Marumi, luma, kinakalawang,


gumigiray, nagkalat ang nakaririmarim na basura, naglipana ang mga langaw, mga
mangangalkal ng basurang nakasuot ng tagpi-tagping halos basahan na, may taglay
ang nakapanlulumong kahirapan at kapangitan.
 Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid? Sigaw ng mga inang hindi magkamayaw
sa mga Gawain, iyakan ng mga batang gutom at di pa nakapag-almusal, ingay ng mga
trak na nagdadala ng basura, hugos ng basurang ibinabagsak sa tambakan, busina
ng mga sasakyan sa di kalayuang kalsada, tawanan ng mga mirong nag-iinuman sa
kalapit na tindahan.
 Anong amoy ang namamayani? Masangsang na amoy ng nabubulok na basura, amoy
ng usok na nagmumula sa bunton ng mga basura, amoy ng pawis ng mga basurerong
bilad sa araw, maasim na amoy ng mga batang hindi pa napapaliguan nang ilang
araw, amoy ng tuyong iniihaw sa kalan.
 Ano ang pakiramdam sa lugar na ito? Mainit o maalinsangan, gutom, nakapanlalagkit
na pawis at alikabok, hindi komportable, nakaririmarim o nakadidiring bagay sa
paligid, kawalan ng pag-asa.
 Ano ang lasa ng mga pagkain ditto? Pagpag na manok na nagsisimula nang mapanis
kaya’t maasim na, masebo at matabang na karne mula sa karinderyang nilalangaw.

Mula sa sagot sa mga tanong na ito ay maaari nang bumuo ang manunulat ng isang
paglalarawan sa tagpuang makapagdadala sa mga mambabasa sa lugar, sitwasyon o
kalagayang ginagalawan ng mga tauhan para sa ganap na pag-unawa at pagpapahalaga
sa akda.

Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay

Sa maraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga


pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito. Hindi
sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng akda upang
mabigyang-diin ang kahalagahan nito. Dapat mailahad kung saan nagmula ang bagay na
ito. Kailangan ding mailarawan itong mabuti upang halos madama nan g
mambabasaang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog at iba pang katangian nito. Mula rito’y
ihayag na ang kwento sa likod ng bagay at kung paano ito naging makabuluhan o
mahalaga sa tauhan o manunulat at sa kabuoan ng akda.

You might also like