Professional Documents
Culture Documents
Pananaliksik
Tayo na’y magsimula!
ANO ANG PANANALIKSIK?
Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng
kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Isang prosesong mapagsuri,
sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan
(obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o
hipotesis. Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng
pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin.
Mga Bahagi ng Pananaliksik
Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
• Fly Leaf I ang pinakaunang pahina ng pananaliksik na papel. Walang nakasulat
sa pahinang ito. Sa madaling sabi, blangko ito.
• Pamagating Pahina ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng
pananaliksik. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung
saang asignatura o kurso ito kailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng
komplesyon.
• Dahon ng Pagpapatibay ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa
ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
• Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng mananaliksik ang mga
indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat
ng pananaliksik at sa gayo’y nararapat na pasalamatan at kilalanin.
• Sa Talaan ng Nilalaman nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at
nilalaman ng pananaliksik at nakatala nang kaukulang bilang ng pahina kung
saan matatagpuan ang bawat isa.
• Sa Talaan ng mga Talahanayan at Grap nakatala ang pamagat ng bawat
talahanayan at/o grap na nasa loob ng pananaliksik at ang bilang ng pahina kung
saan matatagpuan ang bawat isa.
• Ang Fly Leaf 2 ay isa naming blangkong pahina bago bago ang katawan ng
pananaliksik.
• Hindi nilalagyan ng pahina o pagination ang mga pahinang preliminary. May mga
pananaliksik din na kakikitaan ng Pag-aalay o Dedication na isang opsyonal na
pahina.
Kabanata I (Suliranin at Kaligiran)
KABANATA I (Suliranin at Kaligiran)
RASYUNAL
• Dito malalaman ang sagot sa tanong na Ano at Bakit. Ano ba ang paksang
inaaralan at Bakit ito pinag-aaralan
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
• Dito nakalagay ang sanhi o layunin ng paksang inaaralan sa anyong patanong
• Iaanyo itongnangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3
o higitpang mga tiyak na layunin.
KAHALAGAHAN NG TALAKAY
• Dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili
naginagamit sa pananaliksik.
BATAYANG KONSEPTWAL
• Dito nakalagay ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG- AARAL
• Dito naka saad ang lawak at limitasyong ng pinag-aaralan
Kabanata II (Metodo Ng Pananaliksik)
KABANATA II (Metodo ng Pananaliksik)
DISENYO NG PANANALIKSIK
• Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit nadisenyo ng pananaliksik
RESPONDENTE
• Dito inalalahad ang eksaktongbilang ng mga sumagot sa inihandang kwesyoner-
sarvey
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
• Dito nakikita ang mga ginamit na instrumento sa pag survey sa mga respondente
katuald ng “questionnaire”.
TRITMENT NG MGA DATOS
• Nakalagay dito ang simpleng statistik na mga na kuhang datos galing sa
respondente
PANGONGOLEKTA NG DATOS
Maraming paraan ang magagawa upang makapangolekta ng mga datos na lubhang
kailangan sa ginagawang pananaliksik.
AKLAT SA LAYBRARI.
• Napakahalagang lugar ang laybrari sa pangangalap ng mga informasyong
magagamit sa talakayan. Dito ka makakakuha ng mga teoryang mapagbabatayan
ng mga ideya sa pananaliksik. Dito rin makakalap ang mga pahayag na
magpapalakas sa inyong mga paliwanag, sa mga kinalap na informasyon lubhang
mahalaga at kailangan na itala sa bahaging sanggunian o biblyografi sa kabuuan,
ang pinaghanuan ng ideya.
Ang hakbang na ito’y nagpapakita ng respeto sa paggamit ng ideya o kaisipan ng
nagmamay-ari.
Subject card- ito ay nakaayos paalpabetical.
Author card- pinakapamagat na nakatala
Kabanata III(Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos)
https://www.scribd.com/doc/122390600/Mga-Bahagi-Ng-Pananaliksik
INIHANDA NINA:
LUCHAVEZ, LADY JEAN A.
LENESES, GEZZALYN F.
BEED 2A NIGHT