You are on page 1of 31

1

Assumption College of
Davao
J.P. Cabaguio Avenue, Davao City
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Senior High School
S.Y. 2020-2021

MODYUL NG PAG-AARAL
C4
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PANGALAN NG MAG-AARAL

SEKSYON

Ginawa ni:
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
2
Bb. JENNIFER B. ALBITE
Guro ng Baitang 11

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


3
Aralin 1 | Q4 Sulating Pananaliksik at Pagpili ng Paksa
“Mabuting pananaliksik ay nagsisimula sa mahusay na paksa.
Piliin mo itong mabuti para sa matagumpay na pagsasagawa.”

Kumusta ka? Kaunti na lang at patapos na ang


klase nating ngayong taon. Panibagong aralin
ang mababasa at pag-aaralan mo ngayon.
Huwag panghinaan ng loob sa pag-aaral dahil
talo ang sumusuko! Walang imposible sa
taong masikap. Simulan mo na! Tayo na’t
magbasa nang matuto.

KAALAMANG
PAMPAGKATUTO

 Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,


gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
 Nakapagpapakita nang kahusayan sa pagpili ng paksa batay sa mga
napapanahong isyung kinakaharap ng komunidad

MOTIBASYON

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


4
Sagutan ang nasa worksheet 1 Gawain 1.

Pagnilayan:
Sa iyong palagay, paano mo maiuugnay ang gawaing ito sa pagsasagawa ng isang
mahusay na pananaliksik? __________________________________________

TALAKAYAN

Tatalakayin sa araling ito ang pagpili ng paksa na siyang magagamit sa paggawa


ng pananaliksik.

Alam mo ba?

Ang pagpili ng paksa ay isa sa pinakamapanghamong bahagi sa


pagsulat ng pananaliksik. Madalas mga paksang palasak o lagi
nang ginagamit ang pinipili ng mga mananaliksik dahil ang mga ito
ang laging nakikita sa kapaligiran at sa iba’t ibang uri ng media.
Subalit kung mag-iisip at magiging mapanuri ang mananaliksik ay
marami pang maaaring mapagkunan ng paksa, isang bago at
naiibang paksa.

Pangkaalaman

Ang Sulating Pananaliksik

Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang


paksa. Hindi lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t
ibang primarya at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang
obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap. Ang
interpretasyong ito ang pinakamahalagang element ng isang tunay na sulating
pananaliksik (Spalding, 2005).
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig
bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong
mahalagang layunin: una, isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya;
pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa
teoryang ito: pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa
mga makaagham na problema o suliranin.
Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng
pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga
datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng
impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang
makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.
Katangian ng Pananaliksik

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


5
Upang higit pang mapagtibay ang iyong kaalaman ukol sa pananaliksik ay
kailangang kilalanin mo ang mga katangian nito. Ang pananaliksik ay:
 Obhetibo – naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinion o
kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na
maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
 Sistematiko – ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo
sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na konklusyon.
 Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan – nakabatay sa kasalukuyang
panahon (tukoy nito ang petsa o taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay sa
kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong
pangkasalukuyan.
 Empirikal – ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa
tunay na nararanasan at/o na-obserbahan ng mananaliksik.
 Kritikal – maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang
proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang
paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
 Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan – nararapat itong
sumusunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at
malinis sa kabuoan.
 Dokumentatibo – nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos.
Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.

Mga Uri ng Pananaliksik

May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlong
kategorya: (1) basic, (2) action, at (3) applied na pananaliksik.

 Basic Research - ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito.


Makakatulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang
impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
Halimbawa: “Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga
kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa
kanilang paligid”

 Action research - ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga


espesipikasyong problema o masagot ang mga espesipikong problema o masagot
ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa
kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng
bagay na siyang paksa ng pananaliksik.

Halimbawa: “Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing


may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang
lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga Gawain”

 Applied Research - ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.


Halimbawa: “Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang
paaralan”

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


6
Mga Tips o Paalala sa Pagpili ng Paksa
Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na
ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.

Mahabang panahon ang ginugugol sa


pangangalap ng datos kaya naman makabubuting
napag-isipang mabuti ang paksang tatalakayin bago pa
magkaroon ng pinal na desisyon.

 Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo. Mahaba at mabusisi ang


proseso ng pagbuo ng sulating pananaliksik. Kakain ito ng maraming oras mo at
magiging mahalagang bahagi ng sumusunod na mga araw, linggo, at buwan sa
iyong buhay. Kaya naman, mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang
paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong
matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin.
 Paksang marami kang nalalaman- May mga kabutihan ang pagpili ng paksang
may malawak ka nang kaalaman sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng
mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o mga
taong eksperto sa nasabing paksa bago pa man simulan ang pananaliksik.
 Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman- Madalas, may mga tao
kang higit na gusto pang makilala o mga bagay na hindi gaanong alam at
gustong- gusto mo sanang higit pang malaman o makilala.
 Paksang napapanahon- Maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng mga
paksang napapanahon. Magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta
ng iyong pananaliksik sapagkat magagamit ito ng nakararami dahil angkop o
tumutugma ito sa kasalukuyang pangangailangan.
 Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling
paksa ng mga kaibigan mo - Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili
mong paksa para maging kapaki-pakinabang ang mga bagong kaalamang
ilalahad mo mula sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang
sa kung anuman ang natuklasan ng ibang mananaliksik.
 May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon- Tulad ng
naunang nabanggit, sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi dapat sa
aklatan at sa Internet lang mangalap ng kagamitan at impormasyon.
 Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan- Gaano man kaganda ang
paksang napili mo kung hindi naman ito matatapos sa takdang panahon ay
mawawalan din ng kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng
panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito hati-hatiin sa
bawat bahagi upang matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa
takdang araw ng pagpasa.

Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa Para sa Pananaliksik


 Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman
mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay
mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin. Halimbawa’y ito ang layuning
sasabihin ng inyong guro:

Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas mo ang kasanayan sa


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, 7
gamit, metodo, at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo
ng sulating pananaliksik patungkol sa mga paksang napapanahong
pagpaplano at pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng
paaralan para sa mga mag-aaral.

 Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik


May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga
mag-aaral. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin.
Kung sakaling wala kang magustuhan sa mga paksang ibinigay upang
pagpilian ay maaari mong kausapin ang iyong guro upang mabigyan ka ng
pagkakataong pumili ng ibang paksang malapit sa iyong puso at interes.
Mahalagang lagi kang makipag-ugnayan sa iyong guro para makuha ang
pananaw niya sa mungkahi mong paksa bago pa man ito simulan upang maiwasang
mathyang ang oras mo kung sakaling may ibang suhestiyon pa ang iyong guro kaugnay
nito.
 Pagsusuri sa mga itinalang ideya
Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya. Suriing mabuti ang
bawat isa gamit ang sumusunod na mga tanong:
o Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa
iyo?
o Bakit ka interesado rito?
o Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?
o Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o
mapalawak ang iyong kaalaman?
o Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng
impormasyon?
o Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?
o Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
o Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang
panahon?
 Pagbuo ng tentatibong paksa
Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa
mga nakatala sa iyong papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong sulating
pananaliksik. Lagyan ng tsek (✓) ang mga ito gamit ang mga naunang tanong bilang
gabay. Muli, suriing mabuti ang mga napili mo. Magdesisyon ka at itanong sa sarili:
Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso,
pinakamadali kong maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay sa layunin, at
tiyak na matatapos ko sa limitadong oras na ibinigay sa akin para tapusin ang gawain?
Batay sa sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo na ang iyong
tentatibong paksa.

 Paglilimita sa paksa
Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t kakailanganin
mong limitahan ito upang ma. gkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


8
Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na
sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na matatapos sa, takdang
panahon at hindi maihahanap ng angkop na kasagutan.
Halimbawa ng paglilimita sa isang malawak o pangkalahatang paksa:

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


 Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at
ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa
Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang
Epekto Nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko.

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


 Persepsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan
Nilimitahang Paksa
 Persepsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
 Persepsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa
katawan

Pagnilayan:
Ano ang maaaring mangyayari kung masyadong malawak ang paksang tatalakayin
sa isang sulating pananaliksik? Paano kung masyado naman itong limitado? ______
______________________________________________________________________

Ano ang mangyayari kung maganda nga ang napili mong paksa subalit hindi mo
naman matapos-tapos dahil lubha itong malawak at hindi kayang tapusin sa takdang
panahong ibinigay ng guro?
_____________________________________________
______________________________________________________________________

Sa paglilimita sa iyong paksa, iwasang maging lubha naman itong


limitado na halos wala ka nang pagkakataon upang mabuo ito bilang
isang sulating pananaliksik.
Kung masyadong limitado ang paksa ay maaaring magkulang ang mga
gamit na kakailanganin mo para dito. Dito mangangailangan ka ng
modipikasyon o bahagyang pagpapalawak sa iyong paksa upang
maging mas makabuluhan ang kalalabasan ng iyong pag-aaral.

Sagutan ang gawain sa Worksheet 1 Gawain 2.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


9
TANDAAN

Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang interesante, makabuluhan, at


napapanahong paksa.
Mas magiging makabuluhan ang resulta ng pananaliksik kung ito ay naaayon sa
larangan, interes, at malapit sa puso at karanasan ng mananaliksik.
Ang mga hakbang sa pagpili at paglilimita ng paksa ay makatutulong, upang
mabigyang direksyon ang gagawing pananaliksik. Tinitiyak din nito na hindi
masasayang ang panahon, oras, talino, lakas, at pera na gugugulin sa
pananaliksik.

Sagutan ang gawaing nasa Worksheet 1 Gawain 3.


Sagutan ang gawaing nasa Worksheet 1 Gawain 4.

Natapos mo ba ang lahat ng gawain? Magaling. Napag-alaman mo


na ngayon ang patungkol sa sulating pananaliksik at pagpili ng
paksa. Marami ang kailangan tandaan at isaalang-alang sa araling
ito. Ilagay mo ang iyong mga nahinuha sa ating aralin sa loob ng
kahon sa ibaba.

Aralin 1: Repleksyon Ko, Ibahagi Ko!

Aralin 2 | Q4 Pangangalap ng Paunang Impormasyon


at Pagbuo ng Pahayag ng Tesis

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


10
Binigyang-diin sa nakaraang aralin ang
kahalagahan ng pagpili ng paksa upang
makabuo ng isang maayos na sulating
pananaliksik. Ipinapakita sa nakaraang aralin
na mahalaga ring interesado sa paksang
kanyang isusulat ang isang mananaliksik.

KAALAMANG
PAMPAGKATUTO

 Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,


gamit, metodo, at etika sa pananaliksik
 Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik
(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal,
atbp.)

MOTIBASYON

Sagutan ang nasa worksheet 2 Gawain 1.

Pagnilayan:
Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pag-oorganisa sa mga
paunang kaalaman o impormasyong masasaliksik mo?

Pangkaalaman “Bakit ba kailangan pang manaliksik?”


Ito ang karaniwang itinatanong ng mga
mag-aaral kapag ibinibigay o tinatalakay
na sa kanila ang gawaing ito.
Ayon sa mga pag-aaral ang
pangunahing dahilan sa ganitong tanong
o pananaw (lalo na ng mga mag-aaral
na una pa lang sumasabak sa gawaing
ito) ay ang pag-iral ay “takot”.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Sa halip na katakutan, dapat isiping 11
marami ring magagandang karanasan
ang maaaring maranasan sa
pagsasagawa ng pananaliksik.
Pangangalap ng Paunang Impormasyon

Mula sa nabanggit na unang hakbang ay isusunod mo ang ikalawang


mahalagang hakbang, ang pagbuo ng pahayag ng tesis na tinatawag sa Ingles na
thesis statement hango sa iyong paksa.
Ang paunang impormasyong tinatawag sa ingles na background information
ay magbibigay ng ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling
paksa at gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa bubuoing pahayag na tesis.

Mga Uri ng Datos


Ang bawat pananaliksik ay nangangailangan ng naaangkop na datos upang
makamit ang mga layunin nito. Upang makapangalap ng datos, ang mga mananaliksik
ay gumagamit ng tamang metodo o pamamaraan.
 Datos ng Kalidad o Qualitative Data
 Kung ang mga datos na kailangan ng mga mananaliksik ay naglalarawan o
nagsasalaysay o pareho, ito ay tinatawag na datos ng kalidad o qualitative data.
 Ang mga datos ng kalidad o qualitative data ay kadalasan ang mga sagot sa
tanong na ano, saan, sino, paano at bakit.
 Ang mga ganitong datos ay maaaring kulay, tekstura, lasa, damdamin at
pangyayari.

Halimbawa:
o Ano ginagawa mo noong kasagsagan ng bagyong Ondoy?
o Sino si Jose Rizal para sa iyo?
o Kailan mo masasabing handa ka nang pumasok sa isang seryosong
relasyon?
o Anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo sa salitang pabebe?

 Datos ng Kailanan o Quantitative Data


 Ang mga datos ng kailanan o quantitative data
naman ay ang mga nakalap na datos na
tumutukoy sa dami o bilang ng mga bagay o
sagot ng mga respondente.
 Maaari ding ang mgaa datos na ito at tumutukoy sa
mga katangiang nabibilang o nasusukat.

Halimbawa:
o Taas, bigat, edad, o grado ng mga mag-aaral

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


12
o Average na halaga ng kinikita sa pagpapart-time job ng mga part-time
students
o Dami ng mga babae o lalaki o dami ng mga mag-aaral sa bawat baitang na
sinerbey ng mananaliksik.

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement

Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng


sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang
posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na handa niyang patunayan sa
pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at ebidensiya.
Sa pamamagitan ng pahayag ng tesis ay malalaman ng mga mambabasa kung
tungkol saan ang sulating papel. Ito rin ang magbibigay direksiyon sa mananaliksik sa
pangangalap ng mga ebidensiyang magpapatunay sa kanyang argumento.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis o Thesis Statement


Sa pagbuo ng mahusay na pahayag ng tesis ay mahalagang magsimula sa
paunang pangangalap ng impormasyon o datos.
Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang makita mo ang kaugnayan ng
bawat isa sa iyong paksa.
Mula rito’y magkakaroon ka ng ideya kung sapat na ba ang impormasyong
nakalap at maaari ka nang makabuo ng isang mahusay na pahayag ng tesis o
kailangan mo pang magsaliksik upang higit pa itong mapagtibay.
Kung sapat na ay buoin mo na ang tesis batay sa iyong mga ebidensiyang
nakalap.
Maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuo mong pahayag ng tesis
sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod:
o Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
o Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
o Nakapokus ba ito sa isang ideya lang? .
o Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan ng
pananaliksik?

Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis

Hindi lang iisa ang paraan ng paglalahad sa panukalang pahayag. Ayon kay
Samuels (2004), maaari itong isagawa sa alinman sa sumusunod na mga
paraan:

o Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o


posisyon.
o Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha
kung paano ito maaaring malutas.
o Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
o Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw.
o Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung
nangyari/hindi nangyari ang mga bagay-bagay sa nakalipas.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


13
o Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga
ito ng marka.
o Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang
paksa kaya ito naging ganito o ganoon (Halimbawa: musika, sining, politika).

Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng paksa at ang pahayag ng tesis na nabuo
mula rito.

Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa ibang
lengguwahe
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng
orihinal na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang
lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.

Paksa:

Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at pelikula

Tesis:

Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood ng


telebisyon at pelikula kaya suportado o tinatangkilik nila ito.

Pagnilayan:
Paano maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuong pahayag ng
tesis? ___________________________________________________________
______________________________________________________________________
Sa paanong paraan maaaring mabigyang direksiyon ng isang matibay na
pahayag ng tesis ang isang mananaliksik?
______________________________________
______________________________________________________________________
Ano ang pahayag ng tesis? Bakit kailangang bumuo muna nito ang isang
mananaliksik? ____________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sagutan ang Worksheet 2, gawain 2 hanggang 3

Aralin 2: Repleksyon Ko, Ibahagi Ko!

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


14
Ipagpatuloy natin ang pag-aaral sa iba pang teksto!

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


15
Aralin 3 | Q4 Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong
Papel

Nabatid natin sa nakaraang aralin ang


kahalagahang mapaghandaan at mabuo ang isang
mahusay na panukalang pahayag para sa inyong
sulating pananaliksik. Masusubukan mo na bumuo
ng pahayag ng thesis (thesis statement) para sa
susulatin ninyong pananaliksik.

KAALAMANG
PAMPAGKATUTO

 Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik


(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal,
atbp.)
 Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik

MOTIBASYON

Sagutan ang nasa worksheet 3 Gawain 1.

Pagnilayan:
Sa iyong palagay, paano ka nga kaya matulungan ng pansamantalang
balangkas sa ginagawa mong pagbuo ng sulating pananaliksik?

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


16
Alam mo ba?

Ang arkitekto ay bumubuo muna ng plano o blueprint bago simulan ang


konstruksiyon ng isang bahay o gusali. Nakatutulong ito nang malaki upang sa una
pa lang ay may gabay na siya sa disenyo, itsura, sukat, at maging kulay ng gusaling
itatayo. Kung ang arkitekto ay may plano o blueprint, ang manunulat naman ay may
balangkas. Nakatutulong sa manunulat ang balangkas upang maging maayos o
organisado ang kanyang isusulat simula hanggang wakas.
Mababasa sa ibaba ang ilan pa sa mga kahalagahan ng pagbuo muna ng
balangkas bago simulan ang pagsulat.

Higit na nabibigyang-diin ang paksa


Ang paksa ang pinakasentro ng sulatin kaya naman makatutulong ang
pagbuo ng balangkas upang matiyak na ang lahat ng impormasyong isasama sa
sulatin ay sesentro o tutugon sa paksa. Magagabayan din nito ang manunulat sa
paghahanap ng tamang kagamitan, sanggunian, o datos na magpapatibay at
magpapatunay sa paksa.

Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat


Dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng sulatin ay magiging madali para sa
manunulat ang mag-pokus sa bawat bahagi ng kanyang balangkas. Makatutulong ito
upang mapadali ang proseso ng pagsulat dahil magiging maayos ang daloy nito
kaya’t nakababawas ito sa oras na inilalaan para sa pagrebisa ng sulatin.

Natutukoy ng mahihinang argumento


Sa pagbabalangkas ay nahahati-hati ang malalaking ideya. Ang bawat
malalaking ideya ay nilalagyan pa ng sumusuportang detalye upang maging matibay
na argumento. Sa pagbuo ng balangkas, agad natutukoy ng manunulat kung alin-
aling argumento ang mahihina dahil halos wala siyang mailagay na detalyeng
susuporta rito.
Nakatutulong maiwasan ang writer’s block
Magsimulang magsulat kung isang malinis na papel o cursor na kumikindat-
kindat sa malinis na monitor lang ang kaharap para sa isang malaking proyektong
tulad ng sulating pananaliksik. Makatutulong nang malaki ang balangkas upang
magkaroon ng direksiyon ang manunulat at mapag-isipan ang kanyang mga isusulat.

Ginagamit ang
Pangkaalaman salitang pansamantalang
balangkas sapagkat
hindi pa ito pinal.
Habang dumarami kasi ang nababasa
mong sanggunian ay nadaragdagan o lumalawak
ang kaalaman mo tungkol sa iyong tesis kaya’t
maaaring may mabago pa sa iyong balangkas.
Bagama’t hindi pa pinal ay mahalaga ang
pansamantalang balangkas sa pagbibigay ng
direksiyon sa mananaliksik.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


17
Mula rito’y makikita niya kung ang mga ideya ay konektado sa isa’t isa, kung
maayos ang daloy ng bawat bahagi, at kung walang puwang o gap na dapat punan sa
pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Ang pansamantalang balangkas ay magsisilbi ring gabay upang masagot ng


mananaliksik ang dalawang mahahalagang tanong:
 Ano-ano na ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na at maaari ko
nang i-organisa patungkol sa aking paksa?
 Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa at
kailangan ko pang saliksikin?

Isa ring magandang pagkakataon ang pagbuo ng balangkas upang maisaayos


ng mananaliksik ang iskedyul para sa bawat bahaging isinulat niya rito. Ang guro ay
karaniwang nagbibigay ng takdang araw o panahon ng pagpasa sa gawain.
Halimbawa, kung walong linggo ang ibinigay para maisagawa ang
buong sulatin, magagamit ng mananaliksik ang tentatibong balangkas
upang mahati-hati ang natitirang panahon o araw para sa bawat
bahagi. Sa ganitong paraan ay maiiwasang matambak ang gawain o
magmadali sa pagtapos ng lahat kapag malapit na ang araw ng
pagpasa.

Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang i-


konsidera ang pagiging maayos ng daloy ng bawat kabanata. Sa simula pa lang ay
mahalaga na ang binuo mong matibay na pahayag ng tesis. Dito kasi ihahanay o i-a-
align ang iba pang bahagi o nilalaman ng iyong balangkas.

Paano Ginagamit ang E-Textbooks sa Loob ng Silid-Aralan


(Pansamantalang Balangkas)
I. Introduksiyon
A. Paunang Kaalaman o Background sa Paggamit ng E-Textbook sa Silid-Aralan
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag ng Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahatagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel

II. Mga Kaugnay na Literatura


A. Depinisyon ng E-Textbook
B. Maikling Kasaysayan ng E-Textbook
C. Mga Pormat ng E-Textbook
D. Pagkokompara ng E-Textbook sa mga Inimprentang Libro
E. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol Paggamit ng E-Textbook

III. Metodolohiya
A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag-iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro
D. Sintesis ng mga Nakalap na Datos

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


18
IV. Resulta
V. Kongklusyon at Rekomendasyon
VI. Bibliyograpiya

Konseptong Papel
Mula sa iyong nabuong paksa, pahayag, ng tesis, at
balangkas ay maaari ka na ngayong bumuo ng iyong
konseptong papel.
Sa pamamagitan nito’y mailalahad mo ang
magagawa upang mapatunayan ang iyong paksa at
pahayag ng tesis.
Samakatwid, ito ang magsisilbing proposal para
sa gagawin mong pananaliksik.

Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may apat na bahagi ang konseptong papel an
binubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta.

 Rasyunal
 Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin
ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
 Layunin
 Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng mananaliksik base sa paksa.
 Metodolohiya
 Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng
datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na
impormasyon.
 Inaasahang output o resulta
 Dito inilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o
pag-aaral.
 Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa
rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan
ng pagkalap ng datos.

Halimbawa ng Konseptong Papel


Paano Ginagamit ang E-Textbooks sa Loob ng Silid-Aralan
(Konseptong Papel)
Rasyunal (Rationale)
Ayon kina Bernie Trilling at Charles Fadel sa kanilang aklat na 21st
Century Skills: Learning for Life in our Times (2009), ang kasalukuyang siglo ay
nagdala ng mga bagong set ng indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang
magulang. Sila ang mga digital native. Ang unang set ng henerasyon na
napaliligiran ng digital media. Sila rin ay naiiba sa mga “natutong gumamit” ng
teknolohiya paglipas ng panahon o mga digital immigrants. Inilarawan nina
Trilling at Fadel ang mga digital native bilang unang henerasyon sa kasaysayan
na mas marami pang nalalaman tungkol sa mga impormasyong digital at
teknolohiyang pangkomunikasyon o digital information and communications
technologies kaysa sa mga mas nakatatanda sa kanila. Ayon sa kanila, binago
nito ang dinamika sa paaralan dahil ang mga mag-aaral na ang mga digital

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


19
mentor at ang mga guro at magulang na ang mga part-time na mga mag-aaral.
Dahil sa pagkalantad ng mga digital native sa mundong digital, sila ay naglalatag
ng bagong set ng pangangailangan sa ating sistemang pang-edukasyon.

Dagdag pa nina Trilling at Fadel, may mga kakayahang pang-21 siglo o


21st century skills na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral. Hindi lamang
ang pagiging bihasa sa mga natukoy na kakayahan o identified skills tulad ng
problem solving at critical thinking ang kabilang sa mga kakayahang ito, kundi
maging ang pagiging bihasa sa mga makabagong kakayahan tulad ng digital
media literacy. Ipinaliwanag din nila Trilling at Fadel na may tatlong set ng
kakayahan na kinakailangang matamo ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo. Ito ay
ang life and career skills, learning and innovation skills, at information, media,
and technology skills.

Layunin
Nais ng papel na ito na mag-pokus sa information, media, and technology
skills lalo na at ang ilan sa mga silid-aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang
maging hi-tech hindi lamang sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya upang
gumawa ng mga teaching aid at instructional material, kundi sa pamamagitan din
ng unti-unting pagpapalit sa mga inimprentang teksbuk ng electronic textbook o
e-textbook. Nais ng papel na ito na malaman kung paano ginagamit ng mga guro
at mga mag-aaral ang e-textbook sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng silid-
aralan bilang manipestasyon ng kanilang information, media, and technology
skills at kung ano ang impak ng teknolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at
pagkatuto sa loob at labas ng mga silid-aralan.
Sa kasalukuyan, magkaka-iba ang lebel ng information, media, and
technology skills ng mga guro at mag-aaral sapagkat iba-iba rin ang kanilang
exposure sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito, ipinahahayag ng papel na
ito na ang paggamit ng e-textbook sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral at
mga guro ay naka-depende sa kanilang information, media, and technology
skills.

Metodolohiya

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng


pakikipanayam sa ilan sa mga guro at mag-aaral na gumagamit ng e-textbook
bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na
isasagawa. Ipinapanukala rin. ng papel na ito ang pagsasagawa ng obserbasyon
sa mga silid-aralan ng isang piling paaralan na nagpapatupad ng paggamit ng e-
textbook sa pili nitong mga pangkat at baitang upang higit na mapatatag ang
mga datos na makukuha mula sa paki kipanayam. Inaasahang makabubuo ng
50 pahinang awput ang pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa layunin ng
papel na ito.

Inaasahang Awput o resulta


Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang output ang pananaliksik na
isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na ito, Inaasahan ding
makapagpapahayag sa output ng mga rekomendasyon na maaaring magamit ng
piniling paaralan o ng iba pang paaralang nagnanais na gumagamit ng e-
textbook sa kanilang kurikulum.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


20
Sagutan ang Worksheet 3, gawain 2 hanggang 3

Aralin 3: Repleksyon Ko, Ibahagi Ko!

Ipagpatuloy

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


21
Aralin 4 | Q4 Pangangalap ng Impormasyon at Pagbuo ng
Bibliyograpiya
“Isang mahalagang kasanayan ang pagsulat ng talasanggunian
upang pinagmulan ng kaisipan ay madaling balikan.”

Natutuhan sa nakaraang aralin kung paano


makatutulong sa mabisang pananaliksik ang
pagkakaroon ng mahusay na pansamantalang
balangkas at konseptong papel. Magkakaroon din
kayo ng pagkakataong bumuo ng pasamantalang
balangkas at konseptong papel para sa inyong
sulating pananaliksik.

KAALAMANG
PAMPAGKATUTO

 Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang


pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik
 Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa
pagsulat ng isang pananaliksik
 Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.

MOTIBASYON

Sagutan ang nasa worksheet 4 Gawain 1.

Alam mo ba?

Ang paggawa ng bibliyograpiya ay isang kasanayang susubok sa sipag,


tiyaga, at katapatan ng isang mananaliksik. Ang magandang balita sa panahon
ngayon ay marami nang web site na tumutulong sa mga mananaliksik upang
gumawa ng kanilang bibliyograpiya. Layunin nilang mapagaan ang gawain ng mga
Bibliyograpiya
Pangkaalaman
mananaliksik at mabigyan ng tamang kredito ang pinagmulan ng mga impormasyon.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
22
Ano ang bibliyograpiya?
> lto ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di
nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon,
dokumentaryo, at maging ang mga social media networking site na
pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon.
> Ito ay isa sa mga katibayan ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik o
aklat na ginawa.
> Sa pagsulat ng bibliyograpiya o talasanggunian, mahalagang makuha ang pangalan
ng may-akda, pamagat ng aklat o artikulo, lugar ng publikasyon, tagapaglathala, at taon
kung kailan ito nalathala.

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya


Bago mo isulat ang pinal na bibliyograpiya ay gumawa ka muna ng
pansamantalang bibliyograpiya. Ito ang magiging katuwang mo habang isinusulat mo
ang iyong pananaliksik. Ang ganitong sistema ay nakatitipid sa oras at panahon sa
paggawa ng pananaliksik. Hindi pa ito ang pinal sapagkat maaari ka pang magdagdag
o magbawas ng sanggunian. Narito ang hakbang sa paggawa ng pansamantalang
bibliyograpiya:
 Maghanda ng mga index eard na pare-pareho ang laki. Karaniwang 3 x 5
pulgada ang ginagamit ng iba.
 Isulat sa mga index card na ito ang mahahalagang impormasyon ng iyong
sanggunian. Ang ganitong paghahanda ay makatutulong para sa
paggawa ng pinal na bibliyograpiya.
 Isaayos ang mga index card nang
paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong
sanggunian. Maaari itong ilagay sa
isang kahon, folder, o sobre.
May iba’t ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:

 APA o American Psychological Association


 MLA o Modern Language Association
 Chicago Manual of Style

Maaaring magbigay ang guro ng paraan na inyong gagamitin sa pagsulat ng


bibliyograpiya, o kaya ikaw ang mamimili ng estilo. Kailangan lamang tandaan na kung
anumang estilo ang iyong gamitin sa umpisa ay iyon na rin ang gagamitin sa kabuuan
ng sulatin.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


23
Ang mga hakbang sa pagsulat ng bibliyograpiya gamit ang mga estilong APA at
Chicago ay tatalakayin sa araling ito.

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala


Isa sa mga paraan ng pagsasaayos ng mga tala ay ang paggamit ng notecard o
index card. Sa panahon ngayon ng teknolohiya ay maraming paraan ang puwedeng
makatulong sa atin sa pagsasaayos ng tala, pero hindi maikakaila na para sa
nakararami ay epektibo pa rin ang paggamit ng notecard o index card.
May ilan lamang konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa paggamit ng
notecard, ito ay ang sumusunod:
1. Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya. Isa-isahin ang mga datos
o impormasyong nakuha sa kahit saang sanggunian, isulat ang mga ito sa
magkakaibang notecard. Sa ganitong paraan ay hindi ka na mahihirapan sa
pamimili ng gagamitin mong notecard sa oras na kailangan mo ng isang ideya.
2. Tiyaking may pamagat at pahina ng aklat na pinagkuhanan ng tala.
3. Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng notecard o index card na
gagamitin. Maraming sukat ang notecard o index card, karaniwang ginagamit
ang 3 x 5, ang 5 x 8, at 4 x 6 para sa mga tala.
4. Upang madaling matukoy ang sanggunian ilagay ang datos ng sanggunian sa
notecard. Sa kanang itaas na bahagi ng notecard ay isulat ang awtor at pamagat
ng sanggunian (aklat, dyornal, website, etc), sa gitna ang pamagat ng tala at sa
itaas na kaliwang bahagi ang pahina na pinagkunan ng tala.

5. Maaari ding gumamit ng code upang tukuyin ang sanggunian. Ang sistemang ito
ay gumagamit ng titik at numero upang maging code sa notecard.

6. Tiyakin ang uri ng talang gagamitin. Ang uri ng tala ay magiging batayan ng isang
maayos at sistematikong pagsasaayos ng tala. Ang nasa kabilang pahina ay
naglalahad ng iba’t ibang uri ng tala.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


24
Mga Uri Talậ

 Direktang Sipi—Ginagamit ito kung isang bahagi Iamang ng akda ang nais
sipiin. Dapat lamang isipin na hindi naman maganda kung sobrang haba ang
direktang sisipiin. Baka kasi lumabas na ang halos buong papel ay nagmula sa
ideya ng iba. Tiyakin ding tama ang pagkakopya ng mga datos at hindi nagbago
sa proseso ng pagkopya.
 Sa paggamit ng direktang sipi, kinakailangang lagyan ng panipi (” “) ang
bawat nakuhang tala. Kung bahagi lamang ng sipi ang gagamitin, gumamit ng
ellipsis (….). Ginagamit ang ellipsis kung hindi binuo ang pangungusap o
talata.

 Buod ng Talậ—Ginagamit ito kung ang nais lamang gamitin ay ang


pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag din itong synopsis. Layunin ng
buod na mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa. Bagama’t ang
buod ang pinaikling bersiyon ng isang tala, taglay nito ang pangunahing ideya.
 Presi—Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or
cut down. Presi ang tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala. Sa
paggamit ng presi, pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de
bista ng may-akda. Maaaring gamitin ng mananaliksik ang mga susing salita o
key words ng orihinal na manunulat. Humigit-kumulang na sangkatlo ng orihinal
na tala ang haba ng presi.

 Sipi ng Sipi—Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ang
ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi.

 Hawig o Paraphrase—Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang


higit na payak na salita ng mananaliksik.
 Salin/Sariling Salin—Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa wikang banyaga,
ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


25
tungo sa iba pang wika. Mayroon lamang ilang -bagay na dapat isaalang-aIang
sa pagsasalin, ito ay ang sumusunod:
 Alamin ang konteksto ng isasalin. May mga salitang iba ang kahulugan
depende sa konteksto.
 Ang mga idyoma ay hindi maaaring isalin nang direkta sapagkat maiiba ang
kahulugan nito. Halimbawa ang idyoma sa Ingles kapag isinalin nang literal
sa Filipino ay magkakaroon ng ibang kahulugan.
 Iwasan ang pagsasalin nang literal.
 Ang mga salitang teknikal at siyentipiko ay maaari nang hindi isalin.

Talasanggunian

Ang APA ay akronim para sa American Psychological Association. Isa itong


samahan ng mga propesyunal na sikolohista sa Estados Unidos na naglatag ng mga
estilo o format sa wastong paraan ng pagsulat. Ang estilong ito ay madalas na
ginagamit sa mga sulating pananaliksik sa larangan ng edukasyon, sikolohiya, agham
panlipunan, at maging sa agham.
Sa estilong ito, kinakailangang ilista ang:
 awtor ng aklat o journal o anumang sanggunian;
 pamagat ng artikulo, kung mayroon;
 pamagat ng aklat o journal;
 bilang ng edisyon o volume, kung mayroon;
 lugar kung saan inilimbag;
 pangalan ng palimbagan; at
 petsa o taon kung kailan nailimbag.

Isinusulat ito sa paraang: Pangalan ng awtor (nauuna ang apelyido, at titik o inisyal
ng una at gitnang pangalan lamang). (Taon kung kailan nailimbag ang sanggunian)
(nasa loob ng panaklong). Pamagat ng sanggunian (nakasulat sa paraang italics).
Lugar kung saan inilimbag ang sanggunian: Pangalan ng palimbagan.
Halimbawa:
Constantino, P. C. at Zafra, G. S. (2007). Kasanayan sa Komunikasyon II. Quezon City:
UP Open University.

Pag-aralan natin ang tsart kung paano ginagamit ang APA.


Uri ng Pinagkunang Paraan ng Pagsulat ng Sanggunian/Bibliograpi
Materyales

Nakalimbag na aklat Rogel, T. R. (2004). Mahiwagang Tao: Noon, Ngayon, at


Bukas. Pilipinas: Pagasa.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


26
Kabanata ng nakalimbag Luna, P. L. (2005). Ang Lahing Kayumanggi, Si Paulita,
na aklat Ang Dalagang Pilipina (dd. 84-92). Manila, Pilipinas:
Sinag.
Artikulo sa nakalimbag Siscar, G. (1998). Ang Tamang Pagdidisiplina sa Anak.
na journal Pamilyang Pilipino, 28, 98-105.

Website Ang Pinakamahuhusay na Makata ng Pilipinas. (1988,


August 18). Retrieved December 4, 2002), from
http://www.makata.com/makata.html
Sa unang hanay, makikita ang “Uri ng Pinagkunang Materyales,” samantalang
nasa ikalawang hanay ang “Paraan ng Pagsulat ng Sanggunian/Bibliograpi.”
Paano ang paraan ng pagsulat ng tentatibong bibliograpi ng nakalimbag na aklat
gamit ang APA?

Rogel, T. R. (2004). Mahiwagang Tao: Noon, Ngayon, at


Bukas. Pilipinas: Pagasa.

Napakahalagang pansinin at tandaan:


 ang wastong paggamit ng mga bantas:
kuwit, pagkatapos ng apilyedo ng awtor;
tuldok, pagkatapos ng inisyal ng pangalan ng awtor;
tuldok, pagkatapos ng taon ng pagkakalimbag;
tuldok, pagkatapos ng pamagat ng aklat;
tutuldok, pagkatapos ng lugar kung saan inilimbag; at tuldok, pagkatapos ng
publikasyon.
 Ang apilyedo ng awtor (Rogel) at ang taon ng pagkakalimbag (2004) ay
magkasunod. Ito ang tinatawag na “awtor-petsa.”
 nakapahilig o nakapahilis ang pamagat ng aklat (Mahiwagang Tao: Noon, Ngayon,
at Bukas).
 nakapasok o indented ang ikalawang linya.
 nauna ang lugar at sinundan ng publikasyon.

Paano binubuo ang tentatibong bibliograpi ng kabanata ng nakalimbag na aklat?

Luna, P. L. (2005). Ang Lahing Kayumanggi, Si Paulita, Ang


Dalagang Pilipina. (dd. 84-92). Manila, Pilipinas: Sinag

Maliban sa mga bantas, pansinin din na:


• may kuwit pagkatapos ng pamagat ng kabanata (Ang Lahing Kayumanggi,).
• nakahilig ang pamagat ng aklat (Si Paulita, Ang Dalagang Pilipina), na sinusundan ng
mga dahon o pahina (dd. 84-92).

Paano ang paraan ng pagsulat ng sanggunian sa bibliograpi na artikulo sa


nakalimbag na journal?

Siscar, G. (1998). Ang Tamang Pagdidisiplina sa Anak. Pamilyang


Pilipino, 28, 98-105.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
27
Maliban sa mga bantas, pansinin din na:
• nakapahilig o nakapahilis ang pamagat ng journal na sinusundan ng bilang ng isyu at
mga pahina nito (Pamilyang Pilipino, 28, 98-105.).

Paano naman isinusulat ang sanggunian mula sa isang website, propesyunal


man o personal?

Ang Pinakamahuhusay na Makata ng Pilipinas. (1988, August 18).


Nakuha noong December 4, 2002), mula sa
http://www.makata.com/makata.html

Maliban sa mga bantas, kung walang awtor, pansinin din:


• ang posisyon at ayos ng petsa ng pagkakalathala (1988, August 18).
• kung kailan na-retrieve o nakuha ang impormasyon (Nakuha noong December 4,
2002).
• ang URL na nagsisilbing link (http://www.makata.com/makata.html).

Ano naman ang ibig sabihin ng acronym na MLA?


 Ang MLA ay akronim naman ng Modern Languages Association. Ito ay
prospesyunal na samahang itinatag ng mga guro at iskolar, para itaguyod ang pag-
aaral ng wika at panitikan.

Sa estilong ito, kinakailangang ilista ang:


• awtor ng aklat o journal o anumang sanggunian;
• pamagat ng artikulo, kung mayroon;
• pamagat ng aklat o journal;
• bilang ng edisyon o volume, kung mayroon;
• lugar kung saan inilimbag;
• pangalan ng palimbagan;
• petsa o taon kung kailan nailimbag; at
• uri o format ng ginamit na sanggunian, print o web.

Isinusulat ito sa paraang:


Pangalan ng awtor (nauuna ang apelyido, unang pangalan at titik ng gitnang
pangalan). Pamagat ng sanggunian (nakasulat sa paraang italics). Lugar kung saan
inilimbag ang sanggunian: Pangalan ng palimbagan, Taon kung kailan nalimbag ang
sanggunian. Uri o format ng sanggunian (Print o Web).

Halimbawa:

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


28
Constantino, Pamela C. at Zafra, Galileo S. Kasanayan sa Komunikasyon II. Quezon
City. UP Open University, 2007. Print. Tunghayan ang larawan sa kasunod na pahina,
upang makabisado ang format na ito.

Constantino, Pamela C. at Zafra, Galileo S. Kasanayan sa Komunikasyon II. Quezon


City.
UP Open University, 2007. Print. Tunghayan ang larawan sa kasunod na pahina,
upang makabisado ang format na ito.

Pag-aralan natin ang tsart kung paano ginagamit ang MLA.


Uri ng Napagkunang Materyales Paraan ng Pagsulat ng
Sanggunian/Bibliograpi
Nakalimbag na aklat Rogel, Titus R. Mahiwagang Tao: Noon,
Ngayon, at Bukas. 2nd ed. Pilipinas:
Pagasa, 2004. Print.
Kabanata ng nakalimbag na aklat Luna, P. L. “Si Paulita, Ang Dalagang
Pilipina.” Ang Lahing Kayumanggi.
Manila, Pilipinas: Sinag, 2005. 84- 92.
Print.
Artikulo mula sa nakalimbag na Rogel, Ely F. “Ang Tamang Pag-iimbak
pahayagan ng Pagkain.” Kalusugan Ngayon 6 Nov.
2008: 10. Print.
Website “Ang Pinakamahuhusay na Makata ng
Pilipinas.” Makata. Web. 18 Aug. 1988. .

Paano ang paraan ng pagsulat ng tentatibong bibliograpi ng nakalimbag na aklat


gamit ang MLA?

Rogel, Titus R. Mahiwagang Tao: Noon, Ngayon, at Bukas. 2nd ed. Pilipinas:
Pagasa, 2004. Print.

Napakahalagang pansinin at sundin:


 ang ginamit na mga bantas: o kuwit, pagkatapos ng apilyedo ng awtor; o tuldok,
pagkatapos ng buong pangalan ng awtor;
tuldok, pagkatapos ng pamagat ng aklat;
tuldok, pagkatapos ng edisyon;
tutuldok, pagkatapos ng lugar kung saan inilimbag;
kuwit, pagkatapos ng publikasyon;
tuldok, pagkatapos ng taon ng pagkakalimbag; at o tuldok, pagkatapos ng
salitang “Print” o midyum.
 kung unang edisyon, hindi na kailangang ilagay pa ito.
 na nakapahilig o nakapahilis ang pamagat ng aklat (Mahiwagang Tao: Noon,
Ngayon, at Bukas.)

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


29
Paano binubuo ang tentatibong bibliograpi ng kabanata ng nakalimbag na aklat?

Luna, P. L. “Si Paulita, Ang Dalagang Pilipina.” Ang Lahing


Kayumanggi. Manila, Pilipinas: Sinag, 2005. 84-92. Print.

Maliban sa mga bantas, pansinin din:


• na nakapanipi ang tiyak na kabanata (“Si Paulita, Ang Dalagang Pilipina.”)
• na nakapahilig ang pamagat (Ang Lahing Kayumanggi.)

Paano ang paraan ng pagsulat ng tentatibong bibliograpi ng artikulo mula sa


nakalimbag na journal

Rogel, Ely F. “Ang Tamang Pag-iimbak ng Pagkain.” Kalusugan


Ngayon 6 Nov. 2008: 10. Print.

Maliban sa mga bantas, pansinin din:


• na nakapanipi ang pamagat ng artikulo (“Ang Tamang Pag-iimbak ng Pagkain.”).
• na nakapahilig o nakapahilis ang pamagat ng journal (Kalusugan Ngayon) na
sinusundan ng petsa na nasa ayos na “araw-buwan-taon,” na kung saan ang buwan ay
dinaglat (6 Nov. 2008:), na sinundan ng pahina (10.) ng artikulo.

Paano binubuo ang tentatibong bibliograpi ng website, propesyonal man o personal?


“Ang Pinakamahuhusay na Makata ng Pilipinas.” Makata. Web. 18
Aug. 1988. <http://www.makata.com/makata.html>.

Maliban sa mga bantas, pansinin din, kung walang pangalan ng awtor:


• na nakapanipi ang web site title (“Ang Pinakamahuhusay na Makata ng
Pilipinas.”).
• na nakapahilig ang pangalan ng kabuuang website (Makata.).
• ang posisyon at ayos ng petsa ng pagkakalathala (18 Aug. 1988.).
• ang URL na nagsisilbing link (http://www.makata.com/makata.html).
Patibayin natin ang ating pinag-aralan sa pamamagitan ng paghahambing gamit
ang APA at MLA.
APA
Rogel, T. (2004). Mahiwagang Taon: Noon, Ngayon, at Bukas. 2 nd ed. Pilipinnas:
Pagasa.

MLA
Rogel, Titus. Mahiwagang Taon: Noon, Ngayon, at Bukas. 2 nd ed. Pilipinas: Pagasa,
2004. Print.

Pansinin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng APA at MLA:


Pagkakaiba Pagkakatulad

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


30
• Buo ang pangalan ng awtor sa MLA. • Nakapasok ang ikalawa at ikatlong
• Magkaiba ang posisyon ng petsa o linya, kung sakali.
taon ng pagkakalimbag. • Nakapahilig ang pamagat.
• Nakasaad sa MLA ang bilang ng • May pangalan ng awtor, pamagat,
edisyon. taon at lugar ng pinaglimbagan, at
• May nakasaad na midyum (“Print”) sa publikasyon.
MLA.

Magkaiba ang pagkakahanay ng impormasyon:


• Sa APA, ang sinusunod na pagkakahanay ay: may-akda, taon ng pagkakalimbag,
pamagat, lugar kung saan inilimbag, at publikasyon.
 Sa MLA, ang sinusunod ay: buong pangalan ng may akda, pamagat, bilang ng
edisyon maliban kung unang edisyon, lugar ng pinaglimbagan, publikasyon, taon
ng pagkakalimbag, at midyum.

Mahalagang Kaalaman

• Mahalagang mabatid, masunod, at magamit ng isang mananaliksik ang


mga estilo o format sa pagbuo ng bibliograpi nang sa gayon ay magiging
madali, organisado, at makabuluhan ang ginagawang pananaliksik.
• Ang mga estilong madalas na ginagamit sa pagsulat, depende sa paksa,
ay ang American Psychological Association at Modern Language
Association.

Sagutan ang Worksheet 4, gawain 2 hanggang 4

Aralin 4: Repleksyon Ko, Ibahagi Ko!

Ipagpatuloy

Dito, nagtapos ang ating aralin para sa kwarter na ito. Binabati kita sa
iyong mga naging kakayahan at nakuhang kaalaman sa mga araling
natalakay.

___________________________________________________________________

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


31
Talasanggunian
Dayag, A., & Del Rosario, M. (2016). Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. 927 Quezon Ave., Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.
ELCOMBLUS. 2021. Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa Para sa Pananaliksik. [online]
Available at: <https://www.elcomblus.com/mga-hakbang-sa-pagpili-ng-paksa
para-sa-pananaliksik/> [Accessed 20 February 2021].
ELCOMBLUS. 2021. Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis o Thesis Statement.
[online] Available at: <https://www.elcomblus.com/pagbuo-ng-mahusay-na
pahayag-ng-tesis-o-thesis-statement/> [Accessed 26 February 2021].
Link.quipper.com. 2021. [online] Available at: <https://link.quipper.com/en/organizations
/5b7d10aadb25751e9f00000f/curriculum#curriculum> [Accessed 20 February
2021].
Mediacdn.quipper.com. 2021. [online] Available at:<https://mediacdn.quipper.
com/media/W1siZiIsIjIwMTkvMDMvMjcvMDkvMzAvDcvMWRlZjBjZGUtMTg4NS
0ZjI4LWE1OWEtNDMwNTFiYzMxZDY3L1FWJTIRklMJTIwUEFHQkFTQSUyM
UxNSUyMEZEJTIwS3Jpc3RpbmUucGRmIl1d.pd?sha=252db8a37aacdb9c>
[Accessed 26 February 2021].
Panopio, 2021. Pananaliksik 1. [online] Slideshare.net. Available at:
<https://www.slideshare.net/JuniorPanopio/pananaliksik-1> [Accessed 20
February 2021].

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


32

You might also like