You are on page 1of 26

PAGBASA AT PAGSUSURI NG

IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO


SA PANANALIKSIK

JAMMIE A. ESGUERRA
Guro sa Filipino
Balik-aral
• Itatanong sa mga mag – aaral ang mga sumusunod:
• Ano ang ating huling tinalakay?
Sulating Pananaliksik
Kahulugan

Kaibahan sa Ordinaryong Ulat

Katangian
AKTIBITI
• Magbibigay ang guro ng isang sobre na naglalaman ng mga
salita.(jumbled words)
• Mag-uunahan ang mga lider ng bawat pangkat na buuin ang
mga salita na nasa sobre. Idikit ito sa pisara. Ang unang
makagawa ay bibigyan ng premyo.

Ang mga Uri ng Sulating Pananaliksik


Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
ANALISIS
• Patnubay na tanong

• Ano ang kaugnayan ng mga


binuong mga salita sa ating
talakayan?
ABSTRAKSYON
PAGLALAMBAT NG PAKSA
• Bakit ito ang sentro ng usapin?
• Ipakilala ang paksa
PAKSA: Ang Sulating Panaliksik
• Uri ng Pananaliksik
• Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
• Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
APLIKASYON
• Pangkatang Gawain:
• Ipaliwanag ang mga sumusunod:
• Pangkat 1 - Mga uri ng Pananaliksik
• Pangkat 2 - Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
• Pangkat 3 - Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
PAMATANYAN SA PAGGANAP:
• Paraan ng pagbabahagi -15
• Mabisang nagpalutang ang mga ideya at kaalaman - 15
• Kasangkapan ( visual materials) - 10
• Impak - 10
• KABUUAN 50
Ang Sulating
Pananaliksik
Uri ng Pananaliksik

• Basic Research – ito ay isang uri pananaliksik


na kung saan naglalayon na makapabigay na agarang
impormasyon sa isang kaalamang umiiral sa
kasalukuyan.
• Halimbawa:
• Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na
inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook.
Action Research
• Ito ay isang uri ng pananaliksik na ginagamit upang
makahanap ng solusyon sa episipikong problema o
masagot ang mga espisipikong mga tanong ng isang
mananaliksik na may kinalaman sa isang larangan.
Halimbawa:
• Pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng
part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa G11 sa
inyong paaralan.
Applied Research
• Isang uri ng pananaliksik na ginagamit o
inilalapat sa majority ng populasyon.
Halimbawa:
• Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa
isang paaralan.
• Pananaliksik kung bakit sumsali sa mga gang ang mga
kabataan sa isang komunidad.
Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
• Paksa – Pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay
sa isang sulating pananaliksik.
1. Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo.
a. Paksang marami ka nang nalalaman
b. Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman
c. Paksang napapanahon
2. Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi
kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo.
- Maiiwasan ang pagkukumpara sa ginawang pananaliksik
- Magiging mahirap ang paghahanap ng mga kagamitan
dahil mas marami ang mag-aaral na mag-uunahan sa
magkakaparehong aklat.
- Mas- mapapadali ang paghahanap ng mga taong
kakapanayamin.
3. May mapapagkunan ng sapat at malawak na
impormasyon.
- pag-isipang mabuti ang mga kagamitan at impormasyon
na makakalap sa pagbuo ng sulating pananaliksik
- Makakabuting matiyak ang mga resources (tao man o
bagay)
4. Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
- Alamin ang haba ng panahong nakalaan para sa
kabuuan ng gawain
- Hati-hatiin sa bawat bahagi ang mga gawain upang lahat
ay matapos sa itinakdang oras at panahon.
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin.
Layunin: maipalamals ang kasanayan sa pananaliksik sa
Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit,
metodo at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo
ng sulating pananaliksik patungkol sa mga paksang
napapanahong magagamit ng mga guro at adminitrador ng
paaralan sa pagpapaplano at pagpapabuti ng mga programa
at serbisyo ng paaralan para sa mga mag-aaral.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa
sulating pananaliksik.
(balikan ang mga posibleng paghanguan sa pagpili ng
paksa)
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
Suriing mabuti ang bawat isa gamit ang sumusunod na mga
tanong:
• Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o
saliksikn para sa iyo?
• Bakit ka interesado rito?
• Alin ang posibleng makatulong sa iba akpag
naihanap ito ng kasagutan?
• Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo
pang lalong makilala o mapalawak ang iyong
kaalaman?
• Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang
pagkukunan ng impormasyon?
• Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng
pananaliksik?
• Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
• Alin ang angkop sa iyomng antas at kakayanin mong
tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
“Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa
aking puso, pinakamadali kong maihanap ng kasagutan,
pinakamadaling maiugnay sa layunin, at tiyak na
matatapos ko sa limitadong oras na ibinigay sa akin para
tapusin?
5. Paglilimita sa paksa
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
- Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga
Mag-aaral
Nilimitahang Paksa:

-Mga Dahilan sa Labis at Madalas na


Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto
nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
Lalo pang Nilimitahang Paksa:
- Mga Dahilan sa Labis at Madalas na
Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa
Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del
Pilar High School at ang Epekto nito sa
Kanilang Gawaing Pang-akademiko
SINTESIS
• Sagutin ang mga sumusunod:
• Sa iyong sariling pananaw, sa paanong paraan
magagamit ang mga uri ng pananaliksik?
• Bakit mahalaga at tugma ang layunin ng isang
mananaliksik sa uri ng pananaliksik na kanyang
gagawin?
• Paano makakatulong sa isang mananaliksik ang mga
tips o paalala sa pagpili ng isang paksa?
• Bakit mahalaga na bago pa man magsimula ang
pananaliksik ay kailangan malaman muna ang mga
hakbang sa pagpili ng paksa?
PAGLALAPAT
• Paano mo matitiyak bilang isang mag-aaral na
mananaliksik (student researcher) na nagawa mo ang
dapat gawin upang matapos ang iyong sulatin sa
itinakdang panahon?
TAKDANG-ARALIN
• Napakahalaga ng pagpili ng pinaka-angkop na paksa sa
pagbuo ng sulating pananaliksik. Anu-ano nga ba ang
mahahalagang hakbang, paraan o proseo sa pagpili ng
tamang paksa. Punan ang bawat kahon at lagyan ng
maikling paliwanag ang mga isinagot mong hakbang.
Pagpili ng Paksa
(Hakbang, Paraan o
Proseso

4. 1.

3. 2.

You might also like