You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
FLORA A. YLAGAN HIGH SCHOOL
BARANGAY PINYAHAN, QUEZON CITY

BANGHAY-ARALIN SA
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Ikaapat na
Baitang at Pangkat G11- Cookery Kwarter:
Markahan
Mayo 8-12-,
Guro: Gng. Rica V. Alcantara Peta:
2023

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
Pangnilalaman: Ssarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
B. Pamantayan sa Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa
Pagganap: kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,
C. Kompetensi: gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB – IVab – 100)
2.

1. Natutukoy ang kahulugan ng layunin, gámit, metodo at etika ng


pananaliksik
Ispesipikong Layunin: 2. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin at gamit
3. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
metodo at etika ng pananaliksik

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Apat na Bahagi sa Pagsusuri ng Pananaliksik
Sanggunian: 1. Magpile C. (2016). Lirip: Pagbasa at
pagsusuri sa Filipino tungo sa 129-133
pananaliksik. Quezon City: The
Inteligente Publishing, Inc. Pahina:
2. Pagbása at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Alternative Delivery 14-16
Mode .Unang Edisyon, 2020
Kagamitang
Laptop, Projector, Pisara, Tisa at iba pa
Pampagtuturo:

III. PRELIMINARYONG GAWAIN


Pagbati, Panalangin, Pagtala ng Lumiban, Panuntunan, Kumustahan,
Paglalahad ng Layunin at Pagbabalik-aral

IV. PAMAMARAAN
Suriin ang isang halimbawa ng pananaliksik:

A. Pagganyak

1. Ano ang pagkakaiba-iba ng 4 na paraan sa pagsusuri ng Pananaliksik?


B. Paglalahad ng Pokus
2. Bakit marapat na maunawaan ang mga paraan ng pagsusuri ng
na Tanong
pananaliksik na ito?
C. Pagtalakay sa Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino
Panibagong Paksa
Ang pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino ay pag-aanalisa upang mapag-
aralan at mabigyang-kasagutan ang problema. Ito ang prinsipyo na
ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong pag-
aaral. Dito hinihimay ang paksa sa mas maliit na bahagi at maunawaang
mainam ang bawat detalyeng nakapaloob dito.
Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa
pagbuo ng isang saliksik.
May apat na bahagi ng pagsusuri ng pananaliksik:
1. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o
kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa
napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat
ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa
pananaliksik. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga
partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa.
2. Gamit - Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bágong
kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
3. Metodo -Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at
pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring
isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan,
obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa

School ID: 305354  : (02) 8352-6051


: hs.floraylagan@depedqc.ph : registrarylagan@gmail.com
: www.facebook.com/floraylagan.hs1970 : https://fayhs.depedqc.ph/
: www.youtube.com/c/FloraYlaganHS1970
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
FLORA A. YLAGAN HIGH SCHOOL
BARANGAY PINYAHAN, QUEZON CITY
pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa.
4. Etika - Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na
isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na
mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American
Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research
Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang
mananaliksik sa anumang larangan.

D. Paglalahat ng
Aralin/Pagtataya Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino
batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Isulat
sa iyong sagutang papel kung LAYUNIN, GAMIT, METODO,
at ETIKA ang mga ilang bahagi ng pananaliksik.
__________1. Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay
deskriptiv at analitik na pananaliksik.
__________2. Ang paraang ginamit sa pag-aaral ay ang
Correlational Studies kung saan ikokompara ang dalawang
baryabols para malaman kung mayroong positibo o negatibong
epekto ang isa sa isa.
__________3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
__________4. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang-
interpretasyon ang balidasyon na isinagawa ng mga guro na
nagtuturo sa ikawalong baitang.
__________5. Ginamit sa pananalisik na ito ang deskriptibo at
kuwasi-eksperimental na uri ng pananaliksik.
__________6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K
to 12 batay sa salik layunin at implikasyon.
__________7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang
kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o
anumang partisipasyon sa pananaliksik.
__________8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba’t ibang
estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
__________9. Mahikayat ang mga guro na ugaliin/sanayin ang
pagdalo sa mga seminar upang umunlad ang mga kakayahan sa
pagtuturo.
__________10. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
__________11. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa
pagkakakilanlan ng kalahok.
__________12. Pagkilala sa pinagmulan ng mga idea sa
pananaliksik.
__________13. Sa gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino,
ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang
impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa mga bagay
na pang-akademiko.
__________14. Mapabása at matukoy ang lebel ng kakayahan sa
pagbása gamit ang Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni Tysel.
__________15. Sukatin ang bisa ng komiks bílang alternatibong
kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang 8.

E. Paghahanap ng Katanungan:
Praktikal na
Aplikasyon ng Mga 1. Paano ko mai-a-apply sa aking pagsulat ng pananaliksik ang apat na bahagi
Konsepto at ng pagsusuri ng pananaliksik?
Kasanayan sa pang- 2.Gaano kahalaga ang pagpili ng paksang sasaliksikin sa paglago at pag-unlad
araw-araw na ng ating paaralan?
pamumuhay. 3.Bilang isang mag-aaral, paano ko maiuugnay ang aking natutuhan sa aking
pang-araw-araw na buhay?

F. Paglalahat
Sa araw na ito, natutuhan ko na _______________________________. Kaya
dapat ay _________________________________________________.
Pagsuri sa Abstrak:
G. Ebalwasyon
1. Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa abstrak
nitó? Pangatwiranan ang sagot.
2.Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos?
3. Sa iyong palagay, ano kayâ ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang
ginawang saliksik?
H. Kasunduan Takdang-aralin:

Magsaliksik ng mga may kaugnayang pag-aaral at literature sa napiling paksa


ng pananaliksik at dalhin ito sa susunod na pagtalakay. Ito ay gagamitin sa
pagsisimulang pagsulat ng Kabanata 1.

II. LAYUNIN
A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
Pangnilalaman: Ssarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
B. Pamantayan sa Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa
Pagganap: kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik
1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,
C. Kompetensi:
gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB – IVab – 100)
Ispesipikong Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng layunin, gámit, metodo at etika ng
pananaliksik
2. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin at gamit
3. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa

School ID: 305354  : (02) 8352-6051


: hs.floraylagan@depedqc.ph : registrarylagan@gmail.com
: www.facebook.com/floraylagan.hs1970 : https://fayhs.depedqc.ph/
: www.youtube.com/c/FloraYlaganHS1970
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
FLORA A. YLAGAN HIGH SCHOOL
BARANGAY PINYAHAN, QUEZON CITY
metodo at etika ng pananaliksik

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagsusuri ng Abstrak at Pagpapa-apruba ng Pamagat
Sanggunian: 1. Magpile C. (2016). Lirip: Pagbasa at
pagsusuri sa Filipino tungo sa 129-133
pananaliksik. Quezon City: The
Inteligente Publishing, Inc. Pahina:
2. Pagbása at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Alternative Delivery 14-16
Mode .Unang Edisyon, 2020
Kagamitang
Laptop, Projector, Pisara, Tisa at iba pa
Pampagtuturo:

III. PRELIMINARYONG GAWAIN


Pagbati, Panalangin, Pagtala ng Lumiban, Panuntunan, Kumustahan,
Paglalahad ng Layunin at Pagbabalik-aral

IV. PAMAMARAAN

A. Pagganyak
Ano ang mga problema at naiisip na solusyon na naoobserbahan sa paaralan?

B. Paglalahad 1. Bakit mahalagang sa pamagat pa lamang ng pananaliksik ay nauunawaan na


ng Pokus agad kung ukol saan ang isinagawang pananaliksik?
na Tanong
C. Pagtalakay sa Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Pamagat
Panibagong
Paksa
1. Hindi dapat na maging masyadong masaklaw ang sakop nito.
2. Paglalagom ng kabuoang idea o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin,
linawin, at tukuyin.
3. Ang pagsasama-sama ng hinangong idea mula sa iba’t ibang pinagkunan ng
impormasyon at mga datos.
4. Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinahati-hati ang mga kaisipan na
isasama ang pagsulat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing
kaisipan na dapat isulat.
5. Pagkalap ng mga kailangang kaalaman, kung paano gagamitin at isaayos
ang mga datos.
6. Maaaring makita ang kahulugan sa nakalap na mga datos; maaaring
marebisa nang mas maaga ang ilang kamalian, pagkakaayos, estilo ng
nilalaman ng sulatin, at makapagdaragdag pa ng mas mabisang idea.
7. Inilalahad ang kabuoang isinagawang pananaliksik batay sa wastong
pormat kawastuan ng mga pamamaraan at dokumentasyon.

D. Paglalahat ng Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng


Aralin/Pagtatay Abstrak na nása ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel
a ang mga kasunod na tanong.

School ID: 305354  : (02) 8352-6051


: hs.floraylagan@depedqc.ph : registrarylagan@gmail.com
: www.facebook.com/floraylagan.hs1970 : https://fayhs.depedqc.ph/
: www.youtube.com/c/FloraYlaganHS1970
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
FLORA A. YLAGAN HIGH SCHOOL
BARANGAY PINYAHAN, QUEZON CITY

1. Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa mga


abstrak nitó? Pangatwiranan ang sagot.
Abstrak 1:
_____________________________________________________________
Abstrak 2:
_____________________________________________________________
2. Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng
datos?
Abstrak 1:
_____________________________________________________________
Abstrak 2:
_____________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano kayâ ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang
ginawang saliksik?
Abstrak 1:
_____________________________________________________________
Abstrak 2:
_____________________________________________________________
E. Paghahanap ng Katanungan:
Praktikal na
Aplikasyon ng Paano mo maiuugnay ang mga hakbang na natutuhan sa pagpili at pagsulat ng
Mga Konsepto pananaliksik sa hinaharap?
at Kasanayan sa
pang-araw-
araw na
pamumuhay.
F. Paglalahat
Sa araw na ito, natutuhan ko na _______________________________. Kaya dapat
ay _________________________________________________.

Sumulat ng isang pamagat na iyong napupusuan sa ¼ at ipa-apruba sa guro ng


G. Ebalwasyon pananaliksik.

H. Kasunduan Takdang-aralin:

Magsaliksik ng mga may kaugnayang pag-aaral at literature sa napiling paksa ng


pananaliksik at dalhin ito sa susunod na pagtalakay. Ito ay gagamitin sa
pagsisimulang pagsulat ng Kabanata 1.

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ang aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

GNG. RICA V. ALCANTARA


TIII- Filipino (SHS)

Binigyang-pansin nina:

GNG. ELESIAH T. SUNGA GNG. VILMA S. MARTIZON G. JUN S. NICOLAS


HT III, Filipino MT I, AP HT III, AP

School ID: 305354  : (02) 8352-6051


: hs.floraylagan@depedqc.ph : registrarylagan@gmail.com
: www.facebook.com/floraylagan.hs1970 : https://fayhs.depedqc.ph/
: www.youtube.com/c/FloraYlaganHS1970
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
FLORA A. YLAGAN HIGH SCHOOL
BARANGAY PINYAHAN, QUEZON CITY
Pinagtibay nina:

GNG. LERMA S. TUAZON G. NOEL M. DE LOS REYES


Katuwang na Punongguro II-SHS Punongguro I

You might also like