You are on page 1of 4

OZAMIZ CITY SCHOOL OF ARTS AND TRADES

Maningcol, Ozamiz City

Senior High School Department

Lesson Guide for Limited Face-to-Face Classes

Subject Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik


Grade Level Grade 11 Date April , 2022
Competency (MELCs) Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: a. Kalinawan b. Kaugnayan c.
Bisa (F11PU-IIIfg – 90)
1. Naipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng tekstong persuweysib.

2. Nasusuri ang tekstong persuweysib


Objectives:
3. Nakabubuo ng isang patalastas na nagpapakilala ng kultura ng
kinabibilangang komunidad
Subject Matter: Tekstong Persuweysib

A. Preliminary Activity
Activities: Pasagutin ng TAGLINE QUIZ. Bibigyan ng 10 segundo ang estudyante
para masagot ang bawat tanong kung anong produkto/kumpanya ang tagline.
Mga Tanong:

Tanong:

1. Bukod sa mga taglines na nahulaan mo, mayroon ka pa bang


natatandaang taglines mula sa mga patalastas na tumatak sa iyong
isipan? Kung mayroon,i-type ito sa
https://www.menti.com/x6eqkuskg7

Lesson Guide for Limited Face-to-Face Classes Page 1 of 4


OZAMIZ CITY SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Maningcol, Ozamiz City

Senior High School Department

2. Masasabi mo bang naging epektibo ang taglines na ito kaya nahikayat


kang bumili ng produkto?

B. Lesson Proper

A. Gawain 1

Upang mas maunawaan ninyo ang paksang ating tatalakayin sa umagang ito ay
magkakaroon tayo ng isang gawain.
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan:

Tanong:
1. Maliban sa Taglines, ano pa ang pamamaraan ng mga negosyante
upang madaling maibenta ang kanilang paninda?

2. Paano mo hihikayatin ang isang mamimili na piliin ang parehong


brand ng pampaganda na nabili mo?

Ang Tekstong Persuweysib ay isang uri ng di-piksyon na pagsulat na


kumukumbinsi sa mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa
isang isyu.

Nakaasa sa argumentatibong tipo ng pagpapahayag ang tekstong


persuweysib , ngunit sa halip na magpakita lamang ng mga argumento, layon
nitong sumang-ayon ang mambabasa at mapakilos ito tungo sa isang layunin.

Pagtatalakay sa kahulugan ng tekstong persuweysib


PERSUWEYSIB
(Persuasive)

Tono mga halimbawa ng


Layunin subhetibo tekstong
Manghika-yat o malayang persuweysibiskrip
mangumbinsi naipapahayag ng sa patalastas,
sa babasa ng manunulat ang propaganda para sa
teksto kanyang paniniwala eleksiyon, pagrekrut
at pagkiling sa samahan o
tungkol sa isyung networking
may ilang panig.

Lesson Guide for Limited Face-to-Face Classes Page 2 of 4


OZAMIZ CITY SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Maningcol, Ozamiz City

Senior High School Department

C. Culminating Activity

BILHIN MO AKO!

1. Maghanap ng halimbawang produkto mula sa inyong bag at gumawa


ng tagline tungkol sa produkto.

2. Magbigay ng kaunting pahayag na hihikayatin ang mga


mamimili/kaklase na tangkilikin ang produkto napili.

3. Isa-isang ilalahad sa klase ang tagline at pahayag na nanghihikayat.

Pamantayan:
Kaangkupan ng Teksto -5
Pagkamalikhain -3
Kooperasyon -2
Kabuuang puntos: -10

Assessment: Panuto: Basahin at suriin ang halimbawa ng Tekstong persuweysib na “Sulat


ni Mary Jane para sa mga Kabataan”

Pasagutin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na tanong gumamit ng


natatangi o bagong graphic organizer sa paglalahad ng kasagutan:

1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?


2. Sino ang sumulat ng liham? Ano ang kaniyang katauhan?
3. Masasabi bang isa itong mabisang tekstong nanghihikayat? Bakit?
4. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at sa daigdig?

Assignment:
JINGLE MAKING!

Panuto:
1. Hatiin sa anim na pangkat ang mag-aaral.
2. Gumawa ng jingle na napapatungkol sa inyong strand sa Senior
High School, at kung ano mayroon ang nasabing strand.
3. Siguraduhing ang jingle ay mapanghikayat at kapani-paniwala
sa mga makikinig
4. Apat (4) hanggang limang (5) minuto lamang ang haba nito.
5. Orihinal ang mga liriko na gagamitin
6. Maaring gumamit ng musika mula sa ibang awitin.Kunan ng
video ang sarili habang inihahayag ang paghihikayat sa

Lesson Guide for Limited Face-to-Face Classes Page 3 of 4


OZAMIZ CITY SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Maningcol, Ozamiz City

Senior High School Department

manonood at i-upload sa YouTube Channel ninyo at i-send sa


guro ang link nito.

Paalala: Panatilihing ligtas sa lahat ng oras. Ang gawain ay maaring magyari


sa pamamagitan ng paggamit ng social media platforms.

Kraytirya:
Mapanghikayat na salita – 10
Orihinalidad -5
Musika –5
Kabuuan: 20 pts

Remarks/Feedback:
(To be filled out by the
teacher after conducting
the session)

Prepared by:

CLARISSA A. PACATANG
Subject Teacher

Checked by:

ROSE SHEILA A. ROQUE


Assistant Principal II

Lesson Guide for Limited Face-to-Face Classes Page 4 of 4

You might also like