You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
LUMBO NATIONAL HIGH SCHOOL
Lumbo, Lagonglong Misamis Oriental
Banghay Aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
(December 12, 2022)
I. Layunin:
a. Natutukoy ang kahulugan ng mahalagang salitang ginamit ng tekstong Persuweysibo.
b. Naibahagi ang elemento ng tekstong panghihikayat ayon kay Aristotle.
c. Napahalagahan ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong persuweysib sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
II. Paksang Aralin
Paksa: Tekstong Persuweysib
Sanggunian: Pagbasa at Pagsususuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa pananaliksik (FIIPT-
III-88 )
Mga Kagamitan: Pantulong na visuals, Pagbasa at Pagsususuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa
pananaliksik modyul.
III. Pamamaraan:
A. Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral
B. Aktibiti
Pagganyak:
Mungkahing Estratehiya (Tingnang Mabuti)
Magpababasa ang guro ng mga tagline ng mga kilalang patalastas na makikita sa
telebisyon at tukuyin kung anong produkto ang tinutukoy nito.
1. Bida ang Saya!
2. Hari ng Padala!
3. We find ways.
4. In the service of the filipino.

Gabay na Tanong:
a. Anong produktong ang tinutukoy sa bawat Taglines?
b. Naging madali ba ang pagtukoy ba sa inyo na kilalanin ang produkto na gumagamit ng
taglines? Bakit?

C. Presentasyon
Batay sa binasa ninyong taglines sa mga produkto , ano kaya ang magiging paksa
natin sa araw na ito?

D) Pagtatalakay.
Tekstong persuweysib- isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa o tagapakinig upang makuha ang simpatya nito at mahikayat na umahon sa ideyang
inilahad.
Mga elemento ng panghihikayat ayon kay Aristotle
1. Ethos – ang karakter , imahi o reputasyion ng manunulat /o tagapagsalita
2. Logos – ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ tagapagsalita
3. Pathos – emosyon ng mambabasa /tagapakinig
E) Pagsasanay:
Mungkahing Estratehiya ( Pangkatang Gawain )
Bumuo ng tatlong pangkat, babasahin ng representante ang isang tekstong persuweysib.
Bibigyan ng marka ng mga ka grupo ang representante batay sa mga elementong
persuweysib at ipaliwanag ang binigay na marka.

Batayan sa pagmamarka.
Marka
Elemento Sobrang kumbinsido – 10 Bahagyang kumbinsido – 8 Paliwanag
Hindi masyadong kumbinsido - 5
Pathos
Logos
Pathos

PANGKAT 1. Pagpapahalaga sa Edukasyon


Pagod kana ba sa pag aaral? Susuko ka nalang ba ng ganyan kadali? Isipin mo
muna ang hirap at sakripisyong ginawa ng iyong mga magulang mo para matus-tusan ang
pag aaral mo., ang suporta nila sayo. Kanilang pagganyak para ikaw ay mag aral. Sana’y
pag isip isipan mo ang kanilang sakripisyo huwag ang sarili ang unahin.
Ikaw, oo ikaw! Alam mo bang mahirap na nga kayo, pinapahirapan mo pa ng
sobra ang magulang mo., sana man lang mag ayos ka sapag aaral mo. Yan na nga lang
ang maibibigay mo sa iyong mga magulang sa ngayon, ang mapasaya sila. Marami ka
namang mga pagganyak gaya ng parating sinasabi ng mga magulang natin na, ayusin mo
pag aaral mo ha? Para sa hinaharap hindi ka naman mahihirapan sa buhay mo.

Pangkat 2. Edukasyon: Susi ng Tagumpay"ni: Rona Jean M. Diaz


Maraming kabataan ngayon ang tinatamad ng mag-aral, may iilan naman nahinto dahil sa
kahirapan at pinili na lang magtrabaho para may makain. Isa ito sa problemang kinakaharap ng
ating bansa. Dumarami ang out-of-school youth sa mga lugar na hindi na abot ng tulong ng
pamahalaan.

Isa ka ba sa mga kabataan na iyon? Kung oo, isapuso ang bawat mababasa mo sa
tekstong ito. Edukasyon ang susi sa tagumpay mo sa buhay, kung mananatili ka lamang sa
sitwasyon mo ngayon walang uusbong na pagbabago sa ating bansa. Nahinto ka man sa pag-
aaral, maraming ahensya ang gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tulad mo na
makapag-aral ulit.

Edukasyon ang tanging sandata mo para magtagumpay sa buhay. Hindi ka matatapakan


at yuyurakan ng iba dahil alam mo sa sarili mo na may pinag-aralan ka at ginagamit mo ito sa
tama. Alalahanin mo na pagnakatapos ka magiging masaya ang mga magulang mo. Mabibigay
mo sa kanila ang gusto mo at mapapasyal mo sila sa magagandang lugar.

Pagnatapos mo ang kursong iyong kinuha magiging madali sa iyo na makahanap ng


trabaho. Makakaipon ka at mabili ang gusto mo. Makakapaglaan ka ng pera para sa pagbuo mo
ng sarili mong pamilya. Isang paalala sa iyo ang naging karanasan mo noong bata ka pa, mas
mabuting makapagtapos ng pag-aaral ang magiging anak mo.

O ano? Nagising ko ba ang diwa mo? Mag-aral ka ulit kapwa ko kabataan, hindi pa huli
ang lahat. Magsikap ka at may tutulong sayo upang matupad mo ang iyong mga pangarap sa
buhay. Bangon kabataan, bangon para sa kinabukasan ng ating bayan.

Pangkat 3. Patalastas (Winner Toothpaste )

Ikaw ba ay nababahuan na sa iyong hininga? Ikaw ba ay nahihilo na kapag ika’y


nagsasalita? Ikaw ba ay pagod na pagod na sa tuwing nabibili mo ang mga toothpaste na
panira sa iyong dila? Gusto niyo bang magkaroon na ng toothpaste na garantisadong
gagawin ang iyong ngipin na mas malinis, matibay, malakas, at maputi? Puwes, ito ang
nababagay sa inyo, ang bagong WINNER TOOTHPASTE.
Patay agad ang germs at bacteria sa ngipin at dila. Ikaw rin ay makakasalita ng
mas mabilis kumapara dati dahil ang dila mo’y mas malinis at makinis. Magiging
masayahin ang mga mambibili nito. Presyo’y di katumbas ng halaga dahil ito’y
mumurahin lamang. Hindi mamahalin na parang ginto Meron itong kakaibang epekto sa
iyong kalusugan. Hindi ka na magiging ubuhin, sakitin, sipunin, pawisin, lamigin, at
initin. Sa sobrang lakas ng ngipin mo, pag ika’y sinuntok, ang nanuntok pa ang nasaktan.
Maraming iba’t ibang lasa, nalulunon ito ng hindi nalalason. Ano pa ang hinihintay mo?
Lumipat ka na sa mas-pinagkakatiwalaang toothpaste ngayon, walang iba kung hindi ang
WINNER TOOTHPASTE!

F) Paglalahat:
Bakit mahalagang natutukoy ang mahalagang salita na ginamit sa tekstong
persuweysib?
Bilang isang mag-aaral sa paanong paraan mo nagagamit ang tekstong
panghihikayat?

IV) Ebalwasyon: (Puno ng Kaalaman)


Tukuyin kung ano ang pinapahiwatig sa pangungusap piliin ang tamang sagot sa puno ng
kaalaman. Isulat sa activity notebook ang tamang sagot.
logos
patho ethos
s

persuweysib

1. Layunin na manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.


2. Isunusulat upang mabago ang takbo ng pag iisip ng mambabasa at makumbinsi ito sa
punto ng manunulat at hindi sa iba, siya ang tama.
3. Tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat.
4. Ginagamit sa mga skrip ng patalastas, propaganda sa eleksyion, pangrerecruit para sa
networking, editorial at artikulo.
5. Gamit ng emosiyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
6. Tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
7. May subhektibong tono sapagkat malayang ipinapahayag ng manunulat ang kanyang
opinyon at paniniwala ukol sa isyu.
8. Tumutukoy sa paggamit ng lohika upang pakumbinsi ang mambabasa.
9. Umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o tagapakinig upang makuha
ang simpatya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.
10. Ang magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang
tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat.

V) Kasunduan:
Mungkahing Estratehiya
Alamin kung ano ano ang mga propaganda devices na ginamit sa patalastas sa telebisyon,
sa mga diyaryo, at magasin upang makapukaw ang atensiyon ng mga mambabasa at tagapanood.

Inihanda ni :
CATHERINE S. UBALDE
Guro
Inaprobahan ni:

MERLINDA T. ILAGO
Punong Guro II

You might also like