You are on page 1of 4

PAGBASA AT PAGSUSURI

Pangalan: _________________________
Langkay: _________________________ Modyul ng Pagkatuto Blg. 3
IKALAWANG SEMESTRE-IKATLONG MARKAHAN

Tungkol saan ang modyul na ito?


Ipagpatuloy na natin ang pagkatuto! Bilang isang mambabasa, bakit mahalagang pag-aralan
at matutong magsulat ng tekstong persuweysib? Isa lamang ito sa tanong na iyong masasagot matapos
isagawa ang kabuuan ng modyul ng pagkatutong ito. Pag-aaralan natin ang kahalagahan ng kakayahan
sa pagbasa, pagsusuri, at pagsulat ng tekstong persuweysib. Simulan na natin ang panibagong
pagtuklas!
Aralin 1: Tekstong Persuweysib

Anong inaasahan mong matutuhan?


Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang matamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa;
F11PS – IIIb – 91 (DepEd-MELC, DICES)
2. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa; at
F11PS – IIIf – 92 (DepEd-MELC, DICES)
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.
F11PU – IIIb – 89 (DepEd-MELC, DICES)

Panimulang Pagtataya
PANUTO: Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang iyong sagot sa ibabang bahagi
ng bawat tanong.

1. Mayroon ka bang natatandaang mga linya sa patalastas na tumatak sa iyong isipan at humikayat
sa iyo na bumili ng produkto? Kung mayroon, isulat mo ito sa kahon sa ibaba.

2. Masasabi mo bang naging epektibo ang paraan ng panghihikayat na ginamit o ipinakita ng


produktong ito kaya tumatak ito sa iyong isipan at humikayat sa iyo na bumili o tangkilikin
ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Natapos mo na ba ang panimulang pagtataya? Tiyak na ba ang iyong mga sagot? Sa palagay
mo ba ay naipahayag mo ang hinihingi dito? Dahil walang tiyak na kasagutan sa gawaing ito, hayaan
mong ang iyong guro ang magwasto ng bahaging ito. Halika’t ipagpatuloy na natin ang ating
pagtuklas!

1
Unang Araw
Upang maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, sagutan ang gawain. Isagawa ang
gawain sa isang malinis na papel. Maaari ka nang magpatuloy!

Aralin 1: Tekstong Persuweysib


Sa kasalukuyan, samu’t saring impormasyon ang mayroon sa ating kapaligiran. Maaaring ito ay
iyong narinig, naikuwento sa‘yo, napanood sa telebisyon, narinig sa radyo, nabasa mo sa mga nailimbag
na babasahin o nabasa sa social media sites. Sa araling ito, tatalakayin ang mga katangian ng tekstong
persuweysib. Paano tayo makasisiguro na ang mga impormasyong mayroon tayo o isusulat natin ay
nakabatay sa katotohanan?

Pagganyak:
PANUTO: Basahin at unawain ang sitwasyon. Sagutan ito sa isang malinis na papel.
Malaking usapin sa kasalukuyan ang brand ng bakuna na ituturok sa nakararaming Pilipino. Ilan sa mga
bakunang ito ay ang Pfizer at Moderna ng United States, Sinovac ng China, Astra Zeneca ng United
Kingdom, at iba pang brand ng bakuna. Sa mga nabanggit na bakuna, alin sa palagay mo ang
mapagkakatiwalaan at tatangkilikin mo? Bakit ito ang iyong napili? Ano-anong impormasyon ang iyong
pinagbatayan sa iyong pagpili?

Pamagat: Tekstong Persuweysib


Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
Pagpapahalagang Pagkatuto: Maging mapanuri sa pag-iisip at mahusay sa pagpili ng produkto at
serbisyo.
Sanggunian: Dayag, A. at Del Rosario, M.G. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

KONSEPTO NG ARALIN:
Ang tekstong persuweysib ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Ito ay
may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at
pagkiling tungkol sa isang isyu.

Tatlong (3) paraan ng Pangungumbinsi o Panghihikayat ayon kay Aristotle


1. Ethos – Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Dapat na siya ay may malawak na
karanasan at kaalaman sa kanyang isinusulat upang makumbinsi ang mambabasa.
2. Pathos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon.
3. Logos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang
mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na
kanyang inilatag, ang kanyang pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan.
GAWAIN: Basahin ang propaganda devices sa pahina 82–83. Pagkatapos, basahin at unawain ang
“Ilang Tekstong Persuweysib na Bahagi ng Iba Pang Teksto” sa pahina 85–88.

PAGSASANAY 1: Isagawa ang gawain sa “Pag-usapan Natin” sa pahina 84-85. Sagot na lamang ang
iyong ibigay sa mga gawain.

Ikalawang Araw
Upang maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, sagutan ang gawain. Isagawa
ang gawain sa isang malinis na papel. Maaari ka nang magpatuloy!

2
Gawaing Pampagkatuto Blg. 3.1
Pamagat: Tekstong Persuweysib
Kasanayang Pampagkatuto: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
Pagpapahalagang Pagkatuto: Maging mapanuri sa pag-iisip at mahusay sa pagpili ng produkto at
serbisyo.
Sanggunian: Dayag, A. at Del Rosario, M.G. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

PANUTO: Isagawa ang gawain sa “Buoin Natin” sa pahina 92.

Ikatlong Araw
Ngayon, ikaw naman ang sumulat ng sarili mong halimbawa ng tekstong persuweysib. Upang
maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, sagutan ang gawain. Isulat ang gawain
sa isang malinis na papel. Maaari ka nang magpatuloy!

Pamagat: Tekstong Persuweysib, Isusulat ko!


Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.
Pagpapahalagang Pagkatuto: Maging mapanuri sa pag-iisip
Sanggunian: Dayag, A. at Del Rosario, M.G. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

MINI-TASK: Isagawa ang gawain sa “Palawakin Pa Natin” sa pahina 94.

Ikaapat na Araw
Upang maipagpatuloy natin ang paglinang sa ating mga isipan, sagutan ang gawain. Isagawa
ang gawain sa LMS o sagutan ito sa modyul na ito. Maaari ka nang magpatuloy

Pangwakas na Pagtataya
I. PAGTUKOY: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa patlang
bago ang bawat bilang.
____________1. Anong uri ng panghihikayat ang gumagamit ng emosyon?
____________2. Anong uri ng panghihikayat ang nakabatay sa kredibilidad ng manunulat?
____________3. Ano ang tawag sa pagbibigay ng hindi magandang taguri sa kalabang produkto o
politiko?
____________4. Anong uri ng teksto ang may subhetibong tono sapagkat malayang naipapahayag ng
may-akda ang kanyang pagkiling tungkol sa isang isyu?
____________5. Anong uri ng propaganda device ang tumutukoy sa panghihikayat na humihimok sa
lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay
sumali na?

II. PROSESO: Basahin at unawain ang mga tanong. Gawing gabay ang pamantayan sa iyong
pagsasagot.
PAMANTAYAN 4 3 2 1
Nagpapakita ng lubos na Nagpapakita ng Bahagyang nagpapakita Maraming pagkukulang sa
kahusayan sa pagiging pagiging kumpleto sa ng pagiging sapat sa nilalaman at inaasahang
Paglalahad kumpleto sa mga mga mahahalagang mga tamang impormasyon.
mahahalagang impormasyong impormasyong dapat impormasyong
dapat taglayin, at ang kabuuan taglayin. kailangan.
ay higit pa sa inaasahan.

3
Nagpapakita ng kapansin- Nagpapakita ng Bahagyang nagpapakita Mayroon ngunit hindi
pansing kahusayan ang mahusay na pagkakaisa ng pagkakaisa ang mga nagkakaisa ang mga konseptong
Pagkakaisa pagkakaisa ng mga ang mga konsepto at konseptong inilahad. inilahad.
konseptong inilahad na higit kaisipang inilahad.
pa sa inaasahan.

1. Sa iyong palagay, ano ang pinakamabisang gamiting paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi sa


kapwa mo kabataan? Pangatwiranan.

2. Bakit mahalaga ang pagbabasa at pagsusulat ng tekstong persuweysib? Sa ano-anong pagkakataon


ito nagiging mahalaga o makabuluhan? Magbigay ng halimbawa.

Ang Aking Karanasan ng Pagkatuto:


Nais kong malaman ang iyong saloobin! Inaasahan kong magiging matapat ka upang patuloy kitang
magabayan.
1. Anong natutuhan mo sa modyul na ito?
2. Ano ang mga nagustuhan mong gawain?
3. Ano ang mga tanong na gumugulo sa iyong isipan tungkol sa ating mga pinag-aralan?

Pagbati:
Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa kabuuan ng modyul ng pagkatutong ito!
Nawa’y lalo pang umalab ang iyong pagmamahal sa pagkatuto. Hanggang sa susunod na mga aralin.
Paalam!

Sanggunian:
Dayag, A. at Del Rosario, M.G. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Walang bahagi ng lathalang ito ang maaaring sipiin, ipamahagi o maipadala sa anumang anyo o
sa anumang paraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng may-akda.

You might also like