You are on page 1of 9

Learner Activity Sheet (LAS)

FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________


Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________________

3. Tekstong Persuweysib
Pamagat

Panimula (Susing Konsepto)

Isipin Mo!
Nahahalina ka ba sa mga komersyal at pabatid sa telebisyon man o sa mga
babasahin?
Nakakatulong ba ang mga plataporma para ka pumili ng isang kandidato?

Alam mo ba!

Mayroon tayong iba’t ibang uri ng teksto, isa na rito ang babasahin na nagbibigay ng
panghihikayat. Ngayon ay pahapyawan natin kung ano nga ba ng tekstong persuweysib.

Ang mga Tekstong Persweysib

Ang Persuweysib ay isa sa mga uri ng teksto na ating nababasa o naririnig. Ito
ay isang halimbawa ng teksto na naglalayong mangumbinse o manghikayat ng mga
mambabasa o tagapakinig.
Ang persuweysib o panghihikayat ay isang malakas na puwersa sa pang-araw
araw na buhay at may malaking impluwensiya sa ating lipunan bilang pangkabuuan.
Ang politika, legal na talakayan, mass media, balita at mga patalastas ay pawang
naiimpluwensiyahan ng kapangyarihan ng panghihikayat at gayundin naman tayo .
Ayon kay Perloff (2003), ang persuweysib ay maaaring ipakahulugang “isang
simbollikong proseso kung saan ang mga komyunikeytor ay naglalayong kombinsihin
ang ibang tao upang baguhin ang kanilang kaasalan o kaugalian kaugnay sa isang isyu
sa pamamagitan ng transmisyon ng mensahe.”
May mga katangiang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tekstong persuweysib.
Batay sa NOVA Southern University, ang mga sumusunod ay mga katangian ng
tekstong persuweysib:
1. Ang layunin ay hikayatin ang mambabasa na tanggapin ang partikular na
pananaw o kaya’y upang maisakatuparan ang tiyak na kilos o aksyon.
2. Ang haypotesis ay maaaring ibatay sa pagpapahalaga o kautusan.
 Pagsang-ayon / di pagsang-ayon sa balyu o istandard
Halimbawa: ang pananaliksik tungkol sa pagsasagawa ng cloning sa mga tao
ay hindi katanggap – tanggap sa simbahan.
3. Ang manunulat ay naglalatag ng pagtatalo hinggil sa isang isyu.
4. Ang mga impormasyon ay nakaayos sa pamamagitan ng pagpapakahulugan sa
paksa/usaping inilalatag ng dalawang panig ngunit isa lamang ang dapat
panindigan.
5. Nasusulat gamit ang ikatlong panauhan at gumagamit ng pormal na salita upang
talakayin ang paksa o isyu.

Sa pagsulat naman ng anumang teksto, kailangan daw sundin ang anim na


hakbang, Ito ang susunod ninyong dapat malaman.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Persuweysib

1. Pag-oorganisa ng mga ideya / Kaisipan (Brainstorming)


Sa katotohanan walang pagkakataon na masasabing wala kang alam tungkol sa
isang paksa. Dahil kapag nasangkot sa isang usapan, na mas tatanggapin pang limitado
kayo sa kaalaman, ang unang sanggunian ninyo ay ang nakaimbak na kaalaman, iskema o
sariling karanasan. Lubhang mahalagang unang pagtuunan ng pansin ang inyong
nalalaman. Maaaring isagawa ang brainstorming sa iba’t ibang pamamaraan.
a. Malayang pagsulat – mabilisang pagsusulat ng walang pagtigil, pagwawasto o
pag-eedit. Tuloy-tuloy lang sa pagsulat ng mga nalalaman, naiisip at
nararamdaman sa paksa.
b. Punong paksa – mga kaugnay na ideya, pag-uugnay ng mga kaisipan sa
pangunahing paksa.
c. Pagtatala
d. Klastering
e. Pagbabalangkas
2. Pananaliksik hinggil sa paksa
Ang pananaliksik ay nangangailangan ng pagtungo sa silid-aklatan o paggamit ng
sangguniang elektroniko. Nararapat na ang mga impormasyon ay napapanahon at hinango
sa mga libro at mga iskolarling artikulo mula sa mga eksperto. Iwasang gamitin ang mga
encyclopidia at popular na magasin sa akademikong pagsulat.

3. Pagbuo ng tesis na pahayag


May dalawang komponent ang tesis na pahayag: ang salaysay o pahayag at ang mga
pansuportang detalye kaugnay rito.
Ang salaysay o pahayag ay isang pangungusap na naglalahad ng:
 Paninindigan
 Batay sa paglalahat
 Mapagtatalunan
 Dapat isulat sa unang bahagi ng teksto o sanaysay

4. Pagsulat ng Panimula
Panimula ang pinakapangkalahatang bahagi ng sulatin. Nagsisilbi itong mapa na
magtuturo ng daan papunta sa mas malalim na pagtalakay at pag-analisa. Makatutulong
ang simpleng pormulang ito sa pagsulat ng inyong panimula.

Depinisyon : Pagtukoy, pagpapakahulugan, paglalarawan sa paksa.


Tungkol saan ito?
Kaugnayan : Ipakita/ tatalakayin ang kahalagahan ng paksa.
Paano ito maiuugnay o ano ang epekto nito sa lipunan?
Tesis na Pahayag : Kopyahin ang tesis na pahayag na ginawa.

5. Pagsulat ng Katawan
Pinakadetalyadong bahagi ng sanaysay ang katawan. Nakapaloob dito ang masusing
pagtalakay sa mga pansuportang detalye. Dito na itinatala o isinasama ang mahahalagang
ebidensya mula sa ginawang panananaliksik.

6. Pagsulat ng Kongklusyon
Ito ang pinakahuling bahagi ng sanaysay. May pagkakahawig sa panimula ngunit
may pagkakaiba sa paggamit ng mga salita. Sa bahaging ito ng sanaysay binibigyang
kalayaan ang manunulat na ibuod ang mga pangunahing kaisipang/ideyang tinalakay.

Ang Katangian ng mga Salitang Ginagamit sa Tekstong Persuweysib

Nararapat tandaan na malaki ang gampanin ng mga salita sa paghihikayat sa mga


manonood o tagapagtingkilik na tangkilikin ang isang produkto o makiayon sa
pinaniniwalaan ng isang tag (de Guzman, 2017). Dahil dito, ang mga sumusunod na
impormasyon ay makatutulong sa iyo:

1. Piliin ang tiyak na salitang gagamitin sa mga pahayag.


2. Tiyakin na ang salita ay may malinaw na kahulugan at madaling maunawaan ng
mga nakikinig.
3. Tiyakin na ang salitang ito ay magbibigay sa mga tagapakinig ng epektong
pandamdamin upang maramdaman nila ang bisa ng diwang ipinapahayag.
Kasanayang Pampagkatuto
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa (F11PS – IIIb
– 91)
 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto (F11PU – IIIb – 89)

Panuto

Naunawaan mo ba ang susing konseptong ibinigay ko? Maaari kang magtanong


kung may hindi ka nauunawaan hinggil dito mag-text o mag-personal message ka lang sa
akin at tutulungan kitang maunawaan mo ito.

Bago ang gawaing inihanda ko para sa iyo, panatilihing mong maging malinis ang
iyong mga kagamitan at siguraduhing sinunod ang tamang paghuhugas ng kamay. Nasa
ibaba ang mga gawain at kaukulang panuto.

Pamamaraan
Gawain 1 :
Panoorin mula sa video/pakinggan ang nairekord na tinig sa komersyal at sagutin
ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

Milo Beat Energy RiteMed – Huwag Bonakid 3 plus –


Gap ni James Mahihiyang Batang may
Reid Magtanong Laban

https://ph.images.search.yahoo.com/search/images

Unang video https://youtu.be/qnlpG7E3eOQ


Ikalawang video https://youtu.be/WIKk0HNm-aM
Ikatlong video https://youtu.be/FHuNtzdVZf0
Gabay na Tanong:
1. Alin sa mga napanood na komersyal ang pinakanagustuhan ninyo?
2. Bakit ito nagustuhan at bakit ninyo tatangkilikin ang nasabing produkto?
3. Isulat ang sagot sa grapikong representasyong nasa ibaba.

Grapikong Representasyon

KOMERSYAL

Bakit ito nagustuhan?


1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________

Bakit ito kailangang tangkilikin?


4. _________________________
5. _________________________
6. _________________________

Gawain 2 :
Narito ang halimbawa ng tekstong persuweysib. Basahin at sagutin ang mga tanong.
Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal
Binigkas sa pagdiriwang na Ika – 150 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Jose Rizal
Calamba, Laguna, 19 Hunyo 2011, Pangulong Benigno Simeon Aquino III

Nagsimula ang kwento ni Rizal hindi sa kanyang kapanganakan, kundi sa


mga pangarap ng kanyang mga magulang na bigyan ng maginhawang buhay ang
kanilang pamilya. Bago pa man italaga sa kanila ang apelyidong Rizal, tumungo ang
mag-asawang Mercado dito sa Calamba upang itaguyod ang kanilang tahanan at
sakahin ang lupaing ipinaupa sa kanila ng mga Dominiko. Gawa na rin ng
pagsusumikap, naabot ng mga Mercado-Rizal ang kanilang mga mithiin. Isinilang
po si Jose Protacio Rizal sa isang bahay na bato, na bibihira noong mga panahong
iyon. Hindi tulad ng marami sa ilalim ng rehimeng Espanyol lumaki siyang
nakakakain ng masasarap na pagkain, nakatira sa isang tahanang hindi natatangay
ng bagyo ang mga pader at bubong, at nakapag-aaral sa mga tanyag na
paaralan.Ngunit ang kanilang marangyang pamumuhay ay hindi po nagtagal.
Labing-isang taong gulang si Rizal nang dakpin ang kanya ng ina, palakarin ng
limampung kilometro patungong Sta. Cruz, at itapon sa bilangguan. Wala po siyang
Marahil, ang ganitong mga sitwasyon ng kawalang-katarungan ang unang
gumising sa malay at damdamin ni Jose Rizal: may mali sa lipunang kanyang
kinabibilangan; may ilang nasanay na sa baluktot na utos at panlalamang ng
mga nasa kapangyarihan; at may mga Filipinong tila manhid at bulag na sa kanilang
pagiging alipin at sunud-sunuran.Humarap din sa sangandaan si Jose Rizal: sa
isang banda, maaari niyang huwag pansinin ang mga nangyayari sa kanyang
paligid. Puwede niyang gamitin ang mga pinag-aralan niya sa iba’t ibang
pamantasan sa Maynila at sa ibang bansa para magpayaman at maghanap ng
magandang mapapangasawa. Maaari siyang magpatangay na lamang sa agos ng
baluktot na sistema, at kahit pa alam niyang mali, ay makipagplastikan na lang
sa mga fraile tuwing may handaan.At sa sunod-sunod na pagharap niya sa
sangandaan-mula sa pagkabinatang pinagkaitan ng ilang karangalan, hanggang sa
pagkabayaning tinawag na mag-alayng buhay para sa bayan-hindi naligaw si Rizal sa
tuwid na daan.
Nasanay tayo na ang ipinagdiriwang ay ang araw na barilin si Rizal sa
Bagumbayan. Marahil, pinakatanyag nang sagisag ng kanyang pagkabayani ang
pagharap niya sa balang babaon sa kanyang dibdib. Maaari siyang naglupasay o
lumuhod, ngunit hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, buong-tapang
siyang nagpamalas ng paninindigan.Sa harap ng sinasagisag ng kanyang pagkabitay,
madaling matabunan ang marami pang ibang pagpapasiyang ginawa ni Rizal na
nagsilbing punla ng atin pong kalayaan.Kung sa loob ng isang silid na puno ng
insulares ay tratuhin kang mababang uri dahil sa kulay ng iyong balat, ilan po
kaya sa atin ang makatatagal upang magtapos ng medisina? Kung sa harap ng
taglamig ay napilitan tayong pagkasiyahin ang isang latang biskuwit mula
almusal hanggang hapunan, mapili pa kaya nating magtapos ng nobelang
magsisilbing mitsa ng himagsikan? Kung pagmalupitan ang iyong mahal sa buhay,
magawa mo kayang tumugon sa paraang mapakikinabangan ng buong bayan?
Pang-araw-araw na sangandaan po itong kinakaharap ni Rizal, at di
nalalayo rito ang mga sangandaaang kinakaharap ng marami rin sa atin.
Maaaring may ilang bagay na sa unang tingin ay simple at walang agarang epekto sa
malawakang sakop ng lipunan, ngunit paglaon ay mag-iiwan ng bakas at
magdudulot ng malaking ginhawa sa kapuwa. Mga simple at pangaraw-araw na
desisyon gaya ng: gagamit ba ako ng overpass, o mag-jay walking nalang?
Magbabayad ba ako ng tamang buwis, o ilulusot ko ang puwedeng ilusot?Kung
may makita akong mali, magwawalang-kibo ba ako, o gagawa ng paraan para itama
ito?Hindi po lahat ay pinapalad na tawagin upang magbuwis ng buhay para sa
bayan. Subalit para sa nakararami, nasusukat ang pagkabayani sa araw-araw nating
pagharap sa maliliit na sangandaan: Ang pagsunod sa batas, ang paggalang sa
kapuwa, ang paggawa ng tama sa sinumpaan nating mga tungkulin, at ang
manindigan sa atin pong prinsipyo.Marahil po, matapos ang isa’t kalahating siglo,
mababaon lamang sa mga libro ang mga ginagawa ng inyo pong gobyerno. Ang
pagpapasabay ng ARMM elections sa pambansang halalan; ang
pagbabantay sa mga monopolyo; ang pagbubuhos ng pondo sa edukasyon,
kalusugan, at conditional cash transfer program – lahat po ito, sakaling mabasa o
Ngayon natin
maikuwento ay suriin
sa natin
ating ang
mgalawak
apo, ng
ay iyong pag-unawa
marahil sa paksang
tatapatan tinalakay.
lamang nila Sagutin
ng hikab at
ang mgang
kibit tanong sa ibaba.
balikat. Hindi po mauukit sa ginto ang lahat ng ating mga Executive
Order, ang mga batas na pinagpuyatan ng ating lehislatura, at maging ang
1. Tungkolna
pinakamalalalim saan ang paksa
desisyon ng tekstong binasa?
ng hudikatura.Tinatanggap ko po ito, at ilang ulit ko na
pong 2. Ano-ano
idiniin ang mga
na hindi pangunahing
palakpakan ideyang nakapaloob
o pagpupugay sa
ang nagtutulak sa aking bumangon
araw-araw upang maglingkod sa akin pong mga Boss. Nagtatrabaho tayo para sa bata sa
bawat talata ng teksto?
lansangan na kayang maghibla ng isang kuwintas ng sampagita, ngunit ni hindi pa
nakakatapak sa loobmga
3. Ibigay ang mahalagang
ng eskuwela. pansuportang
Nagtatrabaho detalyeng
tayo dahil sa isang malayong baryo, sa
isang Ngayon
maliit na ayisla ng natin
suriin Filipinas, maaaring
ang lawak may pag-unawa
ng iyong sanggol na samagiging tulad ni Rizal:
paksang tinalakay.
tapat ang puso, walang-kapantay ang talino, walang-hanggan ang malasakit sa
kapuwa, at may wagas na pag-ibig sa bayan.
Nagtatrabaho po tayo upang wala nang Filipino ang mangailangan pang
magbuwis
Sagutinngangbuhay
mgapara
tanongsa sa
kapakanan
ibaba. ng mga susunod sa kanya.Noong ika-19 ng
Hunyo, 1861, isang sanggol ang isinilang dito sa bayan ng Calamba. Wala pong
kakaiba
1. sa kanya:saan
Tungkol Marahil kasinlaki
ang paksa lang ng binasa?
ng tekstong isang nakakuyom na kamao ang kanyang
ulo, at ni hindi kayang humawak ng panulat ang kanyang maliliit na kamay na
2. Ano-ano ang mga pangunahing ideyang nakapaloob sa bawat talata ng teksto?
paglaon ay lilikha ng dalawang dakilang obra.Nabanggit ko na rin lang po,
3. Ibigay ang mga mahalagang pansuportang detalyeng ginamit sa mga
hinihikayat ko po kayong bisitahin ang mga orihinal na manuskrito ang mga
pangunahing ideya?
nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo sa National Library. Bukas po iyan
4. Alin sa mganitalata angatnagpapakita ng panghihikayat bilang halimbawa
ngayong kaarawan Rizal, kung hindi kayo makadaan ngayon, puwede pangrin po
ninyo itongtekstong persuweysib?
bisitahin bukas. Kaya nga po natin idineklarang holiday bukas: para habang
5. Allin ang mga
ginugunita natin si Rizal, salita o pahayag
mas na ginamit
makikilala upang
rin natin ang makapanghikayat?
mga gawa niya.Malinaw po:
Hindi ipinanganak na superhero si Jose Rizal. Walang prediksyon sa kanyang
kadakilaan; walang nakapagsabing ang anak ng magasawang Mercado ay magiging
pambansang bayani ng lahing Filipino.Isa’t kalahating siglo ang nakalipas,
ginugunita pa rin natin ang kanyang kapanganakan, at tinitingala ang kanyang
kadakilaan.Kinikilala natin si Jose Rizal dahil sa harap ng mga sangandaan ng ating
masalimuot na kasaysayan, may isang Fillipinong muli’t muli ay piniling gawin ang
Ngayon ay suriin natin ang lawak ng iyong pag-unawa sa paksang tinalakay. Sagutin
ang mga tanong sa ibaba.

1. Tungkol saan ang paksa ng tekstong binasa?


2. Ano-ano ang mga pangunahing ideyang nakapaloob sa
bawat talata ng teksto?
3. Ibigay ang mga mahalagang pansuportang detalyeng

Ngayon ay suriin natin ang lawak ng iyong pag-unawa sa paksang tinalakay.


Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Tungkol saan ang paksa ng tekstong binasa?


2. Ano-ano ang mga pangunahing ideyang nakapaloob sa bawat talata ng teksto?
3. Ibigay ang mga mahalagang pansuportang detalyeng ginamit sa mga
pangunahing ideya?
4. Alin sa mga talata ang nagpapakita ng panghihikayat bilang halimbawa ng
tekstong persuweysib?
5. Alin ang mga salita o pahayag na ginamit upang makapanghikayat?

Gawain 3:
Dahil sa pandemya na mayroon ngayon sa ating bansa at sa mundo, umisip ng isang
paksa na maaaring makahikayat sa mga tao na sama-samang labanan ang COVID 19.
Sumulat ng isang tekstong persuweysib gamit ang paksa na naisip at isulat sa buong papel.

Rubrik sa Pagpupuntos
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Paggamit ng Salita/Pahayag 10

Nilalaman 10

Panghihikayat 10

Kabuuan 30

Pangwakas

Ngayon ay lubos mo nang naunawaan ang kahulugan ng persuweysib at layunin


nito.
Upang lubos na malaman kung iyo ngang natutuhan ang tekstong persuweysib,
narito ang isang gawain na susukat sa iyong mga natutuhan.
Batay sa ginawang sanaysay, gumawa ng 2 minutong video na nanghihikayat sa mga
mamamayan na sama-samang labanan ang COVID 19 at i-post ito sa facebook account mo o
isend sa messenger ng guro.

Mga Sanggunian

PLUMA ni Alma M. Dayag pp. 69 - 82


Inihanda ni:

ROMEO P. LORIDO
Pangalan ng May Akda

You might also like