You are on page 1of 6

Learner Activity Sheet (LAS)

FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________


Seksiyon: _____________________________ Petsa: __________________

1. Tekstong Impormatibo
Pamagat

Panimula (Susing Konsepto)

Isipin Mo!
Nababatid mo ba ang mga wastong batayan sa pagkuha mo ng impormasyon?
Naniniwalaa ka bang ito ay batay sa totoo at pawang katotohanan?

Alam mo ba!

Mayroon tayong iba’t ibang uri ng teksto, isa na rito ang babasahin na nagbibigay ng
impormasyon. Ngayon ay pahapyawan natin kung ano nga ba ang tekstong impormatibo.

Ang mga Tekstong Impormatibo

Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga sangguniang


hanguan ng mga impormasyon gaya ng mga aklat, encyclopedia, atlas, at marami pang iba.
Layunin ng mga tekstong ito ang maghatid ng mga impormasyon na maaaring magamit ng
sinomang nagnanais makabatid ng kinakailangang impormasyon. Ang mga impormasyong
ito ay magagamit sa iba’t ibang paraan ng mga mambabasa, kaya naman kinakailangang
tinitiyak ng sinomang mambabasa ang katumpakan ng mga impormasyong kanyang
pinipili. Sa pagkakataong ito, higit na kinakailangan ng mambabasa ang lubos na pagsusuri
sa mga impormasyon.

Sa pagsusuri ng mga tekstong impormatibo, kinakailangang isaalang-alang ang mga


sumusunod:

1. Pagiging makatotohanan ng mga inilahad na impormasyon.


2. Kalinawan at kawalan ng kamalian ng mga impormasyon
3. Ang mga impormasyon ay nararapat na may pinagbatayan, napatunayan, o resulta ng
mga pag-aaral.Hangga’t maaari ay kinakailangang napapanahon din ang mga
impormasyon.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa. (F11PB – IIIa – 98)

Panuto

Naunawaan mo ba ang susing konseptong ibinigay ko? Maaari kang magtanong


kung may hindi ka nauunawaan hinggil dito mag-text o mag-personal message ka lang sa
akin at tutulungan kitang maunawaan mo ito.

Bago ang gawaing inihanda ko para sa iyo, panatilihing mong maging malinis ang
iyong mga kagamitan at siguraduhing sinunod ang tamang paghuhugas ng kamay. Nasa
ibaba ang mga gawain at kaukulang panuto.

Pamamaraan

GAWAIN 1:

Pumili ka ng isa sa nakalahad sa ibaba at sagutin mo ang mga gabay na tanong.

1. Diyaryo
2. Diksyunaryo
3. Magasin
4. Mga libro

Gabay na Tanong
1. Ano ang aklat o babasahing iyong napili?
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga impormasyong iyong makukuha sa mga pinili mong babasahin?
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

3. Gaano kahalaga ang mga impormasyong makukuha mo sa mga napili mong babasahin?
GAWAIN 2:

Basahin at unawain mong mabuti ang teksto. Matapos mong mabasa sagutan mo
ang mga tanong sa ibaba nito.

Ang Cyberbullying at Ang Mga Epekto Nito


(Sinipi mula sa tekstong “CYBERBULLYING” sa aklat na Pluma)

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri
ng pambu-bully ang nabigyang-daan nito: ang cyberbullying o ang pambu-bully sa kapwa
gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng
mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o
e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan , video, at iba pa sa e-
mail at sa social media ; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang
komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-
hack sa account ng iba upang magamit ang personal account ng isang tao nang walang
pagsang-ayon niya o sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa
pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, o
pagkawala ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.

Sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na nangyayari di-tulad ng harapang


pambubu-bully na kung minsan ay humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang
sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological trauma na maaaring
maranasan ng isang biktima ng cyberbullying.
Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying:

 Mga senyales ng depresyon


 Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
 Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan
 Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan
 Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-esteem
 Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
 Pagiging biktima rin ng harapang bullying

Ang Pilipinas ay wala pang opisyal na estadistika patungkol sa cyberbullying, sa


bansang Amerika ay lumalabas na nasa 9% ng mag-aaral sa grade 6 hanggang grade 12 ang
nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga
mag-aaral sa grade 9 hanggang grade 12 na nakaranas ng cyberbullying.
Sa sarbey na isinagawa ng www.stopcyberbullying.org, ang sumusunod ang
isinasagawa ng mga nagiging bitima ng cyberbullying:
 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya
 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang komunikasyon sa bully
 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-bully
 29% ang walang giawang anuman ukol sa pambu-bully
 28% ang nag-sign-offline
 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayari cyberbullying

a. Ibigay mo ang kahulugan ng mga salita sa unang kolum at gamitin mo ito sa


makabuluhang pangungusap.

Mga Salita Kahulugan Makabuluhang pangungusap

1. Bully

2. Bash

3. Hack

4. Harassment

5. Trauma

b. Mga gabay na tanong para sa iyong binasa, sagutan mo:

1. Ano ang paksa ng teksto?


________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

2. Ano ang layunin ng mga gumagawa ng cyberbullying?


________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang epekto nito sa mga biktima?


________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

4. Paano makaiiwas sa cyberbullying?


________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

5. Ano-ano ang mga salita na ginamit sa teksto na nagbigay-diin sa pagpapalutang ng


impormasyong nais iparating?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

GAWAIN 3:

Ipaliwanag mo ang kawikaang “Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito”y pilitin


mong matamo kahit gaano kamahal ”.

https://www.bible.com/tl/bible/399/PRO.47.RTPV05

Rubrik sa Pagpupuntos
I. Malikhain – 5 puntos
II. Orihinalidad – 5 puntos
III. Pagpili at pagbuo ng mga salita – 5 puntos

Pangwakas

Ngayon ay lubos mo nang naunawaan ang kahulugan ng impormatibo at layunin


nito. Ngunit sa pagkuha mo ng mga impormasyon mula sa nabasa ay siguraduhing mong ito
ay makatotohanan. Piliin mo ang tamang impormasyon na kukunin.

Upang lubos na malaman kung iyo ngang natutuhan ang impormatibo, narito ang
isang gawain na susukat sa iyong mga natutuhan.

Gumawa ng adbokasiya sa pamamagitan ng islogan na patungkol sa tamang


paggamit ng mga social networking site. Sundin ang panuntunan na inilahad sa rubrik.
Ilakip sa Learning Activity Sheet na ito ang isang buong papel ng iyong isinulat.

Mga Sanggunian

PLUMA ni Alma M. Dayag pp. 1-15

Inihanda:

ROMEO P. LORIDO
Pangalan ng May Akda

TANDAAN: Magsanay ng mga Personal na Protocol sa Kalinisan sa Lahat ng Oras.

You might also like