You are on page 1of 33

Tekstong Impormatibo

Anu ang ibig iparating na mensahe ng


may akda?.
Tekstong Impormatibo

Anu ang dahilan kung bakit mas


maraming mga bata ang nagbabasa
ng tekstong naratibo?
Ang tekstong Impormatibo ay isang uri
ng babasahing di piksyon . Ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag ng malinaw at walang
pagkiling tungkol sa ibat ibang paksa
tulad ng mga hayop , isports, agham o
siyensiya, kasaysayan, gawain,
paglalakbay, heograpiya, kalawakan,
panahon at iba pa.
Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga
impormasyon o kabatirang inilahad ng may-
akda ay hindi nakabase sa kanyang sarilling
opinion kundi sa katotohanan at mga datos
kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang
pagpabor o pagkontra sa paksa.Karaniwang
may malawak na kaalaman tungkol sa paksa
ang manunulat o kaya’y nagsasagawa siya ng
pananaliksik at pag-aaral ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay
karaniwang makikita sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, textbook, sa mga
pangkatang sanggunian tulad ng
encyclopedia, gayundin sa ibat ibang web
site sa internet. Dahil sa mga katangiang
ito ng tekstong impormatibo, laging may
nadagdag na bagong kaalaman o kaya’y
napayayaman ang dating kaalaman ng
mga taong nagbabasa nito
Elemento ng Tekstong Impormatibo

Kung ang tekstong naratibo ay may


elementong kinabibilangan ng tauhan,
tagpuan, suliranin, at mahahalagang
pangyayaring tulad ng simula, kasukdulan,
kakalasan, at wakas, ang tekstong
impormatibo ay mayroon din mga
elemento
1. Layunin ng may-akda
Mapalawak pa ang kaalaman ukol sa
isang paksa, maunawaan ang
pangyayaring mahirap ipaliwanag , matuto
ng maraming bagay ukol sa ating
mundo,masaliksik, mailahad ang mga
yugto ng buhay ng ibat ibang uri ng
insekto, hayop at iba pang nabubuhay.
2. Pangunahing Ideya.
* Organizational Markers makatutulong
upang agad makita at malaman ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais
niyang matanim o maiwan sa kanila.

3. Pantulong kaisipan – mga detalye upang


makatulong mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais
niyang matanim o maiwan sa kanila.
Mga estilo sa pagsulat,
kagamitan/sangguniang magtatampok sa
mga bagay na binibigyang diin.
1. Paggamit ng mga nakalarawang
representasyon. -paggamit ng mga
larawan, guhit, dayagram, tsart,
talahanayan, timeline at iba pa.
2. Pagbibigay diin sa mahahalagang salita
sa teksto. – pagsulat ng nakadiin, pahilis,
nakasalungguhit at nilagyan ng panipi,
3. Pagsulat ng mga talasanggunian –
karaniwang inilalagay ng mga
manunulat ng tekstong impormatibo
ang mga aklat, kagamitan, at iba
pang sangguniang ginamit upang
higit na mabigyang diin ang
katotohanang naging basehan sa mga
impormasyong taglay nito.
1. Ano ang tekstong impormatibo?
2. Ano-ano ang mga katangian ng
ganitong uri ng tekstong binasa?
3. Alin-alin sa mga bagay na nalalaman
mo sa kasalukuyan ang masasabi mong
nagmula sa mga nabasa mong tekstong
impormatibo?
4. Ano-ano ang elemento ng Tekstong
impormatibo?
5. Bakit kailangang gumamit ng mga
paraang magbibigay diin sa
mahahalagang kaisipang nais ipabatid ng
ganitong uri ng teksto.

6. Bakit kailangang ilahad ang


talasangguniang ginamit sa tekstong
impormatibo?
7. Sa paanong paraan magiging epektibo
pang maipararating ng manunulat ng
isang tekstong impormatibo ang
mahahalagang impormasyon sa kanyang
mambabasa?
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan –


Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan
ng manunulat sa isang mabisang panimula o
introduksyon .Kung ito ay isang balita, mababasa
sa bahaging ito ang pinakamahalagang
impormasyon tulad na kung sino, ano, saan,
kailan, at paano nangyari ang inilalahad.
Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi
naman ng katawan, karaniwang nagtatapos sa
Kongklusyon.
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

2. Pag-uulat Pang-impormasyon- Sa uring ito


nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang
bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa
pangyayari sa paligid . Ang ilang halimbawa ay ang
mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global
warming, cyberbullying, mga hayop na malapit ng
maubos, impormasyong kaugnay ng mga halaman
at iba pa.
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
3. Pagpapaliwanag- Ito ang uri ng tekstong
impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano
o bakit naganap ang isang bagay o
pangyayari. Layunin nitong makita ng
mambabasa mula sa mga impormasyong
nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa
ganitong kalagayan.Karaniwang itong ginagamitan
ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may
kasamang mga paliwanag. Halimbawa nitoy ang
siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng
paruparo, palaka at iba pa.
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
1. Ano ang iba’t ibang uri ng tekstong
impormatibo?
2.Anong katangian ang magkakapare-
parehong taglay ng mga tekstong ito?
3. Sa paanong paraan nakatutulong ang
larawan, dayagram, o flowchart upang higit
na maging epektibo ang isang tekstong
nagpapaliwanag?
Ano ang cyberbullying ?Paano ito isinasagawa?
Papano ito naiba sa pambubully nang harapan?
Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging
biktima nito?
Ano anong katangian ng tekstong binasa ang
magpapatunay na ito nga ay isang tekstong
impormatibo.
Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga
salitang ginamit sa teksto at nakasulat nang
madiin sa bawat bilang.
1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon:
talambuhay, balita, artikulo sa magasin. Batay sa
mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o
katangian ang maibibigay mo para sa di piksyon.
2. Ang sumusunod naman ay may mga babasahing
piksyon: maikling kwento, tula, nobela. Batay sa
mga halimbawa ito, anong pagpapakahulugan o
katangian ang maibibigay mo para sa mga
babasahing piksyon.
3. Ang salitang informatibo ay nagmula sa
salitang Ingles na inform. Batay sa pinagmulan ng
salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa
tekstong informatibo?
4. Ang ilan sa mga elemento ng tekstong
impormatibo ay ang layunin ng may-akda,
pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, estilo sa
pagsulat, at kagamitan o sanggunian.Anu ang ibig
tukuyin ng pahayag na pangunahing ideya?

5. Kailangan ng mga pantulong na kaisipan


upang mabuo ang pangunahing ideya. Ano ang
ibig ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?
Tukuyin kung sa anong uri ng texstong Impormatibo
nabibilang ang binabasa ng tauhan sa bawat sitwasyon sa
ibaba. Piliin ang titik na may tamang sagot.

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag
_____ 1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong
malaman kung paano at bakit nagbabagong anyo ang mga
ito.Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang
Pagbabagong Anyo ng Salagubang”.
Tukuyin kung sa anong uri ng texstong Impormatibo
nabibilang ang binabasa ng tauhan sa bawat sitwasyon sa
ibaba. Piliin ang titik na may tamang sagot.

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag
_____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigdig
ang matitinding tag-init at napakalakas ng bagyong
nagresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Roel na
magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito
kaya’t hawak niya ngayon ang tkstong may pamagat na “
Mga Epektong Global Warming sa Pilipinas”.
Tukuyin kung sa anong uri ng texstong Impormatibo
nabibilang ang binabasa ng tauhan sa bawat
sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik na may tamang
sagot.
a. Paglalahad ng Totoong
Pangyayari/Pangkasaysayan
b. Pag-uulat pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag
_____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa
hawak niyang pahayagan ang balitang ito: 51st
International Eucharistic Congress, Ginanap sa cebu
noong Enero 24-31, 2016.
Tukuyin kung sa anong uri ng texstong Impormatibo
nabibilang ang binabasa ng tauhan sa bawat
sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik na may tamang
sagot.
a. Paglalahad ng Totoong
Pangyayari/Pangkasaysayan
b. Pag-uulat pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag
_____5.Masayang-masaya si Ginang Cruz sa balitang
nasa pahayagang hawak niya. Sinasabi ritong “Si Pia
Wurthzbach ay Nagwagi bilang Ms. Universe 2016”.
Ang cyberbullying ay isa sa hindi mabubuting bagay
na naidulot ng makabagong teknolohiya. Maari itong
makaapekto sa sinuman, maging sa iyo, sa pamilya
mo, at sa iba pang tao sa iyong paligid.
1. May kasabihang walang mambu-bully kung
walang magpapa-bully. Ano ang gagawin mo upang
maiwasang maging biktima ng cyberbullying?
2.Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya o
malapit na kaibigan mo ang magiging biktima ng
cyberbullying , ano-ano ang gagawin mo o ninyo
upang mahinto ang ganitong uri ng pang-aabuso at
mapanagot ang taong gumagawa nito sa kanyang
kasalanan? Isulat sa ibaba ang gagawin mo?
3. Kung ikaw naman ang nambu-bully,
ngayon at nalaman mo ang masamang
epekto nito sa biktima mo, na maaaring
bumalik sa iyo sa mga darating na
panahon, ano ang gagawin mo upang
makabawi?
4. Bakit mahalaga ang pagiging
responsible sa paggamit ng Internet at
laging pagsasaalang-alang sa
paalalang”Think before you click”?
Bakit hindi dapat manahimik lang ang
mga biktima ng cyberbullying? Paano
higit na lalala ang problemang ito
kapag nanahimik lang ang mga
biktima nito?
Ngayon ay ikaw naman ang sumulat ng sarili
mong halimbawa sa tekstong impormatibo. Dahil
katotohanan at sarili mo lang opinion ang
pagbabatayan sa iyong isusulat,
mangangailangan ito ng pagkuha o pangangalap
ng datos upang mapaunlad ang tekstong iyong
isusulat. Maari kang mag-isip ng sariling
paksang susulatin na ihihingi mo ng pahintulot
sa iyong guro o maari kang pumili ng alinman sa
mga paksang nakalahad.
Mga paraan ng pagpapanatililing malusog ang katawan.
Paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa bansa kahit limitado
ang budyet
Pagsisimula ng isang negosyong puwedeng
pagkakakitaan kahit nag-aaral pa lamang
Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-prseso tulad ng
de-lata, instant noodles, at iba pa.
Mga puwedeng gawin upang mas madaling maunawaan
ang mga paksang pinag-aaralan at makakuha ng mas
magagandang marka sa paaralan
Isang balitang local na personal mong nasaksihan.

You might also like