You are on page 1of 32

TEKSTONG

NARATIBO
MGA PANANAW O PUNTO
DE VISTA (POINT OF VIEW )
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga
matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang
ginamit ng manunulat na pingin o pananaw sa
pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit
para sa naratibo ay ang una at ikatlong
panauhan. Bihirang-bihirang magamit ang
ikalawang panauhan. Sa mas mahabang naratibo
tulad ng nobela ay maaaring hindi lang iisa
kundi nagbabago-bago ang ginagamit na pananaw.
UNANG PANAUHAN
Sa pananaw na ito, isa sa mga
tauhan ang nagsasalaysay ng mga
bagay na kaniyang nararanasan,
naaalala o naririnig kaya
gumagamit ng panghalip na ako.
IKALAWANG PANAUHAN
Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang
tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't
gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw
subalit tulad ngunang nasabi, hindi ito
gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.
IKATLONG PANAUHAN
Ang mga pangyayari sa pananaw na
ito ay isinasalaysay ng isang taong
walang rebelasyon sa tauhan kaya
ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya.
• Maladiyos na panauhan- Nababatid niya ang
galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan
at naihahayag niya ang iniisip, damdamin,
at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
• Limitadong panauhan- Nababatid niya ang
iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan
subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
• Tagapag-obserbang panauhan- Hindi
niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga
tauhan. Tanging ang mga nakikita o
naririnig niyang mga pangyayari,
kilos, o sinasabi lang ng kaniyang
isinasalaysay.
KOMBINASYONG PANANAW O PANINGIN
Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay
kaya't iba't-ibang pananaw o paningin ang
nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong
nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga
pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang
panahon at mas maraming tauhan ang
naipakikilala sa bawat kabanata.
PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG NG
DIYALOGO,
SALOOBIN, O
DAMDAMIN
Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayg, ang tauhan ay
direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan
ng panipi. Sa ganitong paraan ng pagpapahayg ay
nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang
taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naakit ang
mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa
kaniya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan
at ang paraan ng pagkakasabi'y naghuhudyat din sa uri
ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi
direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.
Halimbawa:
“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa
anak na noo'y abalang-abala sa ginagawa at halos hindi
napansing nakalapit sa pala ang ina sa kaniyang
kinalalagyan. ”Aba'y kayganda naman nireng ginagawa
mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha? Natatawang
inakbayan ni Donato ang ina at inakay sa munti nilang
kusina.
DI DIREKTA O DI TUWIRANG
PAGPAPAHAYAG
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad
sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman
ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag. Hindi na ito
ginagamitan ng panipi.
Halimbawa:
Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain
habang ito'y abalang-abala sa ginagawa at hindi
halos napansing nakalapit na pala ang ina sa
kaniyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng
ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba
talaga ang balak niya.
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at
inakay papasok sa munti nilang kusina.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
NARATIBO
Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong
naratibo ay ang pagkukuwento kaya naman taglay
ng mga ito ang mahahalagang elementong lalong
nagbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at
nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. Sa mga
elementong ito rin makikita kung paano naihahabi
o pumapasok ang mga tekstong deskriptibo.
TAUHAN
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng
mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay
dapat umaayong sa pangangailangan. Mahirap
itakda ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa
tekstong naratibo, ang pangangailangan lamang
ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan
sa pagpapakilala sa tauhan- ang expository at
dramatiko.Expository kung ang tagapagsalaysay
ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng
tauhan at dramatiko naman kung kusang mabubunyag
ang karakter dahil sa kaniyang pagkilos o
pagpapahayag.
• Pangunahing Tauhan- sa pangunahing tauhan o
bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento
mula simula hanggang sa katapusan. Karaniwang
iisa lamang ang pangunhing tauhan.
• Katunggaliang Tauhan
Ang katunggaliang tauhan o
kontrabida ay siyang
sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan.
Kasamang Tauhan
Gaya ng ipinapahiwatig ng
katawagan, ang kasamang tauhan
ay karaniwang kasama o kasangga
ng pangunahing tauhan.
Ang May-akda
Sinasabing ang pangunahing
tauhan at ang may-akda ay lagi
nang magkasama sa kabuoan ng
akda.
Ayon kay E.M. Foster , isang Ingles na
manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang
maaaring makita sa tekstong naratibo tulad ng:
a) Tauhang Bilog (Round character)- Isang
tauhang may multidimensional o maraming
saklaw ang personalidad. Tulad ng isang
tunay na katauhan, nagbabago ang kaniyang
pananaw, katangian, at damdamin ayon sa
pangangailangan. Ang isang tahimik na
mapagtimping tauhan,halimbawa ay maaaring
magalit at sumambulat kapag hinihingi ng
sitwasyon o pangyayari sa kuwento at
pangangailangang magbago ang taglay
niyang katangian at lumulutang ang
nararapat na emosyon o damdamin.
b) Tauhang Lapad- Ito ang tauhang nagtataglay
ng iisa o dadalawang katangiang madaling
matukoy o predictable. Madaling mahulaan
at maiugnay sa kaniyang tauhan ang kanyang
mga ikinikilos at maituturing na
stereotype tulad ng mapang-aping madrasta,
at iba pa.
Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang
makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa
ekstong naratibo. Bagama't madaling
matukoy o predictable ang tauhang lapad ay
hindi niya iminumungkahi ang pagtatanggal
sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng
akda upang masalamin pa rin nito ang tunay
na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo.
Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lamang sa
lugar kung saan naganap ang mga pangyayari
sa akda kundi gayundin sa panahon (oras,
petsa, taon) at maging sa damdaming
umiiral sa kapaligiran nang maganap ang
mga pangyayari.
Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga
tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang
temang taglay ng akda.
Mga karaniwang banghay o balangkas ng isang
naratibo:
Mga karaniwang banghay o
balangkas ng isang naratibo:
• Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung
saan maipapakilala ang mga tauhan, tagpuan, at
tema (orientation or introduction).
• Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng
kalutasan ng mga tauhan partikular ang
pangunahing tauhan(problem).
• Pgkakaroon ng saglit na kasiglahanng hahantong sa
pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa
paglutas sa suliranin (rising action).
• Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa
isang kasukdulan (climax).
• Pababang pangyayari na humahantong sa isang
rebulosyon o kalakasan (falling action)
• Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
Hindi lahat ng banghay ay sumusunid sa
kumbensional na simula-gitna-wakas. May
mga akdang hindi sumusunod sa ganitong
kalakaran at tinatawag na anachrony o mga
pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang
pagkkasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:
a) Analepsis (Flashback)- dito ipinapasok ang mga
pangyayaring naganap sa nakalipas.
b) Prolepsis (Flash-forward)- dito nama'y
ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa
lamang sa hinaharap.
c) Ellipsis- may mga puwang o patlang sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpakitang may bahagi sa pagsasalaysay na
tinanggal o hindi sinama.
Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideyakung saan umiikot ang mga
pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang
ito ng husto sa kabuoan ng akda uang mapalutang ng
may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang
maiparating sa kaniyang mambabasa. Dito rin mahuhugot
ang mga pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang
pagpapahalagang pangkatauhan nagagamit sa mabuting
pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG

You might also like