You are on page 1of 26

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Kuwarter 3-Modyul 2
Tekstong Deskriptibo

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

1
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 3 - Modyul 2: Tekstong Deskriptibo
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon.

Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales o mga
kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa. Hindi inangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V


Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Leonor C. Reyes MAEDFIL
Helen R. Lucman PhD
Jessah M. Lapore
Almacielo Y. Nambatac
Saudi M. Rivera
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Leonor C. Reyes
Mga Tagaguhit at Nag-layout: Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala

Pangalawang Tagapangulo:

Rowena H. Paraon, PhD


Pumapangalang Tagapamanihala

Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief


Sol P. Aceron, PhD, EPS-Filipino
Marisa D. Cayetuna,P-1
Teresa P. Mingo, PhD
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Departamento ng Edukasyon – Dibisiyon ng Cagayan de Oro City
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

2
Senior High
Senior School
High School

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Kuwarter 3 - Modyul 2
Uri ng Teskto-Tekstong Deskriptibo

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DICLAIMER : This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned
by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.
Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

3
Talaan ng Nilalaman

Para Saan ang Modyul Na Ito .................................................................................................. i


Ano ang Inaasahan Mo .............................................................................................................. i
Paano Mo Matutunan ............................................................................................................... i
Mga Icon ng Modyul .................................................................................................................. ii
Ano ang Nalalaman Mo ............................................................................................................ iii

Aralin 1: Uri ng Teksto: Tekstong Deskriptibo

Balikan…………………………………………………………………………… 1
Alamin ....................................................................................................... 1
Tuklasin: ................................................................................................... 1
Suriin: ........................................................................................................ 2
Pagyamanin : ............................................................................................ 3
Isaisip: …. ................................................................................................. 5
Isagawa: ................................................................................................... 6
Lagom …………………………………………………………………………………………… 12
Karagdagang gawain……………………………………………………………………………...12
Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) …………………………………………………………. 12
Susi sa Pagwawasto ....................................................................................................... 13
Mga Sanggunian ............................................................................................................. 14

4
Para Saan ang Modyul na Ito

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga uri ng mga teksto na matutunghayan ang unang
uri ng teksto ay tekstong impormatibo.
Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong konsepto at
kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang matutuhan sa pakikipagtalastasan at pananaliksik.
Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan sa
pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood. Tutulungan ka ng modyul na ito
na matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga uri ng teksto at pananaliksik at maiuugnay
sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati at mga panayam
at pananaliksik.
Sa araling ito, ang tekstong deskriptibo ay binibigyang pansin upang makuha na ang
uri ng teksto at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao, ito’y pagkakakilanlan ng isang bansa.
Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa mundo ng kaalaman ng
uri ng teksto
Sa modyul na ito ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng paggamit ng angkop
na paglalarawan o deskripsiyon upang higit na kalulugdang basahin ng isang mag-
aaral ang teksto.Tinatalakay din sa modyul na ito ang ang katangian at kalikasan ng
Tekstong deskriptibo, sa simula ay mababasa mo ang paunang pagtataya sinusukat
dito ang iyong kakayahan at kaalaman sa deskriptibo bago mo pa ito napag-
aaralan,sinusundan naman ito ng mga pagsasanay upang iyong maunawaan kung
talagang iyong nauunawaan ang tekstong iyong pinag-aaralan.
Ang modyul na ito ay may aralin:

 Aralin 1 – Tekstong Deskriptibo

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa


(F11PS-IIIb-91)

2.Ang mga mag-aaral ay makakasulat ng sariling halimbawa ng tekstong deskriptibo.


3. Makakapagbabahagi ng katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo

Paano Mo Matutunan

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain ng mabuti ang mga uri ng teksto.


 Sundin ang mga bawat panuto na ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.

5
Mga Icon ng Modyul

ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin. .Mahalagang


maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o Gawain upang matukoy ang


lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
natalakayingpaksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-


aara ltungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang
matukoy ito upang matiyak na may napadagdag pang
kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng


kwento, pagsasanay, tula, awitin ,sitwasyon at iba
pang paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang
magkikintal ng mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin. Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing


magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Magtitipon sila
ng kanilang likhang mga sulatin at Gawain batay sa
natutunan sa aralin.

ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at


kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan


ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang
mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng


pagkatuto mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang


GAWAIN malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral .

SUSI NG Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at


PAGWAWASTO mga Gawain

6
Ano Ang Nalalaman Mo
Panimulang Pagtatataya
Panuto: Sabihin kung ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa
katangian ng tekstong deskriptibo. Isulat ang TAMA kung ito ay tama, at MALI naman
kung ito ay hindi.
______1. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat.
______2. Binibigyang diin dito ang damdamin o emosyong taglay ng kanyang
sinusulat.
______3. Mismong ang tauhan ang magsasaad ng emosyong taglay.
______4. Nagagamit ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan.
______5. Ito ay gumagamit ng epektibong pangungumbinsi sa mambabasa.
______6. Gumagamit ng paglalahad kung paano gagawin ang isang bagay.
______7. Inilalarawan dito ang tagpuan lugar na pinangyarihan at oras ng pangyayari.
______8. Ito ay gumagamit ng paglalarawan na tulad ng ipininta o iginuhit na parang
nakita na rin ang larawan.
______9.Ang uri ng paglalarawan ay napakalinawa at halos madama na ng
mambabasa.
_____10.Mga salita ang ginagamit upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan.
_____11. Mula sa epektibong paglalarawan halos makikita, maaamoy, at
malalasahan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan.
_____12. Madalas ding ginagamit sa paglalarawan ang mga pangalan at pandiwa .
_____13. Ito ay uri ng babasahing di piksiyon.
_____14. Agad na inihahayag ng manunulat ang mangyayari sa akda.
_____15. Ito ay akdang gumagamit ng obhetibo at subhetibo sa pagsulat.

7
ARALIN Uri ng Teksto: Tekstong Deskriptibo

1
Baitang: Grade 11 Markahan: Semestre 2/Linggo 2/Kuwarter 3
Panahong Igugugol: Isang Linggo

Balikan
1. Ano-ano ang iyong mga naalala sa naunang modyul?
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________.
2.Naging maganda ba any iyong mga natutuhan at karanasan?
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________.
1. Gumawa ng Liham pasasalamat sa mga taong bumuo at tumulong sa
unang hakbang na iyong pagkatuto. (Maaaring isulat sa stationary,o may
mga desinyong papel).Ipabasa sa pinadalhan mo ng sulat at idikit ditto sa
modyul.
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________.

8
Alamin Natin

Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral na ito:


1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa (F11PS-
IIIb-91)
2.Ang mga mag-aaral ay makakasulat ng sariling halimbawa ng tekstong deskriptibo.
3.Makakapagbabahagi ng katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo

Tuklasin
Panuto: Basahing mabuti ang paglalarawan sa ibaba. Sagutin ang mga
tanong pagkatapos.

Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa kanyang mga


matang tila nangungusap. Di ko mapuknat ang aking paningin sa hindi
pangkaraniwang kagandahan sa aking harapan. Papalayo na sana ako sa
kanya, subalit alam kong dalawang nagsusumamong mga mata ang
nakatitig sa aking bawat galaw,tila nang-aakit upang siya’y balikan,yakapin,
at ituring na akin.Siya na nga at wala nang iba ang hinahanap ko. Hindi ako
makapapayag na mawala pa siyang muli sa aking paningin. Halos
magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y mabalikan. “Manong, ang
asong iyan na ang gusto ko. Siya na nga at wala nang iba.Babayaran ko nang
maiuwi ko na.

∞ Naging epektibo ba ang ginawang paglalarawan? Bakit Oo o bakit naman hindi?

____________________________________________

____________________________________________

∞ Naisip mo ba agad na aso pala ang inilalarawan? Anong bagay ang una mong
inakalang inilarawan batay sa mga naunang pangungusap?

____________________________________________

____________________________________________

9
∞ Anong katangian ng talata na sa palagay mo ay agad nakakukuha sa atensiyon ng
mambabasa? Ipaliwanag.

__________________________________________

__________________________________________

∞ Kung Ikaw ay maglalarawan sa mga pangyayari sa unang pagkikita ninyo ng iyong


alaga,paano mo ito ilalarawan?

_________________________________________

__________________________________________

Suriin

https://www.graduationsource.com/regalia.html

A. Panuto Bigyang paglalarawan ang larawan sa loob ng dalawang talata.


________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
10
Paghawan ng Sagabal
Panuto: Bigyang paglalarwan ang salitang “DIPLOMA” na nasa loob ng
kahon.

DIPLOMA

Karaniwang Paglalarawan Masining na Paglalarawan

Pagyamanin

Pagyamanin

Pagsusuring Panggramatika
1. Anong emosyon ang nais ipabatid ng larawan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________________________.

2. Anong mensahi ng larawan ang nais ipahiwatig sa mambabasa?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________.

3. Paano nakatulong ang imahe na ipinapakita sa larawan sa pagbuo ng talata?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________________________.

11
Isaisip: Konseptong Pangkaisipan

Alam Mo Ba?

Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo o obhetibo.


Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay
maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit
ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon
at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. Ito ay karaniwang
nangyayari sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo tulad halimbawa ng mga
tauhan sa maikling kuwento. Likhang-isip lamang ng manunulat ang mga
tauhan kayat ang lahat ng mga katangiang taglay nila ay batay lamang sa
kanyang imahinasyon.Ang ganitong uri ng paglalarawan ay maituturing na
subhetibo.Halimbaway maaari niyang ilarawan ang tauhan sa ganitong
paraan. Si Dante ay matipunong lalaki, may mapang-akit na ngiti, at mga
matang may taglay na halina sa sinumang makakakita.

Ang maaliwalas na mukhang agad sinisilayan ng taos-pusong pagbati sa


bawat makasalubong ay dagling nakakukuha ng atensiyon at tiwala ng
iba.”Walang pinagbatayang totoong tao ang paglalarawang ito subalit sa
pagnanais ng manunulat na maikintal sa isipan ng mambabasa ang isang
positibong tauhan sa kanyang akda ay ginamit niya ang ganitong
paglalarawan sa kanyang pangunahing tauhan.
Obhetibo naman ang paglalarawan kung itoy may pinagbabatayang
katotohanan.Halimbawa, kung ang lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang
mga mambabasa,gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga salitang
maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng
hindi taglay ng kanyang paksa.Halimbaway hindi niya maaaring sabihing
“nagtatagpo ang asul na karagatang humahalik sa paanan ng luntiang
hagdan-hagdang palayan ng Banaue”sapagkat wala namang kalapit na
karagatan ang lugar na nabanggit.
Sa halip, maaari niyang banggitin ang malilinaw na ilog na dumadaloy sa
ilang bahagi ng hagdan-hagdang palayan na pinagmumulan din ng patubig sa
mga nakatanim na palay. Ditoy masasabing obhetibo ang paglalarawan
sapagkat nakabatay sa katotohanan.

12
Isagawa

SAGUTIN NATIN!

Panuto: Basahin ang mga tekstong nakalahad sa ibaba, at suriin ang ang
katangian at kalikasan ng mga ito at saka isulat sa linya kung ang paglalarawan
ay subhetibo o obhetibo. Maglahad ng isang pangungusap na magpapaliwanag
sa iyong isinasagot.

_____1. Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binalik-balikan


ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at ng may
pinakaaktibong bulkan sa bansa dahil sa humigit kumulang limampung beses na
pagsabog nito sa nagdaang apat na raang taon.Mapanira at kasindak-sindak ang mga
nagging pagsabog nito subalit sa mga panahong panatag ang bulkan ay isang balani
ang kagandahan nitong nakatunghay sa kabikulan. Paliwanag:

_____2. Ang bawat pagkaway niya ay tinutumbasan ng nakabibinging pagtili ng


kanyang mga tagahanga.Walang hindi naaakit sa malalalim niyang biloy na agad
lumilitaw kapag ang kanyang maamong mukha ay binubukalan ng matatamis na ngiti.
Sinasabi ng mga nakakikilala sa kanyang hindi lang siya basta guwapo,sapagkat
Mabuti rin daw ang kanyang kalooban o pagkatao. Siya si Alden Richards, ang isang
personalidad ng sikat na sikat na parehang binansagang “Aldub” na kumokumpleto sa
pananghalian ng marami. Paliwanag:

_____3. Hindi si Jonathan ang tipo ng lalaking mangunguna sa away-


kalye.Matangkad ngunit patpatin ang katawan dahil sa may kahinaang kumain ay wala
rin gaanong hilig sa isports maliban sa pagsunod sa ilang larong required kunin ng
P.E.Gayunman,kung ano ang kakulangan sa pangangatawan ay siya naming liksi ng
isipan. Isa siya sa pangunahing miyembro ng debate club,laging nagunguna sa klase,
at editor -in-chief ng kanilang pahayagang pampaaralan. Paliwanag:

_____4. Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan dahil sa


matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng kahirapan.
Marami-rami na ring trabahong nasubukan si Donato subalit dahil hindi tapos sa pag-
aaral ay karaniwang casual lang ang kanyang napapasukan.Minsan na rin siyang
nagging kantero sa konstruksiyon,waiter sa isang malaking restoran sa Roxas
Boulevard,warehouseman sa isang malaking mall sa Mandaluyong, at kung ano-ano
pang trabahong karaniwang hanggang pang-anim na buwan lang. Paliwanag:

____5. Naiwan sa balikat ni Andres ang responsibilidad sa mga nakababatang kapatid


na sina Ciriaco, Procopio,Espiridiona,Troadio, at Maxima.Nagtinda siya ng bastong
yari sa yantok gayundin ng makukulay na abanikong papel na siya mismo ang
gumawa.Dahil sa maganda niyang sulat kamay at likas na pagkamalikhain,gumawa

13
rin siya ng mga poster para sa mga bahay-kalakal sa kanyang nalalabing oras. Hindi
nagtagal at siya’y nagtrabaho bilang mensahero sa Fleming and Company.Dito’y
nagpakita siya ng kasipagan,katapatan, at dedikasyon sa gawain hanggang sa siya’y
ma-promote bilang ahente ng kompanya.Ang mahirap na buhay na pinagdaanan niya
ang pumanday sa kanya upang maging masikap,matatag, at matapang.Mga
katangiang nakatulong sa pagtatatag niya sa KKK. Paliwanag
Ang Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa larawang ipininta o iginuhit kung


saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan
ng larawan.Subalit, sa halip na pintura o pangkulay,mga salita ang ginagamit ng
manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan.Mga pang-uri,
at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat
tauhan,tagpuan, mga kilos o galaw,o anumang bagay na nais niyang mabigyang-
buhay sa imahinasyon ng mambabasa.Mula sa epektibong paglalarawan ay halos
makikita, maaamoy,maririnig,malalasahan o mahahawakan na ng mambabasa ang
mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng
ito.Bagamat mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ang iba pang
paraan ng paglalarawan tulad ng paggamit ng mga pangngalan at pandiwang
ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis,
pagsasatao, at iba pa
Isa pang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang
relasyon nito sa iba pang uri ng teksto. Ang paglalarawan kasing ginagawa sa
tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang
tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan,
ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa.Nagagamit din ito sa
paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong
argumentatibo,gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong
persuweysib, o paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo nang maayos ang
isang bagay para sa tekstong prosidyural.
LAGOM

Panuto: Gamit ang T-Chart, magbahagi ng mga katangian at kalikasan ng tekstong


deskriptibo,gawing batayan ang binasang nakasulat sa itaas, isulat sa sa bawat kahon
ang iyong sagot.

TEKSTONG DESKRIPTIBO
Katangian Kalikasan
Katangian Kalikasan

14
Panuto: Sabihin kung ang paglalarawan ay obhetido o subhetibo. Isulat sa patlang
tamang sagot.
__________ 1. Matangkad at balingkinitan ang Ms. Universe 2018 na si Catriona
Grey.
__________ 2. Malakas ang loob ng kapatid si Kristine kung kaya kapag magkasama
kami ay lumalakas din ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa akin sa
mga panahong maraming suliranin ang pamilya.
__________ 3. Mataba at maganang kumain ang alaga kong pusa.
__________4. Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, “I will not allow the opening
of classes na magdikit-dikit ‘yang mga bata. Dagdag pa niya, Bahala nang hindi na
makatapos, for this generation, wala nang matapos na doctor pati engineer. Wala
nang aral, laro na lang. Unless I am sure that they are really safe, it’s useless to be
talking about the opening of classes. Para sa kanya, bakuna muna.
__________ 5. Matapang at mapag-alaga ang mga medical frontliners sa Pilipinas sa
pagharap ng panganib sa COVID 19 pandemic.
__________ 6. Madiskarte at malikhain ang mga mamamayang Pilipino sa paglikha
ng mga pananggang kagamita laban sa Covid 19.
__________ 7. Naging paborito ko ang asignaturang Kasaysayan dahil sa husay ang
aming guro sa pagtuturo. Sa halip na ipakabisado niya sa amin ang mga petsa, lugar,
at pangalan ng mga bayani sa Kasaysayan ng Pilipinas, mas binigyan-diin niya ang
mahahalagang karanasan at aral mula rito.
__________ 8. Paborito kong puntahan ang bukirin ng Malaybalay City bukod sa
malamig ang klima ay binibigyan ako nito ng katahimikan sa loob at panahon para
malalim na pag-iisipan ang mga nangyayri sa aking buhay.
__________ 9. Ang mamasapano ay isang 5 th class municipality. Ibig sabihin,
atrasado ang lugar, mabagal ang pag-unlad, at nahihirap ang mga tao.
__________ 10. Dahil sa giyera, lalong naging mahirap ang buhay para sa mga
mamamayan ng Mamasapano. Nagdulot ito ng pagtigil ng mga bata sa pagpasok sa
paaralan at pagkawala ng kabuhayan ng mga tao.
Ebalwasyon.
Maghanap ng mga halimbawang photo essay sa internet. Pagkatapos,
pagdesisyunan kung anong uri at paksa ng photo essay ang gagawin para ialay sa
mga frontliners ng bansa. Siguraduhing orihinal ang mga litratong gagamitin dito at
lagyan ng maikling caption. Kapag natapos na, i-post ang photo essay sa facebook o
anomang blog site at itatag sa mga kaibigan o kakilalang frontliners.

15
Karagdagang gawain

Paglalarawan ng Tauhan

Sa paglalarawan ng tauhan,hindi lang sapat na mailalarawan ang itsura at mga


detalye patungkol sa tauhan, kundi kailaangang maging makatotohanan din ang
pagkakalarawan dito. Hindi sapat na sabihing “ Ang aking kaibigan ay maliit,maikli, at
unat ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maong at puting kamiseta.”

Ang ganitong paglalarawan bagama’t tama ang mga detalye ay hindi


magmamarka sa isipan at pandama ng mambabasa.Katunayan,kung sakali’t isang
suspek na pinaghahanap ng mga pulis ang inilalarawan ay mahihirapan silang
maghanap siya gamit lang ang naunang paglalarawan.Kulang na kulang ito sa tiyak
at magmamarkang katangian.Ang mga halimbawang salitang maliit,matangkad,bata
at iba pa ay pangkalahatang paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala ng
mabisang imahe sa isipan ng mambabasa.Samakatuwid,mahalagang maging mabisa
ang pagkakalarawan sa tauhan. Iyon bang halos nabubuo na sa isipan ng
mambabasa ang anyo,gayak, amoy, kulay, at iba pa.
Sinasabing ang pinakamahuhusay na tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa
pahina ng akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit sila’y
produkto lang ng mayamang imahinasyon ng manunulat,hindi sila basta nakalilimutan.

Mababasa sa ibaba ang mga halimbawa ng paglalarawan sa tauhan mula sa isang


mahuhusay na akdang pampanitikan

Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon

Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan


subalit, sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang
binibigyang-diin dito’y ang kanyang damdamin o emosyong taglay. Napakahalagang
mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat ito ang nagbibigay
dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang ginawa.Makakatulong maka-
konekta ang mambabasa sa tauhan kung sa halip na ilarawan lang ng manunulat ang
damdamin ng tauhan mula sa malayo ay mismong ang tauhan ang magsasaad ng
emosyong nararamdaman niya.

 Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan. Maaaninag ng


mambabasa mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong
taglay nito.
Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang
kanyang paningin at nanlalambot na ang tuhod sa matinding gutom na nadarama.
Dalawang araw na pala nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga
labi.

16
 Paggamit ng Diyalogo o iniisip. Maipapakita sa sinasabi o iniisip ng tauhan
ang emosyon o damdaming taglay niya.
Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit sa pila ng
babae ay maaari itong gamitan ng sumusunod na diyalogo:
“Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang na
sa hulihan kayo pumila!

 Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa


ng tauhan minsa’y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o
emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan.
Halimbawa: “Umalis ka na! Ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim
bagang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit
bumalong mula sa kanyang mga mata.

 Paggamit ng Tayutay o matatalinghagang pananalita. Ang mga tayutay at


matatalinghagang pananalita ay hindi lang nagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog
sa tula kundi gayundin sa prosa.
Halimbawa: Ito na marahil ang pinakadilim na sandali sa kanyang buhay. Maging
ang langit ay lumuha sa kalungkutan dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si
Berta.

Sanggunian:
Dayag,Alma M. et al. Pinagyamang Pluma
Phoenix Publishing House 2016

May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo sa


aking bibig. Saka ako napabuntunghininga.Nararamdaman kong may
nagpupumilit bumalong sa aking mga mata.Ngayon ko lamang
nadamang kilala ko ang silid ng aking ama;dati-rati ko nang napapasok
ang kapirasong pook na ito.

Mula sa “Dayuhan”

Ni: Buenaventura S. Medina

17
Halimbawa ng Paglalarawan sa damdamin o emosyon ng mg tauhan mula sa
kilalang akdang pampanitikan

Kumikinig ang kanyang katawan sa poot.Sa naglalatang na


poot.At nang makita niyang muling aangat ang kanang paa ni Ogor
upang sipain siyang muli,ay tila nauulol na asong sinunggaban niya
iyon.Niyakap.Kinagat.Mariin…Bumagsak ang nawalan ng panimbang
na si Ogor.Nagyakap sila,Pagulong-gulong.Hindi siya bumibitiw.
Nang siya’y mapaibabaw sinunod-sunod niya
dagok,dagok,dagok,dagok.Pahalipaw.Papaluka.Papatay.

Mula sa “Impeng Negro”


Ni: Rogelio R. Sicat

“ Ang now,Miss Kinder ‘83”, ladies and Gentlemen…because of her


simplicity,her freshness,poise and total personality…”pause,Birada ng
tugtog.Mga nakabiting hininga.”Maria Natalia Gascon!”

Napalundag si Ding. At sa kabila ng damdamin niya, napalundag din si


Lea,pati puso yata niya ay tumalon at nawala sa lugar.Pero siyempre,di
dapat malimutan ang kamera lalo na sa pagkakataong ito. Klik! Teka,ang
likot ng kamera! Nanginginig ba ang kamay niya? Klik! Habang sa tabi
niya’y hindi makontrol ni Ding ang buhos ng kaligayahan.

Klik! Anak ko yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko ‘yon! Klik! Narinig
n’yo ba ? Anak ko ‘yon!

Mula sa Bata,Bata,Paano Ka Ginawa?

Ni: Lualhati Bautista

18
Kumikinig ang kanyang katawan sa poot na.Sa naglalatang na
poot. At nang makita niyang muling aangat ang kanang paa ni Ogor
upang sipain siyang muli,ay tila nauulol na asong sinunggaban niya
iyon.Niyakap. Kinagat.Mariin…
Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor.Nagyakap
sila,Pagulong-gulong.Hindi siya bumibitiw.Nang siya’y mapaibabaw,
sinunod-sunod niya-dagok,dagok,dagok,dagok.Pahalipaw,Papaluka.
Papatay.

Mula sa “Impeng Negro”


Ni: Rogelio R. Sicat

Paglalarawan sa Tagpuan

Sa paglalarawan sa tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o


panahon kung kailan at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga
mambabasa.Sa pamamagitan nang mahusay na pagkakalarawan sa tagpuan
madarama ng mambabasa ang diwa ng akda.

Maaaring ilarawan ag tagpuan sa pamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa


kapaligirang ito.Kung ang tagpuan halimbawa ay isang munting barungbarong sa
tambakan maaaring itanong ang sumusunod para sa isang mabisang paglalarawan:

 Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito?


Marumi,luma,kinakalawang,gumigiray, nakakarimarim na basura,naglipanang
langaw,mga mangangalakal,ng basurang nakasuot ng tagpi-tagping halos basahan,
nakapanlulumong kahirapan at kapangitan.

 Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid? Sigaw ng mga inang hindi


magkamayaw sa mga gawain.iyakan ng mga batang gutom at di pa nakapag-
almusal,ingay ng mga trak na nagdadal ng basura,hugos basurang ibinabagsak sa
tambakan,busina ng mga sasakyan sadi kalayuang kalsada,tawanan ng mga mirong
nag -iinuman sa kalapit na tindahan.

 Anong amoy ang namamayani? Masangsang na amoy ng nabubulok na


basura, amoy ng usok na nagmumula sa bunton ng mga basura,amoy pawis ng mga
basurerong bilad sa araw,maasim na amoy ng mga batang hind pa napaliliguan ng
ilang araw,amoy ng tuyong hilaw iniihaw sa kalan.

19
 Ano ang pakiramdam sa lugar na ito? Maiinit o
maalinsangan,gutom,nakapanglalagkit na pawis at alikabok,hindi
komportable,nakaririmarim o nakakadiring bagay sa paligid,kawalan ng pag-asa.

 Ano ang lasa ng mga pagkain dito? Pagpag ng manok na nagsisimula nang
mapanis kaya’t maasim na , masebo at matabang na karne mula sa karinderyang
nilalangaw.

Mula sa mga sagot sa mga tanong na ito ay maaari nang bumuo ang manunulat ng
isang paglalarawan sa tagpuang makapagdadala sa mga mambabasa sa lugar, o
sitwasyon o kalagayang ginagalawan ng mga tauhan para sa ganap na pag-unawa at
pagpapahalaga sa akda.

Damhin ang sumusunod na tagpuan mula sa paglalarawan ng ilang batikang


manunulat ng panitikang Pilipino

Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi ng munting ilog na


tinatakbuhan ng malinis at malinaw na tubig nakatira sina Irene.Ang
maliit na dampang yaon ay naliligiran ng isang bakurang sa loob ay may
mga sari saring pananim na sa isang bakurang sa loob ay may malalagong
sampaguita na dahil sa kasaganaan di umano ng kamay ng nag-aalaga ay
kinapipitasan ng masaganang bulaklak
Mula sa “Ang dalaginding”
Ni : Efren R. Abueg

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali,lumagon sa malalaki’t maliit na


lansangan,dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga
suliranin sa araw-araw.Ngunit ang gabi ay waring minipis na sutla lamang ng dilim
na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali.Ang
gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay
hinahamig ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

Mula sa “Mabangis na Lungsod”


Ni Efren R. Abueg

20
Paglalarawan ng isang Mahalagang Bagay

Sa maraming pagkakataon,sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga


pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito.
Hindi sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng akda
upang mabigyang diin ang kahalagahan nito. Dapat na mailahad kung saan nagmula
ang bagay na ito.Kailangan ding mailarawan itong mabuti upang halos madama na ng
mambabasa ang itsura,amoy bigat, lasa,tunogg, at iba pang katangian nito. Mula rito’y
ihayag na ang kuwento sa likod ng bagay at kung paano ito naging makabuluhan o
mahalaga sa tauhan o manunulat at sa kabuuan ng akda.

Mababasa ibaba ang ilang halimbawa ng paglalarawan sa mahahalagang bagay


kung saan umikot ang mga pangyayari sa akda.

Sa tuwing itatayo ko ang Krismas Tri kapag nalalapit na ang


kapaskuhan ay parang laging mau kulang,pilit kong dinagdagan ng mga
palamuti.At hindi basta-basta palamuti,yung mamahalin.
Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay
magagandang bulaklak naman ang binili ko.Maraming pulang
poinsettia na naaapaligid sa krismas tri. “Ang ganda!” Ang may
pagkamanghang sabi ng bawat nakakikita.Malalaki at makikintab na
pulang bola, malalaki at magagandang pulang poinsettia…ah! Pero bakit
ba tila may kulang pa rin?
Mula sa “Ang aking Krismas Tri”
Ni Mary Grace Del Rosario

Ang puno ng ginto ay dinumog.Hawak ang matatalim na bakal,tinaga,


tinapyas,binali-bali.Pinagtutuklap ang puno. At sila’y nag-agawan
nagtutulakan,nagsasakitan na ,nagsisipaan,nagkakabalian ng buto.
Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno;patuloy rin ang pagkaubos
ng katawan ng puno.Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na
tumataas na ang puno.
Mula sa “Isang matandang Kuba sa Gabi ng Canao”
Ni Simplicio P. Bisa

21
May mga salita ba mula sa iyong mga binasa na bago sa iyong paningin at
kinailangan mong ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay bumabasa?Isulat ang
mga ito sa unang hanay.Sa ikalawang hanay ay subukin mong ibigay ang angkop na
kasingkahulugan nito gamit ang diksiyunaryo o sa tulong ng konteksto ng
pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay ay gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap.

Hanapin sa Diksiyunaryo ang mga kahulugan nito

Salita Kahulugan Makabuluhang


Pangungusap

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.

Panuto: Basahin ang panuto sa bawat bilang.Sundin ang bawat isa upang
makasulat ng mga halimbawa ng tekstong deskriptibo.

1. Sa halip na sabihing masaya si Len dahil nakapasa siya sa board exam ay gawin
mong mas mabisa ang paglalarawan sa damdamin. Bumuo ka ng diyalogo ni Len
na nagsasaad ng nararamdaman niya. Isulat ang diyalogo sa patlang.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Labis ang pagtatampo ni Ken sa kanyang ama dahil nakalimutan nito ang
kanyang kaarawan.Ilarawan mo ang damdamin ni Ken sa pamamagitan ng kanyang
ginawa na nagpapakita ng labis na pagtatampo.

_________________________________________________________
_________________________________________________________

22
3. Walang patid ang luha ni Lea, dahil sa pagkabigo ng kanyang unang pag-ibig.
May mahal palang iba ang taong pinakamamahal niya. Gumamit ng tayutay o
matatalinghagang pananalitang paglalarawan sa damdamin o emosyon ni Lea.

__________________________________________________________
__________________________________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyong ito.

Ikaw ay isang intern sa isang advertising agency. Ang ahensiya na ito ay


kinokonsidera ng Department of Tourism upang bumuo ng travel brochure na
nasusulat sa Filipino at naglalayong umakit ng mga lokal na Turista. Ikaw ay inatasan
ng inyong agency upang bumuo ng paglalarawan para sa tatlong magagandang
tanawin: isang matatagpuan sa Luzon,isang mula sa Visaya, at isang mula sa
Mindanao na isusumite sa Department of Tourism. Ang husay sa pagkakasulat at
nakaaakit na paglalarawan sa mga nabanggit na lugar. Sa bawat piraso ng bond paper
ay idikit mo ang larawang mapipili mo at sa ibaba nito’y isulat ang iyong paglalarawan.

Tayahin
Panghuling Pagtatataya
Panuto: Sabihin kung ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa
katangian ng tekstong deskriptibo. Isulat ang TAMA kung ito ay tama, at MALI naman
kung ito ay hindi.
______1. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat.
______2. Binibigyang diin dito ang damdamin o emosyong taglay ng kanyang
sinusulat.
______3. Mismong ang tauhan ang magsasaad ng emosyong taglay.
______4. Nagagamit ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan.
______5. Ito ay gumagamit ng epektibong pangungumbinsi sa mambabasa.
______6. Gumagamit ng paglalahad kung paano gagawin ang isang bagay.
______7. Inilalarawan dito ang tagpuan lugar na pinangyarihan at oras ng pangyayari.
______8. Ito ay gumagamit ng paglalarawan na tulad ng ipininta o iginuhit na parang
nakita na rin ang larawan.
______9.Ang uri ng paglalarawan ay napakalinawa at halos madama na ng
mambabasa.

23
_____10.Mga salita ang ginagamit upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan.
_____11. Mula sa epektibong paglalarawan halos makikita, maaamoy, at
malalasahan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan.
_____12. Madalas ding ginagamit sa paglalarawan ang mga pangalan at pandiwa .
_____13. Ito ay uri ng babasahing di piksiyon.
_____14. Agad na inihahayag ng manunulat ang mangyayari sa akda.
_____15. Ito ay akdang gumagamit ng obhetibo at subhetibo sa pagsulat.

SUSI NG PAGWAWASTO

10. Tama 10. D


9. Tama 9. B
8. Tama 8. B
7. Tama 7. A
6. Tama 6. D
15. Tama 5. Tama 5. D
14. Mali 4. Tama 4. C
13. Mali 3. Tama 3. A
12. Tama 2. Tama 2. A
11.Tama 1. Tama 1. B
Panghuling Pagtataya Paunang Pagtataya
10. obhetibo 5. obhetibo 5. Obhetibo
9. obhetibo 4. obhetibo 4. Subhetibo
8. subhetibo 3. obhetibo 3. Subhetibo
7. obhetibo 2. subhetibo 2. Obhetibo
6. subhetibo 1. obhetibo 1. Obhetibo
TAYAHIN MO! Isagawa MO!

24
MGA SANGGUNIAN
Binolhay, Luzviminda & Labnotin, Miraflor. DepEd CDO SHARED
Options Learning Activities. https://bit.ly/3dF9Kdb

https://www.slideshare.net/NicoleGala/tekstong-deskriptibo-filipino
https://www.slideshare.net/marlonorienza/tekstong-deskriptibo
https://www.academia.edu/35948913/Ang_Tekstong_Deskriptibo_o_Deskr
iptiv

https://www.powtoon.com/online-presentation/dg2HCVf8pN6/katangian-
ng-deskriptibo/?mode=movie
https://www.slideshare.net/NicoleGala/tekstong-deskriptibo-filipino

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

26

You might also like