You are on page 1of 16

Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto


tungo sa Pananaliksik
11

1
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 9: Kahalagahan ng mga Babasahin at Paglalapat
ng Mapanuri at Kritikal na Katangian ng Pagbasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Antonio A. Espino Jr
Editor: Vida Bianca M Laus
Tagasuri: Andrew P. Padernal
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik
11
Ikatlong Markahan
Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto
Kahalagahan ng mga Babasahin at Paglalapat ng
Paunang Salita
Mapanuri at Kritikal na Katangian ng Pagbasa
Manunulat: Antonio A. Espino Jr
Editor: Vida Bianca M Laus / Tagasuri: Andrew P. Padernal

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
ibang Teksto tungo sa Pananaliksik-Filipino 11 ng Modyul 9 para sa araling
Kahalagahan ng mga Babasahin at Paglalapat ng Mapanuri at Kritikal na
Katangian ng Pagbasa

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto


tungo sa Pananaliksik-Filipino 11 Modyul 9 ukol sa Kahalagahan ng mga
Babasahin at Paglalapat ng Mapanuri at Kritikal na Katangian ng Pagbasa

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mag-aaral ay;


A. naiisa-isa ang hakbang ng mapanuri at kritikal na katangian sa pagbasa;
B. natutukoy ang kahalagahan ng mga babasahin; at
C. nailalapat ang mapanuri at kritikal na pagbasa sa mga babasahin.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pahayag ukol sa hakbang ng paraan ng pag-
uugnay ng babasahin. Lagyan ng bilang 1-5

_______ Itala ang mahahalagang detalye ng isang akda at gawan ito ng kaugnayan
sa iyong buhay.
_______ Matapos nito ay Bubuo ka ng lagom at konklusyon na sumasalamin sa
binasa mong babasahin.
_______ Magiging mabisa ang paggawa ng mga ugnayan kung ia-activate o
gagamitin mo ang iyong iskema.
_______ Gumagawa ka ng mga ugnayan sa kahit anong uri ng teksto upang maging
makabuluhan ang mensahe nito sa iyong buhay.
_______ Pero kung naubusan na ka ng koneksiyon, maaaring tanungin mo kung
paanong naiiba, pamilyar, at maitutulad ang teksto sa iyong sarili, sa
pamilya, sa komunidad, sa bansa, at sa daigdig.

BALIK-ARAL
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat katanungan. Ilagay
ang iyong sagot sa patlang.

Plagiarism Copyright Etika Intellectual property APA/MLA/CMS


_____1. Mga pangunahing estilo ng paggawa ng dokumentasyon ng lahat ng mga
naging sanggunian
_____2. Pangongopya o paggamit sa ideya o gawa ng ibang tao nang walang
pagkilala rito.
_____3. Uri ng proteksyong ipinagkakaloob ng batas ng Pilipinas sa mga awtor o
may-akda sa kanilang mga orihinal na likha o imbensyon
_____4. Mga imbensyon o nilikha na bunga ng malikhaing isipan ng sinuman
_____5. Kalipunan o set ng mga konsepto at prinsipyo na dapat maging gabay sa
tamang asal patungkol sa isang gawain
.

6
ARALIN

Ang mga babasahin ay nagbibigay ng impormasyon o kaalaman tungkol sa


iba’t ibang larangan ng karunungan. Bukod pa rito, ito ay naglalahad ng mga
paglalarawan sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan, hinihikayat ka rin ng
babasahin na maniwala sa nilalaman ng iyong binabasa, nagsasalaysay din ito ng
mga pangyayaring hindi mo pa nalalaman, nagpapahayag ng saloobin, paniniwala
at paninindigan sa pamamagitan ng paglalatag ng mga pahayag ng pagpapatibay
at nagtuturo sa mambabasa ng mga paraan at proseso sa isang tiyak na gawain.
Sa pamamagitan ng mga babasahin, nasusubaybayan mo ang mga bagong
impormasyon sa larangan ng pulitika, ekonomiya, sosyolohiya, edukasyon,
relihiyon, agrikultura at ng iba pang disiplina ng karunungan.
Ang mga babasahin ay nagbibigay ng libangan o kaaliwan kapag ikaw ay
nababagot o napapagod. May mga pagkakataong gusto mong kumawala sa mga
bigat ng mga pang-araw-araw mong gawain kaya’t napagbabalingan mo ang
pagbabasa.
Sa pamamagitan ng mga babasahin tungkol sa buhay ng mga taong
matagumpay sa napili nilang larangan, nagkakaroon ka ng motibasyon at
inspirasyong magsikap upang mapaunlad ang iyong buhay kagaya ng mga
babasahing nagbigay sa iyo ng inspirasyon. Ilan lang ang mga pahayag na ito sa
kahalagahan ng babasahing may kinalaman sa sarili, pamilya, komunidad, bansa
at daigdig.

Bahagi na ng akademikong kasanayan ang pagbabasa, kaya naman sa


paaralan pa lang ay hinahasa na ng guro ang mag-aaral upang mapagbuti ang
kanyang kasanayan sa mapanuri at kritikal na pagbasa. Hindi lahat ng marunong
magbasa ay napakahusay umunawa at mag-ugnay ng binabasa sa kanyang sarili.
Mahalagang malaman ng mambabasa kung anong uri ng teksto ang
kanyang binabasa, dahil makatutulong ito sa kanya upang lubos na maunawaan
ang mensahe o pahiwatig ng kanyang binabasang teksto.
Naranasan mo na bang tanungin ka ng iyong guro sa loob ng klase tungkol
sa binabasa mong teksto at hindi mo ito nasagot? Malamang marami kang
maidadahilan, kaya naman sa araling ito tuturuan kang gamitin ang iyong sariling
iskema upang mapagbuti mo ang iyong pagbabasa.
Matatandaan mula sa mga nauna pang aralin na ang iskema o prior
knowledge ay kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating isipan.

Sa tuwing ina-activate mo ang iyong iskema ay gumagawa ka ng ugnayan sa


iyong binabasang akda. Masasabing lalawak ang sakop ng iyong iskema kapag
ikaw ay mahilig magbasa, gayundin kapag ginagamit mo ang iyong iskema ay
nakagagawa ka ng mga koneksiyon sa pagitan ng teksto at sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig, kaya gagamitin natin ang iyong iskema upang
maiugnay ang iyong tekstong babasahin sa iyong sarili atbp.

7
Subukin mong basahin ang nasa loob ng kahon
fi yuo cna raed tihs, yuo hvae a sgtrane mnid too. Cna yuo raed tihs? Olny 55 plepoe out
of 100 can.

i cdnuolt blveiee taht I cluod aulaclty uesdnatnrd waht I was rdanieg. The
phaonmneal pweor of the hmuan mnid, aoccdrnig to a rscheearch at Cmabrigde
Uinervtisy, it dseno't mtaetr in waht oerdr the ltteres in a wrod are, the olny iproamtnt
tihng is taht the frsit and lsat ltteer be in the rghit pclae. The rset can be a taotl mses and
you can sitll raed it whotuit a pboerlm. Tihs is bcuseae the huamn mnid deos not raed
ervey lteter by istlef, but the wrod as a wlohe. Azanmig huh? yaeh and I awlyas tghuhot
slpeling was ipmorantt!

Kung nababasa mo ang nilalaman ng nasa loob ng kahon,


nangangahulugan lamang na pamilyar ang mga ito sa iyong isip at nakarehistro na
sa iyong utak ang dating baybay o spelling ng mga salita, kaya madali mo itong
nabasa. Kaugnay nito ang taglay mong iskema o prior knowledge sa mga salitang
nabasa mo na noon.
Ganyan kahalaga ang taglay na iskema ng taong nagbabasa upang
maunawaan niya ang kanyang binabasa, hindi lamang sa istruktura ng salita
maging sa kritikal na pag-unawa nito.
Kung hindi sapat ang ating iskema, magkakaroon tayo ng suliranin sa pag-
unawa sa tekstong binabasa (Rumelhart, 1977)

May mga tekstong madaling kakitaan ng kaugnayan sa iyong buhay, ngunit


mayroon din namang mahirap hanapan ng koneksiyon. Sa tuwing kailangan mong
hanapan ng kaugnayan ang isang akda, tandaan mo ang sumusunod na
hakbang:

Una, itala mo ang mahahalaga at interesanteng detalye ng tekstong binasa.


Pangalawa, hanapan mo ang mga ito ng koneksiyon sa iyong sariling
karanasan.
Pangatlo, sagutin mo ang mga gabay na tanong ng iyong guro.
Panghuli, isaayos mo ang lahat ng detalye upang bumuo ng malinaw na
lagom at kongklusyon ng tekstong binasa.
Simulan mong i-apply ang mga nabanggit na hakbang sa pamamagitan ng
pagbasa ng siping tekstong nasa ibaba. Ipagpalagay mo na ang tekstong ito ay
inatas ng iyong guro na basahing mabuti. Handa ka na ba? Simulan mo!

Sipi ng ng sanaysay:
Ayon kay Marshall Macluhan (1960), malilikha ang isang “Global Village” dahil sa
sabay-sabay na paggamit ng tao ng mass media. Kabilang na rito ang radyo. Kumpara sa
iba’t ibang uri ng media, ang radyo ang may pinakamaraming naaabot na tagapakinig. Ito
ay dahil sa naihahatid kaagad ang balita mula sa aktuwal na pinangyayarihan nito
(Fortunato, 2001). Bukod rito, ang radyo ay isang aktibong midyum dahil ang mga
kontrobersiyal at mahahalagang pangyayari bawat oras ay kaagad na naipapahayag.
Dahil ganito ang kalikasan ng pagbabalita sa radyo, kailangang makisangkot ang mga
tagapakinig. Kailangan nilang buuin sa kanilang isipan ang larawan ng mismong tagpuan
ng balita. Ngunit higit sa pagbabalita, mayroong tungkulin ang media sa kaniyang mga
tagapakinig. Responsibilidad ng midyum na ito ang pagbibigay ng balita sa daigdig.
Tungkulin nito ang magbigay ng tamang pagsusuri sa identidad at mga ugnayang
panlipunan.
8
Gamit ang binasa mong sipi ng sanaysay sa itaas na isang tekstong
impormatibo, sundan mo ang paglalapat ng apat na hakbang paghahanap ng
kaugnayan ng teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig para sa
mapanuri at kritikal na katangian sa pagbasa.
Hakbang # 1 Magtala ka ng mga detalye mula sa tekstong binasa
Halimbawa:
Maaring ganito ang naitala mong detalye mula sa binasa mong sipi ng sanaysay:

 Halaw sa “Isang Kritikal na Analisis ng Diskurso ng Midya: Ang Salita ng


Balitang Panradyo” ni Teresita Fortunato
 Pinakamaraming tagapakinig sa lahat ng mass midya
 Kaagad dumadating ang balita
 Kailangan ng imahinasyon ng tagapakinig
 Tungkulin nito na magbigay ng wastong representasyon

Hakbang # 2 Hanapan mo ang mga ito ng koneksyon sa sarili


Halimbawa:
Maaring ganito ang naisip mong koneksyon sa sarili mula sa binasang sipi ng sanaysay:

… May radyo rin ako sa bahay O kahit sa aking


cellphone ay mayroon din. Kaya makapakikinig ako ng
mga balita kahit saan. pumunta.

Kung hanggang dito na lamang ang nagawa mong pag-uugnay sa teksto,


maaari mo pang i-activate nang todo ang iyong iskema.

Hakbang # 3 Sagutin mo ang mga gabay na tanong ng iyong guro


Maaaring ang mga nakahanay na gabay na tanong sa ibaba ang ng iyong guro

Halimbawa:
Gabay na tanong # 1 Ano-ano ang pagkakaiba ng teksto sa karanasan mo,
sa karanasan ng iyong pamilya, sa karanasan ng iyong komunidad, sa bansa, at sa
buong daigdig?
Maaring ganito ang iyong sagot mula sa binasa mong sipi ng sanaysay:
Lahat ay mayroong access sa radyo, pero dahil may telebisyon at Internet sa
aking cellphone, mas pipiliin kong alamin ang balita gamit ang mga uri ng media na
ito. Marahil, ganito rin ang kaso para sa aking pamilya na kahit na binubuksan ang
radyo sa umaga, at pinakikinggan ito habang bumibiyahe patungong trabaho ay
mas pipiliing panuorin ang balita sa telebisyon at basahin ito habang nagba-browse
sa Internet.
Gabay na tanong # 2 Ano-ano ang ipinapaalala ng teksto sa iyong sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig?

9
Maaring ganito ang iyong sagot mula sa binasa mong sipi ng sanaysay:
Pamilyar ako sa kung paanong kailangang paandarin ang imahinasyon kapag
nakikinig sa kuwentuhan o pagbabalita ng mga kaibigan. Kailangan tuloy maging maingat
ang tagakuwento dahil puwedeng bukas sa interpretasyon ang kanilang sinasabi at
maaaring hindi ito maunawaan nang tama. Ganoon din sa pagbabalita. Dapat talaga
maging responsable sa pamamahayag. Ito ang dahilan kung bakit malaki ang tungkulin ng
mga broadcaster sa radyo. Ang broadcasting sa buong mundo ay buhay na buhay. Radyo
na siguro, kumpara sa cellphone, computer, at telebisyon, ang pinakamurang elektronikong
commodity na mapagkukuhanan ng balita. Totoo ang suri sa sanaysay na marami ang
tumatangkilik nito. At dahil dito, masasabi talagang mabigat ang responsibilidad ng mga
broadcaster na gawing tama ang kanilang pagbabalita sa lahat ng panahon.

Gabay na tanong # 3 Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa karanasan


mo, sa karanasan ng iyong pamilya, sa karanasan ng iyong komunidad, sa bansa,
at sa buong daigdig?
Maaring ganito ang iyong sagot mula sa binasa mong sipi ng sanaysay:

Nakatutuwa ang pagkakaroon ng mga community radio shows. Matatagpuan ang


mga ito sa loob ng campus. Marahil, meron din sa inyong eskuwelahan. Ang mga ito ay
training ground hindi lang para mapabuti ang tiwala sa sarili ng mga baguhan na
mamamahayag at magkaroon sila ng karanasan. Ito rin ay bilang pagsasanay para sa
responsableng pamamahayag. Pagdating sa Pilipinas, tinitingala ang mga broadcaster ng
radyo. Maririnig sila sa mga jeep, taxi, at mga lugar na ating pinupuntahan araw-araw.
Siguro, kahit walang telebisyon ay patuloy na magkakaroon ng kaalaman sa mga
nangyayari sa paligid ang lahat ng tao dahil sa tulong ng radyo. Nangyari pa ngang noong
panahon ng batas militar, sa sobrang importante nito ay nagbobroadcast nang patago ang
ilan, at nagpatuloy pa rin ang mga estasyong gaya ng Radyo Veritas, upang magpahayag ng
saloobin ng mga nasa oposisyon. Sa tulong ng broadcasting, napaalab ang mitsa ng People
Power. Ito ang taglay na kapangyarihan ng pagbabalita gamit ang radyo bilang midyum.

Hakbang # 4 Bumuo ka ng lagom at konklusyon


Halimbawa:

Maaring ganito ang iyong sagot mula sa binasa mong sipi ng sanaysay:

Communal ang karanasan ng pakikinig ng balita. Puwedeng mag-isa ka


habang nakikinig nito, pero pag-uusapan at pag-uusapan ito kasama ng iyong
mga kapamilya, at kakomunidad. Ganuon din kalakas ang kapangyarihan ng
pamamahayag sa radyo upang mapagbuklod ang mga tao. Ang radyo para sa
buong mundo ang pangunahing pinagkukuhanan ng balita. Dahil dito, marami ng
pangyayari ang nagdulot ng pagbabago sa kasaysayan tulad ng People Power sa
Pilipinas.
Marahil ay nagkaroon ka na ng ideya kung paanong gagamitin ang iyong
sariling iskema sa pag-ugnay ng teksto sa iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa,
at daigdig.

Ngayon, ikaw ay hinahamong magbasa ng kahit anong uri ng teksto mula sa


iba’t ibang larangan, at makita na buhay ang mensahe nito para kaninuman.

10
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Isulat ang salitang “Oo” kung ang bawat pahayag ay nagpapakita
ng kahulugan ng iskema at “Hindi” kung hindi kahulugan ng iskema. Ilagay ang
iyong sagot sa patlang.
_____ 1. Nagbabasa upang malibang ang sarili
_____ 2. Nakikilala ang mga salitang pamilyar na sa isipan
_____ 3. Nakapupunta ng mga lugar na hindi pa napupuntahan
_____ 4. Ina-activate upang makagawa ng ugnayan sa iyong binabasang akda
_____ 5. Inuugnay ang mga kaalaman sa paksa at kaalaman sa pagkabuo ng
mahahalagang salik sa pag-unawa

Pagsasanay 2: Basahing mabuti ang nilalaman ng lunsarang teksto at tukuyin


ang ipinahahayag sa bawat bilang. Lagyan ang patlang bago ang bilang ng tsek (/)
kung ang pangungusap o pahayag ay kabilang sa pagtatala ng mahahalaga at
interesanteng detalye ng paglalarawan mula ng lunsarang tekstong binasa at (X)
naman kung hindi. Ilagay ang iyong sagot sa patlang.

Lunsarang Teksto:
Ang Santa Filomena ay isang paraiso. Sa kalupaan ay nakalatag ang luntiang
bulubundukin habang sinisinagan ng araw ang kulay asul na kalangitan. Ang mga tila
bulak na puting-puting ulap ay nakatunghay sa mapayapang dagat na humahalik sa
baybayin, dala ng malumanay nitong mga alon. Dahil ang kagubatan nito ay hindi pa
naaabot ng kabihasnan, basal ang lugar na ito. Dito matatagpuan ang pambihirang mga
bulaklak na hindi pa yata nabibigyan ng pangalan. May pula, dilaw, lila, at sari-saring
kulay na tumutubo sa ilang. Matataas ang punongkahoy na bihirang akyatin at mga
halamang parang mga damong ligaw kung ituring. Ito ang larawan ng Santa Filomena
bago dumating ang kumpanya ng minahan.
Trak-trak na makina at grupo-grupo ng mga minero ang isa-isang nagsipag-
akyatan sa bundok. Sinimulan nila itong tibagin at gumawa ng lagusang kuta ng minahan
na titiktikin. Araw at gabi ay walang tigil sa pagbayo, pagbutas sa dibdib ng pinagpalang
kabundukan. Hindi nagtagal, bumukal ang iba’t ibang mineral na sinimulang hakutin at
kamkamin. Kapag wala nang makuha sa mga lugar na minina, iiwan itong
nakatiwangwang, wasak, at sira. Ang dating malinaw na batis ay nahaluan na ng mga
kemikal. Ang matatayog na puno, putol na; ang iba ay troso at ang iba ay pundasyon sa
mga kuwebang minimina. Dala ng matingkad na sikat ng araw, nasaksihan ni Bathala
ang paglapastangan ng mga tao sa natatangi niyang handog.

_____ 1. Malinaw na batis, matatayog na puno at matingkad na sikat ng araw


_____ 2. Matataas ang punongkahoy, trak-trak na makina at grupo-grupo ng mga
minero.
_____ 3. Pagbukang-liwayway maririnig ang malamyos na huni ng ibon, tila’y
bumabati sa Panginoong lumikha.

11
_____ 4. Luntiang bulubundukin , Kulay asul na kalangitan , Puting-puting ulap ,
Payapang dagat, Malumanay nitong alon , Basal ang lugar na ito :pula,
dilaw, lila, at sari-saring kulay.
_____5. Malamig ang simoy ng hangin at maraming ibong lumilipad, ang iba’y
lansak-lansak at ang iba’y nag-iisa lamang.

Pagsasanay 3: Basahing Mabuti ang nilalaman ng lunsarang teksto at hanapan


mo ang mga ito ng koneksyon gamit ang iyong iskema at iugnay mo ito sa iyong
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. Isaalang-alang ang pamantayan ng
pagpupuntos ng guro. Ilagay ang iyong sagot sa patlang.

Exaggerating
Madalas mo bang dinadagdagan ang isang kuwento upang mas mabigyan
ka ng atensyon ng nakikinig sa iyo? Parang hindi naman ganun kasama ang pag-
e-exaggerate. Maliit na bagay lamang ito, ngunit ito’y isang uri pa rin ng
pagsisinungaling. Ang masama sa pag-e-exaggerate ay kung ito ay naging ugali na
ng isang tao- at pinagduduhan na ng mga kakilala niya. Iyan ang paradox sa pag-
e-exaggerate; ini-stretch ng isang tao ang totoo para maging mas believable, but
then he loses his credibility because he exaggerates. May mga kilala akong mahilig
magpasobra ng kuwento. Paborito nilang sabihin ang mga salitang “everybody”,
“nobody,” at “always.” Pabirong paalala ng mga kaibigan nila, “Alam mo, kalahati
lamang ng kanyang mga sinasabi ang dapat mong paniwalaan.” Grabe! Ito ba ang
gusto mong pagpapakilala sa iyo? Kung ikaw ay may kinukuwento, hindi naman
masama na maging excited ka, iwasan ang magpabida sa pamamagitan ng
ganitong uri ng pagsisinugaling.

Mula sa “ Aklat na 30 Days para ma-control ang iyong Bibig…” ni Deborah Smith Pegues

1. Pag-uugnay sa iyong sarili


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Pag-uugnay sa iyong pamilya
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Pag-uugnay sa iyong komunidad
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Pag-uugnay sa iyong bansa
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
5. Pag-uugnay sa iyong daigdig
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pamantayan 100% 75% 50% 25% Marka


sa
Pagpupuntos
Nilalaman Napakahusay Mahusay ang Sinikap na Napakalabo ng
ng nilalaman; makasulat nilalaman,
nilalaman; malinaw na nang maayos hindi
malinaw na naipakita na naiugnay ang
naipakita ang pag- nilalaman, tekstong
ang pag- uugnay ng upang binasa
uugnay ng tekstong maiugnay
tekstong binasa sa ang tekstong
binasa sa sarili, binasa
sarili, pamilya,
pamilya, komunidad,
komunidad, bansa at
bansa at daigdig.
daigdig.
Kaayusan at Napakaayos Maayos at Kailangang Walang
kalinisan at malinis ang matutong Kaayusan at
napakalinis output; may maging napakadumi
ng output; ilang maayos at ng output;
walang nakitang malinis sa napakaraming
nakitang bura, dumi, o paggawa; nakitang bura,
bura, dumi, o pagkakamali maraming dumi, o
pagkakamali nakitang pagkakamali
bura, dumi, o
pagkakamali
Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa
Paggawa ng gawain ng gawain sa ng gawain sa ng gawain sa
bago pa ang itinakdang loob ng ilang loob ng ilang
itinakdang oras o oras o oras o
oras o panahon ng panahon panahon
panahon ng pagpapasa matapos ang matapos ang
pagpapsa itinakdang itinakdang
pasahan pasahan dahil
ipinaalala ng
guro
KABUOAN

13
PAGLALAHAT

Panuto: Buuin ang mga nawawalang letra sa salita upang makumpleto ang
katuturan ng babasahin. Ilagay sa patlang ang iyong sagot

Ang mga 1. baba__sah__n ay nagbibigay ng impormasyon o kaalaman tungkol sa


iba’t ibang larangan ng karunungan. Bukod pa rito, ito ay naglalahad ng mga 2.
p__glalar__w__n sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan, 3. hin__hik__y__t
ka rin ng babasahin na maniwala sa nilalaman ng iyong binabasa, 4.
nags__sala__say din ito ng mga pangyayaring hindi mo pa nalalaman,
nagpapahayag ng saloobin, paniniwala at paninindigan sa pamamagitan ng
paglalatag ng mga pahayag ng pagpapatibay at 5. nagt__t__ro sa mambabasa ng
mga paraan at proseso sa isang

Sagot:

1. _________________ 2. _________________ 3. _________________

4. _________________ 5. _________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga tanong sa ibaba sa pamamagitan ng
iyong sariling malikhaing pagsulat at pangangatwiran. Ilagay ang iyong sagot sa
buong papel. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagpupuntos ng guro sa iyong
gagawing pagsagot.

1. Bilang mag-aaral, paano nakatutulong sa iyong sarili ang mga babasahin na


binabasa mo sa klase ? Ipaliwanag at pangatwiranan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Gaano kahalaga sa mambabasa ang paglalapat ng mapanuri at kritikal na


pagbasa? Ipaliwanag at pangatwiranan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

14
Pamantayan 100% 75% 50% 25 % Marka
Sa Napakahusay Magaling Kailangan pa ng Mas Mahaba sa
Pagpupuntos Pagsasanay Inaasahan
Nilalaman Napakahusay Mahusay ang Sinikap na Napakalabo ng
ng nilalaman; nilalaman; makasulat nang nilalaman, hindi
malinaw na malinaw na maayos na naipaliwanag at
naipakita ang naipakita ang nilalaman, upang napangatwiranan
paliwanag at paliwanag at maipaliwanag at ang sagot.
katwiran ng katwiran ng mapangatwiranan
sagot. sagot. ang sagot.
Kaayusan at Napakaayos Maayos at Kailangang Walang
kalinisan at napakalinis malinis ang matutong Kaayusan at
ng output; output; may maging maayos napakadumi ng
walang ilang at malinis sa output;
nakitang nakitang paggawa; napakaraming
bura, dumi, o bura, dumi, o maraming nakitang bura,
pagkakamali pagkakamali nakitang bura, dumi, o
dumi, o pagkakamali
pagkakamali
Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng Nakapagpasa
Paggawa ng output ng output sa output sa loob ng output sa
bago pa ang itinakdang ng ilang loob ng ilang
itinakdang panahon ng panahon panahon
panahon ng pagpapasa matapos ang matapos ang
pagpapsa itinakdang itinakdang
pasahan pasahan dahil
ipinaalala ng
guro
KABUOAN

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat katanungan. Ilagay
ang iyong sagot sa patlang.

Unang hakbang Pangalawang hakbang Pangatlong hakbang

Pang-apat na hakbang Iskema o prior knowledge

_____________1. Sagutin ang mga gabay na tanong ng iyong guro


_____________2. Kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating isipan
_____________3. Hanapan ang mga ito ng koneksiyon sa iyong sariling karanasan
_____________4. Itala ang mahahalaga at interesanteng detalye ng tekstong binasa
_____________5. Isaayos ang lahat ng detalye upang bumuo ng malinaw na lagom at
kongklusyon ng tekstong binasa

15
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Website

Cadaba Mary Joy R, “Pagbasa.” slideshare. March 19, 2017. Accessed July 16,
https://www.slideshare.net/joyCadaba/pagbasa-at-uri-ng-
pagbasa?next_slideshow=2

Delacruz Mar Anthony Simon, “Proseso ng Pagbasa.” fdocument.pub. January 26,


2016. Accessed July 16,
https://fdocument.pub/doc ument/2-proseso-ng-pagbasa.html

Guray Marites, “Yunit 9: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Aralin 1:


Kaisipan ng Tekstong Kaugnay sa Sarili, Pamilya, Komunidad, Bansa, at
Daigdig Quipper Limited. Video File. 2018, Accessed July 1, 2020.
https://link.quipper.com/en/organizations/5b0f90465860f20026000051/c
urriculum#curriculum

Guray Marites, “Yunit 3: Tekstong Deskriptibo Aralin 1: Katangian at Kalikasan ng


Teksto.” Quipper Limited. Video File. 2018, Accessed July 11, 2020.
https://link.quipper.com/en/organizations/5b0f90465860f20026000051/c
urriculum#curriculum

Jamar Jonathan “Pagbasa.” slide serve. Accessed July 16, 2020.


https://www.slideserve.com/jamar/pagbasa

16

You might also like