You are on page 1of 21

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI Senior High School

Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 12
PAGSULAT NG DYORNAL

https://www.google.com/search?q=malikhaing+pagsulat+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjz4b-UlbbqAhXLAJQKHQldBpIQ2-
cCegQIABAA&oq=malikhaing+pagsulat+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEB46BggAEAUQHjoECAAQGFCsNFjMSWDzTWgAcAB4AIABmAGIAZwHkgEDNS40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=l84BX
7O6AcuB0ASJupmQCQ&bih=688&biw=1477#imgrc=shEXrmr4Bx_JWM

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Malikhaing Pagsulat – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 12: Pagsulat ng Dyornal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Maricar C. Ranara, Piolen C. Petalver, Johanna Vanessa C. Obedencio, Bonifacio N. Gegato Jr.,
Marben A. Oco, Ian Oclaman, Jean G. Jo, Dulce Amor S. Loquias, Mary Ann A. Maglangit,
Maria Concepcion A. Macalaguing, Lauro C. Nadayag, Celena J. Cabato, Dexie P. Dilag
Content Editor:
Language Editor:
Proofreader:
Mga Tagaguhit:
Naglayout:
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS I
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS I Filipino; Celieto B. Magsayo,
LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph

Senior High School


Malikhaing Pagsulat
Unang Kwarter – Modyul 12
PAGSULAT NG DYORNAL

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang
nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1

Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1

Mga Layunin ------------------------------------------------- 2

Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2

Subukin ------------------------------------------------- 3

Yugto ng Pagkatuto ------------------------------------------------- 4

A. Tuklasin ------------------------------------------------- 6

B. Suriin ------------------------------------------------- 8

C. Pagyamanin ------------------------------------------------- 9

D. Isaisip ------------------------------------------------- 12

E. Isagawa ------------------------------------------------- 13

Tayahin ------------------------------------------------- 14

Karagdagang Gawain ------------------------------------------------- 15

Susi ng Pagwawasto ------------------------------------------------- 16

Sanggunian ------------------------------------------------- 17
MODYUL 12 12 29

Pagsulat ng Dyornal

Markahan: Una Linggo: 12

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

ALAMIN

Pangkalahatang Ideya

Mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay may malaking papel sa ating


buhay mula sa pamumuhay, kaisipan, dokyumentasyon o mga patunay, paliwanag,
paglalahad ng mga impormasyon, at iba pa. Kaya naman mahalagang intindihin
maging ang konsepto nito at magkaroon ng kasanayan ukol dito.
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning magpahayag ng kaniya o kanilang isipan (Bernales, et al.,
2001). Ito ay paraang pasalin na may ginagamit na kasangkapan at simbolo upang
maipaliwanag ang damdamin o saloobin ng isang tao. Halimbawa ang mga taong
gumagawa ng talaarawan o diary, gamit ang isang panulat, papel (instrumento) at
mga letra at salita (simbolo) ay naihahayag niya ang kanyang saloobin o pangyayari
sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang kaparaanan din ito bilang
dokyumentaryo o patunay sa ilang bagay.
Ito ay kapwa isang pisikal at mental na gawain para sa gawaing may iba’t
ibang layunin (Bernales, et al., 2001). Sinasabing pisikal na gawain sapagkat
kailangang gamitin ang mga mata at lalo na ang mga kamay. At mental, sa
kadahilanang kailangan ng matalas na pag-iisip at kakayahang bumasa ng mga
ginamit na simbolo upang maisatitik ang mga nais ihayag ng isang manunulat ayon
sa nais matamo nito sa pagsulat.
Hindi biro ang pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito na mayroong mabigat
na layunin ay nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng
1
kaalamang teknikal at pagkamalikhain (Bernales, et al., 2002). Sa pagsulat
nabanggit na kailangan ang mental na gawain, at kung may mabigat na layunin ay
nangangailangan ito ng mabigat na pag-aaral at maraming kaalaman. Mahirap
matamo ang layunin kung hindi ito bibigyan ng matinding pananaliksik at sapat na
kaalaman at panahon.

Mga Layunin

Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang magagawa ang


mga sumusunod:

1. Nakakasulat ng dyornal at ilang maikling pagsasanay na gumagamit ng


mga pangunahing elemento ng maikling kwento (pikisiyon).
HUMSS_CW/MPIg-i-13

2.
 
PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong


dating kaalaman.

2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang
mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri
mo ang paksa na nakapaloob dito.

3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga


kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.

4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka


kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli
sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa
pagwawasto.

2
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Salungguhitan ang titik ng iyong tamang sagot at isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ito ay talaan ng mga pansariling gawain, mga naiisip at nadarama at kung anu-


ano pa.
a. talaarawan b. dyornal c. anekdota d. maikling kuwento

2. Sa pagsulat ng dyornal ay mahalagang mapagsunud-sunod ang mga _____.


a. Tauhan b. tagpuan c. pangyayari d. usapan

3. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng ________.


a. bagay b. kulay c. pangalan d. petsa

4. Epektibo ang pagsusulat ng dyornal sa _______________.


a. madaling-araw b. umaga c. tanghali d. gabi

5. Ito ay ginawa upan magbigay gabay o magbigay ng pag-alala sa mga bagay na


nangyari, at mangyayari pa lamang.
a. dyornal b. talaarawan c. anekdota d. talambuhay

6. Sa pagsulat ng talaarawan ay kailangang maayos ang mga _______________.


a. pananaw b. panimula c. detalye d. wakas

7. Ang pagsulat ng dyornal ay higit na _____________.


a. personal b. interpersonal c. makabayan d. masaklaw

8. Tulad ng pagtatala ng petsa, dapat ding maging tiyak sa pagsulat ng


a. panimula b. tagpuan c. tauhan d. oras

9. Madalas na ang susulating dyornal ay __________________.


a. inililihim b. ipinababasa sa iba c. pinagtatalunan d. binabasa ng malakas

10. Personal ang dyornal kaya __________________.


a. dapat ipabasa sa iba b. ilihim sa iba c. huwag ipabasa sa iba d. sa gabi lang sulatan

ARALIN 12
3
Pagsulat ng Dyornal

YUGTO NG PAGKATUTO

BALIKAN

 
Gawain 1

Tandaan: Sa pagsagot sa mga pokus na tanong. Subuking sagutin ang mga Pokus
na Tanong na ibibigay ang sariling hinuha bilang sagot sa mga ito.
Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Mga Pokus na Tanong:

Panuto: Magbigay ng pagkakaiba at pagkakatulad ng maikling kuwento sa Dyornal


o Talaarawan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno at gayahain ang pormat
sa ibaba.

Pagkakaiba
Maikling kuwento Dyornal
at

Pagkakatulad

 
Gawain 2

4
Sabik ka na bang matutuhan ang paraan ng pagsulat ng dyornal? Bago ko ito
ituro sa iyo ay basahin mo muna ang mga petsa sa Hanay A. Hanapin mo sa Hanay
B ang selebrasyong pantapat dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A B

Enero 1 Huling araw ng Ramadan

Pebrero 14 Araw ni Balagtas

Abril 2 Bagong Taon

Mayo 1 Araw ng Paggawa

Hunyo 12 Araw ng mga patay

Nobyembre 1 Araw ng Pasko

Nobyembre 15 Araw ng mga puso

Disyember 2 Araw ng Pasko

A. TUKLASIN GAOD-KAISIPAN

Sa ating buhay ay laging may lungkot, saya, pagkakataong nagbibigay ng


lakas ng loob at iba pa. Kaya naman iyong alalahanin at isalaysay ang mga
pangyayaring negatibo o positibo na iyong naranasan na hindi mo kalian man
malilimutan gayundin ang iyong mga natutuhan.

Mga Karanasan Dahilan kung bakit hindi Aral na natutuhan na


malimutan ginagamit sa araw-araw

5
Ang journal o dyornal ay talaan ng mga pansariling gawain, mga naiisip at
nadarama at kung anu-ano pa. Ang pagtatago ng dyornal ay napakakaraniwan. Ang
dyornal ay karaniwang aklat ginagamit kung may mahalaga o tiyak na hindi
malilimutang pangyayari sa kanilang buhay.

Ang journal ay isang uri ng sulatin na ginagamit ng isang indibidwal upang


magbigay gabay o magbigay ng pag-alala sa mga bagay na nangyari, nangyayari, at
mangyayari pa lamang.

Maaaring gumawa ng journal sa pamamagitan ng:

1. pagkakaroon ng simpleng notebook na naglalaman ng mga saloobin


2. maaaring lagyan ng petsa o date kada-entrada sa journal
3. maaaring may mga guhit o drawings para maging ilustrasyon ng gustong
ipahiwatig sa journal
4. maaaring lagyan din ng mga larawan o anumang bagay na kakasya sa journal
kapag idinikit
5. maaari itong sulatan araw-araw o kung kailan lang gusto

Halimbawa:

Bertdey ko. Maaga akong nagsimba.


Naghanda si nanay ng pansit, puto at
Hulyo 21 spaghetti kaya inimbita ko ang ilan sa
aking mga kaklase.

Binigyan ako ni nanay ng P500 kaya


nagpunta ako sa mall. Ibinili ko ng notbuk
iyong P180, ng belt iyong P 150 at nanood
ako ng sine. Idinagdag ko sa baon ko iyong
natirang pera.
6
Mayo 25

Bukas pa ang pista sa Sto Cristo pero ngayon pa lang ay pupunta na kami sa
probinsya. Tanghali na nang makasakay kami ng bus. Nainis ako kasi hindi air-con
bus ang sinakyan namin. Ang bagal pa ng biyahe. Mag-aala-singko na ng hapon
nang dumating kami sa Sto Cristo. Abala sa pagluluto ang mga kamaganak namin.

Mayo 26

Araw ng kapistahan ni Sto. Cristo. Maaga kaming nagsimba. Maraming


naging bisita kaya pati ako napagod sa pagaasikaso. Gabi na nang magdaos ng
prusisyon.

Mayo 27

Tanghali na kami umuwi. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa bus. Sa


sobrang pagod pagdating ng bahay ay hindi na ako nakakain ng hapunan kaya
sumakit ang aking tiyan.

Mga Hakbang na Ginawa Ko Habang Lumilindol at


Pagkatapos Lumindol

Hulyo 25 _____ Nanatili ako sa lugar na may matibay na pundasyon.

_____ Lumabas ako nang maayos at tahimik sa lugar na


maraming tao.

_____ Humanap ako ng mesa at nagtago ako sa ilalim.

_____ Hinanda ko ang aking sarili sa iba pang pagyanig.

_____ Tinawagan ko ang mga kamag-anak ko at kaibigan sa


B. SURIIN
pamamagitan ng cellphone.

  _____ Inalam ko kung may mga kasamahan akong nasugatan


para
Gawain 3 mabigyan ko ng pangunahing lunas.
_____ Lumilindol kaya sa halip na sumigaw ay kinalma ko ang
aking sarili.
Panuto: Suriing maigi
_____ ang mga
Tinandaan pangyayari
ko ang na ng
kinalalagyan mababasa sa ibaba
mahahalagang bagay at
pagkatapos pagsunudsunuri ito. Markahan
gaya ng switch, fire exit, atb. ng 1- 8 ang bawat pangyayari at
isulat ang sagot sa sagutang papel.

7
C. PAGYAMANIN

Bago magsimula sa pagsulat sulyapan muna ang ating pamantayan sa


pagsulat sa ibaba. Tiyakin na ang iyong isinulat ay nakabatay sa ating pamantayan
dahil ito ang basihan para sa pagtataya na gagawin para sa inyong awtput.

Pamantayan Bahagdan
Wastong gamit ng mga Salita o 15%
pahayag sa pagsulat ng dyornal
Nasunod ang batayang paksa na 15
ginamit sa pagsulat
Isinaalang-alang ang mekaniks sa 30%
pagsulat na: wastong bantas, wastong
gamit ng Malaki at maliliit na letra at
kalinisan ng Gawain.
Malikhain ang pagkakasulat ng dyornal 30%
8
Maayos ang orgnisasyon ng dyornal na 10
isinulat
Kabuuan 100%

GAWIN MO
Pagsasanay 1

Birthday mo, sinabi ng iyong mga magulang na hindi ka magkakaroon ng


birthday party bagkus pupunta kayo sa Camiguin Island para magbakasyon at
mamasyal doon sa iyong mga pinsan. Sobrang excited ka kaya sa araw na iyon
mismo ay umalis kayo papuntang Camiguin Island.

Panuto: Sumulat ng dyornal tungkol sa maaaring maganap sa petsang


mababasa sa ibaba gamit ang mga mahalagang elemento ng maikling
kuwento. Gaya ng tauhan, tagpuan, suliranin at wakas.
Tauhan: (sino-sino ang mga kasama mo)
Tagpuan: (anong ispisipik na lugar o saang lugar naganap).
Suliranin: (anong mga suliranin ang naranasan mo)
Wakas: (Ano ang wakas sa araw na ito kasali na ang iyong nararamdaman).

Hunyo 18

Hunyo 19

Hunyo 20

Pagsasanay 2

9
Panuto: Gumawa ng sariling dyornal tungkol sa mga nangyari sa iyong
pamilya noong panahon ng Pandemya (COVID 19),lagyan ng petsa
ang bawat pangyayarai, gamitin ang mga mahalagang elemento ng
maikling kuwento. Gaya ng tauhan, tagpuan, suliranin at wakas.
Sumulat lamang nga limang (5) pangyayari. Gayahin ang kasunod na
pormat sa ibaba isulat ang dyornal sa iyong kuwaderno.

Halimbawa:
Marso 30, 2020

Isa sa hindi ko malimutang pangyayari sa araw na ito sa panahon ng


pandemya (COVID 19) ay nong umuwi si tatay galing sa kanyang trabaho na sobrang
lungkot. Naging abala ako sa pagluluto ng hapunan nang dumating si tatay kaya hindi
ko siya nakausap. Nagtataka ako sa kanyang kinikilos ngunit wala akong lakas na
loob na tanungin siya, hanggang sa nakita ko si nanay na umiiyak habang sila ay
nag-uusap. Nalaman ko na nagbawas pala ng trabahante ang kompanya nila Itay at
isa siya sa natanggal sa trabaho, kaya nawalan siya ng trabaho. Napakalungkot
naming sa araw na iyon pero wala kaming nagawa.

1. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________________.

2. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________________.

3. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

4. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________.

5. ______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________.
Pagsasanay 3

10
Panuto: Gamit ang mga elemento ng maikling kuwento sumulat ng dyornal
tungkol sa nakaraang Christmas at new year sa inyong bahay na
inyong naranasan. Gayahin lamang ang pormat sa pagsagot at isulat
sa sagutang papel.

Birthday (petsa)

Pangyayari:

____________________________________________________________
____________________________________________________________
______________________________________________________.

ISAISIP

Panuto: Basahin ang mga petsa sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang mga
pangyayaring naganap sa mga petsang nabanggit. Dugtungan ang mga
patlang ng susunod na mga pangyayari.

Hanay A - Petsa Hanay B – Pangyayari

Marso 16, 1561 (Pagdiskubre ni Magellan sa Pilipinas)

1. __________________________________
2. __________________________________
3. __________________________________

11
Hunyo 12, 1898 (Araw ng Kalayaan)

1. _________________________________
2. _________________________________
3. _________________________________

Pebrero 25, 1986 (Edsa Revolution)

1. __________________________________
2. __________________________________
3. __________________________________

D. ISAGAWA
Panuto: Suriin ang pangyayari sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel kung saang
paksa ito kabilang. Piliin ang sagot sa mga salitang nakakahon.

Pagbaha pagdalo sa pagtitipon paggawa ng proyekto


pagtulong sa kapwa pagkakasakit pagsali sa patimpalak
panonood ng sine pamimiyesta pagsakay sa MRT

1. Kayraming handa nina Tita Ningning. Pati ang musikong tumugtog sa prusisyon
ay kanyang pinakain. Sa gabi ay sumali ako sa timpalak sa pag-awit.

2. Nagtutulakan ang mga tao sa pagsakay. Kasi naman, nagwelga ang mga driver
ng dyip at bus. Kaya wala akong mapipiling sakyan kundi ang mahabang tren na
ito.
12
3. Katatakutan ang panonoorin ko kaya napilitan akong isama ang nakababata kong
kapatid.

4. Naku, pagbukas ko ng pinto ay napasigaw ako. Hindi pala ako makakapasok dahil
abot-binti na ang tubig-baha.

5. Takot ako sa iniksyon pero nang itusok sa akin ng doktor ang karayom ay
napapikit na lamang ako sa sakit. Mahirap maospital.

TAYAHIN

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Salungguhitan ang titik ng iyong tamang sagot at isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ito ay talaan ng mga pansariling gawain, mga naiisip at nadarama at kung anu-


ano pa.
a. talaarawan b. dyornal c. anekdota d. maikling kuwento

2. Sa pagsulat ng dyornal ay mahalagang mapagsunud-sunod ang mga _____.


b. Tauhan b. tagpuan c. pangyayari d. usapan

3. Sa bawat pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng ________.


a. bagay b. kulay c. pangalan d. petsa

4. Epektibo ang pagsusulat ng dyornal sa _______________.


a. madaling-araw b. umaga c. tanghali d. gabi

13
7. Ito ay ginawa upan magbigay gabay o magbigay ng pag-alala sa mga bagay na
nangyari, at mangyayari pa lamang.
b. dyornal b. talaarawan c. anekdota d. talambuhay

8. Sa pagsulat ng talaarawan ay kailangang maayos ang mga _______________.


b. pananaw b. panimula c. detalye d. wakas

7. Ang pagsulat ng dyornal ay higit na _____________.


a. personal b. interpersonal c. makabayan d. masaklaw

8. Tulad ng pagtatala ng petsa, dapat ding maging tiyak sa pagsulat ng


a. panimula b. tagpuan c. tauhan d. oaras

9. Madalas na ang susulating dyornal ay __________________.


a. inililihim b. ipinababasa sa iba c. pinagtatalunan d. binabasa ng malakas

10. Personal ang dyornal kaya __________________.


a. dapat ipabasa sa iba b. ilihim sa iba c. huwag ipabasa sa iba d. sa gabi lang sulatan

KARAGDAGANG GAWAIN

Itala sa sagutang papel ang mga pangyayaring naganap sa iyong buhay


noong nakaraang panahon ng Kapaskuhan. Sundin ang porma sa ibaba:

Petsa Pangyayari

Desyembre 20

Desyembre 21

14
Desyembre 22

Desyembre 23

Desyembre 24

Desyembre 25

 
SUSI NG PAGWAWASTO

Pagyamanin
Panimula at Pangwakas Pagsasanay 1
na Pagtataya
1. Dyornal
Depende sa guro

2. Pangyayari Pagsasanay 2
3. Petsa Depende sa guro
4. Gabi Pagsasanay 3
5. Dyornal
Depende sa guro
6. Detalye
Isaisip
7. Personal
Depende sa guro
8. Tagpuan
9. Inililihim

10. Huwag
15
Gawain 2
Isagawa
1. Enero 1 -
Bagong Taon
2. Pebrero 14 - Araw ng 1. pamimiyesta
mga Puso
3.2.Abril 2 - Araw
pagsakay sa ni
MRT
Balagtas
3. panonood 4. Mayo 1 - Araw
ng sine
ng Paggawa
4. pagbaha
5. Hunyo 12 - Araw ng
5. pagkakasakit
Kalayaan 1 -
6. Nobyembre
Araw ng mga
7. Nobyembre Patay15 -
Huling Araw ng
8. Disyembre 25 - Araw Ramadan
ng Pasko

Gawain 3

2, 6, 3, 5, 8, 7, 1, 4

SANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Rolando A. Bernales, 2008, Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik (Batayan at sanayang-aklat sa Filipino 2, Antas Tersyarya,
Alinsunod sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon), Mutya
Publishing House Inc, Valenzuela City

Jocson, Magdalena O, 2016, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino (Batayang Aklat). Vibal Group, Inc. Araneta Avenue, Quezon City

B. Websites
16
https://brainly.ph/question/767360

https://www.arvicvabol.com

https://mariacristinaroncalesgarcia.wordpress.com/2016/01/24/dyornal-masining-na-
pagpapahayag/

17

You might also like