You are on page 1of 4

Republic

Republic of of
Department
the Philippines
the Philippines
of Education
Department of Education
Region V
Region V
9
Schools Division
SCHOOLS DIVISIONof Sorsogon
OF SORSGON
BAGACAY NATIONAL
BAGACAY NATIONAL HIGHHIGH
SCHOOLSCHOOL
Bagacay, Gubat, Sorsogon

FILIPINO
Telenobela at Kaganapan

I. Panimulang Konsepto
Mahilig ka bang manood ng telenobela? Kinagigiliwan mo ba ng mga
palabas tulad ng K-drama o Korean Novela? Bakit mo ito nagugustuhan?
Nasasalamin mo ba sa iyong napapanood ang mga pangyayaring nagaganap
sa ating lipunan sa kasalukuyan? Batid ko na marami kang natututunan sa
iyong mga napapanood at handa ka na sa araw na ito upang muling
paunlarin ang iyong kaalaman. Kasabay ng pag-unlad ng bawat indibidwal
ay ang pag-unlad ng kaniyang isipan. Sa bawat panibagong araling napag-
aaralan ay mas lumalago ang isipan ng isang mag-aaral.
Sa araling ito ay tiyak na kawiwilihan mo sapagkat susubukin nito
ang talas ng iyong isipan sa paghahambing ng ilang piling pangyayari sa
napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan.

II.Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELC’s


Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang
piling kaganapan sa Lipunang Asyano sa kasalukuyan. (F9PD-Ia-b-39)

III. Mga Gawain


A. Pag-aralan Mo.
Pag-aralan ang piling pangyayari sa telenobela na inihambing sa naganap
sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

Halimbawa:

Pangyayari sa Telenobela Kasalukuyang kaganapan


sa lipunang Asyano
Si Lee Sung-Kyung
na kilala bilang Kim Bok Si Hidilyn Diaz ay
Joo sa Korean nobela na ang kauna-unahang
Weightlifting Fairy ay Pilipino na nanalo ng
isang magaling na gintong medalya sa
weighlifter sa kanilang Womens 55 kgs. Category
unibersidad at nanalo siya for Weightlifting sa ginanap
ng gintong medalya sa na Olympic Games Tokyo
World Weighlifting 2020
B.
Championship 2017
Pagsanayan Mo.
Panuto: Mag-isip ng piling pangyayari sa mga telenobela na napanood mo
na, pagkatapos ay ihambing ito sa piling kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan. (Kung wala pang napapanood na bahagi ng telenobela
maaaring gamitin ang link na ito. https://www.youtube.com/watch?
v=NK5tOInGv8c). Isulat sa sagutang papel

Pangyayari sa Telenobela Kasalukuyang kaganapan


sa lipunang Asyano
C. Tandaan Mo.
Napaghahambing ang piling pangyayari sa telenobela sa piling kaganapan
sa lipunang Asyano sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pag-unawa sa
pangunahing kaisipan nito upang sa ganun ay mas madali itong
maihambing sa mga nangyayari sa kasalukuyan.

Mahalagang pag-aralan ang mga pangyayari sa telenobela sapagkat


katulad ng akda sa libro ito ay nagtuturo rin ng aral sa bawat manonood na
magpapamulat sakanila at maaaring maiugnay ang mga pangyayari sa
kasalukuyang panahon.

D. Gawin Mo.
Panuto: Mag-isip ng telenobela na napanood mo na at pumili ng ilang
bahagi nito. Pagkatapos ay ihambing ang pangyayari na napili sa ilang
piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan o maaari ring sa
naging karanasan mo. Isulat sa sagutang papel.

Pangyayari sa Telenobela Kasalukuyang kaganapan


sa lipunang Asyano

E. Pagtataya
Panuto: Pumili ng ilang piling pangyayari sa “Ang Probinsyano” pagkatapos
ay ihambing ang mga piling pangyayaring ito sa kaganapan sa lipunang
Asyano sa kasalukuyan. Isulat sa sagutang papel.
IV. Susi sa Pagwawasto

V.

Sanggunian

Filipino Kwarter 1 – Modyul 4: Telenobela at Kaganapan, Lovely C. Ariola. et,al.

You might also like